Gabi na nang makauwi kami. Nainterogate pa siya ni papa kagabi dahil bakit daw nauna na iyong mga kaibigan namin umuwi kaysa sa amin. Natatawa nga ako sa dami ng katanungan ni papa. Si mama naman ay hindi maawat si papa. Gano'n talaga ang rules nila kapag sino ang nagsasalita ay dapat walang kokontra. Kaya nga kapag galit si mama o di kaya si papa walang kampi-kampi. 'Yon ang nagustuhan ko sa pamamalakad nila. Nag aaway din naman sila mama pero hindi nila iyon pinapaabot ng kinabukasan. Napagplanuhan din nila mama na maghanda lang ng kaunti para sa susunod na araw at ako ang naisip niyang tumulong sa kaniya. Wala din ang iba kong pinsan dahil may sarili din itong mga ginagawa. I'm here at my room thinking of something i need to think this deeply para naman pag nakapagdesisyon na ako ay hinding hindi ko pagsisihan na iyon 'yong pinili ko. Alam kung natatakot si Zayden na mag usap kami no'ng isa dahil baka daw magbago ang isip ko. Pero i really assure him na it's all gone now. Na siya na iyong lalaking mahal ko. Alam kong masakit para sa kaniya ang desisyon ko pero ito lang ang alam kung makakapagpalinaw sa lahat. Closure is what we really need. Wala din kaming maayos na break up noon dahil sa aksidente. Hindi kasi ako kinakausap ng Ryle na iyon at hinaharangam din nang Kristine kaya naman ay napabayaan ko nalang ito. Hanggang sa hindi ko na ito naiisip pa. Sa loob ng ilang taon na ganoon ang sitwasyon namin si Zayden ang naging crying shoulder ko sa tuwing nagkakasagutan kami ni Ryle. Simula kasi noong nasapak ko ang gf niya ay madalas na niya akong binubully kaso bumabalik lang naman sa kaniya lahat. I even avoid entering cafeteria that time because i don't wanna graduate with a bad record. Naguidance na ako ng isang beses at nagrounded pa ni papa kaya hangga't maari hanggang kaya kong magtimpi umiiwas talaga ako sa gulo. Kaso hindi ko alam kung bakit kusang lumalapit ang gulo sa akin. My highschool is not fun afterall. They say that this is the beginning of great journey pero hindi ko naman ramdam. Dahil sa malalim kong pag iisip at malikot kong utak ay hindi ko na namalayan ang pagdalaw sa akin ng antok. **** Nagising ako dahil sa sakit ng pagtama ng araw sa aking balat. Nakalimutan ko palang isara ang aking bintana dahil sa pag iisip nang malalim kagabi. Dahil 24 ngayon ay pinapabili ako ni mama ng mga lulutuin niya para mamayang gabi. Kaya agad din naman akong nag ayos para naman hindi ako abutan ng one hundred years dahil sa traffic ng pilipinas. "Ma nasaan ang listahan ng bibilhin ko?" Tanong ko rito nang makita ko ito sa kusina na nagluluto ng pang almusal namin. "Ito. Kumain ka muna bago umalis," aya pa ni mama matapos niya maabot ang papel. "Doon nalang ako kakain ma saka may kikitain din ako ngayon kaya baka bago pa ako magtanghali makauwi. Bye!" Tumakbo na ako papalabas ng bahay dahil alam kong pipigilan ako ng nanay ko. Mabilis akong pumasok sa kotse ko at saktong bukas ang gate ng bahay. Siguro umalis si papa kanina. Kaya naman agad naman akong pumunta nang supermarket upang mamili ng mga kakailanganin. Habang naglalakad ako habang tulak itong mga pinamili ko ay biglang nagpatugtog ang supermarket saktong ako na ang magbabayad. Ang daya talaga ng kanta! Dahan / Jireh Lim 'Di na muling luluha, 'di na pipilitin pang Ikaw ay aking ibigin hanggang sa walang hanggan 'Di na makikinig, ang isip ko'y lito Malaman mo sanang ikaw ang iniibig ko At kung hindi man para sa akin Ang inalay mong pag-ibig Ay 'di na rin aasa pa Na muling mahahagkan Dahan-dahan mong bitawan Puso kong 'di makalaban Dahil minsan mong iniwan Labis na nahihirapan 'Di na papayag na ako'y iyong saktan na muli At malimutan ang ating nakaraan 'Di mo ba naririnig, pintig ng aking dibdib? Lumalayo na sa'yo ang damdamin ko At kung hindi man para sa akin Ang inalay mong pag-ibig Ay 'di na rin aasa pa Na muling mahahagkan Dahan-dahan mong bitawan Puso kong 'di makalaban Dahil minsan mong iniwan Labis na nahihirapan I think i'm somehow relate to that song before i could ever close my eyes i recall the lyrics that have an im pact on me and that was At kung hindi man para sa akin Ang inalay mong pag-ibig Ay 'di na rin aasa pa Na muling mahahagkan I felt every words in it. And i think this is the time i need to let go. And focus on what i need to be focused on. Yeah i should do that. Nang matapos ako sa pagbayad ay nagpatulong ako sa mga staff na dahil malapit sa kotse ko ang pinamili ko para naman ilagay ko sa likod ng sasakyan ko. Nang matapos konh gawin iyon ay naisip ko na ngayon nalang kausapin si Ryle para naman matahimik na ang kaluluwa ng lalaking iyon, char biro lang. Tinawagan ko naman ito at kung minamalas ka pa ay si Kristine pa talaga ang nakasagot. Nagkaroon pa kami ng bangayan bago ko makausap si Ryle. Reklamo pa ako ng reklamo sa kaniya tapis okay lang ang sagot niya sa akin! Ang kapal ng mukha niya! Parang walang pinagsamahan! Grabe hindi ko makeri ang attitude niya kalalaking tao. Bagay talaga sila ng bitchy na 'yon mga epal! Naisip ko nga baka sa bahay magpasko ang pamilya niya pero sana wag naman. Baka puro away lang ang mangyari sa amin imbes na magka ayos na kami. At dahil hindi pa alam ni Zayden ang gagawin ko ay agad ko naman itong tinext. Nagulat pa ako sa nakalagay na contact name niya. Mapangangkin talaga! To Zaybabe: Morning bitch. Magkikita kami mamaya ni Ryle at mag uusap ha. Saka bakit mo binago contact name mo sa cp ko? From Zaybabe: Bakit babe mo naman ako ah? Sige kung 'yan ang desisyon mo. Basta andito lang ako lagi sayo. Mahal na mahal kita. Promise mo sa'kin ka lang ha? To Zaybabe: I promise. ~dbuiz_
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
bagusss
13d
0Nice
14d
0cool game
25d
0View All