Coffee 21

"Oh anong resulta?" Dali daling tanong sa akin ni Mykiel na nasa labas ng cr nanghihintay. Binilhan agad ako nito ng pregnancy test at tatlo agad ang binili para daw sure.
"Wait naman no!" Sigaw ko
"Okay chill! Baka pumangit si baby," rinig kong sambit niya. Hindi pa nga sure eh.
Nang matapos ako ay pinatakan ko na agad ang tatlong pt sa'ka napapikit agad. Hindi ko ito kayang makita. Hindi pa ako handa. Anong gagawin ko?
Dahan dahan kong idinilat ang mata ko upang makita ang resulta at hindi nga ako nagkamali. It's positive. I'm pregnant.
Kaya naman matamlay akong lumabas ng cr do'n ay nakita kong napatayo si Mykiel.
"Ano?" Tanong nito kaya naman inabot ko sa kaniya ang tatlong pt
"Huy dahan dahan naman may ihi mo to!" Sambit niya na alam ko namang biro lang. Pinapatawa niya lang ako.
Nanahimik ito bigla at maya maya ay nakaramdam ako ng mga brasong yumakap sa akin. "It's okay. Don't worry i won't judge you.
"What will happened to me?" I suddenly ask him
"Ipaalam mo sa kaniya. Karapatan niya 'yon." Dinig kong sambit nito
"Pa'no kung hindi niya tanggap?"
"Aba'y siraulo siya! Binuntis buntis ka niya tas hindi niya tatanggapin! Makakaharap niya kami!" He said
"Wag mo muna sabihin kahit kanino ha." Pakiusap ko
"Okay. Pero kailangan din nilang malaman ito specially him and your mom."
"Oo."
"Wag kang mag alala for now ako muna ang bahala sa inyo. Ninong ako niyan Cristy!" Nang marinig ko ito ay gumaan ang puso ko kahit papano. Nagpapasalamat dahil meron akong kaibigan na katulad niya.
"Wala pa nga." Natatawa kong sambit.
Habang nasa kwarto ako at nagmumuni muni napapansin ko ang panay pag ilaw ng cellphone ko. Nang tingnan ko ito ay sila mama ang tumatawag, specially Zyriel. It's been weeks since that happened. And i can't believe i made it happen.
I'm so stupid. I gave myself so much problem. But anyway it's my child. I can do this. Maybe he deserves to know but not now.
I want myself to be emotionally and physically stable before i tell him that we're having a baby. I'm still not ready to hear what ever his reaction to this.
I'm alone right now because Kiel isn't here. Bumalik siya ng maynila dahil madami din siyang inaasikaso and hindi siya pwedeng magtagal dito.
Maya maya pa ay naisipan kong tawagan si Mikay. Before i call i texted her that she shouldn't be with anyone when i call.
After a couple of ring she answered.
"What the hell, girl! Where are you?"
"Somewhere lang. Are you busy right now?"
"Where can i meet you? My god pinag alala mo kami. Pati si tita hinahanap kana."
"Magkita tayo sa **** Baguio."
After the ay nag asikaso na din ako para sa pagkikita namin. Malapit lang naman iyon dito kaya ko puntahan mag isa. At may kotse naman ako.
Pinakuha ko kasi ito kay Kiel noong pumunta kami dito para may gagamitin ako in case something happen.
Nang makarating ako sa  lugar na pinag usapan namin ay nakita ko agad ito doon na naghihintay. Hapon na din kami nagkita dahil malayo ang Baguio at babyahe pa siya papunta dito.
Sakto lang din naman ito. Pagkakita nito sa akin ay niyakap ako agad nito na tila naluluha pa.
"Gaga ka! Bakit bigla kang nawala?" Sabay hampas nito ng mahina sa akin.
"Umalis ako dahil nagkaproblema ako," sagot ko rito.
"Bakit? Ano bang nangyari?" Curious nitong tanong sa akin.
"Ipangako mo muna na wala kang pagsasabihan kahit na sino." Dahil ayokong munang malaman niya na hindi nang gagaling sa akin ang impormasyon. Hindi pa ako handang harapin ito.
"Promise, hindi ko sasabihin kahit kanino!" Saad nito at nagtaas pa ng kamay
"B-bun-buntis ako." Nauutal kong sabi
"Ah buntis ka lang pal-- Whaaatt??" Napasigaw pa ito gulat na gulat ng marealize ang sinabi
"Oo." Sagot ko
"What paano? Sinong ama? Bakit? Kailan?" Sunod sunod na tanong nito at natataranta pa
"Noong after party nalasing ako. Nagising ako sa bahay kasama si Zyriel," dahan dahang sagot ko.
"Tf? Si vice ang ama? Alam niya ba 'to?" Tanong niya ulit
"Hindi. Si Kiel pa lang ang nakakaalam. Please huwag mo munang sasabihin, hindi pa ako handang malaman niya ito."
"Shit! Alam ni kuya? Tarantadong 'yon hindi ako sinabihan."
"Ako ang nagsabi na 'wag sasabihin kahit kanino na alam niya kung nasaan ako."
"Hay, pa'no na ngayon 'yan? Anong plano mo?"
"Hindi ko alam." Iyon nalang ang tanging na isagot ko rito.
Lumapit nalang ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko mapigilang umiyak, dala na rin siguro ng pagbubuntis ko.
"Huwag kang mag alala nandito ako, kami ni kuya para tulongan ka." Pagpalalubag nito ng loob ko.
"Thank you!"
Naging mahaba pa ang usapan namin at napagdesisyonan na namin umuwi. Doon muna din siya tutuloy sa rest house ni Kiel ngayong gabi.
Habang nasa byahe ay madami dami itong na kwento sa akin sa mga naging ganap sa ilang linggo kong pagkawala. Nag away pa daw si Magnos at Zyriel dahil akala ni Zyriel tinatago ako ni Magnos at na magboyfriend daw kami. Kaya naman nalaman nila na magpinsan pala kami.
Nahimasmasan naman daw si Zyriel kaso isang linggo din daw itong hindi makausap ng maayos dahil palagi itong nagagalit.
Mainitin ang ulo niya. Minsan pa ay naninita ito ng wala namang basehan. Hindi ko akalain na ganon ang magiging epekto nito sa kaniya.
Napag usapan din namin na ang pagbubuntis ko at ang karapatan ni Zyriel malaman ito. Hindi ko naman ito ipagkakait sa kaniya. Ngunit kailangan ko ng panahon. Hindi pwedeng basta basta ako. Dahil may mga responsibilidad siya sa kanila na kailangan gampanan.
Lumipas ang mga araw at linggo linggonh nagpupunta si Mikay at Kiel dito upang dalawin ako. Nagdadala din ang mga ito ng mga pagkain na pinaglilihian ko na minsan pa ay iniiyakan ko dahil ayoko na itong kainin.
Kaya palagi ko na silang inaasahan na  susulpot nalang dito ng hindi ko inaasahan.
Kakagising ko lang din sa araw na ito at naisipan kong maglinis linis kahit papaano. Isang buwan pa lang naman ang tiyan ko at hindi ito ganon kahalata dahil flat pa din naman ang puson ko.
Nagpacheck na din ako sa doctor at ang sabi nga ay maliit ako magbuntis. Kaya naman pabor na din sa akin na ganto dahil nakakapaglakad pa din ako ng maayos.
Iyon nga lang ay mahihilohin ako pag katagalang nakatayo. May nirecomend naman ang doctor ko para doon kaya ayos na din ito.
I really need to be strong for my little angel. I wonder if it a girl or boy.
Dahil natapos na ako sa paglilinis ay nagpahinga muna ako saglit at wala pa naman ding tanghali kaya naman naisipan ko munang matulog dito sa sala. Wala namang kapitbahay dito kaya naman safe ako kahit ako lang mag isa.
Nag isip isip pa ako ng gusto kong kainin mamaya ng hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako dahil parang malalaglag ako. Pagdilat ko ah napatingin agad ako sa orasan, alas onse na nga. Sakto lang sa tanghalian.
Agad akong pulunta sa kusina upang maghanap ng makakain, naghanap hanap ako ng pwede kong lutoin para sa pananghalian ko. Nang wala akong makita ay nagresearch ako sa online ng mga pwedeng lutoin at natakam ako sa carbonara.
Kaya naman agad akong nagpadeliver ng mga ingredients dito sa rest house para naman makapagsimula na. Habang papunta pa lang iyong delivery ko ay naligo muna ako upang presintable namab ako tingnan at hindi haggard.
Hindi pa man ako tapos mag ayos ay naririnih ko na ang door bell na tumutunog. Kaya naman agad agad akong bumaba upang puntahan ito. Pagtingin ko ay ito na nga iyong ipinadeliver ko kaya naman dineritso ko na ito sa kusina.
Habang naghihiwa ng mga gagamitin ako ay naririnig ko ulit ang door bell. Nagtataka akong naglakad papunta doon. Wala namang text sila Mikay na makakapunta sila this week dahil busy ang mga ito ngayon.
Kaya hindi ko alam kong sino ang bisita. Ay baka ang delivery rider kanina. Siguro ay may nakalimotan. Ngunit wala naman akong nakalimotan siguro. Kompleto naman iyong dala niya kanina.
Nang buksan ko ang pinto ay nagulat ako sa kung sino ang nakita ko. Bakit siya nandito? Paano niya nalaman na nandito ako? Galit na galit ang mga mata nito na nakatingin sa akin pag bukas ko. Alam niya na ba?
"A-anong ginagawa mo dito?"
~Flirtysperm

Book Comment (27)

  • avatar
    Ruth Edulan

    very nice

    13d

      0
  • avatar
    Denden Donna

    nice story 😍❤️👍👍

    17/06/2024

      0
  • avatar
    Precious Gem Roseo

    grabe yung plot twist neto pero mas grabe yung iyak ko habang binabasa yung ending

    16/06/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters