Homepage/I Married The Ice King (Tagalog)/
Chapter 65
Sandy thought she played her part well. Hindi nya naman kasi pwedeng ipaalam sa asawa nya na nag-usap sila ni Roberto Santillan at ito ang unang nagsabi, mas malaking gulo.
Pinapaayos nya na muna ang papers and all ni Sophia bago ito dalhin sa isa'ng mental institution. Syempre pa at kakausapin nila ang mga tao sa hospital since ang sabi naman ni Aled, ito na ang bahal magsabi sa parents ni Sophia na nagbabakasyon lang ito somewhere.
Hindi nya masyadong kinikibo si Aled. Best actress na ang pakiramdam nya.
"Babe.." Tawag nito sa kanya.
Kasalukuyan silang nasa kotse at pauwi na. Kapwa sila nasa likod samantalang nagpasama sa isa'ng driver ang lalaki. Marahil ay nais nitong suyuin sya. SANA NGA.
Hindi sya kumibo.
Hinila nito ang kamay nya at hinawakan. "Shopping tayo, gusto mo?"
Muntik na syang mapabunghalit ng tawa. Seryoso ba ito? Pagshashopping ang isusuhol nito sa kanya dahil sa kasalan kuno nito sa kanya?
She composed herself then looked at him. "Sige."
Sa totoo lang ay wala syang pakealam sa mga bibilhin nila. Gusto nya lang ito makasama sa labas. Kung tutuusin this will almost be the first na magkasama silang lalabas ng hindi ito parang leon sa sungit.
He instructed the driver na pumunta sa isa'ng sikat na mall. Nang maihatid na sila ay binigyan na lang nito ng pero ang driver upang mag commute pabalik sa ORION at kinuha nito ang susi. Magkahawak kamay silang naglakad lakad.
"Hindi ka pa ba nakakapili?" Maya maya ay kunot ang noo na tanong nito sa kanya.
"Ha?"
"I though you said yes when i asked you na magsha-shopping tayo?"
"Ah! oo. I mean, hindi pa ako nakakapili." Paano sya makakapili kung hindi naman sya pumipili?
"Babe, hindi ka pa nag-aaya pumasok sa kahit na isang stores dito. Paano ka makakapili?" Naiiling na tanong nito.
Natawa sya. "Masyado ka. Eto na po." Hinila nya ito sa isa'ng boutique na kilala ang pangalan.
Automatic na umupo si Aled sa isa'ng couch na malapit sa dressing room. Daig pa ang boyfriend na sanay na sanay maghintay at sumama sa girlfriend nito na ginagawang hobby ang mamili ng damit. Natawa sya sa naisip.
She started browsing over the pa-girl dresses in the racks. Naghahanap sya ng particular color. Napangiwi sya ng makita na halos lahat ng naroroon na design ay backless, spaghetti straps or masyadong revealing ang design.
Muli syang napangiti ng makita na may mga cardigan at bolero naman doon. Two saleslady assisted her. Mukhang alam ng mga ito na madami syang bibilhin.
Hindi nya na mabilang ang mga napili nya na isa-isa nyang sinukat at ipinakita sa asawa. Panay approved sign ang sinisenyas nito, bagamat may tatlong outfit syang sinuot na nakita nyang napangiti ito ng makita sya.
Ilang boutique pa ang pinuntahan nila at natatawa sya dahil hindi man lang talaga ito umaangal o nagrereklamo. Swipe lang din sila ng swipe ng card nito. Hay, the good life.
Pasado alas dos na ng matapos silang mamili. May mall attendant na naglagay ng mga pinamili nila sa kotse. Sinabihan na lang ito ni Aled na puntahan sila sa isa'ng restaurant na nasa mismong mall rin upang ibalik ang susi.
Hindi lang gutom kundi uhaw ang inabot nila.
Ksalukuyan na silang nasa gitna ng pagkain ng biglang magsalita si Aled.
"Babe, what do you think, magpa house party tayo?"
Nangunot ang noo nya, nabitin pa sa ere ang pagsubo nya ng steak.
"What? House party? Bakit?" Sa huli ay ibinalik nya na lang muna sa plato ang tinidor na may nakatusok na steak.
He shrugged his shoulder. "I-i just want to. Ewan. Dati ko naman ng ginagawa yun. Ayaw mo ba?"
"O-okay lang. Sa mansion ba? Okay lang ba kila mama at papa?"
"No, hindi sa bahay. What i mean is, beach party."
Nangunot ang noo nya. "Beach party? Saan naman?"
Imbes na sumagot ay ngumiti lang ito.
"Oh my God.. Don't tell me.. We! Di nga?" Nanlaki ang mga mata nya at napa palo sya sa mesa ng ma realize nya ang nais nitong sabihin.
He laughed. Opo, tumawa si Aled. walang joke.
"Yes. I just received a call from the workers. Next week pwede na daw mag opening yung resort. Pin-finalize na nila yung pintura."
"How? I mean ang bilis naman? Wala pang two months mula ng pumunta tayo dun ah?" Gulat na gulat na tanong nya.
"Wala ka bang bilib sa akin?" Imbes ay natatawa na tanong nito sa kanya.
Imbes na sumagot ay tumawa na lang sya. She's actually looking forward to the BEACH PARTY.
----------------------------------------------
Inis na sinipat ni Prince ang suot na wrist watch.
Pasado alas singko na, hindi pa rin bumababa sa lobby si Dychie.
Pinagtitinginan na sya ng tao. This is actually just the first time na nagpakita sya in public sa lobby ng building kung saan ang pad ni Dychie. They wouls know anyway, edi sya na mismo ang gumawa ng ingay. Malamang na bukas ay nasa society page na sya or better kung sila.
Inilabas nya ang cellphone at tinawagan ito.
"Asan ka na ba? Kanina pa ako nandito sa lobby. Alas singko ang usapan!" Ni hindi pa ito nakakapg 'hello' ay agad nya nang sabi.
"Aw! Hindi ka naman nagtext na papunta ka na or andyan ka na. Kanina pa ako naka ready no." Pakli naman nito.
"Bilisan mo na." Sabi nya na lang.
Pupunta sila sa Laguna kung saan magpapa opening beach party sila Aled. Bukod sa ibinilin ni Sandy na isama nya si Dychie, dun nya na rin siguro gagawing official ang 'exclusively dating' status nila ni Dychie. He's really serious about it.
Pagkabukas na pagka bukas ng elevator ay agad nyang napansin ang babae. She was wearing an emerald green dress na pinatungan nito ng silver hanging dress. Mabilis naman ito'ng lumapit sa kanya.
"Let's go." Hinila nya ang kamay nito.
And yes, maraming nakatingin sa kanilang tao.
Naghihintay sa labas ang limousine na gagamitin nila. Naka convoy sa kanila ang ilang miyembro ng Chiamera na pinili nya for security purposes. Bagamat si Sandy lang ang nakausap nya, sinabi naman nito sa si Aled daw mismo ang nagpapapunta sa kanya, sa kanila.
"How long would it take?" Agad na tanong ng babae ng makasakay na sila.
"Hindi pa nga tayo nakaka alis, eh."
"Masam ba magtanong? Masyado ka talaga." Inirapan pa sya nito.
Napa-iling na lang sya.
"Harold, pasibatin mo na." Utos nya sa driver.
"Yes boss." Sagot naman nito.
He opened the fridge then got his self a beer in can.
"Oh, bakit umiinom ka na?" Tanong naman ni Dychie.
"Masama ba uminom:? Masyado ka talaga." Ginaya nya pa ang accent nito.
Imbes na sumagot ay tinalikuran sya nito. Natawa sya. Sensitive talaga ang mga babae kapag accent na ng mga ito ang ginagaya.
Maya-maya ay tumunog ang cellphone nito. Dali-dali nito'ng bunuksan ang dala nito'ng purse at sinagot iyon.
Hinayaan nya na lang ito makipag-usap sa kung sino man iyon. Basta sya, excited.
-----------------------------------------------------
Dychie never really knew what to feel. Ang sabi ni Prince, si Aled daw mismo ang nagpapapunta sa kanila sa opening ng resort nito. Akalain mo nga naman, at twenty years old, may sarili na ito'ng beach reasort? kaloka.
So pumayag sya. At kahit naman siguro hindi sya pumayag, mangpepeste pa rin si Prince. True to his words, two times sya nitong pinuntahan sa pad nya bago ngayon. Awkward. Naghahanda sya ng merienda, nanunuod sila ng movies, naglalaro ng baraha ang etcetera. (insert poker face)
So ng malaman nya na sa Laguna ang party, she contacter her other friends to meet after the party. One of them said na invited din pala sya. Marami tuloy syang nalaman tungkol kay Aled.
Kapag nagpapaparty daw ito, exclusive. May guest list. Very strict. Bale parang enjoy, don't ask. Hindi ito nagsasalita, bihira raw makipag usap. Parang trip lang daw nito gumasta, which is very understandable daw dahil napaka yaman nito. And everybody wants to get in dahil palaging party of the month daw kapag ito ang nagpa party. Mga socialites, anak ng mga politiko at mga who's who na mga anka rin ng mga businessman ang pumupunta.
"So how did you became invited? I mean, close ba kayo or what?" Eager na tanong nya. kaibigan nya si Jade noong elementary pa lang sila. Noong kinuha na sila ng daddy nya at dinala sa Paris, nagkaroon sila ng contact nito thru online.
"Hmm. Hindi. Were schoolmates. They got me and some of my classmates to do something for them, then hayun." Kwento nito.
"Ha? Ano naman?"
Tumawa ito. "Ano ka ba confidential. Mag enjoy ka na lang mamaya."
"Ano nga? Ito naman." Now she's really curious.
"Haha! Tumulong lang kami sa kanila nung nag program yung klase nila. Eh diba member ako ng glee club."
"Ah. Akala ko naman kung ano."
Hanggang sa sinabi nya rito na tumawag na lang ito ulit kapag naroon na ito.
So Tumawag nga si Jade ng makasakay na sila ni Prince sa limo nito. Papasok pa lang daw si Jade at halatang excited.
Sinabi nya rito na magtetext na lang sya kapag malapit na sila.
Upang hindi ma bored, nagbasa na lamang sya ng magazine na nasa rack. In fairness, pulos fashion magazine at ilang showbiz magazine ang naroon.
Ilang sandali pa at:
"Malapit na tayo." narinig nyang sabi ni Prince.
Ipinasok sa gate na may nakalagay na THE ORION ang limo at ilang sandali pa at natanaw nya na ang dagat! Agad syang bumaba ng limo at inamoy ang hangin.
Nagulat sya ng bigla syang hilahin ni Prince at hinawakan ang kamay nya ng mahigpit. Paglingon nya? Ang mag-asawang Aled at Sandy.
OO nga naman. PANAKIP BUTAS LANG SYA.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (626)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
so very nice
22d
0ang ganda ng story!! confuse lng aku sa pamagat nya
25/03
0maganda. nkkakilig
17/03
0View All