Homepage/A Cup Of Coffee/
Coffee 23
"Grace, paabot nga no'ng caramel cake." pakisuyo ko sa kaniya. Siya ang tumutulong sa'kin dito sa cafe ko.
Natupad ko na 'yong pangarap ko dati na magkaganito. After couple of years lumago din ito. Kilala na din ito dito sa Cavite ngunit hindi ako nagpapakilala. Maraming may gustong makilala ang may ari nito ngunit pinapasabi ko nalang na nasa ibang bansa ang may ari. Kaya nakakalakad ako dito ng hindi tinatawag na ma'am o ng kahit ano.
Ito na din siguro ang ginawa kong libangan upang makalimot sa mga pangyayaring hanggang ngayon pinagsisisihan ko.
Ako ang may kasalanan sa nangyari. Kung-- kung hindi ako nagmatigas buhay pa sana ang anak ko. Masaya sana ang buhay ko ngayon. Tatlong taon akong nangulila sa anak ko. Hindi ko pa din ito mapalaya ng tuloyan.
Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito.
"Yes?" Sagot ko dito
"Girl! Ano? Pupunta ka ba sa birthday ko?" Kilala ko na agad kung sino ito.
Inimbitahan ako nito sa kaarawan niya ngayong sabado and that is 2 days from now. Patapos na din ito ng college ngayong taon at panigurado akong may mga kakilala akong pupunta din doon.
Hindi ko pa kayang harapin ang lahat. Lalong lalo na siya.
Masaya na akong masaya na siya sa buhay niya ngayon.
Balita ko ay may sarili na itong pamilya at masaya naman daw ito.
"Titingnan ko pa. Busy ang shop ko ngayon eh. Magpapadala nalang ako ng regalo." Sagot ko rito
"Hala hindi pwede girl! Magtatampo ako kapag hindi ka pumunta!" Saad nito sa'ka patawa tawang pinatay ang tawag.
Kahit kailan talaga 'yong babaeng 'yon.
Bahala na. Maiintindihan din naman niya ako. Pinipilut lang ako noon dahil alam niyang hindi na ako nakakapagsaya.
Hapon na ng sabado ay nakaupo ako dito sa malapit sa pinto ng coffee shop ko ng may makita akong padating na pamilyar na bulto ng tao. Kumaway pa ito sa'kin habang pangiti ngiti.
"Cristy! How are you?" Tanong nito ng makalapit.
"Anong ginagawa mo dito? Mamimilit ka lang eh!" Pang aakusa ko dito. Nakita ko naman itong napakamot ng batok kaya naman napailing nalang ako rito.
"Pumunta kana kasi. Matagal na 'yon, hindi ka namab sinisisi no'n. Aksidente ang nangyari," napaiwas nalang ako ng tingin nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi ko na alam, nandito pa din ang bigat.
"Hindi ko alam kong mapapatawad ko ang sarili ko, Kiel." Sagot ko dito
"Huwag mo muna isipin 'yon. Namimiss kana ng inaanak mo, halika na." Sabi nito sa'ka ako hinila papuntang sasakyan kaya wala na akong nagawa kun'di magpahila nalang din.
Magkapatid talaga ang mga 'to. Ang hilig mamilit. Maygad.
Habang nasa daan ang madami kaming napagkwentohan. Hindi maipagkakaila na madami na din ang nagbago dito. Hindi na siya workaholic kagaya ng dati.
Masaya akong nahanap nito ang kasiyahan sa puso nito.
Habang nasa daan ay may nadaanan kaming parke kaya naman nagpababa ako dito at sinabing susunod nalang ako sa kaniya doon. Medyo malapit lang naman iyon dito kaya hindi ako mahihirapan.
****
Habang nagmumuni muni sa parke at sumisip ng kape ay nakarinig ako ng tawag sa pangalan ko.
"Cris?" I turned around when i heard someone called me.
When i see who it was I've just smiled and wave sign that i heard it.
"Long time no see. Ganyan ba pagbroken gumaganda lalo?" Tanong nito ng makalapit ako sa kaniya.
Porket ba gumanda broken agad?
Hindi ba pwedeng choice lang ng tao magglow up, tssk mga tao nga naman. Judgemental.
"Even if I'm not broken maganda pa din ako, duhh!" I kiddingly stated with a little bit true.
Kasi totoo naman. Maganda naman talaga ako.
Lumapit ito sa akin na may mga ngiti sa labi. I miss this man. But i feel like his sad too or I'm just assuming things.
"Hindi ka pa din nagbabago ha. Seriously, kape pa din?" Well anong magagawa ko mahal ko iyong kape eh. Bakit ba?
Coffee is life kasi.
"So what are you doing here?" Pambabaliwala ko sa mga sinasabi niya.
'Cause last time i seen this guy may girlfriend to eh. Mukha naman silang okay dati bago ako umalis ng pinas.
Dahil sa tanong ko kita ko kung paano ito natahimik bigla. U-ohh mukhang may naganap na hindi ko alam ahhh.
"Hey, is there something wrong with my question?" I ask again and this he answered.
"Well, we broke up two months ago." Kibit balikat lang niyang sabi.
What? How is that happen?
Ehh ang strong and healthy nga ng relationship nila then naghiwalay lang? Ano daw 'yon?
Ginagawa na talaga biro ng iba ang relasyon eh. Naku sinasabi ko na talaga walang forever ehh. Like hello? Maghihiwalay din kayo.
"Sabi ko na nga ba. Akala ko pa naman like nesfruta iyong relationship niyo," komento ko sabay simsim ng frappe na hawak-hawak ko.
"Anong connect ng nesfruta do'n?" Nalilito niyang tanong. Matanda na talaga to. Hindi na gets.
"Real na real," sagot ko dito at dahil naka kunot pa din ang noo nito na indikasyong hindi pa din nakuha ang mga sinasabi ko ay inaya ko nalang itong lumabas sa Cafe.
Dahil may malapit na park dito ay naisipan naming doon muna tumambay at maghintay na sumapit ang kadiliman.
Nilibre pa niya ang mga bata na naglalaro doon ng ice cream. Anyways his name is Allen Paniamogan na isang SSG officer din noong mga panahong nag aaral pa kami. At kaya lang naman naging close ko ito dahil madalas ko siyang kausap.
Kumusta na kaya iyon ngayon? Does he have a wife or family now? Simula kasi ng umalis ako patungong Singapore ay wala na din akong balita sa kaniya. At isa pa hindi kami maayos noong huli kaming nag usap.
Sinipat ko ng tingin si Allen na kasalukuyang nakikipaglaro sa mga bata dito sa park. Siguro kung hindi sila naghiwalay ng babaeng iyon ay kasal na sila or worst may anak na.
But we know destiny aren't always in our favor. May mga pagsubok talaga tayong pagdadaanan marating lang ang ating nais makamit. Pero kung susukuan natin ito ay talagang hindi ito mapapasa-atin.
Hindi naman talaga tayo dinidiktahan ng tadhana eh. Bagkus ay ginagawa lang niya tayong malakas upang maging deserving natin ang isang bagay.
Destiny is just our guardian. It keeps us away from the people we aren't capable of having.
"Lalim ng iniisip mo ahh," biglang salita ni Allen na nasa gilid ko na pala.
"Bakit nalunod ka ba?" Tanong ko dito pabalik na ikinatawa niya.
"Grabe ang pilosopo mo na ngayon ha. May nagbago na pala sayo." Saad nito
"Ako lang to,"
"So nagkita na kayo?" Biglaan naman niyang tanong na nakapagpahinto sa akin.
Bakit niya ba natanong iyan? Ni hindi nga ako sigurado kung kakayanin ko pang makita 'yong taong 'yon eh. Although andon pa rin iyong thought na sana ako pa din, sana wala pa siyang iba.
Alam ko naman na kasalanan ko eh. Kaya tama lang din naman na hindi niya ako patawarin.
Maintindihan ko naman.
"Hindi pa... At hindi ako sigurado kung kaya ko na ba siyang makita. B-baka galit pa siya sa akin hanggang ngayon." Sagot ko dito habang nakatingin sa malayo.
"Hindi naman na siguro. Kilala ko 'yon, mahal ka pa no'n at saka hindi ka matitiis no'n." Pampalubag loob niyang sabi
"Paano kung hindi talaga?" Negative kong tanong sa kaniya
"Ide hindi! Problema ba iyon." Sagot naman niya kaya binatukan ko siya at napaaray nalang siya.
"Bwesit ka.' Tanging sabi ko nalang sa kaniya
NAKAUWI na pala ako sa condo na tinutuluyan ko ngayon. Actually dati pa to noong mga panahong nag aaral pa ako. Mga panahong lahat nakukuha ko.
Itong condong ito ay malapit sa school na pinapasukan namin dati. Dito din kami halos nagh-hang out kasama ang mga barkada ko dati na akala ko totoo sila. Iyon pala may nakukuha sila sa akin kaya niya ako kinaibigan.
Wala lang naman sa akin na magbigay peroang sakit lang kasi tinuring ko na silang kaibigan. Pero siguro ganoon talaga may mga bagay na akala mo totoo pero iyon pala nagbabalat kayo lang ang mga ito.
I was thankful i have a one friend that stay true to me.
Habang nakahiga ako sa aking higaan ay sumagi sa isip ko ang mga tanong kanina ni Allen.
Nagpag isip-isip ko kung dapat pa ba akong lumaban kahit wala naman akong pinanghahawakan.
Dapat pa ba akong lumaban o itigil ko na ang kahibangan ito?
Mahal ko pa din siya hanggang ngayon. Alam kong nasaktan ko siya pero may rason ako kung bakit ko iyon nagawa. Hindi ko din inaasahan na mangyayari sa amin ito pero nagpapasalamat ako kasi dahil sa pangyayaring iyon ay natuto akong magpalaya ng tao at bitawan lahat ng pangarap ko.
~FlirtySpermDownload Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (27)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
very nice
13d
0nice story 😍❤️👍👍
17/06/2024
0grabe yung plot twist neto pero mas grabe yung iyak ko habang binabasa yung ending
16/06/2024
0View All