Homepage/Destined To Be With The Mafia Boss/
Chapter 11.
Andria's POV.
Pagkauwi ko ay agad akong dumaretso sa living room at nadatnan ang mga kaibigan ko na nandoon pa rin. Mga nakatambay pa rin.
"Hey." Bati ko na ikinatingin nilang lahat saakin. Agad na hinanap ng paningin ko ang bakante na pwedeng maupuan.
Umusog naman si Callie tsaka itinuro ang libreng espasyo sa gitna nilang dalawa ni Kaleb. Wala akong gana mag reklamo kaya agad akong naupo doon.
"Saan ka nagpunta?" Tanong ni Kaleb pagkakaupo ko. "Just somewhere." Sagot ko at buntong hiningang sumandal.
"Saan nga?" Tanong naman ni Klein.
"Wag nyo nang itanong." Sagot kong muli tsaka pumikit.
"Are you okay?" Tanong naman ni Kyle. Nagmulat ako at tumingin sakanya bago ngumiti.
"Yeah. Don't worry about me." Sagot ko sakanya. "We're just worried about you kaya kami tanong ng tanong." Ani ni Hugo. I just smiled at him.
"Baka naman pwede na tayong kumain 'no? Gutom na ako e." Natatawang sabi ni Vriany.
"Ako rin, gutom na." Nakasimangot namang pag sang ayon ni Minoah.
Napatawa naman ako at umiling iling dahil sa reklamong naririnig ko sakanilang dalawa.
"Tara na, nang matahimik na itong dalawang ito." Tatawa tawa aya ni Sky at hinawakan sa braso si Vriany tsaka hinila papuntang dining area.
Nagsunuran naman sila kaya pinag masdan ko lamang sila. Napatingin ako kay kaleb ng tumayo sya sa harap ko at nakangiting inilahad saakin ang kamay nya.
"Let's eat?" Wika nya.
Napangiti naman ako at kinuha ang kamay nya tsaka tumayo. Gulat akong napatingin sakanya ng bigla nyang hawakan ang pisnge ko.
Daretso akong napatingin sakanya at napapikit ng maramdaman ko ang kanyang mga labi na lumapat saaking noo.
"Ease your mind and relax." Bulong nya at pinagdikit ang aming noo na ikinapikit ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa saya at kilig na nararamdaman ko ngayon.
"Thank you." Saad ko. Ngumiti lang sya saakin at hinawakan ang kamay ko. "Let's go, tayo na lang ang wala doon."
Pagkapasok na pagkapasok namin sa dining area ay nakatingin lang sila saaming dalawa na may makahulugang ngiti sa kanilang mga labi kaya napaiwas ako ng tingin.
"What's the meaning of this?" Tanong ni Slixine habang nakatingin sa mag kahawak naming kamay ni Kaleb kaya agad akong bumitaw na ikinabungisngis nila Keila, Angel at Minoah.
"I smell something fishy, hmm." Pang aasar ni Hugo na ikinatawa ni Zrindle.
"Akala ko sila Tarugo at Drew lang ang loveteam dito, meron pa palang mabubuo." Gatong naman ni Ate Sunny.
Napahawak ako sa aking pisnge ng maramdaman kong uminit ito at umupo sa tabi ni Callie na tatawa tawa saakin.
"Ang cute cute talaga." Tawang tawa na sabi ni Klein tsaka pinisil ang pisnge ko. Sinamaan ko lang sya ng tingin at pinalo ang kamay nya.
Nakakahiya ano ba huhu.
*
"Andeng, gising na." Napamulagat ako ng may yumugyog saakin. "Ano 'yon? Ang aga pa." Ang aga pa kasi talaga e huhu. Inaantok pa ako.
"Ngayon ang pasok naten, loka ka." Tumango lang ako sakanya at nag talukbong ng kumot.
"Okay."
"Gaga, anong okay? Malelate na tayo tumayo ka na dyan!" Singhal nya.
Bahagya kong minulat ang mata ko at tinignan sya. "Ano bang oras na?" Tanong ko ulit.
"6:30 na, 7:30 ang pasok ng first subject teachers all over the school." Agad akong napabalikwas ng marinig ang sinabi niya. Nagising ang diwa at natutulog kong katawang lupa sa sinabi nya at agad na nagtatakbo papasok ng cr.
Narinig ko naman ang pagtawa nya, hindi ko na lamang pinansin 'yon at nag madali nang maligo.
Buti na lang nakaready na kagabi pa ang mga susuotin ko at ang mga gamit na kakailanganin ko.
Nang makatapos ako sa paliligo at pagbibihis ay agad akong nag ayos ng aking mukha. Nagpatuyo ng buhok at nag toothbrush.
Nang ma-satisfied na ako sa itsura ko ay kinuha ko na ang bag ko tsaka ang cellphone ko at tumingin sa oras.
Napakunot ang noo ko nang makitang mag 6:40 pa lang. "Punyemas, naisahan ako doon ni langit ah."
Nakasimangot akong bumaba at dumaretso ng dining area.
"Ay wow, ang aga magbihis ah." Bungad saakin ni Angel.
"Oh, bakit nakasimangot ka diyan?" Tanong ni Ate Sunny.
Binalingan ko ng masamang tingin si Sky nang marinig ko syang tumawa.
Peste.
"Ah, alam ko na kung bakit maagang nakabihis 'yan ngayon." Natatawang sabi ni Kaleb.
"Napagtripan nanaman ni Sky 'yan." Saad ni Vriany na tatawa tawa din saakin kaya lalo akong napasimangot.
"Bagal bagal kasi magbihis e." Inirapan ko lang si Hugo ng sabihin nya iyon.
Patuloy pa rin sila sa pagtawa nila kaya di ko na sila pinansin at nag simula nang kumain
*
Nang makarating kami sa school ay hindi na ako nabigla nang makita ang mga itsura nilang gulat na makita ako. Bakit ba ako magaabala na mag update sa facebook ko e malalaman rin naman nilang nakabalik na ako once na makita nila ako dito.
Isa pa, it's not like I'm a celebrity to do that stupid thing. E pamangkin lang naman ako ng principal dito.
"Andria!"
Napatingin ako sa biglang tumawag noon saakin. Si Shea pala, ang student assistant ni Tita Arianne.
"Shea, ikaw pala. Anong nangyari sayo? Hingal na hingal ka dyan." Natatawa kong bungad sakanya ng makalapit sya saakin.
"Pinagmadali kasi ako ni Ms. Arianne e, pinapatawag ka nya. Excited na makita ka e." Hingal na hingal nyang sabi at napa ubo ubo pa. Inabot ko sakanya ang hawak kong mineral water.
Kinuha nya naman ito at ininom. Nilingon ko naman sila Zrindle na nakakunot ang noo sakin.
"Mauna na kayo, pupuntahan ko lang si Tita Arianne." Sabi ko sakanila.
"'Di ka na magpapasama?" Tanong ni Haji na nakakapit sa braso ni Ate Sunny. Umiling naman ako.
"Sure ka?" Paninigurado ni Sky.
Tumango ako sakanila at nginitian sila. "Sige na, pumasok na kayo."
"Ah—andeng, samahan na kita." Pagpiprisinta ni Kaleb.
"No, it's okay. Baka malate ka pa pag sumama ka saakin." Kontra ko sakanya kaya napasimangot sya.
"Okay lang nama—" Di na natuloy ang sasabihin nya nang hilahin sya ni Drew paalis. "Halika na! Nagawa ka pa ng palusot makasama mo lang si Andeng e." Napatawa ako ng bugnot itong nagpahila kay Drew paalis.
Ang cute talaga.
Binalingan ko ng tingin si Shea.
"Tara na." Pag aya nito at tumalon patabi saakin tsaka nag cling sa braso.
Habang nag lalakad kami ay sinundot sundot nya ako sa tagiliran habang makahulugang nakangiti saakin.
"Ikaw ha, may gusto pala sayo si Kaleb ha hahaha. Kelan pa?"
"Kayo na ba?"
"Omg! Baka mamaya mag propose 'yan sayo agad."
Tawa lang ako ng tawa sa mga pinagsasabi nya habang sya ay kilig na kilig.
"Baliw ka talaga."
"Lah, malay mo nga diba?"
Napailing na lamang ako sakanya ng magsimula nanaman syang mag imagine ng mga nakakakilig na scene namin ni Kaleb.
Hindi mo lang alam, Shea. Mas nakakakilig pa dyan ang mga ginagawa nya saakin.
Pero hindi ko alam kung totoo ba lahat ng mga pinapakita nya saakin o baka naman tinetake advantage nya lang feelings ko para sakanya.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (74)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
ganda
5d
0nice book
01/05
0thank you
07/03
0View All