Chapter 73

---------------------------------------------------
 
 
Nagising si Prince sa amoy ng pagkain na nagmumula sa kusina ng pad nya.
 
Bagamat inaantok pa ay pinilit nya ng dumilat at bumangon. He looked at the alarm clock on his bed side table and saw that it's already past 4pm. Napa haba ang tulog nya, pero hindi pa sya nakaka bawi sa ilang araw na pagpupuyat dahil sa pagbabantay kay Dychie.
 
Which reminds him.. Saan kaya ito inuwi ng Daddy nito?
 
Natigil ang pag iisip nya ng marinig nyang nag hum ng isang kanta si Ysabell. Nag e-echo ang pag ha hum nito sa buong pad. Kaunti lang kasi ang gamit nya at malawak ang bawat space.
 
Sinipat nya ang mukha sa salamain, nag hilamos sa sink ng kanyang bathroom at pumunta na sa kusina. Naabutan nya na nag-aahon ng lumpia mula sa kawali ang babae.
 
Lumingon ito ng maramdaman na papalapit sya.
 
"Oh, gising ka na pala. I hope you don't mind. Namili na ako kanina para sa memeriendahin natin." Nakangiting sabi nito.
 
Ysabell was wearing an apron but her beauty can't really be denied. Bagay na bagay rito ang usual hair do nito na sobrang taas ang pagkaka pony tail sa napaka haba at shiny nitong buhok. Madami ang nahumaling sa babae nang umuwi ito mula sa America na retokada na at mayaman na. Hindi alam ng karamihan ang totoong pagkatao nito.. even Aled. Or not.
 
Impossible naman na hindi ito pina background check ng lalaki.
 
"Hoy! Inaantok ka pa ata." Natatawa na sabi nito.
 
Umiling iling sya. "I'm sorry." Lumapit sya sa mesa kung saan sinerve na nito ang luto nito. " Wow. That looks yummy." Kumuha sya ng platito at tinidor.
 
Bago nya pa matusok ang turon ay naglapag ng chocolate syrup at condensed milk si Ysabell sa harap nya. "Lagyan mo ng mga yan, para mas masarap." Kumindat pa ito.
 
Bumalik si Ysabell sa kitchen para isoli sa sabitan ang apron at maghugas ng kamay.
 
"This is really tasty." Sabi nya. May langka iyon kaya masarap. "Hindi ka pa rin kumukupas."
 
Isa ito sa mga tumutulong sa kusina noon sa orphanage kapag magluluto ng agahan at merienda.
 
"Thanks!" she sat next to her. "Nang bola ka pa." Sumubo rin ito. "By the way, i heard you're dating the Chiamera heir?"
 
Muntik na syang mabulunan sa sinabi nito. "What? Chiamera heir?" Tumayo sya at kumuha ng tubig sa two door ref. "Chiamera heir talaga?"
 
Tumawa si Ysabelle. "Ang sensitive masyado? Hindi ko alam pangalan nya eh. Ang alam ko lang, anak sya ni Roberto, and Roberto owned Chiamera.. which is passed to you now. Hay nako. Ang issue nyo ah."
 
Umiling iling sya. "Her name is Dychie. And yeah, we're dating." Kibit balikat na sabi nya.
 
"Ohhhh! Naka move on ka na sa asawa ni Aled?" Nanlaki ang mga mata nito.
 
"Sira ka talaga."
 
"Bakit? Bakit nakikipag date ka na kung hindi ka pa nakakapag move on?"
 
"Hayaan mo na ako. I'm getting there."
 
Bumuntong hininga ang babae. "Hay. Buti pa kayo. May mga happy ending."
 
"Ano'ng buti pa kami? Babaan mo kasi ng konti standards mo." Sabi nya bago muling kumagat sa turon na nilagyan nya ng chocolate syrup.
 
"Change topic." Poker face na sabi nito.
 
"Kita mo 'to. Magsisimula tapos ayaw tapusin." Inaasar na nya ito.
 
"Eh kita mo'ng broken pa ako sa first love ko. Nagpapaka NO OTHER WOMAN na nga ang drama ko, dinedma pa rin ako. Napaka swerte nang Sandy na yan kay Aled. Nauna na nga ako'ng nakilala, hindi pa ako gumawa ng way."
 
"Eh kahit naman gumawa ka ng way. Arranged marriage sila, at nagka inlove-an na lang."
 
"Eh bakit may bitterness ang boses?" Bigla ay sabi nito.
 
"Tumigil ka nga. Sira ka talaga.” Naiiling na sabi nya na lang.
 
Naka ubos sya ng apat na turon. Gutom sya dahil hindi sya kumain ng lunch. Ang babae naman ay naka tatlo. Malakas kumain pero hindi tumataba.
 
"May pupuntahan ka ba later?" Tanong maya maya ni Ysabelle.
 
"Pupunta ako sa Chiamera. Bakit?"
 
"Wala naman. I drop by mo na lang sa Orion. Pwede?"
 
"Oh, kaya mo? I mean.."
 
"O-oo naman. Sabi nya kalimutan na daw namin ang nangyari, diba? I'll do what he said."
 
"Oh. Okay. Ano pala balita? Ikaw ang may hawak ng intel about sa nangyari diba?"
 
"Yeah. I sorted out their family enemies and yung may mga galit. Madami but we nauwi kami sa limang pamilya in terms of capabilities and source."
 
"Please, keep me in the loop. Magkakampi tayo rito."
 
Tumango ito.
 
 
 
 
 
---------------------------------------------------------------------
 
 
 
 
 
Class dismissal.
 
Napangiti si Sandy ng makita na naghihintay sa kanya ang asawa sa parking lot. Naka sandal ito sa kotse nila habang may kausap sa cellphone. Okay na naman sila. Ayaw nya na munang isipin kung kailan na naman sila mag kakasagutan. Sana hindi na.
 
Nang makita sya nito na papalapit ay nagpaalam na ito sa kausap nito at sinalubong sya. Kinuha ang bag nya at ito mismo ang nagbitbit hanggang sa makapasok na sila sa kotse.
 
"Sino yung kausap mo?"
 
"Sniper." Matipid na sgaot nito. "Anyway, i heard na may outing yata ang section nyo?"
 
Nangunot ang noo nya. "How did you know?"
 
"Babe.." Napalabi ito as if saying I KNOW EVERYTHING.
 
"O-oo. Tinatamad ako sumama." Sabi nya.
 
"Ikaw ang bahala. Can i just drop you off kila mama?" Tukoy nito sa mama nya. "I'll have to head to Orion. I have some business to do."
 
"Okay lang. Wala namang pasok bukas, can i sleep there?"
 
"Okay, susunduin na lang kita bukas."
 
After thirty minutes ay sakay na sya ng elevator paakyat sa condo unit kung saan nakatira ang mama nya at mga kapatid nya.
 
Ang mama nya lang at si Chloe ang naroon. Hindi pa raw umuuwi si Carina.
 
So she called her. Minsan lang kasi sya dumalaw at sana naroon rin ito. Ang mama nya na rin kasi mismo ang nagsasabi na kung pwede ay huwag syang madalas dadalaw dahil may asawa na sya, at kailangan nya ng matuto na malalayo sa kanila kahit papaano.
 
Masyadong idealistic ang mama nya. Alam nya rin naman kasi na hindi biro ang pamilya ng napangasawa nya at ang naitulong ng mga ito sa kanila. Pati ang pakikitungo ng mga magulang ni Aled ay wala syang masasabi
 
Agad na sinagot ng kapatid nya ang tawag nya. Pauwi na raw ito, pero nahihirapan sumakay dahil punuan ang mga jeep. Sinabihan nyang mag taxi na lang ito at sya na ang magbabayad pagdating sa lobby. Natuwa ang kapatid nya.
 
Magluluto pa sana ang mama nya ngunit naisip nya na sa labas na lang sila kakain.
 
"Mag shopping po muna tayo bago kumain, maaga pa naman." Sabi nya.
 
Sa una ay alangan ang mama nya, pero sinigurado nya na wala itong dapat ikabahala.
 
Dali daling nagbihis si Chloe pati na si Carina ng sabihin na mag sa-shopping sila. magandang way na rin iyon para iwan saglit ang kanyang pagiging 'sosyalerang asawa ni Alejandro Santillan' kahit isang gabi lang plus, naka bonding nya pa ang mama at mga kapatid nya.
 
Hindi nya na tinawagan si Aled. Baka magpa dala ito ng bodyguards at magtaka ang mga kapatid at mama nya if ever.
 
 
--------------------------------------------------------------------
 
 
 
 
 
 
 
"Talk to me." Ang bungad ni Aled ng marating nya na ang Orion. Si Wilson ang unang sumalubong sa kanya. Naka buntot ito sa kanya habang naglalakad papunta sa opisina nya.
 
"Naka surveilance na lahat ng mga suspect na nasa pinadala ni Ysabelle na list. And speaking of Ysabelle, she's here. She's in her office." Ang sabi ni Wilson.
 
"Okay." Hindi na sya nagtaka.
 
Ngunit malamang na nagtataka ang iba. Ang sabi nya kasi ay hindi muna pababalikin si Ysabelle but they badly needed her in this type of situation. At hindi nya pa naaannounce sa mga ito iyon.
 
"So active na ulit si Ysabelle?" Tanong nito.
 
"Yes. Activate her files." Utos nya bago pumasok ng diretso sa opisina nya.
 
Bawat myembro ng Orion na active ay kailangang nasa active members list ng kanilang data base upang mas madali ma track ang records nila at ang mga galaw, pati inventory ng weapons and equipments na ginamit nila. Pati bills na kailangan nilang bayaran kada mission.
 
Sumunod pumasok si Wilson.
 
"Three hours nang naka surveilance pero wala pa raw kahina hinalang kilos yung lima."
 
Umupo sya sa swivel chair. "THis is so stressful. I'm gonna kill them myself." Sabi nya habang itinataas ang paa sa lamesa.
 
"Motivated na motivated." Sabi  naman ni Wilson. "Anyway, naka labas na raw si Dychie ng hospital. Si Roberto mismo ang sumundo."
 
"Yeah, i heard. Mas okay na rin yun, at least wala ng responsibilidad si Roberto sa Chiamera at pwede nya ng mas maitago si Dychie."
 
"Papayag naman kaya si Dychie? Eh nag de date na sila ni Prince."
 
Hindi sya kaagad nakapagsalita.
 
"Don't tell me,. hindi mo alam?"
 
"No, i don't know anything about it." Walang emosyon na sabi nya.
 
Hindi na nagsalita si Wilson.
 
 
 
"Ano'ng oras dumating si Ysabelle?"
 
"Kaninang 6pm. Why?"
 
"Hindi sya natulog dito?"
 
Umiling si Wilson. "Well, hindi. As far as i know, kanina lang talaga sya dumating."
 
"Okay. Sige na, asikasuhin mo na ang pag surveilance."
 
 
 
------------------------------------------
 
 
 
 
 
Alam ni Ysabelle na nasa opisina na nito si Aled.
 
Balak nyang kausapin ito at mag sorry tungkol sa nangyari kagabi ngunit nag iipon pa sya ng lakas ng loob. Bilang isa sa mga main agents ng Orion, mag mga opisina sila sa first floor. Pero pinaka special yung kanya dahil pinagawa talaga iyon para sa kanya.
 
Nag extend sa bandang likod ng building upang maging office nya. Gusto nya kasi, glass walls at open ang space. Bale venetian blinds ang pangtakip nya if she wants privacy. At kasalukuyang naka sara iyon. Pwedeng sound proof, pwedeng hindi. pwede rin nyang wag marinig ang nasa labas na ingay, pwedeng marinig nya.
 
At ang oras na iyon ay isa sa mga oras kung saan naka sara lang ang venetian blinds nya ngunit wala na syang kaartehan pang ginalaw. Malamig ang aircon ngunti hindi ito maingay. Just when she was about to go out to talk to Aled, she heard a voice, talking to a phone. Halatang galing ito sa loob ng building dahil palakas ng palakas ang boses.
 
"Just don't do any stupid move. I told you, you are on surveilance. And even though nagpa finance lang kayo, kasama na rin kayo ditto. I am trying to help you so don't fuck it. Yes, i understand. I know about it, aalamin ko kung saan dinala ni Roberto ang anak nya. Just do your thing."
 
Nanlaki ang mga mata nya. Are they talking about Dychie? May spy sa orion?!

Book Comment (626)

  • avatar
    Gela Malit

    so very nice

    21d

      0
  • avatar
    Har Len Lampago Conserman

    ang ganda ng story!! confuse lng aku sa pamagat nya

    25/03

      0
  • avatar
    Daisy Padiernos Pario

    maganda. nkkakilig

    17/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters