It all started when she met her Prince.. and they lived happily ever after.
Mabuti sana kung lahat ng love story ay ganyan. Mabuti sana kung lahat ng mga love story ay may happy ending. Pero alam nyang hindi.
Sa totoo lang nahihirapan na sya. Hindi nya na mabilang kung ilang beses na syang pinanghihinaan ng loob sa tuwing nasasaktan sya dahil sa mga nagagawa ni Aled. But she love her husband. And she really do. Pinili nya ang buhay na ito, there's no turning back.
Dalawang araw na silang hindi nagpapansinan. Kahit sila Aileen ay hindi na lang nagtatanong. Mas maaga ito'ng umaalis papasok ng school, kaya automatic ay ang driver at dalawang guard ang maghahatid sa kanya. Wala rin sa mga kaklase nya ang tila may lakas ng loob magtanong since mukha daw syang matamlay sabi ng professor nila.
For the last two days, puro paghabol sa lessons at pagtanggap ng projects mula sa mga professor nya ang ginawa nya para makahabol sa mga araw na hindi sya pumasok. Dalawang araw na rin syang puyat dahil sa mga projects at syempre, iniisip nya kung saan sila hahantong.
Isa'ng beses nya lang din ulit ito'ng nakita sa mansion mula ng magsagutan sila pero hindi sila nagtinginan. Papunta sya ng library at papunta naman ito ng poolside.
Nagkulong sya sa kwarto at hindi na sya nag usisa sa mga guards nito kung saan nagpupupunta ang asawa. Maybe they really need space. At bagamat nais nyang makausap si Prince ay pinigilan nya ang sarili. Hindi nya alam kung bakit ayaw na ayaw ng asawa nya rito. Alam ba nito ang totoong nararamdaman ni Prince sa kanya?
Ganun pa man, wala ito'ng karapatan na paratangan sila ni Prince ng kung anu ano. Unang una, wala ito'ng ebidensya at ikalawa, hindi totoo. Pero yung affair ng lalaki, may ebidensya. Nakita na ng iba pang tao bago nya makita. Ang sakit sakit.
Napaka ganda pa ng model na kasama nito. Buysit.
"Sandy?" Bumalik sa kasalukuyan ang isip nya ng makita nyang dumukwang si Aileen sa pinto. May dala ito'ng tray na puno ng pagkain. "Hindi ka bumaba kanina para kumain." Nakangiti na sabi nito. Kasunod nito si Lisa na may dala namang mga inumin,
Ngumiti rin sya. Hindi talaga pumapalya ang mga ito sa pag-aalaga sa kanya.
"Tutulungan ka na rin namin dyan. Dalawang gabi ka ng lagi naglalamay dyan." Sabi naman ni Lisa.
"Salamat. Kailangan ko humabol sa mga absences ko." Sabi nya.
Tumulong ang dalawa sa mga ginagawa nya kaya natapos iyon ng maaga. Nakapag kwentuhan pa sila but she stopped herself from telling them what she knew. Ipinakita nya na simpleng tampuhan lang ang nangyayari.
------------------------------------------
"Nice race!" Puri ni Wilson habang inaabot ang hinubad na helmet ni Aled pagkababa nito sa bago'ng bago'ng Lamborghini Murcielago.
For the last two nights after having a fight with Sandy, ibinuhos ni Aled ang oras at lahat ng nararamadaman sa pakikipag karera bagamat ilang buwan rin syang hindi sumabak sa drag racing. Ikinagulat nga ng mga nag organize ng drag race ng makita sila ng mga ito.
Agad syang sumalang sa first race. He was a bit distracted kaya natalo sya at hindi naman yung issue ngayon. Pampalipas nya lang naman ito ng oras sa ngayon. Ayaw nyang mag stay sa mansion. Nadadala sya na puntahan sa kwarto ang asawa at yakapin. The second and third are all on him naman.
Hindi iyon ganun kadali. Alam naman nito na ayaw nyang may uganayn ito at si Prince pero nagawa pa nitong makipag usap ng magdamagan sa lalaki! Naiinis sya. Inaakusahan pa sya na sya ang manloloko. She should know na sikat sya at anytime ay pwedeng gumawa ng kwento ang mga naka paligid sa kanya pero nagalit pa ito.
Hay. Sa hotel sya matutulog.
Pero nag aya ng victory party si Wilson na hindi nya alam kung bakit nakabuntot sa kanya. Hinayaan nya na lang ito, tutal ay gusto nya rin naman uminom ng gabing iyon. Tiyak naman kasi na hindi pa sya agad makakatulog.
"Ano ba problema bossing?" Tanong ni Wilson ng marating na nila ang bar na pag iinuman nila.
Umiling lang sya at kumuha ng bote ng alak.
"May LQ kayong mag asawa?" Tanong ulit nito.
"Huwag makulit. Wala ako sa mood." Seryosong sagot nya.
Hindi na nga rin talaga ito nagtanong pa, bagamat halata na curious ito talaga
Ano na kaya ang ginagawa ngayon ni Sandy? Ang sabi ng driver nito na tinatawagan nya halos eight times for the last two days para malaman ang mga ginagawa ng asawa ay wala naman daw ito ibang pinuntahan. Pagkatapos sa eskwelahan ay sa mansion agad ang tungo nito.
Kahit papaano ay naging kampante sya. Hindi pa rin naman nawawala sa isip nya na anytime ay pwedeng ipa hit ulit ito ni Sophia, o baka nga may hti order na. Pero sa standing nya sa underground society ay malalaman nya naman agad. Alam na rin naman ng mga ito na once may hit sa asawa nya ay bibigyan nya ng pabuya ang makakapagsabi.
Ilang sandali pa at nag-aya na lumipat sa iba'ng club sila Wilson kasama ang ilan sa mga kasama nya sa philippine drag racing society. Sya naman ay puno pa rin ng pag-iisip sa sitwasyon at huli na ng malaman nya na sa isa'ng vip strip club sila humantong.
"What the hell? What are we doing here?" Tanong nya kay Wilson ng makapasok na sila at agad na nanuot sa amoy nya ang amoy ng alak at sigarilyo pati ang maharot na tunog sa paligid.
"It's okay, bossing. HIndi malalaman ni Madam." Pag-a-assure naman ni Wilson.
Kunot ang noo nya. "Just do what you want." Inis na lang na sabi nya. Ayaw nya ng makipag argumento sa lalaki.
At syempre pa ay may see through vip room sila sa taas. Kitang kita doon ang mga gumigiling na babae sa stage. He must admit, magaganda at mapigura talaga ang mga babae doon, but hanggang doon na lang iyon. Wala syang balak mag table or what. Kailangan nya lang talaga ng pampalipas oras.
Uminom na lang sya ng uminom. Ibinilin nya naman kay Wilson na sa hotel nila kailangang tumuloy. Ito na ang bahala..
Dahan dahan na pinihit ni Sophia ang seradura ng pintuan na nasa harap nya. Excited na syang mapasakanya si Aled, at ang mga tao behind that door ang makakatulong sa kanya.
Naplano nya na ng maayos ang gagawin nya.
There's no turning back. Kailangan nya na si Aled. She wants to be with him already.
At gusto nya na maging Mrs. Alejandro Santillan.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (626)
Gela Malit
so very nice
24d
0
Har Len Lampago Conserman
ang ganda ng story!!
confuse lng aku sa pamagat nya
so very nice
24d
0ang ganda ng story!! confuse lng aku sa pamagat nya
25/03
0maganda. nkkakilig
17/03
0View All