logo text

End of Coffee

Third person's pov
Matapos bumangga ang kotse ni Cristy ay ang sakay sa kabilang kotse at mga taong nakapaligid ay agad nila itong tinulongan. Nagbakasakali ang mga ito na makakasurvive pa ang babae kahit pa nawawala wala na ang pulso nito.
Sinisigaw sigawan ng mga ito si Cristy na 'wag munang pipikit ngunit isasakay pa lamang ito ng ambulansya ay agad na itong binawian ng buhay. Kasabay nito ay ang paglakas lalo ng ulan at biglang kulog at kidlat na tila nakikidalamhati sa pagkamatay ng babae.
Dinala pa din ng mga ito ang bangkay ni Cristy sa hospital upang macheck ito. Wala pang isang oras ay dumating ang ina nito at ang kaniyang nakababatang kapatid na puno ng luha ang mga mata. 
Sumunod naman na pumasok sa morgue ay ang magkapatid na Kiel at Mikay. Si Mikay na inaalo ng umiiyak din na si Kiel. Kinausap sila ng doktor at doon nalaman kung ano ay ikinamatay nito. Natamaan pala ang ulo nito at malala ang nangyari kaya naman hindi nito kinaya at nakatulog na ito bago pa maitakbo ng hospital. 
Lubos na pangungulila ang nararamdaman ngayon ng mga kaibigan ni Cristy. Nawala ito ng hindi man lang nila nakausap. Wala na ang kaibigan nila. Kinuha na ito sa kanila.
Oo tama ang nasa isip ninyo. Wala na siya. Masaya itong binawian ng buhay. Dahil sa isip nito ay makakasama na nito ang anak niya.
Labis ang sakit na nadarama ng makapatid na si Mikay at Mykiel. Para na din kasi nila itong kapatid. Nakarating din sa burol nito ang pamilya niya na labis ang pag hihinagpis. Hindi nila lubos maisip na mangyayari ito sa panganay nila. 
Ngunit hindi naman nila pinagtutuonan ng pansin si Cristy dahil ito ay anak sa pagkadalaga ng kaniyang ina. Walang nakuhang pagmamahal dito. Hanggang sa huling buhay ay hindi na nakilala ang kaniyang ama.
Si Almond naman ay nakatulalang nakatanaw sa kabaong nito. Katabi nito si Mykiel na tulala din.
Hindi makapagsalita ang mga ito. Dahil na din walang lumalabas sa mga bibig nito. Gulat pa din ang mga ito sa nangyari. At kailan man ay hindi nila makakalimotan ito.
Sa huling araw ng burol ni Cristy ay nakarating si Zyriel at pamilya nito. Kasama ng mga ito ang mga ssg officials dati. Nag abot ng pakikiramay ang mga ito sa pamilya ng babae.
Itinabi ang babae sa puntod ng anak nito. Dahil alam nila na ito ang gusto nito. Kahit sa kamatayan ang makasama niya ang kaniyang anak.
Alam nilang masaya na ito kung nasaan man nito ngayon naglalakbay.
At sa kabila ng lahat nagpapasalamat pa din si Zyriel dahil nakatagpo siya ng babaeng hindi tiningnan ang estado nito sa buhay at pinili siya nitong mahalin kahit madalas ay inaayawan niya ito.
Hindi maipagkakaila ni Zyriel na minahal niya ang babae at alam niya sa sarili niya na namimiss niya ito kahit pa minsan. Gumaan na din ang loob niya dahil alam niyang sa kabilang buhay kasama na nito ang kanilang anak. 
Hindi nito makakalimotang minsan sa buhay niya ay nakatagpo siya ng babaeng minsan ding nagdala ng saya sa buhay niya. Kahit pa mukha itong maarte sa paningin niya at mataray.
"Daddy." Tawag ng maliit na batang lalaki sa kaniya. Nilingon niya ito sa'ka nginitian.
"Bakit anak?" Ngiting tanong nito sa bata. Hindi nila kasama ang ina ng bata dahil naging busy ito sa trabaho. At bigla lang din napadalaw ang mga ito sa puntod ng dalawa.
"Bakit nandiyan sila sa ilalim ng lupa?" Nagtataka man sa itinanong ng anak ay pinili nalang nitong sagotin ito.
"Because they are already dead. They're sleeping already." Sagot nito sa kaniyang anak. Sa'ka marahang hinaplos ang buhok ng anak at binalik ang tingin sa dalawang puntod sa harapan nito. Iniisip nito kung siguro nabuhay ito ay mas matanda lang ng tatlong taon ito sa kaniyang anak na lalaki.
"Hindi mo pa maiintindihan iyon anak. Pero balang araw malalaman mo rin kong ano ang sinasabi ko." Napabuntong hininga nalang ito.
"Gutom na ako, daddy." Reklamo ng bata sa kaniya. Nakakuno't pa ang noo nito na alam niyang nakuha nito sa kaniya ang pagiging suplado. May kaputian ang bata at nakuha nito sa kaniyang ina.
Tumayo naman ito sa'ka kinarga ang bata. "Let's go na anak. Umuwi na tayo."
Bago naglakad papunta sa sasakyan nila ay nagpaalam muna ito sa kaniyang mag ina.
Hanggang sa muli nating pagkikita. Hintayin niyo ako.
~Flirtysperm
*A/N
Thank you for supporting this story of mine. I am hoping to be with you again and support me in the future stories i would write.
Ps. Dapat talaga kakamuhian ni Zy dito si Cristy. At dapat din tatagoan ni Cristy ito ng anak pero magiging happy ending! Kaya lang nagbago na ang isip ko kaya naman ganiyan nalang!
Sabay sabay tayong masaktan dahil hindi happt ending ang storyang ito. Hindi kasi ako fan ng happy ending!! Hehe! Pasensya na. 

Book Comment (27)

  • avatar
    Ruth Edulan

    very nice

    13d

      0
  • avatar
    Denden Donna

    nice story 😍❤️👍👍

    17/06/2024

      0
  • avatar
    Precious Gem Roseo

    grabe yung plot twist neto pero mas grabe yung iyak ko habang binabasa yung ending

    16/06/2024

      0
  • View All

End

Recommendations for you