Homepage/I Married The Ice King (Tagalog)/
Chapter 48
"I'm sorry darling. Hindi ko--"
"Dad! How could you not told me about it! How could you not told me na may relatives tayo dito sa Pilipinas? Na hindi ka naman talaga nag-iisa na lang?" She could feel her heart beats racing.
Hindi nya alam kung dahil iyon sa inis na nadarama nya sa para sa ama, sa excitement knowing na kamag-anak nya si Aled o ang katotohanan na may pinsan sya at may iba pa silang kamag-anak, which is the opposite of what her dad told her.
"Dychie, you should understand.. My brother, Aled's father, we have some issues, okay? I'm sorry na sa ganitong way mo pa nalaman ang totoo." Halata sa boses nito na tila nahihirapan ito'ng magpaliwanag.
"Kahit na dad! You made me believe na tayo na lang talaga. Alam mo na wala na rin ang mga relatives ni mommy. This is insane. After so many years, meron pala ako'ng pinsan.." Napapalabi na sabi nya.
"Listen, darling. Just don't tell him about it. It's just better this way, okay? Y-you can tell him that the two of you are cousins soon but not this time. It's not a good time."
Natahimik sya. Ano na naman ba ang problema? Bakit kailangang i 'postponed' ang pagpapakilala nya na pinsan sya nito? In the first place, bakit tila ayaw ng lahat ng nakapaligid sa kanya na malaman nya na pinsan nya ang lalaki?
"Dychie? Are you listening to me?"
Bumuntong hininga sya. "Ano ba ang problema dad? Why? Bakit nyo ako pinipigilan?"
"Hija, there's so much things happening at this moment na hindi mo na kailangan pang malaman.. Just trust me. I wouldn't want you to do this kung alam ko'ng hindi dapat. All i want you to do is not to be involved with Aled right now.."
Hindi sya nagsalita.
Ang daddy nya naman ang bumuntong hininga. "Please, Dychie."
"Can you do me a favor dad?"
"What is it?"
"Pwede bang huwag nyo muna hayaan na magpakita sa akin si Prince? There's so much going on in my head and ayoko na mag clash kami sa ngayon." Mahinang sabi nya.
"Alright darling. I'll tell him that. Just be safe okay?"
"Okay dad." Walang gana na sabi nya.
"C'mon princess. Don't give me that tone. You know i hate it when i talk to you with that tone."
"I'm sorry dad. You take care too.. and do call me as soon as uuwi ka na ulit sa Pilipinas."
Kanina pa wala sa linya ang daddy nya ay hindi pa rin nawawala ang pagtingin ni Dychie sa cellphone nya. Sabi nga nila, curiosity kills, but for her, curiosity thrills.
Agad nyang idinial ang telephone number ng kakilala nya sa NBI. Gusto nyang malaman ang address ni Aled. Gusto nyang makilala ito. Gusto nya rin malaman ang lahat.
"Hello? Danny? This is Dychie. Are you in office right now? I have to ask you a small favor this time."
Danny put her on hold for three minutes.
"I'm sorry Dychie. Naka lock ang records ng Alejandro Santillan na pinapatingnan mo. I don't have the power to open a locked file."
"What? What does it mean? i mean, how can a file be locked? it's NBI, for God's sake!"
Tumawa ito. "Relax, honey. Kung hindi sya high profile employee, malamang na may kakilala sya sa taas.. I don't really know all the grounds para ma lock ang profile ng isa'ng tao."
Bumuntong hininga sya. "Okay, thank you Danny. See you soon."
Pagal na umupo sya sa gilid ng kanyang kama. Paano nya mapupuntahan ang lalaki?
-----------------------------------------------------------
Sumilip sa bintana si Sandy at napanganga ng makita na madilim na. Nawili sila masyado sa pagkukwento ni Mang Dado!
"Hala! Gabi na! Hindi natin namalayan! Bilisan mo, baka ma traffic tayo!"
Aled got up but did not move.
Tumaas ang kilay nya. "What?"
"Dito muna tayo." Sabi nito. Luminga linga ito. "Minsan lang naman eh."
Ngumiti sya. "Sure!" Bigla syang na excite.
Naalala nya tuloy nung nasa New York sila. Kailan lang yun pero dahil sa tila napakadami ng nangyare, parang ages ago na mula ng maging ganun sila ka intimate sa lagay na yun.
"Senyorita, senyorito, wala po'ng stock ng pagkain dito. Aba'y dinadalhan lang ako ng kapit bahay sa kabila." Sabi naman ni Mang Dado.
"Wala ho'ng problema Mang Dado. Kami na lang po ang bibili." Sagot ni Aled.
"Saan ho ba ang pinaka malapit na grocery?" Sya naman ang nagtanong.
Pagkatapos ituro ng matandang katiwala ang pinaka malapit na grocery ay agad na naghanda sila.
"What do you want to eat?" tanong nya sa asawa. Kasalukuyan na silang lulan ng kotse nito.
He shrugged his shoulders. "Anything edible."
"Ok!" then she started noting mentally of the things they should buy. Naisip nya na dagdagan na lang ang bilhin nila para may stock na rin ang matanda
Nang marating na nila ang grocery ay tsaka nya na realize na ito ang unang pagkakataon na mamimili sila ng ganito. Sa isa'ng maliit na grocery at para pa sa kanilang pagkain.
"Wait, what about Mama Lyn? Hindi ba tayo magsasabi na hindi tayo uuwi?" She asked.
Bago kasi sila umalis kanina ay yun din ang pagdating ng mag-asawa galing ibang bansa. Kagaya ng dati ay sya lang ang kumausap sa mga ito at sinabi kung saan sila pupunta.
Hindi nagsalita si Aled.
Hindi na lang din sya nangulit.
Napuno nila ang isang cart ng kanilang mga pinamili. May mga de lata, noodles, ilang gulay dahil may ref naman doon, hindi nga lang ginagamit dahil hindi naman daw kailangan bantayan ang resort dahil wala naman napapagawi, kailangan lang i maintain, ilang piraso ng mga prcessed food at mga prutas.
Naisip nya gumawa ng chicken curry. Matagal na rin mula ng nakakain sya noon. Ang papa nya ang nagturo sa kanya noon noong bata pa sya. Palagi syang nanunuod tuwing nagluluto ito kaya nung lumaki na sya, doon sya talagang nakapagluto.
"Kasarap nyo naman magluto senyorita." Sabi ni Mang Dado matapos nilang kumain.
"Tinuruan po ako ng papa ko noong bata pa ako." Sabi nya.
She insisted na sya na ang maghuhugas ng pinggan pero hindi pumayag ang matanda. Nagmuni muni muna silag mag-asawa sa terrace. Ang lamig ng simoy ng hangin. Kung may dala lang sana silang damit ay kanina pa sya naligo sa dagat.
Nakaakbay ito sa kanya habang sya naman ay naka sandal dito. Kung sana lagi silang ganon...
"What are youthinking?" Tanong nito maya-maya.
"Iniisip ko na kung paano mapapaganda ito at kung ano ang ipapangalan." Sabi nya.
Mahinang tumawa si Aled. "Mukhang gusto mo na talagang may pagkaabalahan."
"Hindi pa rin naman masyadong mahirap ang mga pinapagawa ng mga prof. Nai stress lang tayo dahil sa mga gumugulo sa atin."
Hindi agad sumagot si Aled.
"Alejandro?" Tawag nya rito.
"Hmm?"
"Hindi ka na nagsalita."
"I'm sorry you have to to through this. In the first place, hindi ka naman dapat na involved." Mahinang sabi nito. Bulong lang iyon.
Umiling sya. "Wala kang dapat ihingi ng sorry. Nagka thrill nga ang buhay ko dahil dito eh. And alam ko naman na hindi mo ako pababayaan diba?"
Imbes na sumagot ay hinalikan sya nito sa buhok.
GAANO BA KAHIRAP ANG SABIHIN NA MAHAL SYA NITO KUNG IYON ANG NARARAMDAMAN NITO SA KANYA?
-----------------------------------------------------------
"Sweetheart, i was just worried about Aled and Sandy. Hindi na natin sila masyadong nakakausap. Wala na tayo halos alam sa kanila." Donya Lyn said after sipping into her coffee.
"C'mon sweetheart. The two of them looked fine. Kita mo nga kahapon at nag picnik pa. Malay mo magka apo na tyo." Biro nito.
"Renato!" Nanlaki ang mga mata ng donya. "They are too young!"
Tumawa ang Don at nagsimula ng kumain ng agahan.
"Relax, sweetheart. You think too much. Hindi ako nagsisisi na si Sandy ang napangasawa ni Aled bagamat Selphie would have been a good wife too." Tila nanghihinayang na sabi nito.
"Yeah. What happened was a tragedy." Malungkot naman na sabi ng Donya.
Bago pa muling maka sagot ang Don ay may lumapit na katulong.
"Senyor, senyora, may naghahanap po sa inyo sa labas ng gate. Hindi po kasi namin kilala kaya hindi po muna namin pinapasok."
Nagkatinginan ang mag-asawa.
"Are you expecting someone?" Tanong ng Donya.
Umiling ang don. "No, Are you?"
"Sino daw sya?" Tanong ng donya.
"Eh ma'am, Dychie Camarao daw po ang pangalan nya. Anak daw sya ng kapatid ni Senyor na si Roberto Santillan."
Kapwa nabitawan ng mag-asawa ang kanya kanyang hawak nilang kubyertos sa narinig.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (626)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
so very nice
25d
0ang ganda ng story!! confuse lng aku sa pamagat nya
25/03
0maganda. nkkakilig
17/03
0View All