Chapter 63

"Wag ka na kasi umalis."
 
Palihim na natatawa si Sandy ng hindi pa rin binibitawan ni Aled ang kamay nya. Naka ligo at naka bihis na sya, aalis na lang sya ng hawakan nito ang kamay nya. Nasa kama pa rin ito, still naked underneath the comforter. Binuksan nito ang flat screen tv sa kwarto nito ngunit halata naman na hindi ito nanunuod.
 
Bumalik lang sya sa kwarto nito matapos makapag bihis upang magpaalam na. Hindi nya naman alam na kukulitin pa rin sya nito sumama o huwag umalis.
 
"Hindi nga pwede. Ang kulit!" Sagot nya.
 
"Sasama na lang kasi ako. Sige na. Hindi naman ako magpapakita sa kanya! I swear, i won't let her see me. " Halatang pursigido ito'ng sumama.
 
"Wag na. Uuwi naman ako agad." Sagot nya pa.
 
"Sige na! Ako naman may-ari ng Orion ah? Why won't you let me go there?" Sa wakas ay naisip nito na ito naman talaga ang may-ari ng lugar na pupuntahan nya. Natawa sya. "Why are you laughing?" Tanong pa nito.
 
"Bakit ba ayaw mo ako paalisin o gusto mo sumama?" Imbes ay tanong nya.
 
"Kailangan ba laging may reason? I'm bored, okay? it's either you're not going or i am going with you." Naka simangot na talaga ito.
 
"Ah, bored ka? Edi magpapapunta ako ng clown dito para i-entertain ka." Sagot nya.
 
"Stop being sarcastic, babe. Sige na, i'll take a bath. Wait for me." Bigla na lang ito'ng tumayo at syempre, dahil naka hubad pa rin ito ay dali-dali syang tumalikod.
 
"H-hindi ka nga pwedeng sumama!" Mahinang sabi nya.
 
"What, now you don't want to look at me?" Sabi nito.
 
"B-bahala ka dyan!" Akmang lalabas na sya ng kwarto nito ng bigla sya ulit nitong yakapin mula sa likod nya.
 
"Baka kasi ma-miss na naman kita.." Bulong nito sa kanya.
 
Automatic na nag-init ang mga pisngi nya sa narinig. Hindi agad sya nakapag salita. Ilang minuto sila sa ganoong posisyon bago sya naunang magsalita.
 
"S-sige na nga. Dun ka lang sa office mo ha." Sa huli ay sabi nya.
 
Bigla syang pinaharap nito at hinalikan ng madiin sa labi. "Okay, I love you!" Sabi nito bago dali-dali rin na tumalikod at pumasok sa bathroom g kwarto nito.
 
Naiwan na lang syang nakatulala sa pintuan ng bathroom pagkapasok nito.
 
SANA GANITO SILA ARAW-ARAW.
 
 
----------------------------------
 
 
 
Almost one hour ng naka-tambay sa starbucks si Dychie. Naka dalawang order na sya ng mocha frappucino at kapwa venti pa! Hindi nya na alam ang gagawin na susunod. Agad syang naligo kanina at nag shopping. Nang sumakit na ang paa nya kakalibot ay nagpasya syang magpa spa.
 
Hanggang ngayon, halos limang oras na syang nasa labas. Ayaw nya munang umuwi, at sana, pag-uwi nya ay wala na doon ang lalaki. Halos magka heart attack na sya kanina sa kaba habang nagbibihis dahil baka bigla ito'ng magising.
 
Hindi nya pa alam ang sasabihin, hindi nya pa alam ang gagawin. Heck, she doesn't even know what to think! Magpa-panic attack na sya. Kulang na lang, magtawag sya ng psychiatrist para may makausap man lang sya
 
Puno'ng puno na ang backseat ng sasakyan nya ng mga paper bags na naglalaman ng mga pinamili nya kanina. Sa hotel na lang kaya sya dumiretso? Tama! Doon na lang sya magsesettle. Pero paano kung umalis na rin ito sa pad nya? Edi nagmukha lang syang tanga, ganoon?
 
Pinilig nya ang kanyang ulo.
 
Ano ba Dychie! Think straight! Eh ano naman kung may nangyari sa inyo? As if hindi mo sya gusto.
 
Gusto mo nga sya, pero ibinigay mo sa kanya ang sarili mo ng ganoon na lang! Nagplano ka pa ng romantic first night before! Hiyaw naman ng kabilang utak nya.
 
Okay, breathe in, breathe out! Sa hotel muna sya tutuloy.
 
She arrived at a five star hotel somewhere in Makati before lunch. Nang maka kuha ng suite ay nagpa room service na lang sya. Natural na hindi pa rin mawala sa isip nya ang mga nangyari. Hazy man ang details ng mismong 'pangyayari' well, she remembered most of it, and it's killing her!
 
Buburuhin nya na lang ang sarili nya sa panunuod ng tv!
 
Pasado alas tres ng hapon ng marinig nyang tumunog ang cellphone nya. Kasalukuyan syang nagbababad sa jacuzzi ng suite nya. Muntik nya ng mabitawan ang cellphone nya ng makita kung sino ang tumatawag. Si Prince.
 
Kaagad nyang pinatay ang cellphone nya. She eased her mind until she fell asleep while in the jacuzzi. Hindi nya na alam kung gaano sya katagal na nakapikit ng may marinig syang tunog sa labas ng bathroom.
 
Napa-atras sya ng makita ang isa'ng pamilyar na mukha.
 
 
 
"A-ano'ng ginagawa mo dito?"
 
"Well, hindi ba at dapat ako ang magtanong sayo nyan?" Husky ang boses na iyon ni Prince, halatang hindi natutuwa sa ginawa nya.
 
 "B-bakit, m-masama bang mag unwind?" Sagot nya. Hindi nya alam kung ilang beat na ang nagagaw ang puso nya kada minuto sa bilis nito.
 
"Unwind? Bigla ka na lang nawala kanina! Hell, i even waited for you for hours! Ano bang iniisip mo at bigla kang nag check in dito?" Salubong ang kilay nito.
 
"A-ano bang pakealam mo?" Ang tanging nasagot nya.
 
Bumuntong hininga ito bago tumingin sa kisame, tila nag-iisip ng sasabihin.
 
"Magbihis ka. Mag-uusap tayo. I'll wait for you at the lobby. Don't you dare na tumakas, i found you here, i can find you anywhere." Imbes ay sabi nito.
 
Namalayan na lang ni Dychie na padabog na sinara ng lalaki ang pinto ng suite nya.
 
Jusko. Ano ba to'ng napasok nya?
 
 
 
 
 
-------------------------------------------------------
 
 
 
 
 
Binabati sila ng pagyuko ng mga nakakasalubong nila tauhan ni Aled sa Orion.
 
Pasado alas nueve na sila nakarating dahil sa traffic. May banggaan sa dinaanan nila, at well, naglambing pa ito bago sila umalis. :'>
 
"Where is she?" agad na tanong ni Aled kay Wilson.
 
"Oh, oh! Ano'ng usapan natin?" Sabat nya.
 
Napabuga ito ng hangin. "Fine!" Sabi nito bago naglakad papunta sa opisina nito.
 
Natatawang sinagot sya ni Wilson. "Nasa ground floor. Gising na ulit sya ngayon. Pinapakain namin, ayaw kumain. Nagsisisigaw lang ng nagsisisigaw. Hinayaan na lang namin."
 
"Salamat. P-pagkatapos ko sya kausapin, a-anong gagawin natin sa kanya?"
 
"I can dispose--"
 
 
 
"I told you, no killings! Naman, Wilson!" Agad nyang habol.
 
"Oh. Oo nga pala. Edi ipatapon mo sa Mandaluyong. For sure, sya naman ang hinahanap ng mga tauhan nya or worse, ng mga magulang nya. Close yan sa parents nya kaya naging ganyan, sunod sa layaw." Kwento ni Wilson bago sila sumakay sa elevator pababa.
 
"I see. Since namatay yung kambal nya, sya na lang ang anak, right?"
 
Tumango ito.
 
Actually, nag-iisip na sya ng sasabihin. Kakausapin nya ito'ng tigilan na sila at manahimik na. Whatever she would say, iisa pa rin ang kakalabasan. Gagawin nya ang sinabi ni Wilson. Ipapatapon nya ito somewhere na kung saan pwedeng may makatulong dito.
 
Ilang sandali pa ay bubuksan na ang pintuan kung saan kinulong ng mga ito si Sophia. Hindi daw nya kailangan mag worry since nakatali ang babae at hindi sya masasaktan.
 
Huminga sya ng malalim. Here we go...

Book Comment (626)

  • avatar
    Gela Malit

    so very nice

    22d

      0
  • avatar
    Har Len Lampago Conserman

    ang ganda ng story!! confuse lng aku sa pamagat nya

    25/03

      0
  • avatar
    Daisy Padiernos Pario

    maganda. nkkakilig

    17/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters