Coffee 16

"Cristy can we talk?" His voice lingred  mine.
Huminto ako at nilingon ito sa'ka ngumiti. "At ano namang pag uusapan natin Vice?" 
"About us." He directly answered. I look into eyes and saw regrets, maybe because of what he did kanina or because he saw me cry. But i don't care. All i need to do right now is avoid him and stop this feelings. Yes, nagconfess nga ako but it doesn't mean i want him as my boyfriend.
"Wala namang tayo. Kaya... Bakit naman natin pag uusapan?" 
"I'm sorry about what i've said this afternoon. Nafrustrate lang ako hindi ko muna inalam kung totoo ba yung iniisip ko. I'm sorry i made you cry." The Zyriel i am seeing right now is not the Zyriel i used to know. He's fragile in front of me. 
How can i not love this man?
"It's now okay. It doesn't matter. Sinabi ko lang kung anong nararamdaman ko and hindi naman required magsorry," i said as i turn my back on him.
But before i could enter my car i heared him utter the words i didn't expect him to say.
"I'm sorry, i was just jealous earlier. Akala ko boyfriend mo siya because of how he acts around you. I'm jealous that he have the guts to show that in front of you while I'm here scared of how would you react." He uttered.
"I liked you too, Cristy. Maybe this isn't just like i think i love you already." After i hear that hindi agad nagsink in sa akin ang mga sinabi niya. Kaya hindi ko na ito nilingon at mabilis na pumasok ng sasakyan  at umalis. 
Habang nagmamaneho ay paulit ulit kong naririnig sa aking isipan ang mga katagang binitawan niya. Gusto niya din ako? But how? 
Nabibinge lang ba ako kanina?
Hindi maprocess ng utak ko kung ano ano na ang mga naiisip. He said he's jealous over Mykiel. Kasalanan to ng kalandiang taglay ng lalaking yun. Nakakainis, napaamin pa ako ng wala sa oras.
Hindi ko alam kung paano ako nakarating ng bahay dahil sa kalutangan ko. Buti nalang at wala na masyadong mga sasakyan sa kalsada kun'di disgrasya ang abot ko. 
Nang mapatay ko na ang makina ng sasakyan ay hindi muna agad ako lumabas. Nando'n lang ako sa loob habang nagmumuni muni.
Maya maya pa ay nakatanggap ako ng isang mensahe. Nang makita ko ito ay gumaan ang kalooban ko ng hindi ko namamalayan.
From:****907
I hope you come home safe
~Zyriel
Sa 'di malamang dahilan ay may sumilay na ngiti sa aking labi ng mabasa ko iyon. Tila ba hinamplos nito ang puso ko.
Maya maya pa ay napagdesisyonan ko ng pumasok sa loob ng bahay dahil na din sa lumalalim na ang gabi at malamig na sa labas. Expect ko ng nilock ni mama ang gate kaya naman inakyat ko nalang ito upang hindi na sila gisingin pa.
Nang makapasok na ako sa loob ng bahay ay dumiretso na ako sa kama ng hindi man lang naglinis ng katawan. Tinatamad na kasi din ako at gusto ko nalang matulog.
****
Kinaumagahan ay nagising nalang ako dahil sa katok sa pintoan ng kwarto ko na akala mo ay naghahanap ng gyera. 
Palagi kasing nakalock ang pintoan ko para walang magpasok labas dito. Dahil ayoko ng may pumapasok sa kwarto ko.
"Cristy! Gumising kana, malelate na tayo!" Sigaw ng pamilyar na boses. Dahil sa inis ko ay binangon ko na ito at binuksan ang pinto na habang masama ang timpla ng aking mukha.
"Ano ba! Ang aga aga!" Singhal ko dito. Si Mikay lang pala akala ko kung sino na.
"Pasensya naman gurl. Late na talaga tayo, may pasok ngayon," sabi nito na patawa tawa pa.
Hindi ko na pinansin ito at deritso na ako sa banyo ko dito at naghugas ng mukha upang makakain na ako. Balak ko kasing hindi pumasok ngayon dahil wala lang, tinatamad ako.
Habang pababa kami ay pa lakas ng pa lakas ang mga hagikhikan sa sala. Hindi naman kalakihan itong bahay namin kaya naman maririnig talaga ito sa buong bahay.
"Huy ano 'yan? Bakit napaka ingay?" Interrupt ko sa mga ito. 
Nakita ko si Santy at Mykiel na naghaharotan sa may sofa. Kaya pala napaka ingay dahil nandito itong damuho na ito. Ewan ko ba bakit gustong gusto siya ni Santy, napakasama naman ng ugali niyan.
"Uhy gising na ang senyorita," pang aasar pa nito sa'kin kaya pinandilatan ko ito ng mata ngunit pa tawa tawa lang ito. Aba makapal din ang mukha nito talaga.
"Lumayas layas ka nga ritong damuho ka!" Singhal ko pa sabay punta ng kusina at nagtitimpla ako ng kape.
"Good morning nak. Kanina pa 'yang magkapatid na iyan dito hinihintay ka. Papasok ka ba?" Bungad sa akin ni mama pagkakita nito sa akin.
"Sana 'di mo na pinatuloy ma disturbo. Sa'ka di ako papasok ngayon. Sa lunes nalang." Saad ko dito habang nahigop ng kakatimpla kong kape.
"Huy narinig ko yun Cristy! Ang sama ng ugali!" Sabat ng kakasulpot lang na si Mykiel sa may kusina namin.
"Then?" Taas kilay ko rito.
"Ate can you get me food?" Santy said na patakbong pumunta sa'kin. Habang nang aasar si Mykiel na ginagatongan din ni mama ay napapairap nalang akong nagsasandok ng pagkain ng kapatid ko.
Maya maya pa ay sumalo na din silang magkapatid sa amin nila mama kumain. Ganito talaga ang mga ito kahit noong nasa ibang bansa pa ako. Madalas kasi ay tamad ako magluto kaya kapag napunta si Mykiel ay nagluluto siya ng mga kung anong makita niya sa stocks ko. Kapal ng mukha diba?
"Bakit pala hindi ka papasok gurl?" Biglaang taong ni Mikay.
"Tinatamad ako, sa'ka friday naman na. Wala masyadong gagawin." Sagot ko dito.
"Tara mamasyal nalang tayo?" Suggest naman ng Kuya niya. Pasimuno talaga eh.
"Katamad. Ayoko!" Sagot ko naman 
"Sige na gurl! Hindi na din ako papasok ngayon. Nahawa na ako sayo." Paninisi pa nito sa akin.
"Ate pwede sama?" Biglang tanong ni Santy sa na katabi lang ni mama.
"Naku Santy 'wag kana sumama at baka gabihin sila ate mo." Sagot naman nito dito.
"Sige na, ma." Pagpupumilit pa nito.
"Pasalubongan nalang kita. Don't worry," pampalubag loob ko rito. Dahil tama din naman si mama baka saan kami mapadpad.
****
Nakaalis na kami at ang gamit na sasakyan namin ay ang sports cae ni Mykiel. Yayamanin talaga 'tong lalaking to.
"You know Kiel. Why don't you hang out with your girlfriend?" I ask him. Naboboring na kasi ako at balak niyang magroad trip sa Baguio. Mygad ang layo.
"Wala lang. And minsan lang naman 'to. Sa'ka nagpaalam ako no!" Tawa tawa pa nitong saad.
"Don't believe him Cristy. Magkaaway talaga sila ngayon ng girlfriend niya kaya nagyaya 'yan," pangbibisto ng kapatid niyang si Mikay kaya naman natawa nalang ako. Nasa likod kasi si Mikay at ako ang nakaupo sa passenger seat. 
"You shut up Mikaela!" Saway pa nito sa kapatid niya.
"Woah! Why kayo nag away? Kwento naman diyan." Pang aasar ko pa. Si Mykiel kasi 'yong tipo ng lalaking gugustohin mo na maging boyfriend.
Maalaga siya at masasabi mo talagang green flag kaya lang may ugali lang talaga siyang 'di nakakahinga hangga't hindi nakakapang asar. Kaya ko na din siya naging kaibigan ay dahil do'n. 
He treasure his love ones really hard. Hangga't kaya niya. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit niloloko siya.
"What happened?" Seryoso kong tanong dito.
Naging tahimik naman ang byahe namin ng dahil doon. Nakatulog na nga si Mikay sa sobrang tahimik
"Wala. Just like the old times." He answered.
"Wtf? Pumayag ka?" 
"Wala naman akong magagawa. It's her family over me. How can she go against them?" May bahid ng lungkot sa kaniyang mga salita.
"Pero anong sabi niya? Kayo pa ba? Do you want me to talk to her?" 
"Hindi na. Maybe I'll just accept the fact that I'm just his boyfriend and hanggang do'n lang 'yon," dahil sa mga naririnig ko ay feeling ko narasan ko na din ito. Masakit naman din talaga na mahal ka nga ng isang tao ngunit hindi ka nito kayang piliin sa oras na pamilya na nito ang hahadlang.
"Baka kaya pa?" Saad ko rito. Sumulyap ito sa akin sa'ka ngumiti.
"Hindi na siguro. Maybe napagod na ako ipaglaban siya. At napagod na din siya kaya binitawan niya na ako ng gano'n gano'n lang." Sagot nito. Hininto nito sa isang tabi ang kotse bago nagsalita ng, "Hindi pwedeng isa lang palagi ang lalaban."
At naiintindihan ko.
~FlirtySperm

Book Comment (27)

  • avatar
    Ruth Edulan

    very nice

    14d

      0
  • avatar
    Denden Donna

    nice story 😍❤️👍👍

    17/06/2024

      0
  • avatar
    Precious Gem Roseo

    grabe yung plot twist neto pero mas grabe yung iyak ko habang binabasa yung ending

    16/06/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters