Homepage/I Married The Ice King (Tagalog)/
Chapter 69
Alas onse ng gabi umalis sa hospital sila Sandy at Aled.
Halos 'ipagtabuyan' na kasi sila ni Prince. May pasok pa daw sila kinabukasan, etcetera, etcetera.
Nakikipag diskusyon pa sana sya rito ng bigla syang hilahin ni Aled at agad na umalis.
Pasado alas dose sila nakarating sa mansion. Natural na tahimik. Tulog na ang mga katulong at malamang na nagbabasa pa ng pocketbook sila Aileen at Lisa.
Akbay sya nito hanggang sa makaakyat na sila.
"Aren't you going to sleep in my room?" Tila inosente na tanong nito nang kumalas sya sa pagkaka akbay nito at akmang bubuksan na ang pinto ng kanyang kwarto.
"Ah, m-may tatapusin pa kasi ako'ng project. I know you're tired. Magpahinga ka na." She gave him a sweet smile.
"Oh, okay." Lumapit ito sa kanya at binigyan sya ng smack. "Ikaw ang gumising sa akin bukas hmm?"
Tumango sya. Tsaka lang sya pumasok ng makapasok na ito sa sarili nitong kwarto. Nakahinga sya ng maluwag. Agad nyang initsa sa tokador nya ang shoulder bag nya at agad na sumalampak ng upo sa kama.
Hawak nya ang cellphone nya. Tatawagan nya na si Wilson. Sa sobrang resourceful nito ay naka speed dial na ito sa cellphone nya.
"Hello? Oh bakit gising ka pa? Is Aled there?" Agad na tanong ni Wilson.
"N-no. Ah, may favor sana ako sayo."
"Uhuh. At ano naman iyon?" Natatawa na tanong nito.
Napakagat labi sya. "Ah.. kamusta yung pag tingin nyo sa mga tapes?" Imbes ang nasabi nya.
"Well, wala pa kaming suspect but we traced Dychie's moves as well as Prince. Yung Jade naman, halatang nawalan ng cellphone. Nakita namin sa camera na for a while talagang naghanap sya ng cellphone but we never saw how or kung saan nawala, kung sino ang kumuha."
"I see." Sagot nya.
"So.. what's the favor?"
"A-ano kasi, may kausap si Alejandro na babae noong party.. gusto ko lang sana malaman kung sino sya." LInakasan nya na ang loob nya. Hindi sya makakatulog pa ng isang gabi not knowing who she is.
"Huh? What time?"
"B-basta, nung kumukuha sya ng pagkain. Medyo kakasimula pa lang ng party."
"Okay, wait. I'll check."
Ilang sandali pa at tunog ng pag click ng mouse ang pawang naririnig nya hanggang sa muling nagsalita si Wilson.
"Are you kidding me?"
"Huh? No.." Naguguluhan na sagot nya.
"Well, i know her too, okay. She's Ysabelle. She's also an Orion." Sagot ni Wilson na hindi mapigilan maging giddy.
"T-talaga?"
"Don't tell me nagseselos ka?" He's teasing her.
"H-hindi no! I was just asking kasi hindi p-pamilyar." Pagtanggi nya
Narinig nya ang halakhak ni Wilson sa kabilang linya. "Oh c'mon! Satin lang naman, Sandy. Amin amin din."
"Shut up! I was just curious, okay?" Yamot na sagot nya.
"Well, since curious ka, let me tell you her info, okay? Classified agent sana yan, but since." umubo ito kunyari. "Si Madam Sandy ang gusto makakuha ng intel, i'll give you infos." Pang aasar pa nito.
"Cut the chase, Wilson. Please!"
Tawa pa rin ng tawa ang lalaki sa kabilang linya. "Well, Ysabelle became an agent two years ago. Graduate sya sa St. Bernard. Nagkakilala sila ni Aled sa taekwando lessons nila way back. He was impressed with her skills, so he asked someone to recruit her. Akalain mo naman na game na game si Ysabelle. Then hayun. Bihira lang sya isalang, central inteligence ang expertise nya pero pwede rin sya pang combat."
Tumatango tango lang sya. "W-wala naman kasi nagsabi sa akin." Sabi nya.
"Syempre! Halos makalimutan ko na nga na Orion sya, kung hindi mo lang tinanong. She's been innactive for quite a while now. Well, si Aled na rin naman ang may gusto. Huhugutin nya na lang daw ito ulit kapag badly needed na nya ang babae."
"And by that means?" Tanong nya.
"Ano ka ba, sa field! Baka kung ano iniisip mo ha? Ang dumi ng utak!" Pang aasar pa ni Wilson.
"Huh? Ah! Okay. Hoy, sa atin lang to ha? Lagot ka sakin pag sinabi mo kay Alejandro na tinanong kita." Banta nya.
"Opo, opo. Alam mo naman mas loyal ako sayo." Tatawa tawa pa ito hanggang sa putulin na nito ang linya.
Pasalampak syang humiga.
Ysabelle. Maganda ang pangalan, maganda rin ang itsura, tapos ayon kay Wilson, impressed daw ang asawa nya sa skills ng babae. Eh sya? Nganga. Sa grasshopper nga nagtitili pa sya. Bagamat mas naging active at keen sya mula ng ma kidnapped sya lalo na ng malaman nya ang lahat, obvious naman na walang wala sya sa babae.
Teka, bakit ba ganito ang iniisip nya? Insecure ba sya?
Sinabunutan nya ang sarili. Asawa nya na si Aled, no! tsaka nag a I LOVE YOU na ito sa kanya. Wala na dapat syang alalahanin.
Isi-net nya na lang ang alarm ng cellphone nya.
Ngunit hindi ang alarm ng cellphone nya ang dahilan ng pag gising nya, kundi ang pagyugyog sa kanya ni Aileen at Lisa.
"Senyorita! Gising! Gising na bilis!" Nagsasalitan ang dalawa s apag gising sa kanya.
Napabalikwas sya ng bangon. Tumingin sya sa paligid. "Ano ba yun? Mukhang maaga pa!" Humikab sya.
"Eh senyorita. Ano po kasi.." Nagtinginan ang dalawa.
"Ano ba yon? Nakapikit na tanong nya.
"May babae po sa sala. Kausap ni Senyorito. Ysabella ba yun? Kilala nyo? Baka kasi hindi nyo kilala. First time pa lang din namin nakita." Kwento ni Aileen.
The moment na narinig nya iyon ay tila pati nerves nya ay nabuhay.
"Long hair? May kulay ang buhok? Matangkad?" Sunod sunod na tanong nya.
Sunod sunod din na tumango ang dalawa.
"A-anong ginagawa nya rito?" Tanong nya habang inaalis ang comforter sa hita nya at tumayo na mula sa kama. "Kanina pa ba?"
"Medyo. Kanina pa sila nag-uusap sa library." Sagot ni Lisa.
She did not bothered to look at herself in the miror. Gusto nyang malaman kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa.
Hindi na nga nya naisip kumatok! Tuloy tuloy nyang binuksan ang library kung saan din sila unang nagkita as 'fiancee' ng lalaki.
Naabutan nya na parehong nakatayo ang dalawa, magkaharap at kasalukuyang nag-uusap. Napatingin ang mga ito sa kanya.
Agad na tiningnan ni Aled ang suot nitong wristwatch. Naka ligo at naka bihis na ito.
"Oh? Maaga pa. Bakit nagising ka na?" Kunot ang noo na tanong nito. Nasa bulsa ang isang kamay nito.
Napangiwi sya. "Ah, eh. Nag alarm ako ng mas maaga kasi sabi mo gisingin kita.." Sabi nya na nakatingin sa babae.
Ysabelle was wearing a black above the knee dress, mataas ang pagkaka ponytail ng orangey na super straight na buhok nito, walang accessories. Kumikinang din ang tila crystals na nasa wedge na suot nito.
"Oh, right. Ysabelle, she's my wife." Sabi ni Aled ng mapansin syang nakatingin sa babae.
"Right." Ngumiti ito sa kanya at nilapitan sya. Inilahad nito ang kamay nito sa kanya. She has a tattoo on her wrist. "Hi! I am Ysabelle. Nice to meet you."
"H-hello." Sabi nya. Inabot nya ang kamay nito.
Muling bumaling si Ysabelle sa asawa nya. "So i guess, it ends here. Magrereport na lang ako sayo every twelve hours. Ciao!" Kumaway ito habang palabas ng pintuan.
Naka alis na ang babae pero tila na star struck pa rin sya rito. Pwedeng pwede ito mag artista sa ganda, kinis at puti nito. Sya yung tipo ng tao na overwhelming ang aura sa malayo, mas overwhelming pa pag malapit.
Aled snapped his fingers at her face. "Hey! Inaantok ka pa ba?" Tanong nito.
"Ah! H-hindi na. Ano mo sya?" Curious syang malamn kung ano ang isasagot ng asawa. NAKAKAINIS. MASYADONG PERFECT ANG BABAENG IYON.
"She's one of my highest paid agent in Orion." Sagot nito. Inakbayan sya nito at inakay palabas ng library. Rinig nya ang pagharurot ng kotse sa labas. probably ay ang babae na iyon. "Let's eat."
Tumango na lang sya.
---------------------------
For the past two and a half days, bilang lang sa daliri ang oras ng tulog o idlip ni Prince. But that's the least of his worries. Nag-aalala sya na baka my damage ang nangyari kay Dychie. O baka magalit ito sa kanya, stuffs like that.
Kung kailan nagmo-move on na sya kay Sandy, tsaka pa ito nangyari. But he really wants to know who did it. He would kill that bastard in a heartbeat. Matagal tagal na rin naman mula ng makapatay sya sa isang mission.
Muli na sana syang pipikit ng tumunog ang cellphone nya. it's Joshua.
Pinapatrabaho nya rito ang pag review sa security tapes, at nakikipag tulungan na rin ang Orion sa Chiamera. Knowing na maaring magbigay ito ng bagong information, agad nyang sinagot.
"We reviewed the tapes. At first hindi kapansin pansin but there's this girl na nahagip lang ng camera sa may cr. At the approximate time na nabugbog si Dychie, this girl went inside the cr looking so nervous and shaking, although walang dugo or kahit na anong physical evidence." Agad na sabi nio Joshua.
"Okay. It's a start. Nag padala ka na ba ng tao para i surveilance?" Alam nyang oo ang sagot doon dahil SOP sa kanila iyon, but he just wants to confirm.
"Uh, oo. Actually nagpilit rin si Wilson na magpadala ng isang agent ng Orion. Medyo nangungulit na rin daw kasi si Sandy para magka suspect na."
Hindi na rin sya nagtaka. Napangiti sya ng marinig ang pangalan ng babae. Classic. "It's okay. Gusto nila tumulong, just let them. Magagamit rin natin ang pangalan ni Aled sa Underground, baka mas mapadali ang investigation."
"Copy that. Kumusta na si Dychie? Grabe. Pumunta dito si Roberto. Galit na galit. Nagbigay pa sya ng direct orders. Sya daw ang magbibigay ng hit." Hininaan ni Joshua ang boses.
"Intindihin mo na lang. Wala pa naman tayong evidence kung sino.. wala pa rin naman syang info about dun. Just let him be. Just do what i told you to do."
Matagal ng naputol ang linya pero hindi na bumalik sa isip nya ang pumikit pa. Another restless night ng pagbabantay. Hindi pa rin yata magigising ang babae. Literal na bugbog sarado ang nakuha nito. Knowing her, hindi naman yata ito war freak. May pagka mahadera lang ang babae.
He texted Sandy about what Joshua told her. They have a deal na magsasabihan sila ng info. Ang nakakatuwa roon ay parang ang babae na ang may hawak ng Orion. Ito na rin ang bukang bibig ng ibang agent ng Orion na may inutos o may sinabi.
Aled must have really love her.
Kinapa nya ang dibdib. Masakit pa rin. Pero hindi na kagaya ng dati...Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (626)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
so very nice
21d
0ang ganda ng story!! confuse lng aku sa pamagat nya
25/03
0maganda. nkkakilig
17/03
0View All