Gigil na isinara ni Dychie ang pinto ng tila library na pinaghatidan sa kanya ng mga tauhan ni Prince.
That bastard ditched her for that girl! AGAIN!
At bakit ba bigla na lang ito'ng sumulpot doon? Hindi nya na mapigilan ang mainis sa babae bagamat wala naman talaga ito'ng ginagawang direkta sa kanya.
Parang gusto nyang magwala. Kanina pa sya kating kati malaman ang relasyon ng daddy nya sa asawa ng babae.. at syempre ang kaugnayan nya rin. If ever, this will be the first time na may makikilala syang kamag anak ng daddy nya
Bumuntong hininga sya,
Walang mangyayari kung pagaganahin nya ang inis. She needed to be patience at this times.
Ayon kay Joshua ay hindi pa raw dumarating ang Daddy nya.
Sa totoo lang, hindi nya gusto ang pumunta punta sa lugar na iyon. Those goons, or at least that's what she calls them, looks creepy in every way bagamat magalang ang mga ito sa kanya. And what are their jobs anyway? it's not like inuutusan ang mga ito ng Daddy nya pumatay ng tao, right?
Umiling iling sya. GET OVER IT, DYCHIE. Saway nya sa sarili. Kailangan nyang kumalma.
Pero naiinis na naman talaga sya!
Kagabi lang ay umiiyak ang lalaki dahil sa sobrang sakit na dulot ng Sandy na yun, tapos isa'ng salita lang nito, nagkakandarapa na naman ito'ng harapin ang babae. GOD. What the hell is going on with these people?
Ilang sandali pa at muling bumukas ang pinto. Iniluwa noon si Joshua na may dalang tray na may laman na isa'ng baso ng orange juice at platito na may laman na malaking slice ng cake.
"Merienda ka na muna." Naka ngiti na sabi nito. Inilapag nito ang dalang tray sa mesa na nasa harap nya.
"S-salamat." Nahihiyang sabi nya. Mabilis syang umupo sa pinaka malapit na upuan.
"Pagpasensyahan mo na si Prince ha?" Out of the blue ay sabi nito.
"H-ha?" Maang maangan na sabi nya.
"It's okay. I know na naiinis ka." Nakangiti na sabi ni Joshua. Umupo ito sa upuan na nasa harap lang nya.
Hindi sya sumagot. Hindi nya alam ang sasabihin. GANON BA SYA KA TRANSPARENT?
"Nakakainis naman talaga, right? Hindi pa rin mag move on si Prince. Palaging si Sandy pa rin ang iniisip nya." Tila cassual na sabi ng lalaki.
ARE THEY HAVING A CHIT CHAT ABOUT PRINCE? O.o
Hindi pa rin sya sumagot. Wala sya sa posisyon.
"So.. ano pala nangyari sa auction kagabi?" Bigla ay tanong ulit nito.
"O-okay naman, i guess." Alangan na sagot nya.
"Are you with Prince the whole night?"
"Y-yeah, i was with him.." Mahinang sagot nya.
Tumango tango ito.
"But it's not what you think. Nakatulog lang ako sa bahay nya.. sa sofa." Mabilis na bawi nya. sa tingin nya ay biglang namula ang mga pisngi nya.
Tumawa si Joshua. "It's okay, kilala ko naman si Prince." Ilang sandali pa at tumayo na ito. "I'll go first. May pinapagawa pa kasi Daddy mo sa akin.. eat the cake, i baked that." Kumindat pa ito bago tuluyang lumabas.
"What the hell!" Gulat na inilayo ni Aled mula sa kanyang tenga ang cellphone nya ng marinig nyang nawala ang tunog ng pag ring habang tinatawagan nya si Sandy.
SHE CANCELLED HIS CALL!
"Damn it." Mahina ngunit mariin na mura nya. He tried dialling again but Sandy turned her cellphone off. WHERE THE HELL IS SHE AND WHAT IS SHE UP TO?!
Matapos ng pag uusap nila kanina ay na guilty sya. Pakiramdam nya ay pinaramdam nya na naman dito kung gaano sya ka possessive.. so naisip nya na puntahan ito doon.. only to find out na umalis daw ito sabi ng kapatid nito when he called.
Inis na binato nya ang cellphone nya ng muli nyang tawagan ang cellphone ng asawa at muli nyang narinig ang operator na nagsasabing pinatay ni Sandy ang cellphone nito.
Pasalampak syang naupo sa king size bed nya at nag isip.
Hindi sya mapakali.
Ito ba ang dahilan kung bakit nagpaalam ang asawa na doon muna ito sa mama nito? He thought they were okay now..
Napu frustrate sya. NASAN SI SANDY?! Bakit hindi ito nagsabi?
"Senyorito! Nandito na po yung inorder nyong bulaklak!" Narinig nyang tawag ng maid sa labas ng pinto ng kwarto nya.
"Throw it away!" Inis na sigaw nya.
Wala na sya sa mood para magpaka romantic! Ito na nga ba ang sinasabi nya eh.
Inangat nya ang landline phone sa kwarto nya at tumawag sa ORION.
"Wilson, can you trace a cellphone kahit na nakapatay?"
"I haven't tried it yet but i might. Why?" Nagtataka na tanong nito.
"Trace Sandy's cellphone." Mabilis na tugon nya.
"Uh oh." Sabi ni Wilson sa kabilang linya.
Nangunot ang noo nya. "Bakit?"
"W-wala." mabilis na sagot nito. "M-may LQ kayo?"
Hindi nya na sinagot iyon at agad na ibinaba ang telepono.
------------------------------------------------
"W-wala ako'ng nakita.." Mahinang sagot ni Prince matapos yumuko...
Nakalabas na si Sandy sa opisina ni Prince pero paulit ulit na umuukilkil sa isip nya ang sinabi na iyon ng lalaki at ang reaction nito.
She trusts him, pero alam nya na may inililihim ito.
Pakiramdma nya ay nagsinungaling ito sa kanya.. but why would he do that? He already gave his self to CHIAMERA kapalit ng kaligtasan nya.. and that's what she wants to find out.
Bago nya pa mamalayan ay bumukas na ang elevator. Naglalakad na sya sa hallway palabas sa building ng maalala nya ang ginawa nyang nag DECLINE sa tawag ng asawa nya.. at pinatay nya pa ang cellphone nya upang hindi na ito muling makatawag!
Dali dali nyang hinanap sa bag nya ang cellphone at binuksan iyon.
Sasabihin nya na lang na naka silent ang cellphone nya at nalowbat habang tumatawag sya.
Para lang syang namamasyal sa malawak na garden sa labas ng chiamera building sa dahan dahan nyang paglalakad. Agad syang pinagbuksan ng gate ng mga goons ng makita sya ng mga ito. Ibinabalik nya na ang cellphone nya sa bag nya habang palabas ng gate nang may makita syang pamilyar na bulto na nasa harap ng kotse na nakaparada sa labas ng CHIAMERA.
SI ALED.
At halata sa mukha nito na hindi ito natutuwa.
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (626)
Gela Malit
so very nice
26d
0
Har Len Lampago Conserman
ang ganda ng story!!
confuse lng aku sa pamagat nya
so very nice
26d
0ang ganda ng story!! confuse lng aku sa pamagat nya
25/03
0maganda. nkkakilig
17/03
0View All