Chapter 16.

Andria's POV.
            "Andeng, tara na. Sino pa bang hinihintay mo diyan?" Tanong ni Haji na kakatapos lang din mag-ayos nang mga gamit niya. "Si Kaleb, susunduin daw kasi ako non e." Sagot ko habang inililibot ang tingin sa paligid.
I heard her laugh kaya napatingin ako sakaniya. "Why?" Tanong ko.
"Walaa! I just find it cute. I mean, you two are look good together." Sagot nito bago sinundot sundot ang tagiliran ko. Mahina naman akong napatawa. "Baliw."
"Tara na." Parehas kaming natigil ni Haji sa pag tawa nang biglang sumulpot sila Hugo at Sky sa gilid ni Haji. Umiling naman ako.
"No, mauna na kayo. Susunduin daw ako ni Kaleb e." Pag tanggi ko. Kunot noo namang tumingin sa paligid si Sky. "Kung susunduin ka e bakit wala pa dito?" Tanong nito.
"I don't know, may ginagawa pa ata sila e." Sagot ko at nag kibit balikat.
"Osya, mauna na kami ha? Mag ingat kayong dalawa ni Kaleb pauwi." Paalala pa ni Hugo bago sila tuluyang umalis. Kinawayan ko na lang sila bago tuluyang mawala sa paningin ko.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko para tignan kung anong oras na.
6:35pm na pala.
Bakit wala pa 'yon?
Umupo muna ako sa may mono block na upuan dito at nag cellphone para libangin ang sarili ko habang nag hihintay. Maya maya rin naman siguro ay nandito na sya kaya aabalahin ko muna ang sarii ko.
Sunny's POV.
             Ang tagal namang umuwi nang iba pa naming mga kaibigan, jusme. Kanina pa nga kami nakauwi, tapos sila wala pa rin. Saan ba kasi nag sususuot iyong mga 'yon?
"Oh, wala pa rin sila Angel?" Tanong ni Zrindle na kasama si Zav bago umupo sa tabi ko.
"Wala pa nga—" Natigil ako sa pag sasalita ng sunod sunod na nag si-pasok sila Kyle, Keila and Vriany.
"We're homeee!" Masiglang bati nila Vriany saamin at naupo sa katapat naming sofa.
"How's your classes?" Tanong ni Klein na kakababa lang ng hagdan.
"Okay naman, as usual. Magagaling kasi mag turo ang mga teachers." Sagot ni Kyle at sumandal.
"Agree, kylie." Pag sang ayon ni keila.
"Kanina pa ba kayo nakauwi?" Tanong ni Vriany. Tumango naman si Zavier na para bang makikita sya ni Vriany na busy mag cellphone.
"Yup. May emergency meeting daw ang mga profs ng college students e." Sagot nito na ikinatango ni Vriany.
"Sila Angel ba? Nasaan na?" Tanong naman ni Zrindle. "Nasa mall silang tatlo nila Minoah at Slixine. Nabili nang mga materials para sa project nila." Biglang sagot naman ni Klein.
Kumunot naman noo ko. "Ba't mo alam? Updated mo naman masyado." Tatawa tawa kong biro sakanya.
Ngingiti ngiti naman itong hinarap saakin ang phone nya at ipinakita ang text ni Vriany sakanya. Napatango tango naman ako.
"I didn't know na ganyan pala kayo kaclose ni Slix beside sa nag aasaran kayong dalawa minsan." Biglang sabi ni Callie kaya na divert sakanya ang atensyon namin.
"Oo nga, sanaol siopao ang nickname." Saad naman ni Kyle at bahagya pang tumawa.
"Siopao naman talaga ang pisnge ni Slixine ah hahaha. Mas siopao nga lang pisnge ni Andeng." Natawa na lang kami sa sinabi ni Zrin.
Well, she has a point. My babygirl has a mala siopao na cheeks but it makes her cuter and beautiful.
"Hey, we're home na." Napatingin kami kayla Zhilux na kakauwi lang kasama si Hugo at Sky.
"Oh, nasaan si Andria?" Tanong agad ni Klein ng walang Andria na maingay ang bumungad saamin.
"Ayon, nagpaiwan. Hinihintay si Kaleb, susunduin daw kasi sya e." Sagot naman ni Sky bago sumiksik sa tabi ni Vriany. "Ano ka ba naman Sky! May iba pang space na upuan, talagang makikisiksik pa!" Asik nito sakanya na ikinanguso ni Sky.
Kumapit ito sa braso ni Vriany na lalong ikinairita nito. "Ayoko, gusto ko sa tabi mo." Parang bata na usal nito.
"Isa, hindi ka lilipat?" May pagbabantang tanong nito.
"Hindi hehe."
"Tatadyakan kita dyan!"
"Eh! Ayoko nga, aba!"
"Punyeta ka."
"Hehe."
"Sky!"
"Oo na nga! Lilipat na!"
Natatawa na lamang akong napapailing habang pinapanood silang mag talo.
"Dami pang sinabi, lilipat din naman pala ng inuupuan." Inis na bulong ni Vriany at maayos na umupo. Mukhang narinig naman ata 'yon ni Sky dahil bumubulong rin ito.
"Nyenye, damot nito. Tatabi lang naman ako sakanya e."
"Baka naman may date sila Kaleb at Andria kaya nag sarili." Kinikilig na sabi ni Keila bago tumingin saakin.
Nag kibit balikat lang ako sakanya bago tumingin sa orasan.
"Siguro nga. It's already 7pm na e. Should I cook na ba or we're gonna wait for them?" Tanong ko bago tumayo. "Magluto ka na, I'll help you. Let's cook 4 different dishes. I'm sure naman na nakauwi na sila by the time na matapos na tayong mag luto." Saad ni Zrin at tumayo na rin.
"I'll help too!" Pag p-prisinta ni Keila. Tinanguan ko naman sya at pupunta na sanang kusina nang may mag salita.
"Where's my daughter?" Napatingin kaming lahat kay Tito na nakasuot ng salamin at nakasuot ng office attire.
It seems like kakauwi nya lang din.
"Ah tito, hindi pa po nakakauwi e. Kasama po niya si Kaleb" Sagot ni Zavier na ikinakunot ng noo ni tito.
"Kaleb? Is he my daughter's suitor?" Seryoso nitong tanong. Masyadong nakaka intimidate ang tingin nito kaya hindi ko na natagalan ang pag tingin sakanya.
Nakakatakot naman si Tito. Paano pa kaya ang mommy ni Andeng diba?
"M-maybe sir, but we all know po na may gusto sila sa isa't isa." Nag aalinlangang sagot ni Kyle.
"Is that so?" Pahabol pang tanong ni Tito. Sabay sabay naman kaming tumango sakanya. "Then, tell him na kapag may time sya ay pumunta sya sa office ko upstairs. Mag uusap kaming dalawa nang masinsinan." Saad nito bago tuluyang umalis.
Ngingisi ngisi naman akong tumingin sa aking mga kaibigan.
"Kaleb is really doom." Haji murmurs.
"I know right." Vriany.
"Good luck to him." Callie.
"Kung ako talaga kay kaleb mag tatago na ako." Tatawa tawang wika naman ni Keila.
"Good luck na lang talaga sakanya." Wika ko bago dumaretso sa kusina kasunod sila Zrindle at Keila.
Andria's POV.
         Naglalakad ako ngayon dito sa may hallway. It's 7:30 already, and yet wala pa rin sya. Napabuntong hininga na lamang ako. Baka nakalimutan nya akong sunduin.
Habang naglalakad ay may natanaw ako sa kalayuan ang pigura ng dalawang tao.
Napangiti ako nang maaninag si Kaleb, ngunit muli nanaman akong nilukob ng pagtataka nang makita kong kasama nya si Natasha.
Bakit sila magkasama?
Agad akong naglakad. Papalapit na  ako sakanila at tatawagin ko na rin sana si Kaleb nang mapatigil ako sa paglalakad ng biglang hilahin ni Natasha si Kaleb at hinalikan ito.
Unti unting nag init ang mga mata ko habang pinagmamasdan sila. Oh god, it feels like I got stabbed repeatedly.
It hurts, so much.
"K-kaleb." Napatikhim ako ng mabasag ang boses ko. Agad naman silang nag hiwalay nang marinig nila ang boses.
"Andria?" Patanong na tawag ni Tasha na halatang gulat na nakatingin saakin. Lumapit naman agad si Kaleb saakin at sinubukan hawakan ang kamay ko ngunit iniwas ko ito sakanya.
"D-dria, let me explain." May halong pag mamakaawa ang boses nito.
Umuling ako sakanya at malamig na tumingin sakanilang dalawa.
"Andria—" Agad akong nag salita para putulin ang sasabihin nya. Ayokong marinig. Hindi ko kaya.
"Ms. Smith, go home." Malamig ngunit malumanay kong saad. Napatungo naman ito bago naglakad paalis.
"Andeng, i-its not what you think—"
Namumula ang mga mata kong binalingan sya ng tingin na nakapag patahimik sakanya.
"Iuwi mo na lang ako, Kaleb." Halos mapahikbi ako nang sabihin ko iyon at nauna nang naglakad paalis.
Nang makapunta na kaming parking lot at naabot na namin ang pinag parkan nya ng kotse nya ay pag bubuksan nya na sana ako ng pinto.
"I have my hands to use, I don't need your help." Malamig kong saad bago pumasok ng kotse.
*
Traffic ngayon kaya alas otso na ay hindi pa rin kami nakakauwi nang Casa De Vander. Kanina ko pa rin nakikitang sinusulyapan ako ni Kaleb nang tingin ngunit hindi ko ito pinapansin.
Pagkarating namin ng Casa De Vander ay agad akong bumaba at pumasok ng mansyon.
"Kausapin mo naman ako oh." Anito habang nagmamakaawang nakatingin saakin na ikinatigil kong muli.
Hinarap ko ito at bahagyang nginitian kahit alam kong peke iyon.
"Wala na tayong dapat pag usapan, Kaleb. Wala na!" Sagot ko kasabay nang sunod sunod na pagbagsak ng mga luha ko.
Mabilis akong pumasok sa loob nang mansyon. Pinunasan ko muna ang luha ko bago ako dumaretso ng living room kung saan ko sila naririnig na nag tatawanan.
"Andeng, andyan ka na pala." Nakangiting sinalubong ako nang yakap ni Hime at ate sunny.
Pilit naman akong ngumiti sakanila.
"Yeah." Sagot ko.
"Kamusta date niyo?" May pang aasar na tanong ni Angel sakin bago tumingin kay kaleb na nasa tabi ko na.
"Hindi kami nag date. Sa school lang naman kami galing." Sagot ko ulit.
"Huh? Sa school lang kayo galing, e bakit inabot kayo ng isang oras?" Tanong naman ni Minoah.
"Siguro may ginawa kayo—teka, umiyak ka 'no?" Tanong naman ni Slixine at bahagya pang lumapit saakin para lalong pagmasdan ang mukha ko.
"Andria." Napatingin ako kay Klein nang marinig ko ang seryosong tono nito. "Did you cry? Anong nangyari sainyo?" Sunod sunod na tanong nito.
"No, it's nothing. Don't mind me, aakyat na ako." Sagot ko at bahagya pang ngumiti sakanila at naglakad na paakyat.
Nakakaapat na hakbang pa lamang ako nang biglang magsalita si Hugo.
"Hindi ka man lang ba kakain muna, andeng?" Tanong nito. Umiling na lamang ako sakanya bilang sagot, hindi na ako nag abalang lumingon dahil kahit anong oras ay bibigay na ako at ayokong makita nila iyon.
Pagkarating ko sa tapat nang kwarto ko ay agad akong pumasok at nag lock ng pinto. Agad na kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan at pati na rin ang mga hikbing kanina ko pa gustong ilabas.
Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Akala ko masakit na yung narinig ko kanina, hindi pala. May mas isasakit pa pala 'yon.

Book Comment (74)

  • avatar
    kheriannisaarifah

    ganda

    4d

      0
  • avatar
    alaouisaad

    nice book

    01/05

      0
  • avatar
    Eunice S. Regalado

    thank you

    07/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters