Homepage/THE POSSESSIVE IDOL/
Chapter 46
ZANIYAH’S POV
May gaganapin palang photoshoot ngayon si Jackson, kaya nagmadali akong pumunta sa office para ayusin ang mga kailangan niyang gamitin para sa kanyang shoot. Si Jackson kasi, kahit gaano siya kabusisi, minsan nakakalimutan niya ang mga gamit niya, lalo na kapag sobrang dami ng nasa isip niya.
Nang makarating ako sa studio, agad kong inayos ang mga damit, sapatos, at accessories na kailangan niya. Tumulong din ang ibang staff sa paghahanda ng mga ito, at sa lalong madaling panahon, handa na ang lahat para sa shoot.
Habang naghihintay kami kay Jackson, tinawag naman ako ni sir Mark. "Zaniyah, halika."
Lumapit naman ako sakaniya, "Bakit po?" tanong ko.
"Sinabihan kasi ako ni Mr. Mitchell na kasama si Laarni sa photoshoot," sagot niya. "Hindi ko pa siya nasasabihan dito, kaya ikaw na bahala magsabi."
Nagulat naman ako sa sinabi ni Sir Mark. Alam kong may naging relasyon sila Jackson at Laarni sa isa't isa, kaya hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Jackson na kasama ang kanyang ex-girlfriend sa photoshoot.
"Mamaya ipapakilala kita kay Laarni, parating na rin siya. Asikasuhin mo muna siya ha," sabi niya. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.
Habang naghihintay kami, naisip ko kung paano ito ipapaalam kay Jackson. Alam kong hindi ito magiging magandang balita para sa kanya, lalo pa't tila hindi siya natutuwa kay Laarni kagabi sa charity gala event. Gayunpaman, alam kong kailangan niya itong malaman, lalo na't bahagi ito ng kanyang trabaho.
I sent Jackson a text to deliver the news: "Jackson, Ms. Laarni Ortega will be joining you in the photoshoot later, according to Sir Mark." I hesitated a bit before hitting the send button, unsure of how he would react to this surprise. After sending it, I turned off my cellphone and focused on the upcoming encounter.
A few minutes later, Laarni arrived, and Sir Mark introduced me to her. "Ah, Laarni, si Zaniyah personal assistant ni Jackson,"
Ngumiti naman ako sakaniya.
"Zaniyah, si Laarni, sikat na fashion model." dagdag ni sir Mark
As Laarni and I exchanged pleasantries and greetings, I couldn't help but notice the underlying tension in the air. It was evident that Jackson and Laarni's past relationship had left its mark, and this unexpected reunion was stirring up some unresolved emotions.
The introduction to Laarni was a bit nerve-wracking, given her status as a famous fashion model and her previous relationship with Jackson. However, I tried my best to maintain a professional demeanor.
"Hi, Ms. Laarni," I said, greeting her with a warm smile. "It's nice to meet you."
Laarni returned the smile, and I could sense a friendly vibe from her. "Me too, Zaniyah. I've heard good things about you."
Sir Mark, ever the diplomatic host, facilitated the conversation. "I'm glad you two are getting along. Zaniyah, ikaw na muna bahala kay Laarni."
I nodded, "Okay, po sir"
Nang nakaalis na sir Mark napansin kong tinitignan ni Laarni ang mga awards at mga larawan ni Jackson sa kwarto nito. Sa tingin niya ay malalim siyang nag-iisip habang ini-inspect ang mga ito. Pagkatapos, tinanong niya ako tungkol sa aking pagiging personal assistant ni Jackson.
"Matagal ka na ba personal assistant ni Jackson?" tanong niya, habang nakatingin sa mga parangal at larawan ni Jackson.
Hindi ako sigurado kung saan papunta ang tanong niya, kaya't sumagot ako nang maingat. "Ah, hindi po, 3 months pa lang po ako."
"Ah, so, hindi mo pa alam?" sabi niya, at biglang nagkaruon ng seryosong ekspresyon sa kanyang mukha.
Napahinga ako nang malalim, hindi sigurado kung saan papunta ang usapan. "Po?" ang sagot ko, may bahid ng pagtataka sa aking tinig.
Ngunit biglang humakbang si Laarni, at ngumiti ng may pag-asa sa akin. "Na naging kami," sabi niya, puno ng kumpiyansa.
Hindi ko alam kung paano mag-react sa impormasyon na iyon. Napalunok ako at nanlalim ang pag-iisip sa mga nabanggit niya. Hindi agad ako nakasagot dahil sa biglaang pag-amin na iyon.
Napakalakas ng kaba sa loob ko, pero tila ba wala siyang balak itigil ang usapan. "Anyway, nasabihan mo na ba si Jackson na nandito na ako?" tanong niya.
Nagdesisyon akong huwag nang ituloy ang usapan tungkol sa kanila ni Jackson para sa ngayon. "Ah, yes po, kakakasabi ko lang po kay Jackson nang mga ilang minuto bago kayo nakarating dito."
"Okay,"
"Ah, maiwan muna po kita dito, sasabihan ko po ulit si Sir Jackson."
"Okay," sabi niya na bakas sa tono ang pagtataray.
Ngumiti nalang ako ng pilit at nagtungo na palabas. Medyo naiinis ako sa kinikilos niya, ramdam ko ang pagtataray niya kahit malumanay ang mga sinasabi niya. Habang binabaybay namin ang mga huling hakbang patungo sa office ni Jackson, napagtanto ko na ngayon ay mas magiging komplikado ang lahat.
Nang makarating ako sa opisina, nadatnan ko ang mainit na pagtatalo nina Jackson at Sir Mark. Ipinahayag ni Jackson ang kanyang pagkagalit ukol sa nalaman niyang kasama si Laarni sa photoshoot. Narecieved niya siguro 'yong text ko sakaniya, kaya dito muna siya dumiretso.
"Mark, ano 'tong nalaman ko na kasama si Laarni sa photoshoot?" galit na galit na sinabi ni Jackson kay sir Mark.
Sinubukan ni sir Mark na ipaliwanag ang sitwasyon, "Jackson, wala akong idea do'n. Si Mr. Mitchell ang nag-suggest na isama siya."
Ngunit hindi natitinag si Jackson, "Kaya biglaan niyo rin sa akin sasabihin? Surprise gano'n? Alam mo 'yong nakaraan namin ni Laarni, Mark, tapos ito pa!"
"Jackson, matagal na 'yon at tsaka—" tugon niya pero hindi pinatapos ni Jackson si sir Mark dahil sorang galit
"Kahit na, ayokong mahirapan sa ganitong sitwasyon!" sigaw ni Jackson.
"Jackson, ilang ulit ko ba sasabihin sa'yo si Mr. Mitchell nga ang nag-decide nito, kaya please lang pakisamahan mo si Laarni kahit ngayon lang," paalala ni sir Mark, ngunit sa kabila ng malumanay niyang paliwanag, hindi pa rin natitinag ang galit ni Jackson. Ang tension sa loob ng opisina ay halos maaari nang palapitin ang boiling point. Ayokong madamay sa gulo kaya't naghintay nalang ako sa pintuan, iniwasan silang makialam sa kanilang pag-uusap.
Nagsalita muli si Jackson, "Alam ko naman bakit 'to ang desisyon ni Mr. Mitchell eh, dahil alam ng mga fans namin ang relasyon namin dalawa, kaya ipu-push niya ulit kaming magtambal para mapag-usapan ulit, ‘yon naman ang marketing strategy niya, diba?" Giit niya, ngunit may lungkot sa tono ng kanyang boses. Paalis na sana si Jackson nang bigla ulit nagsalita si sir Mark, "Jackson, hindi ikaw ang mawawalan ng trabaho dito, ako." Pag-amin ni sir. "Kaya please lang, kahit ngayon lang." Malungkot na sabi ni sir.
Hindi ko mapigilang malungkot sa narinig ko. Ipinakita ni sir Mark ang kanyang dedikasyon sa trabaho at pagmamahal kay Jackson. Sa gitna ng lahat ng ito, naging alam ko na mas magiging komplikado ang lahat ngayon.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (90)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
good
04/09/2023
2it's a good story but is there a part 2 of this one "THR POSSESSIVE IDOL"?
02/09/2023
2dahil si manok ang cover mo napabasa tuloy ako😊😊
31/08/2023
3View All