logo text

Chapter 35: New Song

Fast forward…
Habang nakahiga pa ako at mahimbing na natutulog, bigla akong nagising nang marinig ang malakas na tunog ng cellphone ko. Napakunot-biya ang noo ko habang hinahanap ko ang cellphone ko sa tabi ng kama. Nang mahanap ko ito, mabilis kong binuksan ang screen para makita kung sino ang tumatawag.
Si sir Mark pala ang tumatawag. Napabuntong-hininga ako habang kinakabahan sa mga posibleng rason ng kanyang tawag. Hindi ko maiwasang mag-isip ng mabilis habang pinipindot ang pindutan para sagutin ang tawag.
"Hello, po, Sir Mark?" ang sabi ko, pinipilit na hindi mapakita sa boses ko ang kahit anong kaba o antok.
"Zaniyah, good morning. Pasensya na at nagising kita, baka kasi nakalimutan mo na may radio show si Jackson ngayon para ma-promote 'yong ire-release niyang song," ang sabi niya, may seryosong tono sa boses.
Bigla naman akong nagulat sa sinabi niya, kasi ang alam ko pahinga ni Jackson ngayon, kaya nagmadali akong pumunta sa mga notes ko na nakalagay sa desk ko at nakita ko na meron nga siyang schedule ngayon. Tinap ko naman ‘yong ulo ko dahil may mali akong nagawa.
"Hey, Zaniyah, nandiyan ka pa ba?" sabi ni sir Mark, parang kinakabahan na baka hindi ako sumagot.
"A-ah yes po, Sir, nandito pa po. Sige po, agad ko pong pupuntahan si Sir Jackson," sabi ko ng may kaba sa boses. Napansin kong parang nagkukumpas-kumpas na ako sa harap ng cellphone ko dahil sa sobrang kaba ko.
Nang i-end na niya 'yong tawag, agad akong nagmadali pumunta sa banyo para maligo. Kinailangan kong magmamadali dahil alam kong kailangan kong sabihan si Jackson tungkol sa radio guesting na ito. Baka mapagalitan pa ako ni Jackson dahil sa aking pagkakamali. Naisip ko na mabuti pang maging handa at magusot ng maayos.
Nang matapos akong maligo at magbihis, kinuha ko ang mga importanteng dokumento at mga listahan ng mga dapat gawin para sa araw na ito. Kinuha ko rin ang aking cellphone at agad na nag-message kay Jackson.
Hey, Jackson! Pasensya na po at may mali akong impormasyon na bigay kagabi. May radio show pala tayong guesting para sa song release niyo. Agad po akong pupunta sa condo niyo para ma-discuss natin ang mga detalye. -Zaniyah
Sana talaga mabasa niya...
Pagdating sa condo ni Jackson, hindi ako agad pumasok. Bumaba muna ako ng sasakyan at huminga ng malalim. Tumutok ako sa aking layunin na maging tapat sa aking trabaho. Inayos ko ang aking suot at ngumiti nang bahagya sa sarili bago ako pumasok sa loob.
Nang marating ko na ‘yong kwarto ng condo niya ay kumatok ako pero hindi siya sumasagot kaya wala akong choice kundi pumasok na. Pagkapasok ko ay tahimik ang paligid at parang tulog pa yata si Jackson.
Kaya agad kong binaba ‘yong mga gamit ko sa sofa at dumiretso sa kwarto na tinutulugan niya at tama nga ang hinala ko tulog pa ito at tila masarap pa ang tulog.
Lumapit ako dito at ginigising siya, "Jackson, Jackson, kailangan mo ng gumising."
"Ahm, ano ba ‘yan ang aga aga pa," sabi niya at tila inaantok pa.
"Sir, may radio guesting kasi ikaw ngayon, kailangan mo na talagang gumising," sabi ko, habang hinahawakan ang kanyang balikat nang maigi para gisingin siya.
Napakamot siya at tumingin sa akin, "Ano? Hindi ba't pahinga ko ngayon?" sabi niya na may bahid ng inis sa kanyang tinig.
"Sorry, kasi mali palang dates ‘yong nakita ko kaya akala ko wala kang schedule ngayon," sabi ko na medyo nahihiya.
Nakapikit pa rin ang isa niyang mata, "Hindi ba pwede bukas na lang ‘yan, inaantok pa ako."
"Sir, hindi po pwede. Ako naman mapapagalitan ni sir Mark, please sir gumising ka na diyan." pagmamakaawa ko. "Sir, I mean Jackson."
Tumingin siya sa akin na parang naaawa, kaya tumayo siya at hinilot ang kanyang noo.
"Masakit ba ‘yung ulo niyo, sir, I mean Jackson?" Tanong ko, nag-aalala sa kanyang kalagayan.
"Oo, masakit," inis niyang sabi. "Medyo, may hangover pa yata ako ngayon."
"O-oh, wait. Gagawa ako ng lugaw para mahimasmasan ka, wait lang," sabi ko, agad akong lumabas ng kwarto niya at dumeretso sa kusina para magluto ng lugaw. Nagsimula akong maghanap ng mga kailangang sangkap, umaasa na makakatulong ang mainit na lugaw para maibsan ang kanyang nararamdaman.
Habang inaayos ko ang mga kailangan ko, naisip ko ang mga oras na kasama ko siya. Mula sa mga meeting, scheduling, at iba pang mga bagay, hindi ko lubos na naisip na magkakaroon kami ng ganitong personal na pagkakataon. Isang pagkakataon na makita siyang totoong tao, malayo sa kanyang public image.
Nang matapos ko ang pagluto ng lugaw, inilagay ko ito sa isang malalim na bowl at nagtungo sa kwarto ni Jackson. Pagpasok ko, nakita ko siyang nakaupo sa kama, nagmumukhang napakalalim sa kanyang mga iniisip.
"Jackson, heto na ang lugaw. Baka makatulong ito para sa hangover mo," sabi ko nang may pag-aalala sa tono.
Tumingin siya sa akin at ngumiti ng bahagya. "Salamat," "Sorry talaga ha, nagkamali kasi talaga ako. Akala ko talaga wala kang schedule ngayon..." sunod-sunod kong sabi, aminado sa aking pagkakamali. Nakatutok siya sa akin, at sa seryosong pagtingin niya, napahinto ako sa aking pagsasalita. "Zaniyah?"
Napatingin ako sa kanya, nababahala sa kanyang biglang seryosong tono. "Uhm."
"Wala naman akong choice, anong oras ba start ng radio guesting?" sabi niya habang sinasabay ang pagkain ng lugaw.
"Ah, wait." sabay kuha ko ng notes sa bag ko. "11:00 am start ng radio guesting, kailangan 10:30 makapunta na tayo do’n, kasi baka tawagan ako ni sir Mark."
Tumingin siya sa orasan at napansin kong may halong pag-aalala sa kanyang mga mata. "Okay, maghintay ka nalang sa labas, maya maya maliligo na ako."
Tumingin siya sa orasan at napansin kong may halong pag-aalala sa kanyang mga mata. "Okay, maghintay ka nalang sa labas; maya-maya maliligo na ako."
Ngumiti naman ako at tumango sa kanyang sinabi. "Sige, hintayin kita sa labas."
Tahimik akong lumabas ng kanyang kwarto, at habang naghihintay sa living room, napatingin ako sa mga paintings na naroroon. Ito ang mga gawa ni Jackson—mga likhang sining na sumasalamin sa kanyang talento. Hindi ko maiwasang mapangiti at mapabilib sa kanyang husay. Talagang deserving siyang maging isang kilalang artist.
Matapos ang ilang minuto, lumabas na si Jackson mula sa kanyang kwarto, ang suot niya ay isang simpleng puting t-shirt at maong na pantalon, pero grabe pa rin ang atake ng kagwapuhan niya. Ngumiti siya sa akin nang makita niya akong nakatitig sa mga paintings.
"Napansin mo ‘yong mga paintings?" tanong niya, habang naglalakad kami palabas ng kanyang condo.
Umiling ako ng bahagya. "Opo, sobrang galing mo pala mag-paint. Talagang may hidden talents ka."
Napangiti siya sa aking komento. "Salamat. Ito talaga ang isa sa mga passion ko, pero mas gusto ko pa ring mag-focus sa music."
"Mas maganda pa rin kung parehas mo ipagpatuloy ‘yong passion mo." ngiti kong sabi. "So, tara na?"
Ngumiti ito at tumango, "Sige,"

Book Comment (90)

  • avatar
    BulabosRica Mae

    good

    04/09/2023

      2
  • avatar
    FelixSunshine

    it's a good story but is there a part 2 of this one "THR POSSESSIVE IDOL"?

    02/09/2023

      2
  • avatar

    dahil si manok ang cover mo napabasa tuloy ako😊😊

    31/08/2023

      3
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters