Chapter 29

Liam’s POV
Habang nagda-drive pauwi mula sa bahay ni Celine, hindi ko maiwasang mapatingin sa cellphone ko. Ilang beses kong tinignan kung nag-reply na si Sophie sa huling text ko.
She did.
“Yeah. Thanks for asking.”
Napabuntong-hininga ako. Maikli lang ang sagot niya, pero parang may kung anong bigat sa bawat salita. Alam kong hindi siya okay. Alam kong may bumabagabag sa kanya.
Damn it.
I shouldn’t care this much.
Pero hindi ko rin maiwasang maalala ang mukha niya kanina sa party—ang pagpipilit niyang maging komportable sa mundong hindi kanya, ang paraan ng pag-iwas niya ng tingin nang makita niya kaming magkasama ni Celine.
At ang huling sulyap niya bago siya tuluyang pumasok sa bahay nila—may lungkot, may pagkadismaya.
Huminto ako sa gilid ng daan at hinawakan ang manibela, pilit na kinakalma ang sarili.
Ano bang ginagawa ko?
Dapat masaya ako dahil kasama ko si Celine, ‘di ba? Matagal ko na siyang gusto. Ginagawa ko ‘to para sa kanya.
Pero bakit parang may kung anong mali? Bakit parang hindi ko makalimutan ang ekspresyon ni Sophie?
Muli akong napatingin sa cellphone ko, nag-aalangan kung dapat ba akong mag-reply o hindi. Pero sa huli, ibinaba ko na lang ito at muling pinaandar ang sasakyan.
Bukod kay Celine, may iba pa ba akong kailangang isipin?
"What's bothering you?" mariin na tanong ni Celine habang nakapangalumbaba siya sa front seat.
Napatigil ako sa pagmamaneho sandali, saglit na lumingon sa kanya bago muling ibinalik ang atensyon sa kalsada.
"Nothing," maikling sagot ko.
"Nothing?" She scoffed, obviously not convinced. "Come on, Liam. I know you better than that."
Napakuyom ako sa manibela. Kilala nga niya ako—masyado niyang kilala para hindi mapansin na may bumabagabag sa akin.
Pero anong dapat kong sabihin? Na hindi ko maalis sa isip ko ang lungkot sa mga mata ni Sophie kanina? Na may bahagi ng utak ko na gustong bumalik at kausapin siya?
Hindi. Hindi ko pwedeng sabihin ‘yon.
“I’m just tired,” sagot ko na lang sa dulo, pilit na ginagawang normal ang tono ko.
Tahimik siyang tumingin sa akin, halatang nag-a-analyze kung nagsasabi ba ako ng totoo.
“Hmm,” she hummed, bago sumandal ulit. “I hope hindi mo nakakalimutan kung bakit mo ginagawa ‘to.”
Napatingin ako sa kanya, sa paraan ng pagsasalita niya—may bahagyang panunumbat, may paalala.
Alam ko kung bakit ko ginagawa ‘to. Para sa kanya. Para sa pagmamahal ko sa kanya.
Pero bakit parang unti-unti akong hindi sigurado?
“I know, because I love you, right? Pakana mo ba ‘to para i-invite sa party si Sophie?” iritable kong tanong habang mariing hinigpitan ang hawak sa manibela.
Celine smirked, crossing her arms habang nakatingin sa akin na parang may alam siyang hindi ko pa nare-realize.
“Why does it matter, Liam?” malumanay pero may bahid ng paghamon ang boses niya. “You’re doing exactly what I asked, right? Making her fall for you.”
I clenched my jaw. She was right. Ito ang usapan namin. Ito ang plano. Pero bakit parang hindi ako komportable sa nangyayari?
“Hindi ko gusto ‘yong ginawa niyo,” I admitted, keeping my voice firm pero kontrolado. “Parang sinadya niyong ipahiya siya—”
Celine suddenly laughed, cutting me off. “Oh my god, Liam. You’re defending her now?”
I opened my mouth to argue, but nothing came out.
Celine leaned closer, her sharp eyes never leaving mine. “You’re acting weird lately. Siguro… masyado mo nang ginagampanan ang role mo.”
I shook my head. “This isn’t about that. It’s about—”
“It’s about her,” she cut in.
I swallowed hard, gripping the wheel tighter.
“Liam.” She said my name softly this time, but there was an edge to it. “Tell me the truth… are you starting to care?”
I didn’t answer.
I couldn’t.
“Care? I’m asking you, do you care about my feelings?” madiin kong tanong habang nakatingin kay Celine.
She scoffed, crossing her arms. “Liam, you know I do. Pero bakit parang ikaw ang naiiba ngayon?”
I exhaled sharply, shifting my grip on the steering wheel. “Alam mong hindi ako gago, Celine. I agreed to this dahil gusto kitang makuha… pero hindi ibig sabihin na papayag akong gamitin si Sophie para lang mapatunayan kung anong halaga ko sa’yo.”
Her expression hardened, pero hindi niya itinago ang bahagyang gulat sa mata niya. “So, anong sinasabi mo? You’re backing out?”
“Hindi ko alam,” I admitted, frustrated. “Pero alam kong mali ‘to. Alam kong hindi dapat ganito.”
Tumahimik siya saglit bago bumuntong-hininga at ngumiti ng pilit. “Then prove it to me, Liam. Prove na ako pa rin ang mahal mo.”
Napapikit ako saglit, ramdam ang bigat ng sitwasyon.
Celine was my past, my comfort, my first love.
Sophie was… different. And I wasn’t sure if I was ready to admit why.
“You love me, right?” mahina niyang sinabi habang nakatingin sa akin. "Ako pa rin naman 'di ba?"
Napalunok ako. Alam kong hinihintay niya ang sagot ko—ang confirmation na siya pa rin talaga.
Pero bakit ang hirap? Bakit hindi ko masabi agad?
I forced myself to nod, kahit parang may bumibigat sa dibdib ko. “Oo, ikaw pa rin. I… really love you so much,””
She smiled, pero alam kong napansin niya ang pag-aalinlangan sa boses ko. Kilala ako ni Celine. Alam niyang may bumabagabag sa akin.
Hinawakan niya ang kamay ko, hinaplos ito ng marahan. “Then, prove it, Liam.”
Napatingin ako sa kaniya. “Ano pa bang kailangan kong patunayan, Celine?”
Ngumiti siya, pero may bahid ng challenge sa tingin niya. “Stay away from Sophie.”
Parang may tumama sa sikmura ko. “Celine—”
“She’s nothing,” putol niya. “She’s just someone na nadadala ka lang sa moment. Pero ako, Liam… ako ‘yung matagal mo nang gusto. Ako ‘yung mahal mo, hindi ba?”
Napapikit ako saglit. Sophie wasn’t nothing. Hindi ko nga alam kung paano nangyari, pero she was slowly becoming something—someone na hindi ko kayang itapon na lang.
Pero si Celine ang nasa harapan ko ngayon. Ang babaeng matagal kong hinabol, ang babaeng mahal ko… ‘di ba?
So bakit parang ang hirap nitong sagutin?
"I think she’s in love with you. Nagawa mo na 'yong role mo. So, break her na," Celine said casually, as if hindi niya lang ako inuutusan na sirain ang isang tao.
Para lang siyang nag-uutos ng simpleng bagay—parang walang bigat, walang konsensya.
Napatingin ako sa kaniya, trying to process her words. "Celine... seryoso ka ba?"
She raised an eyebrow, crossing her arms. "Of course. Liam, ito naman talaga ang plano natin, ‘di ba? You prove your love for me by making her fall, then breaking her heart. Tapos na ‘yong laro."
Tapos na.
Dapat nga, hindi na ako nagdadalawang-isip. Alam kong ito ang simula pa lang ng usapan namin. But why does it feel different now?
Bakit parang ang bigat sa dibdib?
"Ba’t parang nag-aalangan ka?" she asked, her tone sharp. "Don’t tell me, Liam, na may feelings ka na rin sa kaniya?"
I clenched my jaw. Hindi. Hindi dapat. This was just a game.
Pero kung laro lang 'to… bakit parang ako na mismo ang natatalo?
“I’m not,” mabilis kong sagot, pero kahit ako, hindi ko alam kung sino ang niloloko ko—si Celine o ang sarili ko.
She narrowed her eyes, studying me. “Then prove it.”
My hands curled into fists. “Ano bang gusto mong gawin ko?”
Celine smirked, stepping closer. “End it, Liam. Putulin mo na habang hindi pa siya masyadong nahuhulog.” She tilted her head, her voice dangerously sweet. “Kaya mo naman ‘di ba? I mean, hindi naman totoo ‘yong mga efforts mo sa kaniya.”
I swallowed hard. Totoo ba talaga na wala lang lahat ng ‘yon? Ang mga ngiti niya, ‘yong paraan ng pagtitig niya sa’kin na parang ako lang ang mahalaga sa mundo niya—lahat ‘yon parte lang ng isang laro?
Celine placed a hand on my chest, her touch familiar yet oddly suffocating. “If you really love me, Liam, you’ll do it.”
I forced a smirk, trying to act like this wasn’t affecting me. “Of course. Ano ba’ng akala mo?”
She smiled, satisfied. “Good.”
Pero habang sinasabi ko ‘yon, hindi ko maalis ang imahe ni Sophie sa isip ko—ang inosente niyang mga mata, ang genuine niyang ngiti, at ang tiwalang binibigay niya sa’kin nang walang pag-aalinlangan.
I exhaled slowly.
Kung ganito kasimple, bakit parang ang hirap?

Book Comment (6)

  • avatar
    Nicsyy

    Next pleaseee

    25/02

      0
  • avatar
    Peachi

    gandaaaa!

    22/02

      0
  • avatar
    Easy eiei

    Such a little, romantic love

    19/02

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters