Homepage/Destined To Be With The Mafia Boss/
chapter 15
Andria's POV.
"Hey, what are you doing here? Malamig dito." Napatingin ako kay Kaleb nang bigla syang dumating.
Nandito nga pala ako sa tabi ng swimming pool, nakalublob ang paa habang nakatambay syempre.
Nang hindi ako sumagot sakanya ay umupo ito sa tabi ko at inilagay ang hinubad nyang jacket tsaka isinuot ito saakin.
"Are you okay?" Tanong ulit nito.
I smiled at him.
"Yeah, it's just—until now, hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa saakin 'to ni Natasha." Napabuntong hininga ako ng masagot ko ang mga tanong niya.
"Even us, di rin makapaniwala. Pero kahit naman anong gawin natin, kung puno naman ng galit at inggit ang puso ni Natasha. Hindi mo rin sya mapapag bago." Binalingan ko sya ng tingin na ngayon ay pinagmamasdan ang mga bituin sa langit.
"Kahit anong isipin ko kasi, pakiramdam ko, hindi lang tungkol sa kayamanan ang dahilan." Bumaba ang tingin ko nang maramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko.
"Just hold on to me, and I will protect you to the end." Wika nya na ikinahigpit ng pagkakahawak ko sa kamay nya. I gently smile at him.
"Thank you"
"I love you." Natigilan ako nang marinig ang sinambit niya.
Muli nanaman akong nilukob ng magkakahalong emosyon. Ang sarap pakinggan. Mahal ko rin sya.
Mahal na mahal ko sya.
Unti unti niyang inilapit ang mukha nya saakin. Napapikit na lamang ako ng lumapat ang kanyang labi saaking labi. Agad kong tinugon ang halik nito nang hapitin nya ang bewang ko.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
Ganito na ba kalakas ang epekto ng halik mo saakin na maging ang aking mga labi ay kusang tumutugon sa halik mo. I feel so safe in his arms.
Humiwalay ako para sumagap ng hangin dahil sa pagkakapos ng hininga ko.
I pressed our foreheads together and smiled before gently cupped his cheeks. "I love you too." Mahina kong saad.
Napangiti sya nang marinig iyon at agad na niyakap ako.
I hope we're always like this and I wish, I wish this day would never end.
*
"Kyle, Ate Sunny and Zavier." Tawag pansin ko habang naglalakad kami ng mga kaibigan ko papasok ng school. "Why?" Tanong naman ni Zavier.
"Puntahan nyo mamaya ang mansyon naten, ligpitin nyo na ang mga walang hiyang nakabantay doon," Wika ko bago itali ang buhok ko.
"Magdala kayo ng ilan sa mga tauhan ko para mas may laban pa rin kayo." Dugtong ko pa. "Noted." Ani Ate Sunny.
"As far as I know, there's more than 20 men in our mansion." Saad naman ni Haji habang nakatingin sa hawak niyang ipod.
"Sasama ako." Pagp-prisinta ni Vriany.
"Ako rin." Gatong naman ni Sky. Tinanguan ko naman sila bago tinext si Daddy na ihanda ang mga tauhan.
"Ayan nanaman sya." Napatingin ako kay Keila nang marinig ang pagkairita niya tsaka tumingin sa direksyon kung saan sila nakatingin.
"Bruhilda." Zrindle.
"Impakta." Minoah.
"Ilayo niyo saakin yan, makakatikim talaga ng sampal saakin iyan." Haji.
"Should I slit her throat right away?" Ate Sunny.
"Woah, girls. Calm down." Natatawang bulong ni Hugo.
"Galit na galit nanaman kayo e." Saad naman ni Kyle na nagpipigil ng tawa.
"Tignan nyo ilong nyo mga plat, umuusok na hahaha!" Tawa naman ni Kaleb.
It's Natasha, again. Ngiting ngiti itong lumapit saamin tsaka bumeso saakin.
Bahagya naman akong ngumiti sakanya bago nag salita. "What's up?" Tanong ko.
"Nothing, inabangan lang talaga kita ngayon." Sagot nito, nananatili pa rin itong nakangiti. Kumunot naman ang aking noo.
"Why?" Tanong ko. Ngunit imbis na sagutin nya ang tanong ko ay tumingin sya kay Kaleb.
"Eros, I missed you" Kumunot ang noo ko ng bigla nya itong yakapin na para bang matagal nya na itong kakilala.
Naguguluhan akong tumingin sakanilang dalawa ng humiwalay si Tasha sa pagkakayakap kay Kaleb at nag cling sa braso nito.
Unti unti kong nararamdaman ang galit at inis na namumuo sa loob ko. Pakiramdam ko ay kahit anong oras ay sasabog na ako sa inis.
Napayukom ako sa kamao ko at binalingan ng tingin si Kaleb na nag-iwas naman ng tingin saakin.
"I never thought na makikita ulit kita even though nakita naman na talaga kita kahapon but I'm busy talking to my pinsan because I missed her too." She giggles and cling more into his arms. "And.. you're also friends with her?" Patanong na usal nito kay kaleb bago tumingin sakin.
Anong friends? Gago ka ba? Hinalikan ako nyan kagabi at nag iloveyou saken tapos friends?!
Napatingin ako sa gilid ko nang may humawak sa kamay kong nakayukom.
Angel smiled at me before tapping my fist, telling me to calm down.
But wait, Eros? I suddenly remember Natasha's first love who left her 5 years ago because of some business matters. I only see Eros once when he visited Smith Mansion because Natasha got sick, and then after that, I never see him again. Natasha told me everything about Eros, she always tells me how much she loves him.
Pero imposible naman diba? Hindi lang naman si Kaleb ang nag iisang may pangalan na Eros sa buong mundo. How ironic na hindi lang pala iisang eros ang kakilala nya, kakilala nya rin pala 'tong si kaleb.
"What are you saying, Tasha?" Tanong ko bago tumingin kay Kaleb na malamig ang mga matang nakatingin kay Natasha.
"Kaleb, you know each other?" Tanong ko naman sakanya.
Natasha smiles sweetly. "He's my—"
Lalong kumunot ang noo ko ng itulak nya ng bahagya palayo sakanya si Natasha. "I don't know her, all I know is pinsan mo sya. that's all." Walang emosyon nitong sagot bago tumingin saakin at ngumiti. He doesn't know Natasha, but he called her 'tasha' too?
Lumapit ito saakin at hinawakan ang kamay ko bago ako halikan sa noo.
I saw how Tasha's smile drop when he said that. I saw the pain in her eyes na lalong nagpagulo saakin. What's happening?
"Tasha? Are you okay?" Tanong ko nang mapansin na namumula na ang mata nito. Binalingan ako nito ng tingin bago pilit na ngumiti.
"Yeah, of course. Anyways, see you in my office next time. I have to go." Nagmamadali nitong sambit at agad na umalis.
"Anyare dun?" Tanong ni Slixine.
"Malamang napahiya, mag feeling close ba naman kay kaleb e." Natatawang sagot ni Zrindle na ikinatawa din ni Minoah.
"May balak pa nga ata 'yong landiin si Kaleb e. May pa-yakap pang nalalaman e." Iiling iling naman na usal ni Callie.
"Baka naman kase magkakilala talaga sila ni Khalil pero itinatanggi lang nitong si Kaleb?" May halong pag sususpetya na wika naman ni Klein habang masusing nakatingin kay Kaleb. Seryoso naman itong binalingan ng tingin ni kaleb.
Bago pa man mapunta sa kung saan ang usapan na ito ay nag agad na pumagitna si Haji.
"Stop it, Klein." Awat nito.
"What now?" Asik naman ni Klein.
"You're just making another gulo between the two of you. Stop jumping into conclusions muna." Ani naman ni Angel.
"Wala namang masama kung kukumpirmahin natin kay Kaleb diba?" Saad naman ni Slixine.
"Osya, para matigil na ito." Napatingin kaming lahat kay Hugo nang magsalita ito. "Kaleb, sagutin mo ang tanong nila. Kakilala mo nga ba talaga si Natasha o baka itinatanggi mo lamang sya saamin?"
Binalingan ko ng tingin si Kaleb habang hinihintay ang kaniyang sagot.
"N-no, hindi ko talaga sya kilala." Sagot nito.
"Are you sure?" Tanong naman ni Keila. Tumango naman ito saamin.
Napatango na lang kami sakaniya.
Binalingan ko naman ng tingin si Klein. "Satisfied ka na?" I sarcastically asked and roll my eyes at him.
"Oo." Sagot ni Klein at nag kibit balikat.
"Baka naman kasi napagkamalan lang ni Natasha si Kaleb kaya ganon inasta niya. Di naman masamang mag kamali hindi ba?" Bahagya ko silang nginitian ng sabihin ko iyon.
"Oo, pero ang masama ay 'yong pag kalaban nya sayo. Siraulo ba sya? Pati sarili nyang pinsan, handa nyang patayin makuha lang lahat ng gusto nya!" Asik ni Sky na nanggigigil na nilingon ang daan na tinahak ni Natasha.
"Agree ako sayo, teh." Pag sang ayon naman ni Vriany.
"Ganyan talaga pag inggitera." Saad naman ni Angel.
Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa mga tinuran nila. May point din naman talaga sila.
Nang makarating kami sa may court ay agad na nagsama sama ang iba saamin papunta sa mga respective classrooms nila.
Susunod na sana ako kayla Hugo nang may humawak sa kamay ko kaya agad akong lumingon. Si Khalil pala.
Babawiin ko na sana ang kamay ko nang higpitan nya pa lalo ang pag hawak sa kamay ko kaya nagtataka akong tumingin sakanya.
"Why? May klase pa ako, baka malate ako." Ani ko. "Ihahatid na kita." Wika nito at hindi na hinintay ang sasabihin ko nang hilahin nya na ako palakad.
"Kaleb, baka naman malate ka na niyan, hindi mo naman na ako kailangan ihatid e. Andyan naman sila Hugo oh." Turo ko kayla hugo na nauuna nang ilang hakbang ang paglalakad saamin.
"It's okay, I still have 40 minutes. Malapit lang naman ang building niyong mga HUMSS," Giit nito.
"Kahit na, edi sana yung mga natitira mo pang oras is ginugol mo na lang sa pag re-review ng mga lessons nyo." Kontra ko sakanya.
"Don't you want to be with me?" Napatigil ako sa paglalakad nang sabihin niya iyon. Seryoso itong nakatingin saakin ngayon na ikinalunok ko.
Nag iwas ako nang tingin bago sinagot ang tanong nya. "O-of course, gusto ko. B-but khalil—"
"I miss you." Muli nanaman akong natigilan nang marinig ang sinabi niya.
Napakagat ako sa aking labi at pilit na pinapakalma ang nagkukumawala kong puso.
Mabilis akong napatingin sakanya ng marinig ko syang tumawa. Oh god, his smile is melting the hell out of me.
"Cute." Bulong nito at pinisil ang pisnge ko bago ako muling hinila palakad. "I'll fetch you later, hm?" Tumango ako sakanya ng sabihin nya iyon.
Nasa tapat na pala kami ng building, hindi ko man lang namalayan. Masyado siguro akong na space out kanina. Nakakaloka.
"See you later." Anito bago ako halikan sa noo. "See you." Wika ko naman. He genuinely smiled at me before leaving.
Tumakbo na agad ako paakyat at hindi na pinansin ang mga tingin at bulungan nang mga estudyante habang nakatingin saakin.
Omg! Yung puso ko!Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (74)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
ganda
4d
0nice book
01/05
0thank you
07/03
0View All