Chapter 28

Napatingin siya sa akin, tila may gustong basahin sa mukha ko. "Regretting coming here?"
I swallowed hard. "Maybe."
“’Di ka lang sanay,”
Tila nag-aalangan siya saglit, bago bumulong. "Kung hindi ka okay, sabihin mo lang. I’ll take you home."
My heart clenched at his words.
“Are you sure?” tanong ko, my voice softer this time.
“Yeah.” Hindi siya nagdalawang-isip.
I wanted to believe him. Gusto kong maniwala na hindi ako ilusyonada sa mga kilos niya, pero paano kung ako lang ang nag-a-assume?
Paano kung kahit kailan… hindi niya talaga ako pinili?
Papayag na sana ako kay Liam. Gusto ko rin siyang makausap nang mas maayos, pero bago pa ako makasagot, isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan niya.
Napalingon kami pareho.
Si Celine.
Lakas-loob siyang lumapit sa amin, ang confident niyang tiningnan kami, lalo na si Liam.
“Why are you guys here?” tanong niya, para bang hindi niya in-expect na magkasama kami.
I felt Liam shift beside me, pero hindi siya agad sumagot. Ako rin, nanatili lang akong tahimik.
“Oh, wait,” dagdag ni Celine, kunwari ay biglang may naalala. “Nagpaalam na pala ako kila Troy at sa iba nating tropa. I wanna go home na sana.” She smiled sweetly at Liam. “Can you take me home?”
Nanigas ang katawan ko.
Hindi ko alam kung bakit, pero may kumurot sa puso ko sa narinig ko.
Of course, she would ask him that. Of course, she expected him to say yes.
“Liam?” tanong ulit ni Celine, this time may kasamang bahagyang paghawak sa braso niya.
“Okay,” he said in a low voice. “Gabi na rin,”
Okay, I expected anong laban ko, ‘di ba?
She was Celine—ang babaeng matagal na niyang kilala, ang babaeng bahagi ng mundo niya.
Bakit ako aasa na ako pipiliin niya? Pwede naman kaming dalawa yong ihatid niya diba pero ba’t siya lang ang inihatid niya.
Nanatili akong nakatayo roon, pinapanood kung paano lumayo si Liam at Celine, leaving me behind as if I wasn’t even there.
Napakapit ako sa railing ng balcony, pinipigilang huminga ng malalim para hindi bumigat ang dibdib ko. This shouldn’t hurt. Dapat hindi ako ganito kaapektado.
Pero bakit parang may kirot sa puso ko?
Liam didn't even look back.
I laughed bitterly, pinipilit ipaliwanag sa sarili ko na wala namang mali sa ginawa niya. Siyempre, mas matagal na niyang kilala si Celine, mas may connection sila. Maybe I was just some random girl who got caught up in the moment.
“Sophie?”
Napalingon ako. It was Troy.
“Okay ka lang?” tanong niya, halatang may concern sa boses niya.
“Yeah,” sagot ko agad, pilit na ngumingiti. “Pagod lang siguro.”
He didn’t look convinced, pero hindi niya na rin pinilit. “Gusto mo, ihatid na rin kita?”
I hesitated. Pero naisip ko, anong silbi ng paghihintay ko rito kung wala na rin naman akong hinihintay?
"Sure," sagot ko sa wakas.
Kailangan ko ring umuwi. Kailangan kong ipaalala sa sarili ko kung saan ako dapat nakaposisyon sa buhay ni Liam—at hindi iyon sa tabi niya.
Tahimik lang ako sa buong biyahe habang nasa loob ng sasakyan ni Troy. Nakatitig lang ako sa bintana, pinagmamasdan ang mga ilaw sa lansangan na parang lumalabo sa paningin ko.
"Sigurado ka bang okay ka lang?" tanong ni Troy, bahagyang binagalan ang pagmamaneho.
"Yeah," sagot ko agad, kahit alam kong halata namang hindi. "Pagod lang siguro."
Narinig ko siyang huminga ng malalim, parang may gustong sabihin pero pinipigilan. Maya-maya, naramdaman kong tumigil ang sasakyan. Napatingin ako sa kanya, nagtataka.
"We're here," aniya, pero hindi niya agad binuksan ang pinto. Instead, he turned to me, studying my face. "Sophie, I know it’s none of my business, pero... you like him, don’t you?"
I felt my breath hitch.
"What?" I tried to laugh it off, pero hindi iyon lumabas na natural. "Of course not. Friends lang kami ni Liam."
"Friends?" inulit niya, raising a brow. "You looked like someone who just got left behind."
I bit my lip. "Kasi... iniwan nga ako."
"And it hurts, doesn't it?"
Hindi ako sumagot.
He sighed. "Sophie, you don’t have to lie to me or to yourself. Just… be careful. Si Celine ‘yon. At kung si Liam ang gusto mo, siguraduhin mong kaya mong pumasok sa mundo nila."
Pinagmasdan ko siya, trying to figure out kung ano ang gusto niyang iparating. May gusto ba siyang sabihin tungkol kay Liam? Tungkol kay Celine?
“Mundo niyo ‘yon Troy, kaibigan mo si Liam. I don’t know, what’s your exactly intention? Pero…” hindi ko alam pero di ko kayang ituloy yong sasabihin ko. “Ingat ka nalang and thank you for inviting me in your party celebration,”
Hindi na siya na siya nagsalita dahil nagmadali na rin akong pumasok sa bahay namin
Pagpasok ko sa bahay, agad akong napasandal sa pinto at pumikit nang mariin. Pakiramdam ko, ang bigat-bigat ng dibdib ko.
Bakit ba ganito? Bakit ba ako naapektuhan nang ganito?
Dahil ba kay Liam? Dahil ba sa paraan ng pagtrato niya sa akin? O dahil sa katotohanang, sa kabila ng lahat, si Celine pa rin ang inuuna niya?
Huminga ako nang malalim at dahan-dahang tinanggal ang heels ko bago tuluyang umakyat sa kwarto. Pagdating sa kama, agad akong napahiga, titig sa kisame.
Nagre-replay sa isip ko ang nangyari kanina—ang paraan ng paghawak ni Celine sa braso niya, ang mabilis na pagsang-ayon ni Liam na ihatid siya, ang mga matang hindi man lang lumingon pabalik sa akin bago sila umalis.
Napapikit ako nang mariin.
Sophie, ano bang ini-expect mo?
Dapat noon pa lang, alam mo nang hindi mo mundo ‘to.
Napatingin ako sa cellphone ko nang marinig ang isang notification.
Liam: Did you get home safe?
Napalunok ako. Ang daming gusto kong sabihin, pero sa huli, isang simpleng sagot lang ang naitype ko.
Me: Yeah. Thanks for asking.
Wala pang ilang segundo, nag-reply siya.
Liam: Good. I’ll see you tomorrow.
Tumitig ako sa screen, ramdam ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Pero bago pa ako makapag-reply, ibinaba ko na lang ang cellphone at napayakap sa sarili ko.
Bukas… bukas ulit, magpapanggap na naman akong okay.

Book Comment (6)

  • avatar
    Nicsyy

    Next pleaseee

    25/02

      0
  • avatar
    Peachi

    gandaaaa!

    22/02

      0
  • avatar
    Easy eiei

    Such a little, romantic love

    19/02

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters