Chapter 34

Hindi ko alam kung anong demonyo ang sumapi sa akin, pero bago ko pa napigilan ang sarili ko, naglakad na ako palabas ng classroom. Kailangan ko siyang makita.
Kailangan kong malaman… kung totoo ‘to.
At kung aalis nga siya—
Bakit parang hindi ko matanggap?
Hindi ako mapakali.
Hindi ko maintindihan, pero may kung anong bigat sa dibdib ko nang marinig kong aalis na si Sophie. Bakit siya kailangang umalis? Dahil ba sa akin? Dahil sa amin ni Celine?
Napatingin ako kay Celine, na kasalukuyang abala sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Wala siyang kaalam-alam sa iniisip ko ngayon.
Hindi niya kailangang malaman.
Kailangan ko lang makausap si Sophie—kahit isang beses lang.
Dali-dali akong naglakad palabas ng classroom, tinatahak ang hallway na madalas kong makita siyang naglalakad noon. Pero ngayon, wala siya.
Malamang umiiwas na naman siya.
Hanggang sa makita ko siya sa malayo—nakaupo sa isang bench sa garden, mag-isa.
Dahan-dahan akong lumapit, sinusubukang gawing normal ang kilos ko, pero hindi ko mapigilan ang bilis ng tibok ng puso ko.
“Sophie,” mahina kong tawag.
Napapitlag siya at agad tumingin sa akin, halatang nagulat. Agad siyang tumayo, pero bago pa siya makaalis, mabilis kong sinabi, “Can we talk?”
Humigpit ang hawak niya sa bag niya, kita ko ang alinlangan sa mga mata niya.
“Wala naman na tayong dapat pag-usapan, Liam.” Mahina pero matigas ang boses niya. "Kaya, please lang,"
“Bakit ka aalis?” tanong ko, hindi ko na kayang pigilan.
Napabuntong-hininga siya, saka umiwas ng tingin. “Kailangan ko lang, at wala ka ng pakialam do'n,”
“Sophie, please. Sabihin mo sa’kin. Dahil ba sa amin ni Celine?”
Napapikit siya saglit, parang pinoproseso ang sinabi ko, bago tumawa ng mapakla. “Liam, alam mo namang oo, ‘di ba? Hindi ko na kailangang sabihin pa.”
May kung anong kumirot sa loob ko sa narinig ko.
“Pero hindi mo kailangang umalis,” mahina kong sabi.
She shook her head. “I do. Kailangan ko.”
Parang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung ano pang dapat kong sabihin para pigilan siya.
Pero may isa pang tanong na gustong kumawala mula sa bibig ko.
“Sophie…” Hindi ko alam kung dapat ko bang itanong, pero nang bumanggit na ako, hindi ko na napigilan. “Did you—Did you ever love me?”
Nanatili siyang tahimik saglit bago tumingin sa akin, and for the first time in a long time, kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya.
“Yes,” she admitted in a whisper. “But it doesn’t matter anymore.”
At sa sandaling iyon, naramdaman ko ang isang bagay na hindi ko kailanman inaasahan.
Regret.
Napako ako sa kinatatayuan ko.
"Ako naman ang magtatanong sa'yo. Did you... ever love me?"
Sa dami ng tanong na pwedeng itanong ni Sophie, hindi ko inasahan ‘yon.
“Did you… ever love me?”
Simple lang ang tanong niya, pero bakit parang napakahirap sagutin?
Gusto kong sabihin na hindi. Na laro lang talaga ang lahat. Na wala lang ‘yon.
Pero bakit hindi ko kayang sabihin?
Dahil ba ayoko siyang masaktan? She's kind to me, kaya I think 'di niya ako deserve. Yes, tama lang 'to.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nanatiling tahimik, pero ramdam kong hinihintay niya ang sagot ko.
“Sophie, I—”
Napailing siya at ngumiti nang mapakla. “Never mind. I think I already know the answer.”
Napatawa naman siya ng mapakla. "Bakit pa nga ba ako nagtatanong?"
“No—” Lumapit ako, but she took a step back.
“Wala na ‘yon, Liam.” Nanginginig ang boses niya, pero kita ko ang pagpipigil niyang hindi umiyak. “I just needed to hear it from you. Pero mukhang hindi mo rin alam ang sagot.”
Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong bumara sa lalamunan ko.
“Sophie…”
She took a deep breath. “Thank you, Liam. For everything.”
Nakangiti siya, pero hindi ‘yon umabot sa mga mata niya.
At doon ko lang na-realize—ako ang dahilan kung bakit nawala ang siglang iyon sa kanya.
Tinalikuran niya ako at naglakad palayo.
Hinayaan ko na lang ba siyang umalis?
Dapat ko ba siyang pigilan?
Pero ano ang dahilan ko para pigilan siya, kung sa simula pa lang, ako mismo ang dahilan kung bakit niya gustong lumayo?
Nanatili akong nakatayo habang pinapanood siyang palayo.
Dapat ba akong gumawa ng paraan? Dapat ba akong humabol?
Pero ano ang sasabihin ko? Na nagsisisi ako? Na mali ang lahat ng ginawa ko?
Hinayaan kong masaktan siya. Hinayaan kong mawala siya. At ngayon, wala akong karapatang pigilan siya.
"Sophie..." mahina kong tawag, pero hindi na siya lumingon.
Napalunok ako. Biglang sumikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang papalayong anino niya. Ilang buwan ang lumipas mula nang masaktan ko siya, at kahit anong pilit kong sabihin sa sarili ko na tama lang ang nangyari, bakit parang may mali?
Nakuha ko si Celine, ‘di ba?
Siya ang pangarap ko. Siya ang matagal ko nang gusto.
Pero bakit parang hindi ako masaya?
Bakit sa tuwing nakikita ko si Sophie na lumalayo, parang may bahagi sa akin na gustong habulin siya?
Bakit parang… ako ang talo sa larong ako mismo ang nagsimula?
 

Book Comment (6)

  • avatar
    Nicsyy

    Next pleaseee

    25/02

      0
  • avatar
    Peachi

    gandaaaa!

    22/02

      0
  • avatar
    Easy eiei

    Such a little, romantic love

    19/02

      1
  • View All

End

Recommendations for you