Coffee 22

"A-anong ginagawa mo dito?" Nauutal kong tanong dito. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kanina lang ay matapang ako ngunit ngayon ay wala nang ni isang salita ang gustong lumabas sa bibig ko.
Mataman ako nitong tiningnan at nandidilim ang itsura. Puno ng galit ang kaniyang nga mata. Alam kong mali ang aking ginawa ngunit natakot lang din ako. Kailangan ko ding isipin ang kinabukasan niya. Pangarap niyang magtapos lalo't mga mga kapatid siyang kailangan paaralin.
Ayaw kong maging makasarili. Kaya ako nagdesisyon na ganito nalang muna. At ayoko siyang pilitin. Hindi niya ako/kami obligasyon, kailangan siya ng pamilya niya kesa kailangan namin siya.
"Paano mo nalamang nandito ako?" Asking him as if i didn't hide anything.
"Bakit ka nagtatago? Hindi mo ako pwedeng iwan pagkatapos ng nangyari sa'tin," saad niya. Wala akong nagawa ng nagpumilit siyang pumasok sa bahay. 
Niyakap ako nito at sa yakap na iyon ay tila natuwa ang puso ko. Pati ang tiyan ko ay parang gumaan.
"Narinig ko kay Mikay. We are pregnant? You're going to hide it from me?!" Sabi nito nang kumawala sa yakap ko.
"H-Hindi. Hindi naman ako buntis!" Sagot ko dito 
"Huwag mo na itanggi. Tinanong ko din siya patungkol doon at umamin siya." Shit! What the hell is happening? Hindi pwede 'to.
"A-Ano?" Ang tanging lumabas sa bibig ko. Walang akong masabi. Hindi ko na alam. Paano ako makakawala dito?
"It's my child! You can't hide it from me. I can take care of you." Saad niya ng may malumanay na mga mata
Ito 'yong ayoko. He can't give up his studies for this. Malapit na siya matapos. Kailangan niyang magfocus doon.
"I know, i will tell you naman. But hindi ngayon at wala ka namang obligasyon sa'min. Ako na ang bahala sa aming dalawa may mas importante ka pang dapat pagtuonan ng pansin." Sabi ko sa'ka tinalikoran siya. Dahil pag hindi ako umalis sa harap niya ay baka bumigay na ako. Hindi ko na kaya. 
I won't be selfish. He has a family that depends on him. 
"Ayoko. Hindi ako papayag na ilayo mo siya sa'kin. Please don't do this to me." Puno ng sakit ang mga matang hinahangaan ko. Nanlalabo na din ang paningin ko dahil sa mga luhang lumalabas sa aking mga mata.
"Zyriel, hindi ko ilalayo. We will just do co parenting kapag lumabas na siya. For now, you need to focus on your studies," as i said those words tinalikoran ko siya. Umakyat na ako sa kwarto ko at doon humagulgol ng iyak.
Maybe we didn't want this but i don't also want to kill this baby for our freedom. Walang kasalanan ang anak ko sa pagiging irresponsable ko sa alak.
Dahil sa kakaiyak ko ay nakatulog na ako nang hindi ko namamalayan. Nagising nalamang ako sa mga haplos na nanararamdaman ko sa aking buhok at mga dampi ng halik sa aking pisnge at noo.
"Anak sorry if papa is too late to know you okay? I promise to take care of you and your mama." Rinig ko pang bulong nito sa tiyan ko sa'ka hinalikan ito.
Dumilat ako ng mata at sa'ka gumalaw ng kaunti kaya nagulat ito at napatayo bigla.
"S-sorry. Kinakausap ko lang ang anak natin." Pagpapaliwanag pa nito. Tinangoan ko nalang ito sa'ka hindi pinansin dahil baka bumigay pa ako sa mga ginagawa niya.
"Tulongan na kita." Pagpresenta niya at binuksan ang pintuan ng kwarto. Nasa likod ko ito nakasunod at mukhang tinitingnan ang bawat kilos ko.
Pinagsilbihan ako nito sa isang linggong pananatili niya rito. Hindi nito inisip na nakakapagod dahil para naman daw ito sa anak namin. Ngunit nag aalala ako, isang linggo na din itong hindi pumapasok sa school kakabantay sa akin. 
Malapit na itong magtapos kaya naman kailangan niya ng pumasok. Kinukumbinsi ko din naman ito ngunit iniiba nito ang usapan.
"Zyriel." Tawag ko dito. 
Nasa kusina kasi ito at naghahanda na ng kakainin namin. Tumingin ito sa gawi ko at sa'ka ngumiti.
"What is it love?" Sagot nito. Ewan ko sa kaniya bakit may endearment ito sa akin kahit na wala namang kami.
"Sa lunes pumasok kana. Susunod naman din ako sayo kinabukasan. Doon ako sa bahay ko titira." Ani ko rito.
Hindi ito sumagot at nag iwas lang ng tingin. 
"Halika na kumain kana muna magtatanghali na din." Tumabi ito sa'kin at inilapag plato kong may kanin at gulay na pakbet.
Nang matapos kaming kumain ay umakyat na ako at iniwan ko siya sa kusina. Siya ang kumikilos dito sa bahay ni wala man lang akong magawa rito kundi humiga, kumain at matulog.
Lumalaki na din kasi ang tiyan ko at mahirap ng kumilos. Nanakit na din ang balakang ko paminsan minsan. Kaya bawat gabi at nilalagyan niya ito ng ointment para daw mawala ang sakit kahit papano.
Habang nanonood ako ng palabas ay biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nun si Zyriel na basa ang damit indikasyon na naghugas ito ng plato. Ganiyan siya maghugas, palaging nababasa ang damit. Hindi marunong maghugas ng maayos. Panigurado ay basa na naman ang sahig doon.
"Hindi ko nabasa ang sahig." Biglang salita nito. Tinaasan ko ito ng kilay kaya naman sumagot ulit ito nang, "Halata sa hitsura mo." 
Nang makapagbihis na ito ay tumabi na ito sa higaan ko. Hindi na ako nagreklamo para wala ng gulo. Maya maya pa ay nararamdaman ko ang kamay nitong pumupulupot sa bewan ko. Niyayakap niya ako.
"Love? Please don't do this to me. I wanna take care of you and our baby," rinig kong sambit nito habang nasa leeg ko nakasubsob.
Alam ko naman gusto niya kaming alagaan. At gusto ko din naman 'yon ngunit pa'no ang pag aaral niya? Sayang iyon. Hindi naman ito katulad ko na first year pa lang.
Masasayang ang pinaghirapan niya.
"Kaya ko naman. Sa'ka andiyan si Mikay at Kiel para umalalay sa akin. At pwede ka naman doon umuwi sa bahay ko at doon matulog minsan." 
Tumingala ito sa akin at tiningnan ako. Ayaw niya talaga.
"Ganto nalang. Dahil linggo na bukas bumyahe kana papunta do'n tapos sa araw ng lunes ako babyahe. May aayos muna ako okay?" Mahinahon kong pagpapaliwanag dito.
Kahit ayaw nito ay napilit ko ito sa nais ko at nangako akong susunod sa kaniya. Susunod naman talaga ako kaya naman pagkaalis niya ay nagligpit na rin ako ng kaunting gamit.
Dadaan kasi ako sa ob-gyne ko dito sa bagyo at ngayon ko na malalaman ang gender ng anak namin. Gamit ang kotse ko ay minaneho ko ito papuntang hospital na medyo malapit lang dito sa rest house ni Mykiel. Wala pang sampung minuto ay nakarating na ako. Sinalubong agad ako ng kaniyang assistant at sa'ka iginaya sa room.
Natapos na ang procedure at ngayon ako ay tuwang tuwa. Babae ang magiging anak namin. Wala pa akong naisip na pangalan rito. Pero isusunod ko ito sa pangalan niya. Nakikita ko na agad sa 3rd pictures niya na magiging kamukha niya si Zyriel. Base pa lang sa ilong ay kuhang kuha nito ang ilong ng ama.
Hindi maipagkakailang anak niya ito.
Nang makasakay ako sa kotse ay nakareceive ako ng message galing sa kaniya.
From Zyriel
How are you, love?
Kumain kana?
Si baby?
Papunta kana ba ng Maynila?
Hindi ko maiwasang mapangiti sa mga mensaheng natanggap ko galing sa kaniya. Kaya naman nagtipa ako sa cellphone at nagreply dito.
To Zyriel
Ayos lang kami.
Papunta na din ng Maynila. Dederitso na ako sa bahay.
Nagmaneho na ako papuntang Maynila at talagang dahan dahan lang ang patakbo ko dahil delikado din ang daan pababa ng bundok. Nagtext na din ako kila Mikay na uuwi na ako. Pupunta nalang daw ang mga ito sa bahay at doon maghahaponan.
Nagplano pa ang mga ito na mag iinom ngunit hindi nalang daw dahil baka mainggit daw ako. 
Habang nagmamaneho ay may nadaanan akong cafe kaya naman bumaba ako at bumili ng cake. Natakam ako sa amoy niyon kaya naman napabili ako.
Matapos bumili ako pumasok na ako sa kotse sa'ka doon pinagpatuloy ang pagkain. Bumili ako ng tatlong klaseng cake ay dalawa ay blue berry at iyong isa ay cheese cake.
Habang kumakain ay tumawag si Zyriel. Sinagot ko naman ito.
"Hello?" Boses ng kabilang linya.
Ngunit bago ko pa ito masagot ay nakarinig ako ng beep mula sa isang truck na akala ko ay basa harapan ko ngunit may bunubulusok pala na truck sa likuran ko. Tumama ito sa likod ng kotse ko dahilan na tumilapon iyon sa kung saan.
Bumangga ako sa manebila ng kotse at nandidilim ang paningin.
Bago ko pa maipikit ang mata ko ay narinig ko pa ang boses niya, "No. Love! Please, answer me!" 
~Flirtysperm

Book Comment (27)

  • avatar
    Ruth Edulan

    very nice

    13d

      0
  • avatar
    Denden Donna

    nice story 😍❤️👍👍

    17/06/2024

      0
  • avatar
    Precious Gem Roseo

    grabe yung plot twist neto pero mas grabe yung iyak ko habang binabasa yung ending

    16/06/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters