Homepage/When the Player Falls/
Chapter 33
Chapter 33 – Liam’s POV
Tahimik lang ako habang nakatayo sa loob ng kwarto, pero pakiramdam ko’y may kung anong bumagsak sa loob ko nang makita kong tuluyang lumabas si Sophie.
She didn’t cry.
She didn’t even scream at me.
Walang eksena, walang pagmamakaawa—walang kahit anong emosyon na in-expect kong makita sa kanya.
Pero doon ko na-realize… mas masakit iyon.
“Satisfied?” tanong ni Celine habang nakangisi, halatang proud sa ginawa namin. “She took it well, ‘di ba? At least hindi na siya magpapakamartir sa’yo.”
Hindi ko siya sinagot.
Muli akong naupo, sinasandalan ang lamesa habang nakayuko.
Ginawa ko lang ang dapat kong gawin, ‘di ba? This was the plan all along.
I played my part.
Pero bakit parang ang bigat sa loob?
Bakit parang hindi ito ang panalo na gusto ko?
“Liam?” Tawag ulit ni Celine, this time mas malambing. Lumapit siya sa akin, hinaplos ang braso ko. “Hey, bakit parang ang lungkot mo? Isn’t this what we wanted?”
What we wanted or she wanted?
Hindi ako sumagot.
Ang totoo, hindi ko rin alam ang isasagot ko.
I should be relieved. Wala na si Sophie, tapos na ang laro. I proved my loyalty kay Celine.
Pero bakit may bumabagabag sa akin?
Bakit paulit-ulit na bumabalik sa isip ko kung paano siya tumingin sa akin bago siya umalis?
That quiet acceptance.
Yung pakiramdam na parang… ako ang natalo.
Huminga ako nang malalim at tiningnan si Celine. “I need to go.”
Nagtaas siya ng kilay. “Saan?”
“Anywhere but here,” sagot ko bago lumabas ng kwarto.
Kailangan kong makapag-isip.
Dahil kung hindi, baka hindi ko kayanin ang bigat ng ginawa ko.
Pagkalabas ko ng kwarto, pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. The air felt too heavy, my chest too tight.
Ilang oras lang ang nakalipas pero paulit-ulit kong naririnig ang boses ni Sophie sa isip ko.
"Stay strong sa inyo."
Dapat masaya ako, ‘di ba? Napasagot ko na si Celine, napatunayan ko na ang loyalty ko sa kanya.
Pero bakit hindi ko magawang ngumiti?
Naglakad ako nang walang direksyon. Hindi ko namalayang nakarating na ako sa parking lot ng campus. Napahinto ako at napasandal sa kotse ko, pilit pinakakalma ang sarili.
Pero kahit anong gawin ko, hindi ko maalis sa utak ko kung paano ako tiningnan ni Sophie bago siya umalis.
Walang galit.
Walang luha.
Pero ramdam ko—sa isang tingin lang niya, parang ako ang nawasak.
“Shit.” Mabilis kong sinuntok ang bubong ng sasakyan ko, frustrated sa nararamdaman ko.
Dapat hindi ko ‘to iniisip. Dapat tapos na.
Pero bakit may bumabagabag sa akin?
Bakit parang gusto kong habulin siya?
Gusto kong itanggi, gusto kong sabihing wala akong pakialam, pero hindi ko kayang lokohin ang sarili ko.
Dahil habang pinagmamasdan ko siyang lumayo…
Doon ko lang napagtanto kung sino talaga ang nawala sa akin.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatayo lang doon, nakatitig sa kawalan, habang patuloy akong binabagabag ng sariling isip.
Mali ito. Mali dapat ang nararamdaman ko.
Dapat masaya ako dahil kasama ko si Celine.
Pero bakit parang may kulang?
Bakit parang may mali?
"You're really desperate pala? Do you think I like you? Never."
Naalala ko kung paano nagbago ang mukha ni Sophie matapos kong sabihin ‘yon. Akala ko iiyak siya, magagalit, magmamakaawa. Pero hindi.
Ngumiti siya.
Isang ngiting walang emosyon. Isang ngiting mas masakit kaysa sa anumang sigaw o sampal.
Napakuyom ang kamao ko. I was cruel to her. Mas malupit pa sa dapat. Pero bakit hindi ko matanggap na wala man lang siyang sinabi?
Na wala man lang siyang ipinakitang laban?
Lumipas ang ilang buwan.
Ako at si Celine, kami na. Noong una, akala ko magiging masaya ako—na ito talaga ang gusto ko. Pangarap ko ‘to dati, ‘di ba? Ngayon, hawak ko na.
Alam na ng lahat na kami na ni Celine. Sa tuwing magkasama kami sa hallway, lahat ng tao napapatingin. Lahat ina-idolize ang relasyon namin. Perfect couple, sabi nila.
Pero bakit parang may kulang?
Bakit hindi ko maramdaman ang saya na inaasahan ko?
Wala na si Sophie sa paligid ko.
Hindi ko na siya nakikita sa mga lugar kung saan ko siya nakasanayang makita. Hindi na siya tumatabi sa akin sa klase, hindi na siya napapadaan sa tropa. Umiiwas siya.
At parang hindi ako makakahinga tuwing nare-realize kong hinahayaan ko lang siyang mawala.
Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang usapan ng ilang kaklase.
“Narinig niyo na? Lilipat na raw ng school si Sophie.”
Nanigas ako.
“Talaga? Bakit daw?”
“Ewan, pero ang alam ko, matagal na siyang nag-aayos ng papers. Baka gusto niya lang ng fresh start.”
Fresh start?
I swallowed hard. Hindi kaya… dahil sa akin?Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (6)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
Next pleaseee
25/02
0gandaaaa!
22/02
0Such a little, romantic love
19/02
1View All