Homepage/FORGETTING MY FEELINGS FOR YOU/
Chapter 8:
S.T.E.A.L
Alexandrea Sofia Kate Alvarez POV:
Maaga akong na gising para mag-ayos. Excited na kasi ako!
Bakit kaya sya makikipag kita sa akin?
Ano kayang pag-uusapan namin
Magtatapat na kaya sya sa akin na gusto nya din ako?
Bakit kaya ang ganda ko?
OH! Wag kang kumontra!
Nakaligo na ako ,nagtoothbrush at nakabihis na din ako. Nagsuot ako ng white T-shirt at pinatungan ko ng black strap dress tas black shoes. Naglagay din ako ng make-up pero di naman yun magmumukha akong clown, slight lang dapat. Kinuha ko na din yung cute kong bag. Ang liit kasi at phone and wallet ko lang ang kasya.
"Nak! Nandito na si Skyle!" saad ni mama sabay lapit sa akin.
Nagtataka siguro kayo kung bakit kilala ni mama si Skyle. Simple lang, dahil High school palang magkakaibigan yung mga parents namin.
"Ang ganda-ganda naman ng baby ko!"
"Syempre po! Mana po ako sayo ih!" sabay naman kaming nagtawanan.
"Tara na! Baka marinig tayo ng papa mo at magselos pa yun"
Lagi kasi silang nagtatalo kung kanino ba ako nagmana.
"Tara na! Naghihintay na manliligaw mo! Baka mamaya nalamon na ng papa mo yun" wika ni mama sabay tawa.
"Ma naman! Bat mo po sila iniwan saka di ko po manliligaw si Skyle" pagiinarte ko.
"HAHAHAHA tara na nga!Mabubugahan talaga yun nang apoy sa sobrang tagal natin"
Bumaba na kami at natanaw na namin sila papa. Pawis na pawis si Skyle at halatang kinakabahan.
"San kayo pupunta?" rinig kong tanong ni papa.
"Sa mall lang po, Sir" kinakabahang wika naman ni Sklye.
"Sige, PERO dapat alas singko ay naihatid mo na sya dito. Maliwanag ba?!" ma-awtoridad na wika ni papa.
"Y-yes sir!" na-uutal na saad nya.
"Mahal! Tinatakot mo ba yang manliligaw ni Sofia?!" saad ni mama, nagulat naman si papa.
Nakahinga ng maluwag si Skyle nang makita nya kami ni mama. Parang bubugahan kasi sya ni papa ng apoy
"Hindi mahal! Nag-uusap lang kami. Diba hijo?" tumango naman si Skyle.
"Ma! Di ko nga po sya manliligaw" pagdedepensa ko.
"HINDI PA! Ay sige na, umalis na kayo! Baka matraffic pa kayo" saad ni mama sabay ngisi.
"Sige po" pagpapaalam namin.
Hinalikan ko muna sila Mama at Papa sa pisngi.
"Yung pinag-usapan natin hijo ah!" nakangiti pero nakakatakot na saad ni papa.
"Tumigil ka nga ryan!" pagsasaway ni mama kay papa.
Lumabas na kami. Bubuksan ko na sana yung pintuan ng sasakyan pero na-unahan ako ni Skyle.
Nang maka-upo na ako ay sinarado na nya ang pinto. Kinabit ko na din yung seat belt.
"San mo gustong pumunta?" tanong ni Skyle.
Inistart na nya yung kotse nya.
"Sa mall nalang" nahihiya kong saad.
Tahimik lang kami buong biyahe. Wala ni isa sa amin ang nagtangkang basaging ang katahimikan.
Sobrang traffic kaya lalo naging awkward.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa mall.
"Ah pwede kain muna tayo, nagugutom na kasi ako" nahihiya kong saad kay Skyle.
"Amm sige! San mo ba gustong kumain?" tanong nya.
"Dun nalang tayo sa Jollibee " nakangiti kong saad.
Pagkapasok namin ay nag-order na kami at naghanap ng ma-uupuan.
Dumating yung mga foods at nagsimula na kaming kumain.
Ilang minuto lang ay natapos na kaming kumain.
Di ko nagalaw yung spaghetti at fries kaya pinabalot ko nalang, sayang din nuh.
Pagkalabas namin ng restaurant ay may nakita akong matanda na humihingi ng mga pera at pagkain. Nilapitan ko ito at sumunod naman si Skyle.
"Wait lang ah! Puntahan ko lang yun!" pagpapaalm ko kay Skyle at tumango lang naman sya.
"Hi po Nay!" nakangiti kong saad.
"Helli ineng! B-baka may tira kang p-pagkain dyan nak! Dalawang araw na kasi akong di kumakain ih" nahihiya nyang saad.
"Wait lang po ah!" pagpapa-alam ko, tumango lang naman sya. Bumalik ako sa Jollibee para bumili ulit ng pagkain at inumin.
Pagkatapos kong bumili ay bumalik na agad ako sa ginang.
"Nay! Ito po! Kain muna po kayo" saad ko sabay abot nung paper bag sa kanya.
"Nako! Salamat hija! Maraming salamat! Hulog ka ng langit?" nakangiti nyang saad.
"Wala po yun, maliit na bagay" wika ko sa matanda.
Nagsimula na syang kumain.
"Mmm Nang ito ng po pala.kunting tulong para sa pangkain mo po at kung wala po talaga kayong matuloyan ay pwede ko po kayong matulongan. May alam po akong home for the agent " nakangiti kong saad.
"Nako hija! Sobra sobra na yung naitulong mo sa akin at hindi ko alam kong paano ako makakabawi sayo!" mangiyak ngiyak nyang saad.
"Hindi nyo na po kailangang bumawi. Nalala ko po kasi yung lola ko inyo" saad ko.
Nagpasalamat sya ng nagpasalamat pero nagpaalam nadin ako kasi nababagot na yung kasama ko.
Pano ko nasabi? Mukha kasi syang napipilitan. Halata naman pero ngumingiti nalang sya.
"Gusto mo punta tayo Arcade"nakangiti kong tanong at tumango lang naman sya.
Pagkapasok namin sa Arcade ay bumili muna sya ng mga token.
Pagkabalik nya ay sobrang dami nyang dala na token.
"Dito na ba tayo titira?" natatawa kong saad pero kumamot lang naman sya sa batok nya at yumuko.
"Tara dun tayo" wika ko sabay hila sa kanya papalapit sa mga bola.
Nagsimula na kaming maglaro ng iba't ibang laro dito sa Arcade. Sobrang saya ko kasi ngayun nalang ulit ako nakapunta dito at si Skyle pa talaga ang kasama ko. Busy na kasi sa school work dahil graduating na kami.
"San dyan gusto mong kunin?" tanong ni Skyle.
Nandito kasi kami sa machine ng mga stuff toy. Madaming pagpipilian pero ang naka-pukaw ng atensyon ko ay yung Stitch. Favorite cartoon ko kasi yung Stitch.
"Yung si Stitch" saad ko.
Wala pang ilang minuto ay nakuha na nya.
"Wow! Ang galing mo!" wika ko sabay yakap sa kaya. Pagkalipas ng isang minuto ay narealize ko yung ginawa ko kaya humiwalay agad ako.
"S-sorry?" nahihiya kong saad.
"No! It's okay! Tara na, hatid na kita. Mag aalas kwatro na din ih" saad naman nya.
Oo nga pala may usapan sila ni papa.
"Sige ,tara na!" kinuha ko muna yung stuff toy bago sumunod sa kanya.
Pagkalipas ng isang oras ay nakarating nadin kami sa bahay.
"Salamat sa paghatid!" nakangit kong saad.
"Welcome!" maikli nyang saad.
Pababa na sana ako ng sasakyan ng bigla nyang higitin yung braso ko at hinalikan ako sa labi.
"I"m sorry!" saad nya.
Nabigla ako dahil ninakaw nya ang first kiss ko. Sa sobrang taranta ko ay tinulak ko sya at tumakbo papasok ng bahay.
Di ko alam ang mararamdaman ko. Kikiligin ba ako kasi hinalikan nya ako o maaasar dahil ninakaw nya ang first kiss ko. MY GASH!
*See you on the next chapter*
Pasensya na kung may mga ERROR. Please pa-rate po , pafollow na din. Pwede din kayong mag-iwan ng comment sa comment section.Thank you and Luv guys❤💕Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (636)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
I like the story
07/09/2023
0the story was all about her and his crush, who became her classmate
08/08/2022
7Wonderful story of two people
08/08/2022
0View All