Chapter 59

Naiinip na tiningnan ni Sophia ang BVLGARI wristwatch na suot. Halos limang minuto nang nakatigil ang kotse nila sa specific na lugar na iyon sa EDSA dahil sa traffic. Malamig ang sasakyan ngunit impatience talaga syang tao. Ayaw nya ng naghihintay.
 
"Ano ba yan? Why are we still here?" Inis na reklamo nya sa driver nya. "Nakakainip!"
 
"Ma'am, may aksidente ho ata sa unahan."
 
"Ugh!" Imbes ay kinuha nya ang cellphone nya mula sa bag na PRADA na bigay pa ng mismong company sa kanya. She have to check if Aled is alright.. or what he's doing.
 
Dahil nasa kanya naman na si Aled ay pinapuslit nya na pabalik sa Japan si Kimura at ang dalawang kasama nito. Tiwala naman sya sa mga nagbabantay sa mansion nya. Kung bakit ba kasi kailangan na sya pa ang pumunta sa Bank. Ayaw pumayag ng manager na ang attorney nya na lang ang pumunta dahil masyadong malaki daw ang problema.
 
As a sweet citizen as she makes them think, sya mismo ang pupunta. Walang bakas ng pagiging rebelde at masama sa itsura nya. And that's how she manipulates people.
 
At dahil tapos na ang serbisyo ni Kimura ay pinaalis nya na ito ng bansa kasama ng dalawa pa nitong tauhan. She's very impressed with how the way Kimura thinks. Success agad ang mission na pinagawa nya rito to think na akala nya ay mahihirapan ito sa pag kidnap kay Aled na syang pinuno ng Orion.
 
Come to think of it, paano nga palang naging maluwag ang security ng Orion sa lalaki? Unless, ang lalaki na mismo ang ayaw magpasama sa mga ito.
 
"Hello? Miguel? Ano'ng ginagawa ni Aled?" She asked hurriedly.
 
"Ma'am, uminom lang sya ng wine pag-alis nyo tapos umakyat sa kwarto. Nakasubaybay po ako sa cctv camera, nakaupo lang sya sa gilid ng kama." Magalang na agad na sagot naman ni Miguel.
 
"Very well then. Keep an eye on him."
 
"Ma'am, malabo naman na makatakas 'to. Sa higpit ng security---"
 
"Miguel, didn't i told you not to underestimate Aled? He's the fucking leader of Orion, for Christ's sake! Kahit gaano pa kahigpit ang security, kung hindi sya, tiyak na gagawa ng paraan ang mga tauhan nya." Agad na uminit ang ulo nya. Just by thinking na mawawala ulit sa kanya si Aled ay gusto nya ng magwala.
 
 "Sorry po ma'am." apologetic na sabi naman ni Miguel sa kanya.
 
Huminga sya ng malalim bago muling nagsalita. Umandar na ang kotse kaya nagpaalam na sya rito. "Okay. Good. Bantayan mo ng mabuti yan. I have to go. Bye." Agad nyang pinatay ang tawag at nag focus sa daan.
 
 
 
Ilang minuto pa at narating na nila ang bangko. Hindi nya na pinsama sa loob ang kanyang bodyguard. Tiwala naman sya sa security ng bangko at sino ba ang magtatangka sa kanya? Siguro naman ay hindi pa alam ng sino man sa Orion na sya ang may pakana ng lahat, lalo na ng asawa ni Aled.
 
"Good afternoon, Miss Del Rio." Salubong agad ng manager ng makita syang naglalakad na papasok sa opisina
 
She flashed her sweetest smile. "Good afternoon Mr.Galvez."
 
"This way ma'am. We'll talk about the problem inside." Accomodating na sabi nito.
 
Hindi na bago sa kanya ang pumasok sa loob ng opisina ng bangko na ito mismo. Isa sya sa pinaka malaking client ng nasabing bangko at kahit na bihira sya mag widthraw in cash ay kilala sya ng mga tao dito.
 
Pinaupo sya ng manager sa upuan na nasa harap ng lamesa nito habang may tila hinahanap ito'ng files sa cabinet na nasa kaliwang parte ng opisina.
 
"Miss Del Rio," Tawag ng manager ng makaupo na ito sa harap nya, hawak ang isa'ng envelope. "These files suggests some abnormalities about your account."
 
She took a look and the manager explained it well how they found the abnormalities and everything. Although there's a feeling that they should have told her that on phone, she just realized that the bank is just being cautious.
 
Nang matapos ang pagpapaliwanag nito ay nakahinga na sya ng maluwag. Ang akala nya ay magtatagal sya sa bangko o malala ang problema. Inayos nya ang kanyang buhok at tumayo na.
 
"Mr.Galvez, i really appreacite that you told me this matter. Ipapaasikaso ko na lang po sa attorney ko kung may problema pa."
 
They shook hands then she left.
 
Pinagbuksan sya ng pinto ng kotse ng bodyguard nya. Napagpasyahan nyang dumaan sa isa'ng mall. Naisipan nyang ibili o ipag shopping ng damit si Aled. Sa tingin nya kasi ay kukulangin ang mga damit na nauna nya nang binili.
 
Kabisado nya ang sukat ng katawan nito.. and she's sure na hindi alam ng asawa nito iyon. Hindi lang ang sukat ng katawan nito ang inalam nya. Nag-aral syang magluto upang kapag dumating na ang ganitong oras ay wala ng hahanapin pa si Aled. Gusto nyang sya ang magluluto ng mga paborito nitong pagkain pagdating ng panahon.
 
Matapos ang isang oras ay halos mapuno ang kotse ng mga paper bags. Hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi. She's hoping na magustuhan ni Aled ang mga pasalubong nya. After all, hindi sya magsasawang pagsilbihan ito..
 
 
 
 
 
---------------------------------------------------------------------
 
 
Alas dos na ng madaling araw ngunit mulat pa rin si Aled. Nasa tabi nya si Sophia at alam nyang tulog na tulog na ito. Patuloy pa rin sya sa paghihintay.. Alam nyang anytime ay pwede nang dumating ang mga tauhan nya.
 
Alas dose na napagod kaka kwento at kaka salita si Sophia. Punong puno ito ng pag-asa na hindi sya makakatakas o mawawala. She's telling him their future together. Gusto nyang matawa. Malala na ang kalagayan ng babae. Wine lang ang laman ng tyan nya for almost two days ngunit hindi sya makaramdam ng gutom.
 
Ilang sandali pa at nakarinig sya ng kaluskos.
 
Dahan dahan syang bumangon at naglakad patungo sa terrace. Tiningnan nya si Sophia, mahimbing pa rin itong natutulog. May nakita syang ilang anino sa paligid. Dahan dahan syang napangiti. This is it.
 
Ilang sandali pa at bumukas ang pintuan ng kwarto na iyon. Tumambad sa kanya ang mukha ng tao na hindi nya inaakala na makikita nya.
 
Si Prince.
 
 
-------------------------------------------------------------------------------------
 
Hindi mapakali sa opisina ng Orion si Sandy. Ilang ulit na syang tinawagan ng mga nasa mansion at ng mama at mga kapatid nya. Sinabi nya na nasa hotel sya at kailangan nyang mag-isa. Kunyari ay nakikibalita sya sa mga police.
 
Si Dychie naman ay nandoon rin. Halata rin ang pag-aalala nito. No matter how she wanted to doubt her, alam nya na genuine ang pag-aalala nito. In between their small talks, nalaman nya na anak ito ni Roberto kaya hindi na sya nagtaka kung bakit palagi itong kasama ni Prince.
 
And speaking of Prince.. ito ang namuno sa mission na iyon, ang pag kuha kay Aled. Gusto nya sanang sumama, sya ang nagplano o nagbigay ng idea upang hindi maging madugo ang pagkuha sa asawa nya.
 
Gumana ang plano ni Prince. Nilagyan nila ng GPRS tracker ang kotse ni Sophia ng pumunta ito sa bangko. Pagkatapos ay kumuha sila ng ilang data kung ilan ang tao, tauhan o paano nila susugurin ang mansion.
 
Naisip nya na lang na bigyan ng sedatives ang mga guards upang walang ingay at walang dugo na dumanak. They bought a needle gun na nilagyan nila ng pangpatulog. Bago sila pumasok ay gagamitin nila iyon sa lahat ng mga naka bantay.
 
Si Prince ang maghahanap kay Aled sa loob. Walang duda ang skills ni Prince dahil alam nila na ito na ang may hawak sa Chiamera, kaya ito na din ang nag volunteer.
 
Ilang sandali pa at nagring ang cellphone nya. Si Prince!
 
"We got him."

Book Comment (626)

  • avatar
    Gela Malit

    so very nice

    23d

      0
  • avatar
    Har Len Lampago Conserman

    ang ganda ng story!! confuse lng aku sa pamagat nya

    25/03

      0
  • avatar
    Daisy Padiernos Pario

    maganda. nkkakilig

    17/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters