Homepage/I Married The Ice King (Tagalog)/
Chapter 67
Nanginginig na kinuha ni Sandy sa kanyang purse ang kanyang cellphone.
Kasalukuyan na silang bumabyahe papunta sa pinaka malapit na hospital nang maisipan nyang tawagan si Prince. Maiintindihan naman siguro nito kung bakit sila na ang nagdala sa hospital kay Dychie. Naiiyak pa rin sya. Bakit ganoon? Sino ang gumawa nito sa babae?
Nasa front seat si Aled, at isang guard nito ang nagda drive. Sila ni Dychie ang nasa likod. Ipinahiga nya ito sa kanya. There's blood eveywhere! She was parying for her life. Sana ay hindi pa huli ang lahat pagdating nila sa hospital. She can still hear her breathing, bagamat napaka hina na niyon. Hindi talaga ito kumikibo.
Kitang kita nya kung gaano nanggigigil sa galit si Aled. Hindi nito halos tigilan ang pagbulyaw sa mga guard kung bakit hindi nalaman o napansin ng mga ito na may nangyayari nang ganun sa mismong resort at event nya, at sa babae pa na nagke claim na pinsan nya.
"Why the fuck are you so slow?! There's someone dying! Damn it!" Maya maya ay narinig nyang bulyaw ni Aled sa driver.
"B-boss, b-binibilisan ko na po." Nauutal na sagot ng driver.
"Babe, relax. We'll get there, eventually." Sabi nya. Nang marinig nya'ng nag HELLO si Prince sa kabilang linya. "H-hello, Prince?"
"What do you want to talk about? Asan ka? Okay lang ba kay Aled na mag-usap tayo?" Tanong nito.
Napakagat sya ng labi. Hahayaan nya na muna ang self interest nya sa mga nangyari. "A-ano kasi. Prince, something happened to Dychie.." Mahinang sabi nya.
"What? She was here, she was just outside, taking a walk." Hindi naniniwala na sabi nito.
Humagulhol na sya. "Prince, someone or some people did bad things to her. N-nakita sya ng isang guard na naka handusay sa labas ng pinaka malapit na cottage. We are rushing her now to the hospital. S-sumunod ka na lang."
"What?" Natatawa pa ito. "I-i don't understand, s-she was just here..."
"Please, Prince. We'll find who did this to her, but we need to save her now. S-sumunod ka na lang, okay? We're rushing her to the nearest hospital."
"A-are you serious? Damn it! Okay, i'll be there. God." Sabi nito bago nito patayin ang linya.
Within almost fifteen minutes ay nai rush na sa emergency si Dychie. Pareho silang duguan ni Aled. Hindi sila mapakali hanggang sa dumating si Prince. Humahangos din ito.
"W-what happened? What happened to her? N-nasan si Dychie?"
"She was beaten." Sagot nya. Napansin nya na lumayo si Aled, umupo ito sa hilera ng upuan na halos 5 meters ang layo sa kanila ni Prince. "S-she was beaten so hard. N-nakita sya ng isa'ng guard sa nearby cottage. Tapos tinawag nya na si Aled, we came there and rushed her here as soon as possible." Nanginginig pa rin sya habang nagsasalita.
Napasabunot si Prince sa buhok nito. "Damn! S-she was just taking a walk.. i mean she told me she was just going to take a walk, or go outside. Ibinilin ko pa nga na huwag syang lalayo, na dun lang sya sa lugar kung saan makikita sya ng mga guard. Stubborn girl!"
"I-ikaw lang naman ang kasama nya diba? Bukod sa ating tatlo, may kakilala ba sya sa party? I mean, may nakilala ba sya sa party ng ngayon lang din?"
Umiling si Prince. "No, but she told me na may certain girl na Jade ang pangalan ang matagal nya ng kaibigan ang imi-meet nya sa party na iyon."
"Jade? Jade what?" Agad nyang tanong. "W-we can look at the guest list."
"No, naaalala ko na. Jade Valerio. Tama, it's Jade Valerio. Can you please ask Aled if he knows someone with that name?"
Tumango sya at nilapitan si Aled.
"M-may kilala kang Jade Valerio? Ang sabi ni Prince, Dychie told her that may kaibigan daw syang Jade Valerio na imi-meet nya sa mismong party. B-baka lang may alam sya.'' Sabi nya rito.
Tumayo si Aled. Nilapitan nito si Prince.
"We'll go back. We'll change clothes then get whoever did this to her." Sabi ni Aled.
Nang tumango si Prince ay kaagad sya nitong hinila.
Muli nilang ginamit ang duguan na kotse. May isang kotse pa naman si Aled, ang yellow sports car nito. Yun na lamang daw ang gagamitin nila since kailangan ipalinis ang kotse dahil sa amoy at mantsa ng dugo.
Kaagad silang naglinis. Wala pa rin kaalam alam ang mga guests nila sa nangyari o sa nangyayari. Walang nakapansin sa pagkawala nila, or hindi lang talaga pinansin ng mga ito.
"Kilala mo naman yung Jade Valerio na yun diba?" Tanong nya habang inaayos nila ang sarili sa harap ng salamin.
Umilingi ito. "Nope."
"What?"
"I can just ask them kung sino yun. Besides, hindi porket ininvite ko sila means i know them personally. Karamihan sa mga yan, they did something in favor to me so i let them list their names kapag may party ako."
"Okay, okay. I am so ready to slap the face of whoever did this to Dychie."
"Fierce!" Sabi naman ni Aled bago nag-aya sa bulwagan.
May tinawag ito'ng lalaki. Kilala nya ang mukha nito, he's from Saint Bernard. Tila ito maamong tupa ng tawagin ni Aled.
"Sino si Jade Valerio dito?" He asked.
Lumingon lingon ang lalaki hanggang sa tukuyin ng lalaki ang babaeng nakatalikod mula sa kanila. Nakasuot ito ng silver coktail dress. Halter at may gray belt. Nakaharap ito sa mga kasama nitong mga socialite rin.
"A-ako na lang ang tatawag. We''ll talk to her. Impossible naman kasi na mag stay pa sya dito kung sya ang gumawa nun." Sabi ni Sandy.
Tumango na lang si Aled.
Lumapit sya sa grupo nito. Everybody started to look at her the moment na nakalapit na sya sa mga ito. They all stopped talking. Nang maramdaman naman ni Jade na may tao sa likod nya ay humarap ito.
"Hi. Sino sa inyo si Jade Valerio?" She smiled sweetly.
Imbes na sumagot ang anim na babae ay napako ang tingin ng limang babae sa babaeng kaharap nya, which means na ito nga ang Jade Valerio na hinahanap nya.
"Can i help you Mrs.Santillan?" Tumaas ang kilay nito bagamat hindi naman sya na intimidate.
"Oh, hi. Me and my husband would like to talk to you for a minute." Sabi nya rito. "Can i borrow her for a minute, girls?" Tiningnan nya isa isa ang mga ito.
"S-sure, sure." Hindi magkandatuto sa pagsagot ang mga ito.
Hindi nya na hinintay magsalita ang ang babae. Tumalikod na sya at naglakad papunta kay Aled. Sumunod ang babae.
"A-ano'ng kailangan nyo sa akin?" Agad na tanong nito ng makaharap na sila nito.
"Do you know Dychie?" Sya naman ang nagtanong.
Nangunot ang noo nito. Tila nag isip muna. "Oh, yes. Dychie Camarao? She's a childhood friend. Ang sabi nya, invited din sya rito. Hindi nga ako naniwala at first kasi, hello, i don't think na makakasama sya sa guest list ng party but i told her na kung andito talaga sya, well' we can see each other here."
Tiningnan ni Sandy si Aled.
"Well, that childhood friend of yours whom you think will not be invited to this kind of party is actually my cousin, Ms.Valerio." Matigas na sagot ni Aled.
"W-what? Paanong.."
"A-anyway, nagkita ba kayo kanina? Na-contact mo ba sya?" Imbes ay si Sandy na ang nagtanong.
"W-well" bagamat halatang nagulat pa rin ay sinisikap nitong sumagot. "I lost my phone kanina lang sa party. Hindi na ako nagka chance na makontact sya. I was just expecting na magkaka salubong na lang kami rito.. But pinsan mo ba talaga sya?" Muli ito'ng tumingin sa asawa nya.
Napabuga ng hangin si Aled. Looks like he's getting pissed.
"Ah, wait. Ano'ng oras nawala ang cellphone mo?"
"I think about two hours na. Hindi na ako nagsalita kasi ayokong masira ang party. May back up naman kasi ako ng contacts ko sa planner ko so i don't have to worry about my contacts. Wala rin namang importante na files sa cellphone ko so hindi na rin ako nag effort na mahanap."
Tumango tango sya.
"Wait, did something happened? Where is she?" Bigla ay tanong nito.
"It's fine, she's with us. We were just asking you a question k-kasi nabanggit ka nya sa amin." Agad na sagot nya.
"Oh, okay." Tila hindi ito naniniwala.
"Salamat!" Sabi nya bago hilahin si Aled papasok sa opisina nito doon. "So what do you think?"
"We'll have to go back to the hospital." Sagot ni Aled.
Bago pa sya makapagsalita ay nag ring ang cellphone nya. Si Prince. Kaagad nya ito'ng sinagot.
"P-prince? What happened?"
"I-i think the two of you should go back. Aled have to see this."
"What? Alin?" Tanong nya.
"Just come here. Tell Aled to bring bodyguards."
Agad nyang sinabi kay Aled ang pinasabi ni Prince. May inutusan na lang ang asawa nya na mamahala sa party habang wala sila, at na huwag ipaalam sa iba ang nangyari.
Pinaharurot na nito ang sasakyan. May isang kotse sa likuran nila na may apat na bodyguard. Kinabahan sya ng binaggit ni Prince na kailangan nilang magdala ng bodyguard. Bakit? May kung ano na naman bang danger?
"Aled, Sandy. Nagsama ba kayo ng bodguard?" agad silang sinalubong ni Prince.
Tumango sila. "What's this all about?" Aled asked.
"T-this is Dychie's things." Ipinakita nito ang hawak na purse na duguan rin. "Hindi na nila nahanap ang cellphone nya but the nurses saw this." May iniabot ito sa kanilang papel na duguan rin.
Si Aled ang kumuha at agad na binasa ang nakasulat.
ALL SANTILLAN WILL PAY.
"They said it's written with blood. Dychie's blood." Tila nanghihina na sabi ni Prince.
Aled crumpled the paper in his hands. "Whoever did this to Dychie or wrote it won't get away with this."Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (626)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
so very nice
21d
0ang ganda ng story!! confuse lng aku sa pamagat nya
25/03
0maganda. nkkakilig
17/03
0View All