Homepage/When the Player Falls/
Chapter 30
Nakahiga ako sa kama, nakatitig sa kisame. Dapat masaya ako. Natapos ko na halos lahat ng kailangan kong gawin. Sophie trusts me, she likes me—hell, maybe she even loves me. Kung susundin ko si Celine, all I have to do now is break her heart.
Simple lang, ‘di ba?
Pero bakit parang ang bigat?
Napapikit ako at napabuntong-hininga. Kanina pa ako hindi mapakali. Celine’s words kept echoing in my head.
"If you really love me, you’ll do it."
Hinilot ko ang sentido ko. Tangina. Paulit-ulit na lang. Bakit ba ako nag-aalangan?
Tumunog bigla ang phone ko. Sophie.
Napatingin lang ako sa pangalan niya sa screen. Hindi ko agad sinagot.
Then, a message popped up.
Sophie: Can we talk?
Shit.
Parang may sumikip sa dibdib ko.
Ano bang gagawin ko?
A part of me wanted to ignore her, to shut everything down before it was too late. Pero may isang parte rin sa’kin na gustong puntahan siya. Gusto kong makita siya.
At ‘yon ang mas kinakatakot ko.
Kasi kapag nakita ko ulit siya… baka hindi ko na magawang saktan siya.
Tumunog ulit ang phone ko. Isa, dalawa, tatlong beses. Pero hindi ko pa rin sinasagot.
Maybe… I should ignore her nalang muna. Para makaiwas. Ayoko munang malaman niya ang totoo—lahat-lahat.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kung sakaling magtanong siya. At ayokong marinig ang boses niya ngayon, dahil baka lalo lang akong maguluhan.
So I let the phone ring.
Maya-maya, huminto rin ito. Napabuntong-hininga ako, pilit na kinakalma ang sarili. Tama lang ‘to. Kapag hindi ko siya kinausap, hindi ako magkakamali. Hindi ako mapapalayo sa plano.
Pero bakit parang ang bigat sa pakiramdam?
Napahawak ako sa phone ko. Gusto kong buksan ang message thread namin, gusto kong basahin ulit ‘yong text niya.
"Can we talk?"
Simple lang ‘yong sinabi niya, pero pakiramdam ko ang daming ibig sabihin.
Baka may nararamdaman na siya. Baka may hinala na siya.
O baka… gusto lang niya akong makausap.
Pero hindi, hindi ako puwedeng lumapit.
Hindi ako puwedeng bumigay.
Pumikit ako, pilit na inaalis ang imahe niya sa isip ko. This is for Celine. Para sa kanya ‘to, dahil mahal ko siya.
Kaya bakit parang hindi ko na kayang ulitin ‘yon sa sarili ko?
Ilang minuto akong nakatulala sa screen ng phone ko, hinihintay na muling mag-ring. Pero wala. Hindi na siya tumawag ulit.
Napailing ako. Good. Mas mabuti nang ganito.
Kinuha ko ang susi ng kotse at lumabas ng condo. Kailangan kong lumayo, kahit saglit. Kailangan kong linawin ang utak ko. Habang nagda-drive ako sa walang direksyong pupuntahan, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Celine.
"I think she’s in love with you. Nagawa mo na ‘yong role mo. So, break her na."
Napakuyom ako ng kamao sa manibela. Dapat madali lang ‘to, ‘di ba? Paano naging ganito kahirap?
Hindi ko alam kung ano ang mas nakakainis—ang fact na tama si Celine, o ang realization na hindi ko kayang gawin ‘yong dapat kong gawin.
Bakit hindi ko magawang tapusin?
Bakit hindi ko magawang saktan si Sophie?
At bakit ang sakit ng ideyang kailangan ko siyang saktan?
Napahinto ako sa gilid ng kalsada, hinayaan ang sarili kong mag-isip.
Matagal akong hindi nagsalita. Hindi gumalaw. Hindi huminga ng maayos.
Then, bigla na lang akong natawa. Isang mapait na tawa.
Tangina, Liam.
Mukhang talo ka na sa larong sinimulan mo.
Kinabukasan sa campus, agad kong nakita ang tropa. Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa nila kagabi—ang pamimilit kay Sophie na sumama sa party.
Lumapit ako sa kanila, at agad akong sinalubong ni Troy na parang wala lang nangyari. “Yo, Liam! Wala ka bang hangover, bro?” Tumawa siya, pero ako, hindi natawa.
Pinagmasdan ko sila isa-isa. Si Marcus, abala sa pag-check ng phone niya. Si Jace, walang pakialam habang ngumunguya ng gum. Pero si Troy, may bahagyang ngiti sa labi—alam niyang iritado ako.
"Anong problema mo?" tanong niya, nakataas ang kilay.
"Hindi niyo dapat pinilit si Sophie," madiin kong sinabi, diretso ang tingin ko sa kanila.
Tumaas lang lalo ang kilay ni Troy. “Chill, bro. Hindi naman namin siya tinutukan ng baril para sumama, ‘di ba? She wanted to experience the fun.”
Napapikit ako ng mariin, pilit na pinipigilan ang inis ko. “Alam kong kayo ‘yon. Celine put you up to this.”
This time, nagpalitan ng tingin sina Marcus at Jace. Alam kong tama ako.
“So what?” sagot ni Troy, walang pakialam. “Ano bang kinaiinis mo, Liam? Hindi ba dapat matuwa ka? Mas napalapit si Sophie sa’yo, hindi ba ‘yon naman ang goal?”
Hindi ako agad nakasagot. Goal? Tama siya. ‘Yon dapat ang goal.
Pero bakit parang hindi na iyon ang gusto ko?
Naglakad ako palayo bago ko pa sila masapak sa inis. Kailangan kong lumayo. Kailangan kong mag-isip.
At higit sa lahat, kailangan kong malaman kung ano na ba talaga ang gusto ko.
"Liam!"
I froze. I know that voice.
Sophie.
Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko siyang nakatayo hindi kalayuan, hawak-hawak ang strap ng bag niya, halatang kinakabahan. May gusto siyang sabihin.
Dapat hindi ako lumapit. Dapat hindi ako tumingin. Pero ginawa ko pa rin.
Naglakad siya papalapit, at ramdam kong bumibigat ang loob ko sa bawat hakbang niya. Dapat galit siya. Dapat hindi na niya ako nilalapitan. Pero bakit nandito siya?
Bakit, Sophie?
I clenched my jaw, pilit nilalabanan ang kung anumang nararamdaman ko. No. Kailangan ko na siyang iwasan. Kailangan ko siyang itulak palayo.
Hindi ako puwedeng bumigay.
Hindi ako puwedeng magduda.
Mahal ko si Celine. Ginagawa ko 'to para kay Celine.
I had to remind myself of that. Again, and again.
Kaya bago pa siya makalapit nang tuluyan, tumalikod ako at naglakad palayo.
"Liam!" tawag niya ulit, mas malakas na ngayon.
Pero hindi na ako lumingon.
Pinilit kong bilisan ang lakad ko, pero narinig ko ang mga yapak niya sa likod ko.
“Liam, wait!”
Napahinto ako. Napapikit. Damn it.
Ayoko siyang harapin. Ayoko makita ang ekspresyon sa mukha niya—kung may lungkot man, galit, o pagtataka. Pero mas lalo kong ayaw na isipin niyang tinatakbuhan ko siya.
Huminga ako nang malalim bago dahan-dahang humarap.
Nakatayo siya ilang hakbang lang ang layo, kita ko sa mga mata niya ang pag-aalinlangan. “Bakit mo ako iniiwasan?”
Straight to the point. Hindi siya paligoy-ligoy.
I swallowed hard, keeping my expression unreadable. “Hindi kita iniiwasan.”
Tumaas ang kilay niya. “Really? Then bakit bigla mo akong tinatalikuran? Bakit parang gusto mong maglaho nalang ako?”
I clenched my fists. Hindi ko kayang sagutin ‘yon. Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang totoo—na pinipilit kong umiwas dahil alam kong kapag hindi ko ginawa, baka hindi ko na kayanin.
Hindi ko na kayaning saktan siya.
Hindi ko na kayaning sundin ang laro namin ni Celine.
Pero hindi siya dapat makahalata.
“You’re overthinking, Sophie,” malamig kong sagot. “Mas mabuti nang ganito.”
Kita ko ang gulat sa mukha niya. “Mas mabuti? Bakit, Liam? Ano bang nangyayari?”
Napailing ako. “Wala. I just realized na siguro mas mabuti kung hindi tayo masyadong close.”
Sandali siyang natigilan, tila hindi makapaniwala sa narinig. Then, she chuckled bitterly. “Seriously? After everything? Just like that?”
Hindi ako sumagot.
“Liam,” mas mahina na ang boses niya ngayon. “Did I do something wrong?”
No. Ako ang may kasalanan. Ako ang nanloko. Ako ang sumira sa lahat.
Pero hindi ko puwedeng sabihin ‘yon.
Kaya sa halip, tiningnan ko siya nang diretso sa mata at binitawan ang pinakamasakit na kasinungalingang kayang lumabas sa bibig ko.
“Sophie, you were just a distraction.”
Napaurong siya nang bahagya, as if my words physically hurt her. Hindi siya agad nakapagsalita, parang hindi alam kung paano i-proseso ang narinig niya.
At doon ko na-realize… wala nang atrasan ‘to.
“Stop thinking na may halaga ka sa akin,” dagdag ko, pilit nilalamon ang bigat sa loob ko. “Because you don’t.”
I turned my back and walked away, leaving her standing there—hurt, confused, and completely broken.
And as much as I wanted to run back and take it all back… I couldn’t.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (6)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
Next pleaseee
25/02
0gandaaaa!
22/02
0Such a little, romantic love
19/02
1View All