ZANIYAH’S POV "Ano bang problema no’n?" Sabi ko sa sarili ko, huminga nalang ako ng malalim at inayos ‘yong pinagkainan namin. Nang naayos ko na ay chinarge ko muna ‘yong phone ko dahil nga nalowbat ako. Balak ko sanang tignan kung na-nominate ‘yong kanta niyang ‘Always You,’ pero dahil lowbat ako, ay ‘yon wala akong idea. Pagka-open ng phone ko ay biglang bumungad sa akin ang mga notifications, dalawang messages galing kay sir Mark at kay ate Sab. Nang buksan ko ang message ni sir Mark, habang binabasa ko ang kabuuan ng message ni sir Mark ay agad kong nabasa ang linya na, "Pangarap lang ni Jackson na ma-nominate sa Musical Kingdom Awards, isurprise mo ha, huwag mong ididisappoint ‘yan." "Oh my God, mali yata ‘yong bigla kong pagsingit patungkol kay Felix, ang tanga-tanga mo naman, Zaniyah," sabi ko sa sarili ko, sabay palo sa ulo ko sa inis sa sarili. Paano ko naging ganito ang reaksyon ko? Akala ko ba'y hindi ko ito papansinin? Nagta-tampo kaya siya? Baka hindi naman. Mababaw lang naman ‘yon, hindi naman siya siguradong naiinis dahil sa mga ganoong bagay. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag-overthink. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko haharapin siya pagkatapos ng nangyari kanina. Hindi ko na rin alam kung bakit ako naguguluhan sa nararamdaman ko. Parang ang daming emosyon na naglalaro sa puso ko. Bumalik na naman ang takot na baka may nasira sa pagitan namin dahil lang sa simpleng bagay na 'yon. Kaya siguro ako naasar sa sarili ko, sa kahangalan ko. Tinapon ko ang sarili ko sa sofa at napabuntong hininga. Ano ba ang dapat kong gawin? Paano ba ako magso-sorry? Hindi naman ako dapat nagrereact ng ganito. Baka sa mga susunod na araw ay okay na rin ang lahat, 'di ba? Hindi naman 'to ang first time na may ganto akong naramdaman. Kinabukasan, baka wala na itong kabuluhan. Naglakas-loob akong tumayo at kumatok sa kwarto niya. Huminga muna ako ng malalim bago ko tinapik ang pinto. "Jackson, nakahanda na ‘yong pagkain," sabi ko, habang kumakatok, ngunit walang sumasagot. "Jackson," sabi ko ulit, tila pilit na binubukas ang pinto. Kakatok pa sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at nakatingin sa akin si Jackson, may malamig na ekspresyon sa kanyang mukha. "Bakit?" tanong niya, at ang boses niya'y may bahid ng pag-aalinlangan. "Uh... uhm, ano kasi... nakahanda na ‘yong pagkain sa mesa, ‘yong pina-order sa akin ni sir Mark," sabi ko, na umiiwas sa kanyang titig. Ramdam ko ang kanyang malalim na paghinga, at hindi ko maibigkas kung galit ba siya o nagtatampo sa akin. Hindi ko rin alam kung paano ko masisimulan ang usapan na to. Habang ako'y nakaiwas ng tingin, tahimik na naglakad papunta sa living room si Jackson. Sumunod naman ako sa kanya, ngunit hindi maalis ang kaba na nararamdaman ko. Hindi ko talaga alam kung paano ko sisimulan ang pagpapaliwanag. Habang naroroon kami sa living room, pinilit kong magsalita. "Ah, Jackson..." sabi ko, ngunit agad niyang pinutol ang aking sasabihin. "Kumain ka na," saad niya, at bagamat sinabi niya ito, maramdaman ko pa rin ang lamig sa kanyang tono. Wala naman akong choice kundi kunin ang kutsara't tinidor ko para magsimula nang kumain. Habang kumakain, hindi ko maiwasang itigil ang pagtingin sa kanya, subalit tahimik pa rin siyang kumakain at tila abala sa kanyang pagkain. Kahit na alam kong dapat ayusin ang mga bagay, hindi pa rin ito gaanong komportable sa aming paligid. Naisip kong kailangan kong gawin ang kailangan para mapalapit sa kanya. "Jackson," simula ko, tila may pag-aalinlangan sa aking boses. Tumingin siya sa akin, at sa kanyang mga mata ay nakita ko ang hindi malaman kung anong nadarama. "Alam ko namang hindi pa tayo completely okay, pero gusto ko lang sabihin na hindi ko gusto 'yung feeling na hindi tayo okay. Alam mo, importante ka sa akin. Hindi lang bilang isang artist o bilang boss, kundi bilang kaibigan. At bilang kaibigan, gusto kong maging sincere sa'yo." Tahimik lang siyang nakatitig sa akin habang hawak ang kanyang tinidor. Ipinagpatuloy ko, "Naiintindihan kong may mga pagkakamali ako minsan, pero hindi ko naman gusto na magpatuloy 'yung hindi magandang pakiramdam sa pagitan natin. Kaya kung may nasabi man akong masakit sa'yo kanina, humihingi ako ng pasensya." Tumigil siya sa pagkain at tinitigan ako ng matagal. Makikita ko sa kanyang mga mata ang pag-aalinlangan, pero may bahagyang pag-asa rin. "Zaniyah…" sabi niya, at sa kanyang tono ay nadama ko ang pag-aalala. "Jackson, wala ka naman sigurong galit sa akin, 'di ba? At sana, kung mayroon man, sana mabigyan natin ng pagkakataon na maayos ito," dugtong ko, umaasa na magkakasundo kami sa mga pangyayari. Napabuntong-hininga siya at inilagay ang tinidor sa plato. "Hindi naman ako galit, Zaniyah," sabi niya, at ngumiti ng bahagya. "Ang akin lang, dapat alam mo lahat, kasi personal assistant kita." "Alam ko, actually nag-aabang naman talaga ako kaso nga lang nalowbat ‘yong cellphone ko," paliwanag ko na may halong kaba. "Kaya, wala akong idea, na nominate ka." Sabay iwas ng tingin, parang hindi ako makapaniwala na nangyari iyon. Napansin ko ang bahagyang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata. Tumango naman siya. "Pero, promise hindi na mauulit. Uhm, magdadala na ako ng araw-araw ng powerbank." Sunod-sunod kong paliwanag, nais kong mapalapit sa kanya at matiyak na okay na kami. Natawa siya, isang malambot at masayang tawa na nagpatibok ng puso ko. Sa kabila ng lahat, ngayon ko lang ito naramdaman. "Nakakatuwa ka talaga, Zaniyah. Sige na, tama na ang pang-aalaska. Nagkamali lang naman talaga ako sa pag-interpret ng reaksyon mo kanina." Ngumiti ako, natutuwa na sa wakas ay okay na kami. "So, bati na tayo?" tanong ko sabay ngiti, umaasa na maging maayos na ang lahat. Nagkatinginan kami at biglang napansin ko na tila mas lalo pang lumalapit ang aming ugnayan. Hindi ko akalaing ang simpleng isang araw na puno ng kaganapan ay magdudulot ng ganitong pagbabago sa aming pagkakaibigan. "Sige na, kumain ka na," sabi niya, sabay hawak sa kanyang tinidor. "Bago pa tayo maubusan ng oras at gutom." "Pero, hindi mo pa ako sinasagot." sabi ko, ngayon ay pabiro na ang aking tono, na nais palabasin ang kaba na nararamdaman ko. "Bakit, nililigawan mo ba ako?" tanong niya, na may halong pabiro sa kanyang tinig. Napaiwas naman ako ng tingin sa biglang tanong niya. Bakit naman ganiyan ang kanyang tanong? Hindi ko alam kung seryoso ba siya o ginugulat lang ako. Ngunit may isang bahagi sa akin na nagsasabi na ito'y maaaring pagkakataon na mas malalim na pag-uusap. Tumingin siya sa akin ng diretso, may matamis na ngiti sa kanyang mga labi. "Just kidding, oo na bati na tayo," sabi niya, at nagpatuloy ng kumain. Napatingin naman ako sakaniya, napangiti, at nagpatuloy na rin sa pagkain. Napagtanto ko na sa mga simpleng sandaling iyon, ay mas naging komportable kami sa isa't isa. Parang lahat ng yung mga hinanakit at pag-aalinlangan ay biglang napawi.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (90)
BulabosRica Mae
good
04/09/2023
2
FelixSunshine
it's a good story but is there a part 2 of this one "THR POSSESSIVE IDOL"?
good
04/09/2023
2it's a good story but is there a part 2 of this one "THR POSSESSIVE IDOL"?
02/09/2023
2dahil si manok ang cover mo napabasa tuloy ako😊😊
31/08/2023
3View All