Sumakay kami sa sasakyan at habang binabaybay namin ang mga kalsada patungo sa radio station, nagpatuloy kami sa aming mga usapan tungkol sa musika, sining, at mga pangarap. Natutunan ko pang lalo ang iba’t ibang aspeto ng kanyang personalidad na hindi ko akalain. Mas lalo akong napamangha sa kanyang katalinuhan at kakaibang perspective sa buhay. Nang makarating kami sa radio station, nagtungo kami sa studio at nagkaroon siya ng maikli pang rehearsal bago magsimula ang kanyang guesting. Nandun kami sa labas ng studio, nasa likod ng mga pintuan, tapos nung medyo tahimik na, biglang lumapit sa akin si Sir Mark. Tapos sabi niya, "Kumusta?" Parang na-confuse ako kasi hindi ko ine-expect na magpapakita siya. So, sabi ko, "Po?" Tas sabi niya, "I mean, hindi ba sakit sa ulo si Jackson sa'yo? Kasi minsan hindi nakikinig 'yan." Tumawa na lang ako nang konti kasi alam ko na medyo notorious si Jackson pagdating sa pakikinig sa iba, lalo na sa mga higher-ups. Tapos sabi ko, "Well, opo, minsan lang naman. Mabait naman po siya, medyo stubborn lang minsan." Natawa rin siya, tapos sabi niya, "Ganyan talaga 'yan. Pero alam mo, kahit papaano, ikaw yata ang isa sa mga hindi niya masyadong naiirita." Napa-smile naman ako, medyo natuwa kasi parang naging okay yung rapport namin ni Jackson. Tapos sabi ko, "Ganun po ba? Well, siguro po dahil sanay na po akong makisama sa mga ganyang personality. Lalo na po nung college, halos lahat ng klase ng tao nakasalamuha ko na." Nag-nod lang si Sir Mark, tapos sabi niya, "Tama lang ‘yong ginagawa mo, Zaniyah. Keep it up." Kinilig naman ako ng konti kasi minsan lang naman nila ako papurihan, at masaya ako na na-a-appreciate yung trabaho ko. Tapos sabi ko, "Salamat po, Sir Mark. Ginagawa ko lang po yung best ko para kay sir Jackson." “Kailangan mo rin minsan intindihin si Jackson kasi kapag gusto niya, kailangan kanya lang,” dagdag niya sabay ngiti. Napa-ngiti ako ng bahagya, medyo natauhan ako sa kanyang sinabi kasi totoo nga naman. Sabi ko, "Opo, Sir Mark. Iniintindi ko naman po siya, kahit na pasaway minsan." Tumango siya at sabi, "Ganyan talaga 'yan. Pero alam mo, nakikita ko na rin ang pagbabago niya simula nung naging parte ka ng buhay niya." Medyo napahinto ako sa sinabi niya, naisip ko kung anong ibig sabihin non. Pero bago pa ako makapagtanong, bumukas na yung pinto ng studio at lumabas si Jackson. Kitang-kita ko sa mukha niya na may kaba siyang dala, pero nag-effort siyang mag-smile nung makita niya kami ni Sir Mark. "Kamusta ang guesting?" tanong ni Sir Mark. Nag-angat si Jackson ng balikat, tapos sabi niya, "Okay naman. Medyo kinabahan lang." Nag-nod si Sir Mark, tapos sabi niya, "Well, congratulations. Another successful promotion for your song." Tumango si Jackson, sabay tingin sa akin. "Salamat sa'yo, Zaniyah. Kung wala ka, baka naging disaster yun." Napangiti naman ako, sabay sabi, "Naku, sir Jackson, kahit wala ako, alam kong kaya mong mag-shine sa radio, ikaw pa ba." Tumawa siya at sabi, "Galing mo talagang mag-boost ng confidence." “So, tara, kain muna tayo? May pag-uusapan pa tayo regarding sa gagawin na music video ng song mo.” sabi ni sir Mark kay Jackson Tumango nalang ako at si sir Mark ay nilagay niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Jackson at sumunod nalang ako sakanila Habang kami'y naglalakad papunta sa restaurant, nagkakwentuhan kami ni Sir Mark tungkol sa mga ideya para sa music video. Napansin ko ang kanilang masayang usapan at naging mas lalong excited akong marinig ang mga plano nila. Nang makarating kami sa restaurant, napansin ko kaagad ang cozy na ambiance nito. Pinili namin ang isang table na may magandang view sa labas, at agad kaming inasikaso ng waiter. Hindi maiwasang mapangiti sa amin si Sir Mark habang tinitingnan ang menu. "Ano, mga paborito niyo?" sabi niya. “Kahit ano nalang po siguro,” sabi ko May ilang waiter ang nakikita ko na pinipicturan si Jackson at ‘yong iba naman kinikilig dahil nakita si Jackson. May napansin naman ako isang customer na babae gusto yata makipag picture kay Jackson pero nahihiya lang. “Ahm, sir Jackson, may gusto yata makipagpicture sa’yo.” bulong kong sabi kay Jackson Natawa si Jackson habang nakatingin sa akin. "Talaga? Sabihin mo, puwede siyang lumapit." Tatayo na sana ako kaso nakalapit na sila “Hi, J-Jackson pwede po ba makipag picture sa’yo?” sabi nang babae Si Jackson ay ngumiti ng kaaya-aya at tumango. "Oo naman,” Ngumiti si Jackson at tinapik ang upuan sa tabi niya. "Ano pangalan mo?" Napansin kong namumula na ang pisngi ng babae sa excitement. "A-ako po si Mika," sabay abot ng cellphone para sa selfie. Habang nasa gilid si Mika, nakangiti ako sa kanilang eksena. Hindi ko maiwasang ma-appreciate ang kabaitan ni Jackson at ang kanyang pagiging humble sa mga fans. Habang sila'y nagpi-picture, napatango na lamang ako sa kanya, para bang sinasabi ko na "Well done, Jackson." Agad niyang nilapit ang cellphone at nagpa-picture kay Jackson. Si Jackson naman ay ngumiti at nag-peace sign habang kinukunan ang larawan. Habang nagpapakuha ng litrato ang dalaga, napansin kong kinikilig siya. Mukhang hindi niya maipinta ang tuwa niya habang nagpapapicture kay Jackson. Tumagal nang ilang sandali ang pagkukunan ng litrato, at sa wakas ay natapos na rin. Matapos ang picture-taking, bumalik si Mika sa kanyang upuan na may sobrang ngiti sa kanyang labi. "Salamat talaga, Jackson! Super fan mo ‘ko" Walang anumang reaksyon si Jackson kundi ang pag-ngiti at pag-angat ng kilay. "Walang anuman, Mika. Thank you sa support mo, enjoy ka lang ha." Nang tumalikod si Mika, nangiti ako kay Jackson. "You're really good with your fans." Tumango siya at nagpapasalamat. "I just want them to know that I appreciate their support." Habang naghihintay kami sa pagkain, napansin kong dumadami ang mga taong nagnanais makipag-usap kay Jackson. May grupo ng mga estudyante, may mga guro, at kahit mga bata ay nagpapalapit at nagpapakuha ng litrato. Tila ba ang aming pagkakaroon ng pagkakataon na kumain ng tahimik ay nauwi sa isang mini fan meet. Nagkaroon kami ng masayang pag-uusap tungkol sa mga darating na proyekto at mga ideya para sa music video. Nakakatuwa ring makita si Sir Mark na sobrang passionate sa trabaho niya at sa pagtulong kay Jackson. Matapos naming maglunch, bumalik na kami sa studio para sa huling rehearsals bago ang kanyang guesting. Natapos na rin ang aming productive na araw, at hindi ko mapigilang maging masaya sa mga bagong natutunan at mga bagong kaibigan na nakuha ko. Sa pag-uwi namin, habang nakatutok sa daan, napag-isip ko na mas marami pala sa likod ng bawat artista – mga taong sumusuporta, nagmamahal, at nagnanais na mapasaya sila. At sa pagiging bahagi ng buhay ni Jackson, napagtanto ko na mas marami pang kwento ang dapat kong malaman at maibahagi.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (90)
BulabosRica Mae
good
04/09/2023
2
FelixSunshine
it's a good story but is there a part 2 of this one "THR POSSESSIVE IDOL"?
good
04/09/2023
2it's a good story but is there a part 2 of this one "THR POSSESSIVE IDOL"?
02/09/2023
2dahil si manok ang cover mo napabasa tuloy ako😊😊
31/08/2023
3View All