Homepage/A Cup Of Coffee/
Coffee 19
Mabilis lang lumipas ang araw at hindi ko pa din makalimotan iyong mga katagang nakita ko sa locker ko. At sa ilang araw na lumipas ay hindi ko siya nakita. Pumapasok naman siya ngunit hindi lang talaga nagkakasalubong ang mga landas namin.
Ngayon na din ang araw ng pag ibig. And i saw many people with different color of their shirts indicating their status right now. And now i am currently wearing black. But that doesn't mean i am a bitter person.
I just feel of wearing this color.
Si Magno naman ay nagsuot ng kulay asul na kulay na ang ibig sabihin ay ready to mingle. Napaka lantod talaga. Mas madami namang nakasuot ng kulay pula na ang ibig sabihin ay in relationship.
Nagsisimula na din ang event kaya naman puro ingay ng mga tao ang maririnig sa buong hall na ito. 'Yong iba ay nagtitilian at ang iba naman ay nagsisigawan na parang may tintukso.
Ang mga ssg officers naman ang nag iikot para alamin kung maayos ba ang mga booth na nandito. At para na din iwas disgrasya sa iba. Nagsuggest din si Magno na ipacheck ang mga bag nila kapag papasok para walang makapagdala ng mga weapons ang liquor.
At mabuti nga ay sumunod ang mga studyante.
"Huy bebs! Ano na? Wala ka bang balak lumandi?" Pangungulit naman ni Mikay dito. Gusto pa akong hatakin sa kung saan.
"Tinatamad ako!" Bagot na sagot ko dito.
"Magsaya ka Cristy," pang aaya pa ni Carlos na lumapit din sa amin.
Ngayon ay nandito na sila sa amin at nag aaya na makihalubilo.
"Bahala na kayo diyan aayain ko na girlfriend ko!" Pangiti ngiting paalam sa amin ni Allen.
"Walang forever!" Sigaw ko dito kaya naman natawa sila.
Habang nagkukwentohan kami ay may mga lumalapit para magpapicture sa amin. Madalas nga lang hatakin sa wedding booth si Zyriel at Magno. Hindi naman din maipagkakailang may mga dating talaga ang dala. Nakakalamang nga lang ng ilang paligo si Zyriel kay Magno. O ako lang ang nakakapansin no'n.
Madami din mga gusto sa kanila Basti ngunit madalas nga lang ay mga first year. May mga lumalapit din naman para magpapicture sa akin ngunit ang iba ay nahihiya.
"Guys 'wag na mahiya. May libreng hug sa secretary natin," sigaw pa ni Mikay.
"Huy! Binubugaw mo si Cristy! Walangya kang babae ka." Saway naman ni Magno dito. Pinagtatawanan lang siya ni Mikay kaya naman nagkakasagotan ang mga ito.
Sinasaway ko naman sila kala mo kasi ay mga bata eh.
At iyon na nga. Ang mga nagpapapicture ay hindi nakakakuha ng hug dahil bukod sa ayoko ay hinihila din agad palayo ni Magno ang mga ito.
"Oh sa mga nagpapicture may 3 days punishment."
"Paglinisin ng wash room 'yan!"
"Lagot kayo."
"May boyfriend na 'yan."
"Punishment kayo."
Ilan lang iyan sa mga naririnig ko kada may nagpapapicture sa akin. Tinatakot pa ni Mikay ang iba. Ang lakas talaga ng trip ng mga 'to.
Dalawang oras din ang itinagal ng event na iyon. At kami ay nagsi uwi na. Tanghali pa lang din naman kaya naman may oras pa para magbeauty rest.
Nauna na ako sa kanila umuwi dahil gusto ko pa magpahinga ng matagal. Nakakatamad kasi talagang mag attend ng mga ganito palagi.
Nang makarating ako sa bahay ko ay agad akong dumiretso sa kwarto ko at humiga. Hindi muna ako umuwi kila mama dahil may bahay naman ako. Sa'ka dito ako konportable. Pumupunta lang ako doon kapag hinahanap ako ni Santy. Very close kasi kami ng batang iyon. Kaya madalas akong hanapin. At sa'ka hindi pa din kami in good terms ni mama talaga.
At i don't feel i am belong to their family. So i make myself distant from them.
Dahil sa mga iniisip ko ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Kaya naman ng magising ako ay akala ko late na ako pero mukha nga.
Nang mapatingin ako sa cellphone ko ay madami na akong missed calls mula kila Mikay. Mukhang hinahanap ako. Kaya naman agad na akong naligo at nagbihis.
Simpleng fitted black dress lang naman ang sinuot ko kayq hindi na ako nahirapan pa. At sa'ka nag 2 inch heels lang din para makasabay sa party mamaya na hindi mananakit ang paa.
Palabas na ako ng bahay ng may nakita akong lalaki sa tapat ng gate ko na mukhang kanina pa naghihintay.
Nakasuot ito ng itim na t-shirt na medyo fit sa katawan niya at jeans. Nakasalamin din ito at messy hair lang na bagay na bagay sa kaniya.
Pinagtataka ko lang paano niya nalaman na dito ako nakatira?
Paniguradong kung hindi si Mikay ay si Magno ang nagbigay ng address ko. At sa'ka anong ginagawa niya dito? Mukhang kanina pa ito naghihintay.
Nang makita ako nitong palabas ay napaayos ito ng tayo at kita ko ang pagliwanag ng kaniyang itsura.
"What are you doing here?" I ask immediately while raising my brows.
"Sinusundo ka." He simply answered.
Tinitigan ko siya ngunit nilalaban niya ito kaya naman napapaiwas nalang ako. Hindi ko naman kayang makipagtitigan sa kaniya ng matagal. Nanghihina ako sa mga titig niyang nakakaakit.
"And why would you do that?"
"You didn't receive my invitation?"
"Oh sayo galing 'yon? Hmm why would you invite me as your valentine vice?" I trickily ask him
"Magagalit ba ang manliligaw mo?" Dahil sa tanong na iyon ay nagulat ako. Manliligaw? Sino naman?
"What? I don't have suitors." I denied
"Well boyfriend?"
"Excuse me? Sino namang nagsabi no'n?" Takang tanong ko dito. Nakapamulsa na ito at mukhang hindi naniniwala sa mga sagot ko.
"Get in. We're already late." Iyon nalang ang nasabi niya. At mukhang badtrip na ito.
Habang nagmamaneho ito ay hindi ko maiwasang hindi mapatitig dito. Gwapo ito. May katangosan din ang ilong at hindi nakakasawa tingnan ang mukha. He look hot with those glasses.
Nang makarating kami ay agad akong lumabas at hindi na siya hinintay pang makababa. At tama nga siya late na kami. Kanina pa nag umpisa ang party. Pagpasok ko sa loob ay may banda sa unahan at nag sisigawan ang mga tao sa baba. We decided to have our after party at this bar kaya naman tuwang tuwa din ang mga studyante.
Hinanap naman ng mga mata ko ang lamesa ng ssg at nakita ko naman agad ang mga ito.
"Bebs! You're late na!" Maktol ni Mikay kaya natawa ako nainom na din ito. Kasama niya dito ang boyfriend niya.
Nandito din si Magno na may hawak pang hote ng alak at si Allen kasama ang girlfriend niya, Carlos at hindi ko kilalang babae at si Basti na may babae ding kasama.
"Late na nagising," i just said. Saka kumuha ng alak sa ice bucket at deritsong ininom iyon pagkatapos buksan.
"Hey Coz chill. Lagot ka kay tita pag nalaman niya 'yan," pigil pa sa akin ni Magno.
"Akong bahala." Iyon nalang ang sabi ko.
"Gaga! Baka malasing ka bebs!" Sabat naman ni Mikay sa gilid ko
"Hindi 'yan."
Kaya naman wala silang nagawa kung hindi pabayaan akong mag inom. Nakikinig lang din ako sa mga kwento nila habang focus pa din sa iniinom ko ang atensyon ko. Maya maya pa ay tipsy na ako kaya naman tinitigil ko muna saglit. Mahina lang kasi ako sa alak kaya madali akong tamaan.
Nandito na din si Zyriel sa table namin at hindi man lang ito uminom ng kahit isa. Napapansin ko itong tumitingin sa direksyon ko pero umiiwas din kapag natingin ako.
"Guys kuha muna ako ng ibang drinks." Paalam ko sa kanila. Hindi naman ako pinigilan ng mga ito. Habang naglalakad ako papunta sa counter ay may mga bumabati sa akin pero hindi ko na pinapansin. Mabuti nalang at maayos pa akong nakakapag lakad.
"Martini pls." Saad ko sa waiter at maya maya naman ay binigyan niya ako. Ilang baso pa ang nainom ko bago ko marealize na malapit na akong malasing. Nahihilo na din ako at lumalakas na ang tama sa akin ng alak.
Tumayo na ako at napagdesisyonan na magcomfort room bago bumalik sa table namin. At pinipigilan ko din talaga matumba kahit hindi ko na kaya.
Ng malapit na ako sa pinto ay bigla akong natumba buti at may sumalo sa akin. Pamilyar ang amoy nito pati ang katawan. Nang tingnan ko ito ay hawig ni Zyriel.
"Uhy presh. Why you're here?" Tanong ko dito habang namumungay ang mga mata na nakatingala sa kaniya.
"You're drunk. Bakit kasi uminom ka tapos hindi mo kaya?" Tunog galit pa ito.
"Because of you!" Sagot ko dito. "Bitawan mo nga ako," saad ko naman. Pumasok na ako ng cr at nakasunod pa din ito sa akin.
~FlirtySpermDownload Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (27)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
very nice
14d
0nice story 😍❤️👍👍
17/06/2024
0grabe yung plot twist neto pero mas grabe yung iyak ko habang binabasa yung ending
16/06/2024
0View All