Coffee 17

Kasalukuyan kami ngayong nasa baguio at nag iikot ikot upang maghanap ng mapagtatambayan. Sa hindi inaasahan ay napadpad kami sa starbucks, pero hindi pa man dinn kami nakakaupo ay nagtatalo na kung sino ang mababayad. Wala namang magawa si Mykiel kaya siya nalang daw ang magbabayad. Kami naman ng kapatid niya ay tuwang tuwa habang nagkukuwentohan ng mga kung ano anong kaganapan sa buhay.
"So kamusta ang pagdidiskarte sayo ni Alex?" May pakindat pang pagtatanong ni Mikay. Kita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Kiel sa akin na parang nagtatanong kung totoo  ba ito.
"Don't know. Hindi ko naman pinapansin 'yon." Casual kong sagot habang nainom ng kape.
"What? So totoo nga ang nababalitaan ko?" Shock naman na tanong sa akin ni Kiel. Ito na naman siya over.
"You're so over reacting talaga," tawa tawa ko nalang na sagot rito. Kahit ang kapatid niya ay natatawa na din sa kaniya. Ganiyan talaga siya, kahit noong nililigawan pa lang ay kapatid niya ay bantay sarado niya pero may nakalusot pa din.
Matapos naming ubosin ang mga pinagbibili namin sa tindahan ay napagpasyahan naming maglakad lakad lang din muna. Though wala naman kaming gagawin sa aming mga tahanan ay nagyaya itong si Mykiel na magcheck in alang kaming tatlo sa hotel ng two days at uuwi nalang kami sa lunes ng umaga. Para na din masulit namin ang pagpunta namin dito.
Agad akong nagtext kay mama na ganon araw na ako makakauwi at pumayag naman sila ni papa. Tiwala naman din sila kay Mykiel dahil alam nilang mabuti itong tao at para na din nila itong anak. Kaya naman habang katirikan ng araw ay nag aya magswimming itong si Mikay. Nakabili daw siya ng swimsuit namin kanina sa labas. Hindi ko alam kung sinadya nila ito at nakaplano na. 
"Parang plinano niyo 'to eh!" Sabi ko sa'ka sila sinamaan ng tingin. Tinawanan lang ako ng magkapatid. Very magaling talaga. Nahatak na naman ako ng mga ito.
Hinagis sa akin ni Mikay ang isang sky blue two piece at alam kong sadya niya 'to. "Sige magbihis kana bebs mang bibingwit tayo ng isda."
"Gaga! May boyfriend ka remember?" Irap ka dito. 
Tumawa naman ito sa'ka nagsabi ng "Syempre secret lang natin 'yon."
"Malandi ka talaga!" Saad ko sabay tawa
Nagbihis na din ako sa sarali kong room. Tatlo kasi ang kinuha ni Kiel para isa isa kami. Siya naman din nagbayad nito. Sabi ko nga share nalang kami ng kapatid niya kaso nag insist siya kaya hinayan ko na. 
Tinitingnan ko pa ang sarili ko sa salamin. Bumagay sa hindi ko naman masyadong curve na katawan at hindi kalakihang balakang ang two piece na binigay sa akin ni Mikay. Highwaist na din kasi iyong parang sa bewang kaya para itong may kurba. At may kalakihan din naman ag aking dibdib kaya naman bagay talaga ito. 
Napagdesisyonan kong magmirror shot at pinost ko ito sa aking instragram account at wala pang ilang minuto ay marami na agad itong reacts. Kasama na dito ang mga ssg officer's na nagsipagcomment din. Hinayaan  ko nalang ito at lumabas na. 
"Bebs! Bagay sayo!" Bungad agad sa akin ni Mikay. Napakaingay talaga ng babaeng to. Bumagay din naman sa kaniya ang dilaw niyang two piece chubby siya tingnan pero makurba kaya napakasexy niya.
"Bagay din sayo 'yong suot mo! Maglalaway na naman boyfriend mo niyan." Puri ko dito at natatawa pa. Natawa din naman ito nang may sumabat sa usapan namin.
"Huy bakit ganiyan ang mga suot niyo? Ang daming tao dito," saway sa amin ni Kiel pero tinawanan lang namin.
"It's okay Kiel. Minsan lang naman." I said.
"You two are very stubborn. Huwag kayo lalayo ha," paalala nalang nito sa amin dahil wala na din naman itong magawa nasa labas na kami. 
"Tara na bebs." Aya ni Mikay sa'kin
"Sa counter bar lang din ako." Paalam sa amin ni Kiel. Hinayaan nalang namin ito dahil alam naming may problema itong iniisip. Sa'ka alam ko din naman na hi di iyon marunong maglasing kaya nagsipunta nalang kaming dalawa sa pool.
Nahiga na din ako sa lounge at nag aapply ng sunscreen. Nakakarinig na din kami ng mga pumipito pero hinayaan nalang namin ito. 
Katabi ko lang naman din si Mikay na tapos na maglagay ng sunscreen sa katawan at nagseselfie na siya.
Kinuhaan niya din ako na nakahiga habang may suot na shades.
"Hala bebs nagpost ka pala kanina?" Biglaan nitong tanong
"Yes, why?" Sagot ko naman sa'ka napatingin sa kaniya. She just shrug her shoulder kaya hinayaan ko nalang at tinabi ko na ang cellphone ko na balak kong buksan kanina.
"Wait I'll just get us juice." Paalam ko rito tumango naman ito. Dinala ko na din ang cellphone ko para incase maghanap sila ay matatawagan ako.
Habang naglalakad papuntang counter ay hinanap pa ng mga mata ko si Kiel ngunit hindi ko ito makita. Nang makalapit na ako sa bar counter ay nag order agad ako ng dalawang juice  at umupo muna doon saglit.
"Hey miss. Pwedeng umupo?" Tanong ng lalaking kakaupo lang sa may tabi ko. Nagtanong ka pa. 
Napataas agad ang kilay ko at nilingon ito "Nagpaalam ka pa." 
"Wow ang sungit mo na ngayon Cristy!" Tawang tawang saad ng lalaking ito
Nagtaka naman ako kung bakit ako nito kilala kaya tinanggal ko ang shades ko sa'ka tinitigan kung sino ito at walang iba kung hindi ai Magno.
"Wtf! Ikaw lang pala. I thought someone's hitting on me again." I frustratedly said. Inirapan ko ito ngunit natawa lang siya.
"How are you Coz?" He ask at kinuha ang isang juice na order ko.
"You're so makapal talaga. Hindi sayo 'yan," saway ko ngunit nainom na niya ito.
"Grabe libre mo nato. Iniwan mo ko sa Singapore babaeta ka." Saad nito. At totoo iyon. Noong doon kasi ako nakatira ay pumunta ito doon at isang buwan nanatili at ngayon lang yata ito umuwi.
Anak ito ng pinsan ng mama ko. Medyo close naman kami pero hindi rin naman magkaaway. Doon din ito nag aaral sa school na pinapasokan ko ngayon.
Magsasalita pa sana ako ngunit may babaetang umepal sa akin. "Gurl trending kayong dalawa ngayon sa page ng school! May nagpicture sa inyo!" 
Nakita ko ang picture namin habang nag uusap pa kami kanina ni Magno. May picture din na nagtatawanan. Pero pinagsa walang bahala ko nalang ito dahil wala lang naman talaga ito.
Maya maya pa ay nagvibrate ang cellphone ko at nakita ko ang isang mesahe nagbigay kaba sa akin.
From: Zyriel
That's why you're absent.
Nakita niya din siguro iyon. Pero ano naman sa kaniya diba?
Kaya hinayaan ko nalang ito at nagkwentohan nalang kaming tatlo doon. Hindi na nagtaka si Mikay dahil matagal na din naman niya itong kilala.
At ang two days namin na bakasyon ay nasulit naming apat sa Baguio. Sabay sabay na din kaming umuwi at inihatid pa ako ng mga ito sa bahay. 
****
Kinabukasan ay maaga akong nagising upang pumasok na. Dito pala nakitulog si Magno sa bahay dahil wala na itong bahay rito. Binenta na ng mga magulang niya dahil nagmigrate na ang mga ito sa ibang bansa. Siya naman ay umuwi dito upang mag ayos ng mga papel niya at tataposin ang sem na ito bago sumunod sa mga magulang niya.
"Good morning ma!" Bati ko rito. Siya pa lang ang gising ngayon pati si Santy ay tulog pa din.
"Good morning. Kumain kana diyan. Maya maya baba na iyong pinsan mo magsabay nalang kayo pumasok." Saad nito
"Morning, coz." Bati sa'kin ni Magno pagkababa niya.
Natapos na kaming kumain at konti lang din naman ang kinain ko dahil hindi ako sanay mag umagahan. Bibili nalang ako mamaya ng makakain ko kapag nagutom ako.
Kotse ko din ang ginamit namin papuntang school at si Magno ang nagdrive kasi namiss niya daw ang traffic sa pinas. Walangya talaga. Bago kami dumeritso ng school ay dumaan muna kami ng drive thru dahil hindi daw siya nabusog sa kakamadali ko daw. Nanisi pa.
Nang matapos siya kumain ay pumunta na din kami ng school. Nauna na akong bumaba sa kaniya dahil pupunta pa ako ng office.
May mga aasikasohin daw kasi ngayon for Valentine's day. Eh sa friday na iyon.
Nang makarating ako doon ay wala pang tao kaya naman magaan ang pakiramdam ko dahil sigurado ako na madami silang taong sa akin about sa picture na kumakalat ngayon.
Kasalanan 'to ng nagpicture!
Habang busy ako sa maghahalungkat ay tumunog ang pinto ngunit hindi ko na ito nilingon. Natigil lang ang ginagawa ko ng magsalita ito.
"Oh you're here?"
~FlirtySperm

Book Comment (27)

  • avatar
    Ruth Edulan

    very nice

    13d

      0
  • avatar
    Denden Donna

    nice story 😍❤️👍👍

    17/06/2024

      0
  • avatar
    Precious Gem Roseo

    grabe yung plot twist neto pero mas grabe yung iyak ko habang binabasa yung ending

    16/06/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters