Chapter 68

Monday.
 
 
 
Kasalukuyang nasa classroom na si Sandy ng tawagin sya ng kaklase nya. Andun daw pala si Renz. Nangangamusta. Lumabas sya at nag usap sila sa hallway.
 
"Nami-miss ko na makipag chikahan sayo te! Jusko. Sa isang linggo, dalawang araw ka na lang yatang pumapasok. Kaloka." Agad na sabi ni Renz.
 
"Naku, pasensya na. Medyo naging busy lang sa ibang alalahanin. At pasensya na rin kung hindi kita naimbita sa latest opening party ng resort ni Aled." Paumanhin nya. Mas gusto nya kasi na tipong okay na ang lahat at tipong magbabakasyon sila kasama ito, hindi panadalian lang.
 
"Okay lang, ano ka ba. Hectic rin ang sched ko, may part time job na ako. Pinag iipunan ko yung trip na trip ko'ng scooter. Kapag nakapagbigay na ako ng down payement, pwede ko na magamit. Medyo hassle na kasi yung kotse ko, ayaw ko naman humingi na kila Daddy."
 
"Ganun ba? Wow. Buti ka pa."
 
"Ano'ng buti pa ako? Bruhang to! Ikaw na ang buhay prinsesa dyan, ako pa ang sasabihan mo nyan. Kaloka ka." Pumipilantik ang mga daliri nito.
 
Natawa sya. Nakita nya nang padating ang prof nila. "Osya, text text na lang ulit ha? Nandyan na si prof."
 
"Okay. Try mo magreply ha? Uso yun. May cellphone ka eh." Pahabol pa nito bago ito tumalikod na ikinatawa nya.
 
Madaling natapos ang araw. Nagkita sila ni Aled sa parking lot at dumiretso sa Hospital. Malayo layo ang byahe dahil Laguna area pa rin ang hospital na pinagtakbuhan nila kay Dychie. Ayon sa doctor bago sila umuwi ay stable na si Dychie. May internal hemorage daw sa ulo nito pero ang sabi ng doctor ay natanggal na nila ang namuong dugo at wala na sa danger level.
 
Bagamat nasikmuraan daw si Dychie ay wala naman problema sa liver nito. Ipinagpalagay ng Doctor na once na magising na ito ay doon nila malalaman kung talagang walang damage dito ang nangyari. Wala pang 24 hours mula ng umalis sila doon at nagulat sila kung ano ang naabutan nila.
 
Madami ding bodyguards sa paligid. Ano to, party ng mga bodyguards? Pulos kasi naka itim, mga datingan ng mga tauhan ni Aled kaya alam na alam ni Sandy. Halata rin naman na hindi ito mga pasyente o mga dumadalaw lang.
 
Dahil inilipat na nila sa private room si Dychie at glass door ang pintuan, nakita nila na naroon si Roberto Santillan at tila galit na galit ito kay Prince. Naabutan nila na nakahawak sa kwelyo ni Prince ang lalaki.
 
"You fucking swear to me that you'll protect her! You fucking swear! What the hell happened to my baby, Prince? B-bakit ganyan na sya? Look at her! Hinahayaan ko syang sumama sayo dahil alam ko na kaya mo syang protektahan but this happened!" Bulyaw nito.
 
Sumuntok ito sa pader. Believe it or not, umiiyak si Roberto. Kitang kita ang paghihirap ng loob nito sa nakikitang kalagayan ng anak nito.. na ngayon nila napatunayan na anak nga nito.
 
Nakayuko lamang si Prince, hindi kumikibo. Marahil ay nagi-guilty ito. She can't blame him. He's been one of the best in their field. Ito na pati ang may hawak ng Chiamera. Pero hindi nito naprotektahan si Dychie.
 
Ilang sandali pa at napansin na sila ni Roberto. Galit ito'ng lumapit sa kanila.
 
"What the hell are you doing here?!"
 
"D-dinadalaw namin si Dychie." Straight na sagot nya. Baka kasi pabalang pa kung si Aled ang sasagot, eh halata naman na anytime ay parang magkaka gulo na.
 
"What? And why would you do that?"  Galit na singhal nito sa kanya.
 
"She's my cousin." This time ay si Aled na ang sumagot.
 
"What?" Napa labi si Roberto.
 
 "I know, okay? At bakit mo ba sya inilihim sa amin? What are you afraid of?" Napakagaling talaga mag poker face ng asawa nya, k.
 
Huminga ng malalim si Roberto na madaling naka recover sa nalaman. "And why would i tell you? You despised me, you and your parents did! I know my faults, pero hindi ko hahayaan na maibunton nyo sa anak ko ang lahat ng frustrations at galit nyo sa akin!"
 
Hindi na nagsalita si Aled. Tuloy tuloy itong pumasok sa loob.
 
"Roberto, listen. We are not your enemy here, at least, not anymore. The last time na nag-usap tayo, you told me things, things i won't tell anymore, to anyone." Sabi nya ng akmang pipigilan nito ang asawa nya. Nakita nyang umupo si Aled sa sofa na nasa gilid ng kama ni Dychie. "K-kami ang nagsugod kay Dychie dito. There's a newly opened resort nearby, pag aari ni Aled. We invited Prince and Dychie. T-then, nakita na lang namin sya na naliligo sa sarili nyang dugo. It was hard for us, seeing her like that."
 
Mataman naman na nakikinig ang matanda. Kumalma na ito bagamat umiiyak pa rin.
 
"Matagal na naming alam, Roberto. Dychie came to the mansion one morning, with her birth certificate and all para patunayan na isa syang Santillan. Now, kahapon, may nakita ang mga nurse sa purse nya na note. It was written with Dychie's blood. Here."
 
Ipinakita nya rito ang note na nakita ng mga nurse.
 
"W-who wrote this?" Nanginginig na tanong ni Roberto. "I'm gonna kill that bastard with my own hands!" Galit na galit na sabi nito.
 
"W-walang testigo. W-wala pa rin kasing cctv camera na naka install sa bandang yun ng resort, since sa labas ng cottage nangyari. B-but we are doing all we can."
 
"Well, i think your best is not enough." Imbes ay sabi nito. Sinulyapan nitong muli ang anak na nakahiga at tuloy tuloy na lumabas na sa kwarto. Sumunod na rito ang mga bodyguards nito.
 
That's when she went inside too. Isinara nya ang glass door at ang kurtina.
 
"How is she?"
 
"Hindi pa rin gumigising." Sagot ni Prince. Katabi na ito ni Aled sa upuan. Kapwa nakayuko ang mga ito.
 
"I can only imagine what she went through. Mabuti na lang at hindi ganyan kalala ang nangyari sa akin when i was kidnapped by Sophia's men." Sabi nya. Hinaplos nya ang buhok ni Dychie.
 
Ngayong malinis na ito ay mas kitang kita ang mga sugat nito. May tahi ito sa bandang kaliwa ng noo nito. May sugat sa labi, sa pisngi, sa braso at sa paa. She was rooting her for Prince now. She can see how Prince is really affected by what happened, and natutuwa rin sya na nakiikita nyang nag-aalala si Aled para sa pinsan nito although pilit nito iyong tinatago.
 
Ang Chiamera at Orion naman ay nagtutulong sa pagre-replay ng mga tapes ng cctv sa party nang gabing iyon para malaman ang mga pinuntahan o ginawa ni Dychie o kung may kahina-hinalang tao sa party na iyon.
 
Nagbilin na sya kay Wilson na mag update agad.
 
Hindi rin lingid sa kanya na hindi halos nawawala sa kamay ng asawa nya ang cellphone nito. Tumatawag ito sa mga underground connections nito for query. Kung sa underground din galing ang hit, malalaman nila agad. These people are not amateur. But who could have done it? At sino ang gustong pagbayarin ang mga Santillan?
 
Ilang sandali lang at dumating ang doctor at nurse upang i check and vital signs at progress si Dychie. Wala naman daw complications sabi ng Doctor. So far, so good.
 
Lahat na lang sila ay napa lingon ng biglang bumukas muli ang pinto at tumambad ang mag-asawang Lyn at Renato.
 
"M-mommy? Daddy?" Gulat na sabi ni Sandy.
 
"Oh my God! it's real! W-what happened? What happened to her?" Bulalas agad ni Lyn. Aagd ito'ng lumapit sa kanila ni Dychie.
 
Napatayo naman sila Prince at Aled.
 
"P-prince, you're here.." Bati ni Renato.
 
"Yes, tito. I'm with them po." Pinilit ngumiti ng lalaki.
 
Nakita ni Sandy na tila sinisenyasan sya ng asawa na huwag maging madaldal, which is medyo mahirap sa part nya if ever!
 
"M-mommy, pinapahanap na po sa autoridad ang gumawa nito sa kanya." Ang sabi nya na lang.
 
Lumingon lingon si Renato. "And where's Roberto? Don't tell me na hindi sya dadalaw sa anak nya na na-hospital na?" Pagalit na tanong nito.
 
"Ah, D-daddy, actually kakagaling nya pa lang po dito kanina.. M-may gagawin po yata sya kaya kami na po ang nagsabi na kami na po ang bahala kay Dychie." Sagot nya.
 
SPOKESPERSON OF THE YEAR AWARD GOES TO CASSANDRA SANTILLAN
 
Nawala ang galit sa mukha ni Renato. Tumango tango ito.
 
She smells reunion!
 
Pero parang mukhasim pa rin talaga ang asawa nya.
 
"My God. Kawawa naman si Dychie. Sinong walang puso ang gagawa nito sa kanya? I believe, kagaya ng sinabi nya ay kakauwi uwi nya pa lang ulit ng Pilipinas since lumipat sila sa Paris. Baka mga dating kakilala nya ang may motive!" Sabi pa ni Lyn.
 
Napa oo si Sandy sa isip. Pero kung sino man iyon, kilala nito ang pamilya. Alam nito na Santillan si Dychie.. or baka rin napagkamalan na sya ito? Impossible. Magkaiba ang suot nilang damit, at nakita ng lahat kung gaano sya ka bantay sarado ni Aled ng gabing iyon.
 
"Is everything here is taken care of?" Muli ay nagtanong si Renato. Nakapamulsa ito.
 
"O-opo daddy. Na settle na po namin ang bill. Sa card po ni Alejandro."
 
Hindi na rin naman nagtagal ang mag-asawa. May flight daw ang mga ito papunta sa New York. Since Private plane, together with their business partners ang gagamitin, nakasaglit sila. Nalaman nila sa balita ang nangyari, bagamat hindi lahat ng detalye ay ibinigay nila sa press.
 
"Prince, h-hindi ka ba muna uuwi? We can stay here for the night. M-magpahinga ka na muna, go home." Sabi nya sa lalaki.
 
Aled went out to get them coffee. Yep, believe it or not. Ito pa ang nag-tanong sa kanya. Tiningnan muna nito ng masama si Prince na unaware bago lumabas ng kwarto.
 
"No, i'm fine. Nagpadala na ako dito ng mga gamit ko sa tauhan ko. He will arrive in a little while." Sabi nito. Sa lagpas isang araw na naroon ang lalaki, mukha na agad itong restless. "Ikaw, umuwi kayo. May pasok pa kayo bukas ni Aled. Kaya ko ang sarili ko."
 
Hinawakan nya ang kamay nito. "Are you sure? Kaya ko naman sana magpuyat, and makaka idlip naman sana ako rito. Si Aled, i'm sure he can also stay."
 
Ngumiti si Prince. "No, really. I'm fine. Kasalanan ko naman talaga ito. She's my responsibility, although walang may gusto ng nangyari."
 
"Okay." Agad nyang binawi ang kamay ng marinig na bumukas ang pinto. Naku, muntikan na. Baka magwala dun ang asawa nya.
 
Pumasok ito, kasama ang isang tauhan nito na may dalang kape. Ipinalapag nito sa lamesa ang kape at agad na umupo sa tabi nya, gitna nila Prince at inakbayan sya.
 
Tahimik silang tatlo habang sumisimsim ng kape ng biglang maalala nya na may babae nga palang kausap si Aled noong isa'ng gabi! At wala syang balak tanungin mismo ang lalaki tungkol doon.
 
Best choice? Tawagan si Wilson at itanong kung kilala nya ito.

Book Comment (626)

  • avatar
    Gela Malit

    so very nice

    21d

      0
  • avatar
    Har Len Lampago Conserman

    ang ganda ng story!! confuse lng aku sa pamagat nya

    25/03

      0
  • avatar
    Daisy Padiernos Pario

    maganda. nkkakilig

    17/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters