Chapter 10.

Keila's POV.
      "Wala ka bang napapansin kay andeng ngayon, Kei?" Bulong saakin ni Angel na nasa tabi ko na nag tatanggal ng balat nang patatas na kakailanganin ni Mama Zrindle sa pagluluto dahil sya ang nakatoka ngayon.
Habang ako naman ay nag gagayat ng carrots na kanina pang tapos balatan ni Angel tsaka ilagay sa may tubig na nakalagay sa bowl para ibabad.
Kumunot naman ang noo ko. Pumasok bigla sa isip ko kanina kung paano sya laging tulala kanina sa meeting namin at kung gaano sya katamlay habang kausap namin sya.
"Meron." Sagot ko.
"Ano kayang problema 'no? 'Di ako sanay na tulala at matamlay si Andeng e." bulong nya ulit.
"Hindi magkakaganyan si Andeng kung wala syang problema." Halos mapatalon kami sa gulat ng biglang may mag salita sa aming likuran.
Sinamaan ko ng tingin si Zhilux na kasama si Sunny ngunit nginitian lang nila kami. Manggulat ba naman.
"Ang tanong ay anong problema naman 'yon?" Tanong ni Angel na mukhang malalim na ang iniisip.
"Maybe someone's blackmailing her." Wika ni Sunny.
"Or, sending her threats?" Zhilux.
"Nah, baka naman may nangyaring problema lang sa business nya." Ako.
"Malay nyo naman nagtalo lang sila ng bunso nyang kapatid." Pagkasabi na pagkasabi non ni Angel ay agad ko syang binalingan ng matalim na tingin.
"Hehehe." Nag peace sign lang sya at bumalik sa pagbabalat ng patatas.
Kahit mag away sila ng kapatid nya or magkaproblema sya sa negosyo nya ay hindi sya magkakaganyan.
She's the daughter of a multi billionaire business woman named Clara Heartily Vander that is obviously married to their father named Marcus Añonuevo Vander, another multi billionaire businessman.
She's just like us na anak ng multi billionaire, pero doble ang angat nya saamin kaya alam kong hindi sya basta basta magpapatalo ng ganon sa problema nya sa business nya.
Baka may iba pa talagang dahilan para magkaganoon sya. Dahilan na hindi nya masabi saamin.
"Let me do the honor at aalamin ko kung anong problema nya." Tatayo na sana si Zhilux para puntahan si Andeng nang pigilan sya ni Sunny.
"No, leave her alone."
"Bakit?" Nagtatakang tanong nya.
"Let her decide on what to do. Hindi sya magk-keep ng secrets saatin unless natatakot sya. But what makes me sure is hindi sya magsisinungaling saatin. So let's just wait until mag sabi na sya saatin." Seryosong sabi ni Sunny at kalmadong sumandal.
"Sunny's right. Privacy din ni Andeng 'yon. We can't just brag and force her to tell us what's happening to her." Pag sang ayon ko sa winika ni Sunny.
"let's just trust her." Ani Angel at ngumiti. Tumango naman ako.
I always trust her. I always do.
*
"Aalis muna ako." Napatingin kaming lahat kay Andria ng bigla syang tumayo at magsalita. Ngayon ko lang napansin na nakabihis pala sya.
"Where are you going?" Tanong ni Klein.
"Just somewhere." Tipid na sagot nito habang may hinahanap sa bag nya.
Andito kasi kaming lahat ngayon sa living room nakatambay.
"Can I come with you, deng? Bored na bored na ako dito." Tanong naman ni Callie na halata ngang bored na kaya mahina akong natawa.
"Ako rin, shopping tayo!" Gatong naman ni Vriany.
"No, you can't." Malamig na sagot nito saamin. Nang may hawak na syang susi ng kotse ay akmang tatalikod na sya ng biglang magsalita si Klein.
"Are you planning something?" Daretsong tanong nito habang nakacross arms at seryosong nakatingin kay Andeng.
Hindi na ako nabigla sa itinanong nya dahil katulad kami nila Zhilux ay alam kong may napapansin din sila Zrindle sakanya.
"So what if I am? It has nothing to do with you 'Alcantara'." Nanindig balahibo ako sa tono ng pananalita ni Andria. Nakakatakot.
Kung paano nya tawagin si Klein sa Apelyido nya ay alam na alam kong galit na si Andeng at kapag hindi pa tumahimik si Klein ay baka wala pang isang oras ay bumulagta na sya sa kinauupuan nya.
"Tumigil ka na nga Klein, hindi ka nakakatulong e." Naiiritang singhal ni Vriany.
"If you can't fucking trust me, wag ka na lang magsalita." Madiin na sabi ni Andria at tsaka umalis.
Napahilamos naman sa mukha si Klein ilang minuto pagkatapos makaalis si Andria.
"Oh, ngayon ka magsisisi sa sinabi mo kung kailan wala na yung isa?" Pag susungit ni Sky.
"Kasi naman klein, kung wala kang magandang sasabihin, itikom mo na lang 'yang bunganga mo." Naiinis namang saad ni Zavier na mukhang hindi rin nagustuhan ang inasta ni Klein kanina.
"Tama na 'yan, walang magagawa yang pagsisisihan nyo sa problema ni Andeng na hindi nya masabi sabi saatin." Pag awat ni Hugo.
"Sorry." Napatingin ako kay klein na nakatungo.
"What if sundan ko si Andeng? Kinakabahan kasi ako e, baka kung anong mangyari sakanya." Sabi ni Zrindle na hindi mapakali sa inuupuan nya.
Napatingin naman ako kayla Minoah at Zhilux ng tumayo silang dalawa.
"Sasama na kami." wika naman ni Minoah. Tinanguan naman sila ni Zrindle at nagmadaling umakyat sa taas para mag ayos.
Zhilux's POV.
       Even I didn't even got to calm my fucking nerves down pagkaalis ni Andria. She's also my best friend at hindi ko hahayaan na mag isa lang sya sa problema nyang ito.
Pagkalabas ko ng kwarto ay syang paglabas din nila Minoah at Zrindle sa kanilang mga kwarto.
Nagmadali kaming bumaba.
Habang pababa ay kinuha ko sa gun pocket ko ang dalawang handguns na compact and reload it with bullets.
Ang dalawang switchblade naman ay inilagay ko sa gilid ng stockings ko.
"Track her phone now." Utos ni Hime kay Minoah kaya agad nya itong ginawa.
Pumunta ako sa drawer malapit may malaking vase para hanapin ang susi nang kotse ko na itinago ko doon ng makababa kami.
"B-bakit ganon?" Sabay kaming napatingin kay Minoah ng magsalita sya.
"Bakit?" tanong ko at agad na hinablot ang susi ng makita ko ito.
Kumunot ang noo ko ng makita ang sunod sunod na paglunok nya habang nakatingin sa ipod na hawak nya.
Lumapit ako sakanya at tinignan ang ipod na hawak hawak nya.
"Let's find out." Napatingin ako kay Hime ng sabihin 'yon at naunang lumabas.
Agad akong sumunod sakanya palabas ng mansion at sumakay ng kotse.
Pinaandar ko agad ang kotse ko ng makasakay na sila tsaka ito pinaharurot.
Andria's POV.
             Pagkarating ko ay agad akong bumusina dahilan para lumapit sakin si manong guard na nagbabantay dito sa may guard. Binaba ko naman ang binata ng kotse ko para makilala nya ako.
"Young lady!" Bati nito at agad na yumuko sakin bago ako pinagbuksan ako ng gate.
Tinanguan ko lamang sya at nag drive na papasok tsaka ito ipinark.
Papasok na sana ako sa loob ng mansion nang salubungin ni Manang Victorina kasama ang iba pang kasambahay ng pamamahay na ito.
Sya nga pala ang Mayordoma dito, inalagaan nya rin ako noong maliit pa lamang ako kasama si Natasha at sila kuya Josh kaya kilalang kilala nya ako.
Nakangiti silang yumuko saakin bilang pagbati. "Young lady, ikaw po pala. Kailan pa po kayo nakabalik?" Tanong nito.
"Nitong mga nakaraang linggo lang, Manang." Magalang kong sagot.
"Saan ka naman tumitira ngayon? Bumalik ka ba sa Casa De Vander?" Muli nyang tanong. Nakangiti naman akong umiling sakanya.
"Hindi po, kasama ko ang mga kaibigan ko. Nakatira kami sa mansion na kami rin po ang nag mamay-ari." Sagot ko, tumango tango naman siya.
"Nasaan nga po pala si Natasha?" Tanong ko. Kunot noo naman akong napatitig kay manang ng mawala ang ngiti sa kaniyang labi at mabalot nang takot ang kaniyang mga mata.
Anong nangyayari?
"A-ah si Natasha? Nasa living room kasama ang mga board of directors may mahalaga silang pinag memeetingan." Sagot nito at kapagkuwam ay muling ngumiti.
"Ganon po ba?" Tanong ko. Tumango naman ito. "Alam mo? Mas mabuting sa office ka na lang niya maghintay. Maya maya rin naman ay matatapos na sya sa meeting nya." Pag aya nya at iginaya ako sa isang pintong malaki.
Kasunod ako ni Manang na pumasok sa sinasabi nyang office ni Natasha.
Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng silid na ito. Malaki sya at malawak.
Nasa isang malaking cabinet na transparent ang glassdoor ang mga trophies at medals ni Natasha. Ganoon rin ang mga certificates na nakuha nya.
"Anong gusto mong kainin? Drinks?" Tanong ni Manang. "Hot chocolate na lang po at mocha cake." Wika ko.
Tumango naman ito saakin tsaka lumabas nitong office.
Napangiti ako ng ilibot ko ulit ang aking paningin. She really has a good taste in interior designing.
Naglakad ako palapit sa office table ni Natasha tinignan ang mga papeles na nasa ibabaw nito. It's just a letters and contracts na kailangan asikasuhin.
She's a busy person, hm?
Habang lilibot ko ang aking paningin sa isa pang cabinet na nakatayo dito ay may nakita akong drawer na itim nakaagaw ng aking pansin.
Nakaawang lang ito kaya susubukan ko sanang buksan 'to ang kaso lang ay narinig may narinig akong mga yabag palapit rito kaya agad akong tumayo at naglakad pabalik sa may couch at naupo.
Nang bumukas ang pintuan ay ngiting ngiti na pumasok si Natasha kasunod si Manang na may dalawang mga inumin at pagkain.
"Salamat, manang." Wika ko nang mailapag nya ang mga dala nya.
Ngumiti lang sya at naglakad na ulit palabas nitong office. Pero bakit parang may kakaiba sakanya? May kakaiba sa ngiti nya.
"Hey!" Bati nito at agad na umupo sa tabi ko tsaka agad akong sinalubong ng yakap na ikinangiti ko.
"Hey, how are you?" Tanong ko.
"I'm fine, medyo busy lang kasi ayan, tignan mo naman ang lamesa ko, tambak ang gawain." Tatawa tawa nyang sagot at sumimsim sa coffee nya.
"Ikaw? Kamusta ka?" Pahabol nyang tanong hawak hawak pa rin ang iniinom nyang coffee.
"Eto, okay lang naman. Pero nitong mga nakaraan lang, nakakatanggap kami ng mga death threats ng mga kaibigan ko. They even texted me and threatened me." Panimula kong pag kukwento sakanya.
Gulat naman syang tumingin saakin at agad na inilapag ang tasa na hawak nya.
"Oh my! Ang sama naman ng mga gumagawa nyan, baka pati sila tita madamay sa mga threats na 'yan ha? Kung ako sayo ngayon pa lang, iniingatan ko na sila." Saad nya na ikinakunot ng noo ko. Humigpit ang pag yukom ng kamay ko.
"Wag naman sanang pati magulang ko ay idamay nila." Mahina ngunit mahinahon kong sabi at mas lalong humigpit ang pagyukom ng kamay ko.

Book Comment (74)

  • avatar
    kheriannisaarifah

    ganda

    5d

      0
  • avatar
    alaouisaad

    nice book

    01/05

      0
  • avatar
    Eunice S. Regalado

    thank you

    07/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters