logo text

Chapter 37: Disappointed

Nasa aking kwarto na ako, nagmumuni-muni sa mga pangyayari ng araw. Araw-araw, tila ba laging maraming mga kaganapan at mga bagay na kailangang asikasuhin para kay Jackson. Ngunit sa kabila ng pagod, masaya ako sa bawat tagumpay at pag-unlad ng kanyang career.
Binuksan ko ang aking laptop at tiningnan ang listahan ng mga schedules na kailangang i-arrange para bukas. Nariyan ang rehearsals, mga meetings, at iba pang commitments ni Jackson. Sa isip-isip ko, baka kailangan ko nang gumawa ng mas detalyadong timeline para masiguro kong maayos at magkakasundo ang lahat.
Habang nagpaplano, biglang nag-ring ang aking cellphone. Agad kong binuksan ito at nakita ko ang pangalan ni Athena sa screen. "Hello?" bati ko.
"Hi, Zani, miss ka na namin. Ano? May events ba si Jackson bukas?" tanong ni Athena
I chuckled, "Miss mo ba talaga ako? or gusto mo lang talaga tanungin ang mga events ni Jackson?" biro ko
"Oy, hindi ah,"
Natawa ako sa kabilisang pagsagot ni Athena. "Haha, okay lang 'yan, Athena. Alam kong curious ka lang talaga sa mga ganap ni Jackson. Oo, may mga events siya bukas. Simula na ng music video shoot niya."
"Oh, really! Exciting!" kilig na sabi niya sa kabilang linya
"Hindi pala ha?" biro ko
“Oo, kaya.” Narinig ko naman ang tili ni Athena sa kabilang linya. "Zani, hindi ka ba kinikilig sa mga ganitong pangyayari? Imagine mo, kasama mo si Jackson sa mga events at ganap."
Natawa ako sa kanyang tuwa. "Ano ka ba naman Athena, assistant lang ako. Professional lang dapat."
“Ay, pag ako ‘yan, parang araw araw mahihimatay ako sa kagwapuhan niya,” sabi niya, na tila may pabirong banat pa “Baka, hindi ko magawang mag focus, baka makapag focus lang ako sa mukha niya.”
Napatawa nalang ako sa mga sinasabi niya, “Baliw ka talaga,”
"Pero, Zani, alam mo, kahit na kinukulit-kulit kita tungkol kay Jackson, happy ako para sa'yo. Alam kong pinaghirapan mo lahat ng 'yan," sabi ni Athena na may sincerity sa boses.
Nagkaroon ako ng ngiti sa aking labi. "Salamat, Athena. Ikaw talaga, inaabot mo pa sa akin ang appreciation mo kahit na sa mga kaartehan ko sa pag-aasikaso kay Jackson."
"Totoo naman eh, kailangan rin kita i-boost ng confidence," biro niya. "At gusto ko lang talagang malaman ang mga ganap sa idol ko este natin."
Napatawa ako. "Okay lang 'yan, Athena. Pero asahan mo, may mga chika akong ibabahagi sainyo kapag free na schedule ko."
"Promise? Exciting!" sabi niya na halatang na-eexcite na.
Habang nagtatawanan kami, naramdaman ko ang init ng samahan namin. "Athena, ingat ka jan. Babalik na ako sa pag-aasikaso ng mga events ni Jackson."
"Oo, oo, alam ko na. Good luck, at baka abutin ka na naman ng madaling araw sa pag-organize ng schedule ni Jackson. Ingat ka, Zani!"
"Oo, baka nga. Ingat ka rin, Athena. Bye!"
Nang matapos ang aming tawagan, napangiti ako. Sa kabila ng mga pagbabago, may mga kaibigan pa rin ako na nandito para sa akin. At kahit gaano man ka-busy ang aking buhay, mahalaga pa rin ang koneksyon na ito na nagbibigay saysay sa aking araw-araw.
JACKSON’S POV:
Habang ako ay nakatutok sa cellphone ko, nag-scroll sa mga messages mula sa fans na nagpapakita ng suporta at excitement sa pagkakapili ng aking kanta na "Always You" para sa nomination sa Musical Kingdom Awards. Pakiramdam ko naman fake news lang ang lahat, napatingin ako nang mabilis nang biglang pumasok ang manager ko sa kwarto.
"Jackson, may balita ako para sa'yo!" sabi niya, ang mga mata niya'y naglalabas ng excitement.
Nilingon ko siya, nag-aabang sa anumang magandang balita. "Ano 'yon?"
Ngumiti siyang malaki. "Napili ang kanta mong 'Always You' para sa 'Song of the Year' category sa Musical Kingdom Awards!"
Sa isang saglit, parang bumagal ang tibok ng puso ko. Tiningnan ko siya nang hindi makapaniwala. "Talaga? 'Song of the Year'? Wait h-hindi ko ma-process!"
Nagkibit-balikat siya, ngumiti pa rin. "Oo, Jackson. Isinama ka ng mga fans mo sa nomination na 'yan. Sobrang laking achievement 'yan para sa'yo."
Napasinghap ako, nararamdaman ang pagsabog ng emosyon sa aking dibdib. "Hindi ko akalaing mangyayari 'to. Ang suporta ng mga fans ay hindi ko matutumbasan."
Tumango siya, pumipikit ang mga mata sa tuwa. "At hindi mo rin naman makakamtan ang lahat ng ito kung hindi sa iyong dedication at talent, kaya deserve mo lahat ng ‘to."
Hindi ko mapigilang ngumiti, nag-aalab na saya sa loob ko. "Kasama na ang tulong ng buong team natin."
Binati niya ako, palabas sa kanyang excitement. "Congratulations, Jackson. Napakalaking achievement nito, at isa itong patunay na ang iyong musika ay nakakaapekto sa maraming tao."
Dahan-dahang binitbit ng aking excitement ang aking puso. "Maraming salamat, manager. Sobrang grateful ako sa lahat ng ito, as in."
Ngunit hindi nagtagal, nagsimulang mag-shift ang aking kaisipan sa mga susunod na hakbang. "Pero alam mo, ito rin ang nagdadagdag sa pressure sa akin, lalo na't malapit na ang music video shoot."
Siya naman ang nagbigay sa akin ng assurance. "Huwag kang mag-alala, Jackson. Nandito kami para sa'yo. Magiging maganda ang resulta ng music video."
Huminga ako nang malalim, pinipilit ang sarili na magfocus. "Salamat sa tiwala, manager. Hindi ko 'to magagawa nang wala kayong lahat."
Bigla siyang tumapik sa aking balikat. "Walang anuman, Jackson. Basta't ayusin mo ang rest mo, dahil kinabukasan, magsisimula na tayong magplano para sa music video."
Tumango ako, nararamdaman ang init ng pangarap na nanggagaling sa puso ko. "Oo, manager. Hindi ko ito kayang gawin kung wala kayo."
Tinawanan niya ako, pumipikit ang mga mata sa saya. "Aba, ako ba 'yan? Nagpapakumbaba ka na."
Napangiti naman ako ng kaonti.
Habang ako ay mag-isa at naghihintay kay Zaniyah, napapaisip ako kung alam na ba niya ang balitang na-nominate ako sa Musical Kingdom. Sigurado akong nasagap na niya ang balita, lalo na't nasa industriya rin siya. Pero, baka naman hindi pa niya alam?
Matapos ang ilang oras, dumating na siya, hinihintay kong bumukas ang pinto. "Pasensya na at late ako ha, ang traffic kasi jusko!" sabi niya, habang inilalagay ang kanyang gamit sa sofa.
"Hays, kapagod," dagdag niya, na tila napapagod sa kanyang buong araw. Nakaupo na siya sa sofa, mukhang napapagod na pagod.
Napakunot-noo ako, nagtataka kung paano niya hindi alam ang nangyari. Ako'y nanatili sa pagmamasid, nag-aantay na malaman ang kanyang reaksyon.
"Oh, bakit? May problema ba?" tanong niya sa akin, tila walang kamalay-malay sa balita na aking ini-expect na alam na niya.
Napangiti ako ng bahagya, natutuwa na talagang hindi pa niya alam. "Hindi mo alam?" Tanong ko sa kanya, tila nagpapakumbaba na nagpapa-prank lang ako.
"Alam? Ang alin?" sagot niya, tila walang kamalay-malay sa tinutukoy kong balita. Ngumiti ako nang bahagya, natutuwa sa kanyang reaksyon. "Ibig kong sabihin, hindi mo alam na na-nominate ako sa Musical Kingdom para sa kantang 'Always You,' paliwanag ko sa kanya, abang-aabangan ang kanyang reaksyon.
Napapalakpak siya sa sobrang gulat. "H-ha? Seriously? Omaygad, hindi ko alam," bulong niya, ngunit kita sa kanyang mga mata na totoo ang kanyang kasiyahan.
Ngumiti nalang ako ng pilit kahit medyo na disappoint ako dahil hindi niya alam na nominate ako.
Napatawa siya, mahina ngunit may tamis. "Grabe ka, Jackson. Congratulations! I'm so happy for you!"
Naramdaman kong nawala ang anumang nararamdaman kong pait. Ito ang reaksyon na aking inaasahan mula sa kanya. "Salamat, Zaniyah. At maraming salamat, at salamat din sa suporta."
Tumango siya at sabay ngiti. "I'm always here to support you, Jackson."
Sa simpleng gesture na iyon, naramdaman kong hindi ako nag-iisa. May kasama akong lumalaban para sa mga pangarap ko. Iyon ang magandang bahagi ng pagiging artist—ang mga tao na nagmamahal at sumusuporta sa akin.
Ngunit biglang napalitan ng tensyon ang aming magandang sandali. "Ay, nga pala, nakita ko rin sa billboard na na-nominate 'yong kanta ni Felix Camero, isa sa mga artist sa management ni Mr. Mitchell," sabi niya, tila hindi alintana na hindi ko pa alam ang balitang iyon.
Sa kanyang sinabi, tila may naramdamang galit sa loob ng aking dibdib. Paano niya alam ang tungkol doon, pero hindi niya alam ang tungkol sa akin? "Ah, gano'n ba? Edi good," tugon ko sa kanya na may halong inis na tono. Hindi ko siya pinansin at agad akong pumasok sa aking kwarto.
"T-teka, bumili ako ng pagkain. Hindi kaba kakain? Jackson? sabi niya, ngunit wala na akong pakialam. Hindi ko siya pinansin at inis na inis akong sinara ang pintuan. Iyon na yata ang unang beses na nadama kong mas prioritized pa niya ang ibang bagay kaysa sa akin.
Mas nauna niyang nalaman ang nominasyon ng iba ko kaysa sa akin. Sa lahat ng mga tao, siya pa talaga ang nauna? Hindi ba't nararapat lang na siya ang unang makaalam ng mga bagay na may kinalaman sa akin?
Sa loob ng kwarto, naramdaman ko ang init ng galit at pagkabigo. Hindi ko alam kung bakit ako ganito ka-react. Alam kong masyado akong OA ngunit hindi ko mapigilan ang aking nararamdaman ko. Binaba ko ang aking cellphone at iniwan ito sa mesa, saka ko inilapag ang aking ulo sa unan.

Book Comment (90)

  • avatar
    BulabosRica Mae

    good

    04/09/2023

      2
  • avatar
    FelixSunshine

    it's a good story but is there a part 2 of this one "THR POSSESSIVE IDOL"?

    02/09/2023

      2
  • avatar

    dahil si manok ang cover mo napabasa tuloy ako😊😊

    31/08/2023

      3
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters