Homepage/A Cup Of Coffee/
Coffee 24
Matapos ang celebration sa birthday ni Mikay ay umalis na agad ako. Hindi ko inaasahan na nando'n pala siya. Ayokong makita niya ako dahil baka nasasaktan siya tuwing makikita niya ako. Ayoko ng saktan pa ang loob niya. Tama na iyon, sakit lang ang idinulot ko sa kaniya.
Dahil sa simula't simula ay kasalanan ko naman talaga. Kung hindi ako nalasing ng araw na iyon ay hindi mangyayari lahat ng ito sa amin. Hindi kami mawawalan. Walang mawawalan at masasaktan.
This was the day that i lost my daughter. It was 30th of May and here i am driving through her grave. I wish i could be with her forever.
Nang makarating ako sa puntod ay inilapag ko dito ang bulaklak na dala ko. Sinindihan ko din ang kandila at inilagay sa puntod niya.
Walang tigil sa pagtulo ng luhang matagal ng hindi ko mailabas. Mga luhang puro bigat ang dala. Ni minsan man lang sa buhay ko ay siya ang nagbigay saya sa akin. Kahit malunok ko ang pride ko ayos lang mabigyan ko lang siya ng kompletong pamilya ngunit hindi din pwede. Ang ama niya ay isa pang mag aaral.
I can't take that away from his father but he wants to be father.
"Huwag kanang umiyak. Hindi gugustohin ng anak natin na makita kang nagkakaganiyan." Napalingon ako sa tinig na iyon. Kilalang kilala ko ang boses na iyon.
Bakit siya nandito? Siya ba parati ang nag iiwan ng bulaklak dito? at naglilinis ng puntod.
Napapunas ako ng mukha dahil sa gulat.
"Anong ginagawa mo dito?" Gulat kong tanong dito
"Bawal na ba dalawin ang anak ko?" Tanong niya sa'ka tumingin sa puntod ni Zyraphel
Hindi ako sumagot at pinagmasdan siyang inilapag ang bulaklak na dala niya at sinindihan din nag kandilang inilagay niya sa puntod. Nakita ko rito ang pagtulo ng luha sa mga mata nito.
"Isinunod mo pala sa akin ang pangalan niya. You know, i always dreamt of her. She always told me that she loves me, she loves us. She told me that it is not our fault." Rinig kong sambit nito
Humagulgol ito ng iyak sa tabi ko. Waka akong nagawa ay niyakap ko ito.
"Sorry " Iyan lang ang tanging salitang lumabas sa akin
"Para malaman mo. Hindi kita sinisisi sa pagkawala niya. Walang may kasalanan. Maybe it's her time to be with god."
"Kasalanan ko. Kung hindi ako nagmatigas, kung sumama nalang ako pabalik ng Maynila sana ay nakikita natin siya ngayon."
Hindi ito sumagot ngunit yumakap ito pabalik sa akin. Hindi ko din maitatangging namimiss ko na ito. Tatlong taon ding hindi nagsalubong ang landas namin dahil iniiwasan ko ito. Hindi pa ako handang marinig ang paninisi nito sa akin. Kahit alam ko naman na magiging ganon ang reaksyon nito.
Matapos ng araw na iyon bumalik na ako sa lugar kung saan ko itinayo ang shop ko. Aaminin ko na gumaan ang loob ko na malaman kong pinatawad na ako nito. At siguro ay ganon din ito. Sabi niya ay masaya na din siya sa buhay niya kahit pa ganon ang nangyari sa anak namin.
Hindi naman daw niya ako masisisi kung ganon ang naging desisyon ko.
Naiintindihan niya ako.
Ngunit kahit ganon pa man patuloy na magiging lamat ang aming pinagsamahan at hindi na iyon magiging maayos pa.
Masaya na din ito. May sarili na itong pamilya. May isang anak na din ito at lalaki.
Hindi ko maiwasang mainggit dahil siya ay nagsisimula na ng bagong buhay ngunit ako ay hindi pa din alam kung saan mag uumpisa.
Pauwi na ako kaya naman sinarado ko na ang shop ko. Kinando ko na din ito. Iniisip lang ng mga staff dito na sa akin pinagkatiwala ang susi kaya naman walang nag iisip na ako ang may ari. Hawak naman din ito ng isang attorney kaya wala akong dapat ipag alala sa future ng shop na ito.
Alam ko din naman na hindi ito pababayaan ng mga kaibigan ko.
Pumasok na ako sa kotse at agad agad na pinaandar na ito. Sa kalagitnaan ng pagmamaneho ay bigla nalang umulan ng malakas kasabay ng pagkulog at kidlat.
Ngunit nagpatuloy pa din ako sa pagmaneho. Nilakbay ko pa din ang kalsadang lumalabo na dahil sa ulan. At sa hindi inaasahan nakarinig ako ng busina na napakalakas na tila nabingi ako dahil rito. Bumangga ako sa sasakyan na nasa harap ko. Dahil nabangga din ang likod ng sasakyan ko. Dejavu. Ito na siguro ang huli.
Napadilat ako ng kaunti at nakakita ako ng maliit na pigura.
"Ikaw na ba iyan anak?" Mahina kong sambit
"Ma'am, gising!"
"Tawagan niyo ang nasa contacts niya!"
"Nawawalan na ng pulso."
"Ihiga niyo ng dahan dahan tapos icpr."
"Ma'am huwag kang pipikit!"
Ilan lamang iyan sa mga naririnig kong ingay sa paligid ko bago pa lamonin ng dilim ang aking sistema.
Magkasama na tayo anak.
~FlirtyspermDownload Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (27)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
very nice
13d
0nice story 😍❤️👍👍
17/06/2024
0grabe yung plot twist neto pero mas grabe yung iyak ko habang binabasa yung ending
16/06/2024
0View All