Ashiannie pov Im here at my house wala ngayon si mama at papapati Pag karating ko ng restaurant ay naabotan ko sya doon na naka upo at hinihintay ako ngunit bago pa ako makarating do'n ay may natanggap akong message from Zayden. Hindi ko nalang ito nireplyan at pumasok na. Tanaw ko ang nakaupong si Ryle habang bagot na bagot kakahintay. Bakit kasi nauna siya. Kahit kailan talaga napaka mainipin niya. Umupo naman ako sa harap niyang upuan habang siya ay nakamasid lang sa akin. "What are we gonno talk now?" Ryle ask first. Seems like he's irritated with the things around him. "We should eat first Ryle. Masyado kang iritado," pagpapakalma ko rito natawa naman ako nang samaan ako nito nang tingin. Nang makaorder na kami ay nagumpisa na din kaming mag usap. Kung saan saan pa napadpad ang mga sinasabi niya. Hindi naman talaga totally nagbago ang pakikitungo niya sa'kin. Siguro inis niya lang iyon dahil nasaktan ko si Kristine. "You know i won't say sorry for the punch i give to your girl." Paglilinaw ko pa. "Then don't. Tsk pinapatulan mo pa kasi alam mong gano'n talaga 'yon," inis niyang sambit. "Tapos ano, ako 'yong masabunutan! No way!" Singhal ko rito ng pabiro. "We should learn our mistakes Ash. And you know I'm greatful on what is happening to us," lito man ay tila ba mabilis ding nagsink in sa akin ang mga sinabi niya. "Yeah. Me too. We never thought we'd end up like this." Nakangiti kong sambit. "We can still be friends you know." He offered. "Ofcourse. Anyways when is your wedding?" Birong tanong ko. Nakita ko na sa wakas ang ngiti niyang matagal ko nang hindi na nakikita. Nakakagaan talaga ng loob kapag wala kanang kinikimkim sa isang tao. "Haven't plan yet. But we decided to migrate for good." Sagot nito. Sabagay ay sa ibang bansa naman talaga sila nararapat tumira. Well sila mama ay may plano na ring mag migrate sa UK at doon na mamuhay kasama nang iba naming kadugo. Doon din nagkakilala si papa at papa ni Ryle noong mga bata pa ang mga ito. "That's good. Oo nga pala mauna na ako baka mabulyawan pa ako ni mama." Pagpapaalam ko rito saka tumayo kami nang sabay. "I can give you a ride." Aya nito. "Thanks but my car is with me. Good luck on your journey Ryle. Best wishes for the both of you," sabi ko rito. Niyakap pa ako nito at binigyan nang huling halik sa aking noo. Nagpaalam na din ito sa akin. Sabay naming tinalikuran ang isa't isa na may ngiti sa mga labi. Dahil sa wakas naayos na namin ang matagal na dapat naayos. Ako lang talaga iyong hindi sumuko dati pero okay na ako ngayon. May Zayden na din ako kaya wala nang dahilan pa upang manghinayang. Nakarating ako ng bahay na magaan ang kalooban pagpasok ko palang ay pansin na nila mama agad iyon. Nagtaka pa nga sila sa nangyari sa akin pero hindi ko na ito sinagot. "Ma anong sunod nito?" Sigaw ko mula rito sa kusina. Nandon kasi siya sa sala at may inaayos din. Wala naman akong masyadong alam sa pagluluto kaya panay ang tanong ko sa kaniya. Taga kain lang talaga ako rito sa bahay na ito. "Oo nga pala sinabihan mo na ba ang mama at papa ni Zayden na dito na magpasko?" Tanong ni mama nangmakalapit sa sa akin at pinalitan ako sa pagluluto. "Oo ma. Tatlo lang din naman 'yon sila kaya pupunta 'yon tapos ang dami mong niluto." Ani ko dito. Unti lang naman kami pero parang fiesta ang magaganap dito sa dami na pinaluto niya. "Celebration na din kasi 'yan. Saka may plano kami ng papa mo. Mamaya ay sasabihin ng papa mo pagdating niya," nakangiti ni mamang sagot. Mukhang may magandang nangyari kaya magc-celebrate kami ah. Parang excited na ako sa mangyayari. Hanggang matapos kami ay maingay na ang bahay. Panay ang pagpapatugtog ko simula kanina. Gabi na din at nakaayos na ako. Simpleng top lang at highwaist na pantalon ang suot ko dahil dito lang naman sa bahay. Ang barkada naman ay hindi makakapunta dito dahil may kaniya kaniya sila vacation na ginanap. Mga makasarili! Hindi nang inform. Pero by family daw sila. Ewan ko doon ang gulo nga nila sa gc eh. Painggitan sila nang mga handa. Naisip ko nga din magsend din kaya naman nagreklamo sila. Sa katunayan ang masarap talaga magluto si mama kaya natatawa ako sa reaksyon nila. Lalo na ang shanghai na paborito naming lahat kapag si mama ang nagluluto. Ewan ko nga bakit gano'n ang shanghai niya parang kakaiba pero masarap talaga. Iyon ang hindi nawawala dito sa bahay. Maya maya na ang dumating na ang pamilya nila Zayden, may dala pang cake si tita na alam kong siya rin ang may gawa. Pinilit niya talaga 'yang isuggest kasi sabi ni mama bibili nalang pero ayaw naman ni tita kaya ayon wala na silang nagawa. Mabilis namang lumapit sa akin si Zayden at pumulupot agad ang mga braso sa aking bewang. Nandito kami sa labas habang nanood nang mga paputok. Hindi na kami bumili no'n dahil mas okay na daw ang manood nalang. "My mom and dad wants to migrate in US." Biglang sabi niya. Napalingon naman ako sa akinh likuran kung saan nandoon siya. "Hmm that's okay. Para naman makarelax na sila," komento ko. "They want me to join them too. Doon nalang daw ako magtake ng masteral na hindi ko pa natapos," napahinto naman ako sa aking narinig. It means kasama siya. Magkakalayo kami? "Its your decision naman. You know I'll support you." Ngiting sambit ko. He cuffed my face and kiss me hard as we're put of breath. Malapit na din palang mag alas dose. "Pero if you don't want naman i can take masterals here." sambit nito. "Baliw. Mas maganda mag masteral doon saka nag aaral pa din naman ako eh." Natatawa kong sabi. "Ehh ang layo no'n!" Ngusong reklamo niya. "Baliw kung para tayo ang sa isa't isa walang malayo at matagal no." Pagpapagaan ng loob ko dito. "Tayo talaga ang para sa isa't isa no!" Matigas niyang sabi. Napahiwalay kami sa isa't isa nang biglang lumabas sila mama. Magc-count down na daw kami. Habang nasa gilid ko siya ay mahina kaming nagbilang sa isa't isa. "Isa..." "Dalawa..." "Tatlo..." "Merry Christmas babe, can you be mine?" Mahinang bulong nito. "Merry Christmas too Zayden. Of course i can be yours." I replied with a smile on my face. ~dbuiz_ ~dbuiz_
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
bagusss
13d
0Nice
14d
0cool game
25d
0View All