Chapter 31

I stood there, frozen. Parang hindi ko kayang intindihin ang mga sinabi ni Liam.
I was just a distraction?
Wala akong halaga sa kanya?
Naramdaman ko ang biglang pagbigat ng dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ko paniniwalaan ang mga sinabi niya. I wanted to scream. I wanted to ask him if he was lying—because God, I wanted to believe na nagsisinungaling lang siya.
Pero bakit ganun?
Bakit ramdam ko na totoo ang sinabi niya?
Pinilit kong huminga nang malalim, pero kahit anong gawin ko, hindi mawala ang sakit. I should’ve seen this coming. Mali ko rin naman, ‘di ba? Kasi ako ang nag-aksaya ng panahon sa kanya. Ako ang nagpadala sa mga titig niya, sa mga ngiti niya, sa mga lambing niya.
I was so stupid to think I meant something to him.
Naglakad ako palayo, pilit pinipigil ang luha na namumuo sa mga mata ko. Hindi ko puwedeng hayaan na makita nila akong mahina. Hindi ko puwedeng ipakita kay Liam na kaya niya akong sirain.
Pero sa totoo lang?
Ramdam kong durog na durog na ako.
Pagkarating ko sa isang tahimik na sulok ng campus, hindi ko na napigilan. My tears fell freely. I hugged myself, trying to keep myself together, pero ang sakit.
Liam… bakit?
Napaupo ako sa bench, hinayaan lang ang luha na dumaloy. I felt so stupid. Parang biglang nag-flashback sa akin ang lahat ng moments namin ni Liam—lahat ng tawa, lahat ng pag-aalala niya sa akin, lahat ng sandaling pinaniwala niya akong importante ako.
Pero ngayon?
Wala.
Isang malaking kasinungalingan lang pala ang lahat.
I wiped my tears. Hindi ako puwedeng ganito. Hindi ako puwedeng maging mahina.
Kung laro lang ‘to para kay Liam, fine. Pero hindi ako naniniwala, may bumabagabag lang sakaniya.
Celine’s POV
Nakatayo ako sa isang sulok ng hallway, tahimik na pinapanood sina Liam at Sophie. Hindi nila ako nakikita, pero kitang-kita ko ang bawat emosyon sa mukha nila—lalo na kay Sophie.
Gusto kong matawa.
She really thought she had a chance.
Nakaramdam ako ng labis na kasiyahan nang marinig ko ang sinabi ni Liam. "You were just a distraction."
Good. He’s finally doing what he should have done from the start.
Nang makita kong tuluyan nang tinalikuran ni Liam si Sophie, hindi ko napigilan ang isang mapanuksong ngiti. Poor girl. Naawa ako sa kanya—pero hindi ibig sabihin na titigilan ko siya.
Bakit?
Kasi wala siyang lugar sa buhay ni Liam.
At hindi ko hahayaan na may kahit sino mang sumira sa amin.
Kinagabihan, tinawagan ko si Liam. Alam kong hindi siya sasagot agad, pero hindi ako papayag na hindi niya ako harapin matapos ang lahat.
After three rings, he picked up.
"Celine." His voice sounded tired, almost irritated.
Pero hindi ko hinayaan na maapektuhan ako. “Hey, baby,” I said sweetly. “Are you okay?”
“Why wouldn’t I be?” malamig niyang sagot.
Napangiti ako. So, naiinis siya? Dahil ba kay Sophie?
“Nothing,” sabi ko, pinipilit gawing casual ang tono ko. “I just wanted to check on you. Alam kong hindi madali ang ginawa mo kanina.”
“Celine—”
“I’m proud of you,” putol ko sa sasabihin niya. “Ginawa mo ang tama, Liam. Wala na siya sa pagitan natin.”
Hindi siya sumagot.
“So… we’re good now, right?” tanong ko, kahit na alam ko na ang sagot.
“Yeah.”
That’s all I needed to hear.
Ngumiti ako habang hawak ang phone. Alam kong may iniisip pa rin siya tungkol kay Sophie, pero hindi na ‘yon mahalaga.
Dahil sa huli, ako pa rin ang pinili niya.
Ngayon nagsisimula pa lang ang tunay na laro.
Sophie finally knows how it feels to be broken—just like how her mother ruined my mother’s life, her mother and my dad had a relatioship, and kabit siya ng papa ko. Hindi ko lang siya papaiyakin. Sisiguraduhin kong madudurog siya, gaya ng ginawa ng nanay niya sa pamilya ko.
Ginamit ko si Liam para saktan siya, at hindi ko pagsisisihan ‘yon. Alam kong mahal ako ni Liam, at hindi niya kailanman malalaman ang totoong dahilan kung bakit ko siya inutusan na lokohin si Sophie.
Pero hindi pa ako tapos.
Bukas, sisiguraduhin kong tuluyang mawawasak si Sophie.
Kukunin ko si Liam. Ipapakita ko sa kanya na ako pa rin ang una at huling babae sa buhay niya. I will remind him that everything was just a game—our game.
At si Sophie?
Isa lang siyang pawn na itinapon na sa board.
Kinaumagahan, agad akong naghanap kay Liam sa campus. Alam kong hindi pa siya okay, pero wala akong pakialam. I had to make my move.
Nakahanap ko siya sa garden, mag-isang nakaupo sa bench, malalim ang iniisip. Lumapit ako at walang pasabing umupo sa tabi niya.
“Hey, babe,” sabi ko, nakangiti.
Hindi siya sumagot agad. Nakatingin lang siya sa harapan, parang may bumabagabag sa isip niya.
“Liam,” tawag ko ulit sa kanya. “I think it’s time.”
Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. “Time for what?”
“To tell her everything,” sagot ko agad. “The game, the plan. Lahat.”
He frowned. “Celine, bakit kailangan pa?”
Nanigas ako sa sagot niya. “What do you mean ‘bakit’?”
Napabuntong-hininga siya at napatingin sa malayo. “Sinaktan ko na siya. Hindi ba sapat ‘yon? Hindi ko na kailangang ipamukha pa sa kanya na laro lang lahat.”
Nag-init ang ulo ko. Anong hindi na kailangang ipamukha sa kanya?!
Hinawakan ko ang braso niya, pinilit siyang harapin ako. “Liam, you love me, right?”
Nagtagal ang saglit na katahimikan bago siya sumagot. “…Yes.”
“Then do this for me.”
Napapikit siya, as if he was thinking hard. Huwag mo akong subukang ipagkanulo, Liam.
“If you really love me,” dagdag ko, “you’ll prove it.”
Huminga siya nang malalim, bago tumango. “Fine.”
Napangiti ako. Finally.
Magsisimula na ang tunay na pagbagsak ni Sophie.

Book Comment (6)

  • avatar
    Nicsyy

    Next pleaseee

    25/02

      0
  • avatar
    Peachi

    gandaaaa!

    22/02

      0
  • avatar
    Easy eiei

    Such a little, romantic love

    19/02

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters