Homepage/THE POSSESSIVE IDOL/
Chapter 40: Nagseselos ka ba?
Nang makarating ako sa apartment ko, binuksan ko ang pinto at pumasok. Bigla akong nagulantang nang makita sina Alex at Athena na naroon sa loob ng unit. "Ay, hayop!" di ko napigilan ang pagsigaw, sabay hawak sa aking dibdib na parang tinamaan ng takot.
"Grabe naman, makahayop ha!" biro ni Alex, at napailing ako sa kanya. Si Alex, laging handang magpatawa at magpaiyak sa mga oras na hindi mo inaasahan.
"Eh, bakit naman kasi kayo nandito, tapos madilim pa 'yong ilaw?" sabi ko na may pagka-irita. Napansin kong hindi pa nga pala ako nagpapalit ng ilaw pagpasok.
"Dinadalaw ka namin," sabi ni Athena habang nasa tabi naman ni Alex, na may halong tawa sa boses.
Napangiti na lang ako sa kanilang dalawa. Si Athena at Alex, dalawa sa aking mga pinakamalapit na kaibigan, na kahit sa oras ng aking pagod ay laging nandiyan para sa akin. Maliban sa mga kasamahan ko sa trabaho, sila ang mga taong may higit pang kaalaman sa mga nangyayari sa personal kong buhay.
"Paano niyo nakuha 'yong susi ng apartment ko?" pagtatakang tanong ko, na may halong pagtataka kung paano sila nakapasok sa aking apartment nang wala akong kaalam-alam.
Nagtitigan naman silang dalawa, at naging malinaw sa akin na may ginawa silang kahit anong paraan para makapasok. "Edi kanino pa, edi sa may-ari ng apartment," tugon ni Athena na may kasamang ngiti.
Napakunot-noo ako sa kanilang dalawa. "Hindi niyo ba alam na 'di maganda 'yon? Baka mamaya may masamang mangyari at kayo pa ang masisi," sabi ko, na tila nanay na nag-aalala.
Tumawa silang pareho. "Zaniyah, wag kang OA. Gusto lang namin mag-check sa'yo," sabi ni Alex, na palaging may pang-asar na tono.
"Hindi mo ba kami na-miss?" tanong ni Athena, na may pabirong pagkakulot ng kilay.
"Oo, puro ka na lang Jackson, tapos hindi ka man lang magme-message sa amin." pagtatampo ni Athena, na agad kong napansin.
"Ano ba kayo? Siyempre miss ko kayo noh, sobrang hectic lang ng schedule ko ngayon," paliwanag ko, habang kumukuha ng basong tubig. "At saka, hindi ko naman alam na pupunta kayo dito."
"Edi, magkwento ka na lang sa amin. Ano kayo na ba?" sabi ni Athena, na may maligayang ngiti.
"Oh, dikaya, nainlove ka na ba?" dagdag ni Alex sa pagbibiro, na agad kong binira ng tingin.
"Ano ba kayo? Anong mga tanong 'yan? at anong kami na? Guys, walang kami. Okay?" paliwanag ko, sabay inom ng tubig para mapigilan ang kahit kaunting kaba na nararamdaman ko sa kanilang mga biro.
"Kung wala kayo, for sure in love ka na kay Jackson," pagbibiro ni Athena at Alex sa akin, habang nag-aagawan sa pagtaas ng kilay.
Hindi ko nalang sila pinansin at umupo na lamang ako sa sofa, "Oh, bakit ayaw mong sagutin?" tanong ni Alex, na wala nang tigil sa pang-aasar.
Napabuntong-hininga na lang ako at napasimangot. "Alam niyo, hindi niyo talaga ako na-miss. Namiss niyo lang ako asarin," sabi ko, na may halong pagtataray sa tono.
Tumawa naman silang dalawa, at sa simpleng pagtawanan na iyon, parang lahat ng pagod at stress sa trabaho ay biglang napawi. Napagtanto ko na ang kanilang pagkakaroon sa aking buhay ay isang malaking regalo, isang saksi sa aking mga tagumpay at kabiguan, at mga taong laging nandyan para maging sandigan ko.
"Seryoso, Zaniyah, kahit hindi mo sabihin, kita naman sa mga mata mo. Kilalang kilala ka namin," sabi ni Athena na may malambing na ngiti.
"Oo nga, 'wag mo na kami pagtaguan ng feelings mo," dagdag ni Alex, na parang may pangarap pang magka-teleserye sa pag-aartista.
Nag-rolling eyes na lang ako sa kanilang dalawa, pero sa puso ko'y natutuwa ako dahil sa kanilang pagkakaibigan. "Basta, wag niyo na lang ako palitin," pabirong sabi ko, na sumasabay sa tawanan nila.
"Pero, kailangan pa rin namin pipilitin ang Queen of Sass namin," sabi ni Alex, na biglang tinawag ang sarili kong gawa-gawa niyang titulo.
Tumawa kami ulit, at sa tawanan na iyon, alam kong kahit gaano pa kabusy ang aking schedule, may mga tao akong laging nakaabang na handang magbigay saya at suporta sa akin.
"Kwento ka na lang, kumusta? Mabait ba si Jackson?" masayang tanong ni Athena, na halatang excited sa sagot ko.
"Hindi ka ba niya pinapagalitan, inaaway, o pinaparusahan? Kasi ako, handa akong magpaalila para sa kanya," sabi ni Alex na parang may pagnanasa kay Jackson.
Napatawa na lang ako sa mga banat at pabirong komento nila, lalo na si Alex na tila ba may gustong paglaruan ang isipan niya. "Baliw ka talaga Alex, hindi naman. Mabait naman si Jackson, medyo stubborn pero professional ang approach niya sa mga katrabaho niya, at wala naman akong reklamo," sagot ko na may halong ngiti.
"O, professional lang pala. Hindi man lang siya sweet o caring," biro ni Athena, sabay tingin sa kanya si Alex na tila ba umaasang mabibisto ang mga tinatago kong damdamin.
"Wala akong sinabing hindi siya sweet or caring, ha," sabi ko sabay piring sa kanila. "Oo naman, mabait siya at maalaga, lalo na sa mga fans niya. Pero trabaho muna bago personal."
"Ganyan talaga ang mga artista, Zaniyah. Ngumingiti sa harap ng camera pero malamig sa likod ng set," sabi ni Alex, na tila ba may personal experience na sa ganitong bagay.
"Hindi lahat, Alex. Huwag mo namang idamay lahat ng artista sa mga ex ko," tugon ni Athena, sabay hampas sa braso ni Alex na nagpapakita na alam niya ang tinutukoy nitong iba.
"Teka, may ex?" sabay tingin sa kanila, tila ba may biglang sumulpot na popcorn galing sa ere.
Napatawa na lang silang dalawa, at sa mga simpleng kwentuhan na ito, nararamdaman kong ang aming samahan ay tila mas nagiging matatag pa.
"Napaka-baliw talaga nito ni Alex," reklamo ni Athena kay Alex, na tila ba paminsang kinukulit siya. "Pero seryoso, crush na crush ko talaga si Jackson, pero mas bet ko kung kayo ang magkakatuluyan," biro niya, habang ngumiti sa akin.
"Kung hindi para sa akin si Jackson, kahit kay Felix nalang, ay kalerki ipipilit natin 'yan," masayang banat ni Alex na tila pinagnanasahan si Felix.
Napatawa nalang ako sa mga kalokohan at pabirong biruan ng aking mga kaibigan. Sa ganitong mga sandali, napapalibutan ako ng pagmamahal at suporta ng mga taong naging malapit sa akin. Hindi lang sila simpleng kaibigan; sila'y mga katuwang sa aking paglalakbay, at sa bawat yugto ng aming buhay, mahalaga sila't hindi mawawala.
"Iww, Alex, mandiri ka nga baklang 'toh," pandidiri ni Athena, sabay irap sa kanya.
"Maka-iww ha, arte naman Athena. Baka mamaya mas grabe pa ang imahinasyon mo kay Jackson," banat naman ni Alex kay Athena, sabay tawa.
"Hoy, hindi kaya," pagtataray ni Athena, pero kita sa kanyang mga mata na siya'y natatawa rin. "Sakto lang."
"Talaga namang ang mga kwentuhan niyo," sabi ko habang inuupo sa sofa, kasabay ang aking tawa.
"Eh, wala kasi kaming magawa. Wala ka naman dito para masabihan namin ng mga kalokohan namin," sabi ni Alex, na may pilyang ngiti sa kanyang mga labi.
"Oo nga, ang daya mo, Zaniyah. Bakit ba hindi mo kami sinama sa paggawa ng music video ni Jackson?" reklamo ni Athena, na may halong pag-aalala sa boses.
"Akala ko kasi, alam niyo na," sabi ko sabay ngiti.
"Ay, balita namin dating pinagla-loveteam ng mga fans ng Jamik ay kasama sa shoot ha," sabi ni Alex, na may kakaibang ngiti sa kanyang mukha.
Nagtaka naman ako kung sino ang tinutukoy nila. "Jamik?"
"Oo, Jackson pati si Mika. Dati raw kasi nililigawan ni Jackson si Mika, no’ng nag-break sila ni Laarni 'yong sikat na fashion model," paliwanag ni Athena.
Nakikinig lang naman ako sakaniya habang nagkukwento, pero lumilipad na ang mga palaisipan ko patungkol sa mga kinukwento ni Athena. Hindi ko alam kung bakit biglang may kakaibang pagnanasa na gumising sa akin. Tila ba may misteryo sa likod ng mga pangyayaring iyon. "Laarni pala 'yong name ng ex niya" sabi ko sa sarili ko
"Bakit sila nag-break no'ng kay Laarni?" nahihiya kong tanong.
Nakita ko ang mga mapanuyang ngiti sa kanilang mga mukha. "Bakit, nagseselos ka ba, Zaniyah?"
"H-hindi noh, nagtatanong lang, masama ba ‘yon?" tugon ko, habang pinipilit na maging komportable.
Nagpalitan sila ng tingin at halatang natutuwa sa reaksyon ko. "Just kidding, actually, walang nakakaalam kung bakit sila nag-break, pero bali-balita noon ang pagkakaalam namin si Laarni 'yong nakipag-break kasi nasa States na si Laarni eh, para yata ipagpatuloy 'yong pagmo-model niya," sabi ni Athena, habang masaya pang kumukuha ng popcorn sa lamesa.
"Mukhang mahihilig sa magaganda si Jackson," dagdag ni Athena, sabay kuha ng popcorn at sabay kain.
Bigla naman akong natulala at tila mas lumalim ang iniisip. Ay bakit ba ako nagkakaganito? Hindi ko maipaliwanag ang mga nararamdaman ko kapag si Jackson ang pinag-uusapan. Baka nga may mga bagay akong hindi pa nauunawaan sa sarili ko.
"Bakit ka biglang tahimik, Zaniyah? Nasaktan ka ba?" tanong ni Alex, na agad napatingin sa akin.
"Ah, hindi naman. Wala lang, medyo napaisip lang sa mga bagay-bagay," sagot ko, na may bahagyang ngiti para sa kanilang dalawa.
"Baka naman na-inspire ka lang sa mga love life ng mga artista," biro ni Athena, sabay kindat kay Alex.
Napatawa naman ako sa kanilang mga biruan, pero sa likod nun ay may kaba at pangungulila na hindi ko mawari kung paano ko ba maipapaliwanag. Sa tuwing naririnig ko ang pangalan ni Jackson o ang mga kwento tungkol sa kanya, parang may kakaibang nararamdaman sa akin na hindi ko pa masyadong maintindihan.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (90)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
good
04/09/2023
2it's a good story but is there a part 2 of this one "THR POSSESSIVE IDOL"?
02/09/2023
2dahil si manok ang cover mo napabasa tuloy ako😊😊
31/08/2023
3View All