Homepage/How Love Play My Heart/
Chapter 27
Matapos ang ginanap na kasal nila Lisa ay naging busy naman kami ni Zayden sa pag asikaso ng amin. Kaliwa't kanan din ang mga meeting na natatanggap nila mula sa kanilang kompanya.
Nagt-trabaho pa din naman ako kahit pa naging ganito na ang sitwasyon ko ngayon. Ang dami pa ngang kumalat na balita sa social media no'ng kasal ni Lisa.
Marami ang nanghinayang sa relasyon namin dati ni Ryle. Marami rin kasing nakasaksi no'n. Ayaw na nga ako pahawakin ng cellphone ni Zayden dahil puro mga katanungan about sa akin ang mga kumakalat.
Isang buwan din makalipas nang mapabalita ang pagpapakasal ni Ryle at Kristine sa US. Madami ang nagulat nang mangyari iyon inimbitahan naman nila ako kaso ay dahil sa sobrang busy ko ay hindi ko na napuntahan pero pumunta naman sila mama at papa. Ninong daw sila.
Akala ko nga ay doon na talaga sila for good kaso hindi daw. May pinapatayong bahay si Ryle sa Iloilo at doon nalang daw sila titira. Binenta na nga nila iyong bahay nila rito eh.
Kasaluyan akong papalabas ng building upang umuwi na nang mahinto dahil sa phone call. Sinagot ko naman ito saka naglakad ulit.
"Bitch! Nakakainis ka hindi ka man lang pumunta!" Singhal ng nasa kabilang linya. Natawa nalang ako dahil sa nahing reklamo ni Kristine.
Hindi na kami gano'n ka lala magbangayan pero nando'n pa din iyong disgusto namin sa isa't isa na hindi mawawala wala.
"Sorry naman bitch. Atleast nando'n ako no'ng engagement niyo no!" Pambawi ko.
Nakarating na ako sa parking lot at doon nakita ang naghihintay na si Zayden. Kunot noo pa ito habang nakatingin sa akin ng mapansing may kausap ako sa telepono.
"Hey, Ash we can't be on your wedding too. Kristine's pregnancy is so sensitive." Nang marinig ko ang boses na iyon ay natawa ako bigla. Parang gumanti ah.
"Who's that babe? Why are you laughing?" Inis na tanong ni Zayden sa akin nang makalapit ako rito. Niyakap pa ako nito ngunit lumayo agad ako saka sumakay sa passenger seat.
"Is this a revenge? Namiss ko na bonding natin! Shuta kayo!" Natatawang Singhal ko sa kabilang linya.
"We miss you too bitch but its true your our first born ninang ha?" Paalala pa nito.
"Woah. Congrats i hope its a boy. I'll promise makakaattend na ako." Ani ko rito.
"Dapat lang Ash. 'Wag mo- hindi ko na natuloy ang pakikinig nang may humablot ng cellphone ko. Napalingon naman ako kung sino iyon at walang iba kung hindi si Zayden na inis na pinatay ang tawag.
"Huy! Bakit mo pinatay!" Reklamo ko rito. Aabotin ko pa sana ito ng ibulsa niya ito sa kabila.
"You're ignoring me because of that phone call. Really Shy?" Galit na saad ni Zayden.
Nagtaka naman ako sa inasal niya. Nagulat pa ako sa pagsinghal nito. Natahimik ako kakaisip kung bakit niya iyon ginawa.
"Grabe 'to tawag lang 'yon saka sila Ryle 'yon uhy," pagkukumbinsi ko rito. Mukhang mas lalo pa itong nainis.
"Ahh talaga. Ide sila kausapin mo." Sabi ko nga. May sapak na naman itong lalaking 'to.
"Huy Zayden sorry na may kausap kasi ako kaya hindi ko nasagot 'yong tanong mo." Panglalambing ko pa rito.
Hanggang makarating kami sa bahay niya ay hindi niya pa din ako pinapansin. Ni hindi binalik ang cellphone ko kainis. Kahit na ganoon ka childish 'yong lalaking 'yon napagtatyagaan ko pa.
"Oh ihja kumain na kayo ni Zayden nakahanda na ang hapunan." Aya ni manang ng makita ko ito. Hindi pa ako nagbibihis kaya naman dumiretso na ako sa kusina.
Si manang ang taga alaga dati ni Zayden kinuha niya ito upang may mag asikaso kahit paano sa bahay niya. Sa loob din ng isang buwan ay dito na ako halos mamalagi. Paano ay panay ang punta ni Zayden sa bahay minsan nga ay naabutan pa kami ni kuya Ice na magkatabi matulog kaya nagkaroon tuloy siya nang black eye.
At sa araw araw na nakasa ko si Zayden ay mas lalo kong minahal ang ugali niya. Sometimes his agressive and furious but at the same time he's childish.
Habang kumakain ako ay biglang may umupo sa upuan na nasa gilid ko. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko ang nagsusungit na namang si Zayden. Jealousy runs in his blood nga talaga. Tama si mama niya. Kaugali raw nito ang papa niya. Mabilis magselos pero isip bata.
Inusong niya sa tabi ko ang upuan na hinila niya bali kasi nasa center table ako banda kaya idinikit niya iyon saka umupo. Patagilid pa ang upo nito kaya nayakap niya ako mula sa gilid. Hindi ko nalang siya muna pinapansin dahil may sapak pa ito. Natatawa kasi ako sa inaasal niya ngayon.
"Subuan moko nagugutom na ako!" Nahimigan ko naman sa boses nito ang pagkukunwaring galit. Maasar nga 'to.
"Tumabi ka nga. Kumakain ako kung gutom ka magsandok ka ng iyo," inis kong sabi sa kanya saka tinabig ang kamay niya.
"No! I want you to feed me." Nakangusong sagot pa nito at niyakap ako ng mahigpit sa bewang napadikit tuloy ang katawan ko sa kaniya.
"Zayden! Ano bang problema mo ha?" Kunwaring inis kong singhal sa kaniya saka tinigil ang pagkain. Kita ko naman dito ang panggigilid ng luha. Shit! Naiiyak siya.
Ang sarap tumawa kaso umaacting pa ako kaya later na.
"B-bakit ka sumisigaw?" Nauutal nitong tanong sa akin na tila ba hindi makapaniwala na gagawin ko iyon sa kaniya.
"Ang kulit mo kasi!" Paninisi ko pa.
"S-sorry, naglalambing lang naman ako eh. Sige ako na bahala sa sarili ko," pagtatampo pa nito saka tumalikod sa akin.
Dahil hindi ko na napigilan ang sarili kong tumawa ay napahalakhak naman ako ng malakas na ikinalingon niya.
"Huy sorry na Zay. Nagbibiro lang naman ako. Hindi ako galit no." Pagpapaliwanag ko pa rito.
"Pakainin moko, tsk." Ngusong sagot nito. At dahil ayaw niya ng ibang plato ang gamitin para sa kaniya ay plato ko nalang ang ginamit namin saka kutsarang gamit ko. Ako pa nandidiri sa aming dalawa dahil sa kakornihan nito pero iniirapan lang ako ng isip bata na'to.
Dahil sinigang na baboy ang ulam ay naparami ang kain niya paborito niya kasi 'yon. Ako naman ay hindi kumakain no'n kaya siya lang ang nakaubos.
Nagluto kasi ng carbonara si manang kaya iyon nalang ang kinain ko. Ayaw ko ng kainin kapag gabi kaya iyon nalang.
Ang haba haba pa ng kaartehan ng lalaking 'to kaya ang tagal naming natapos.
Kahit sa paghugas ng plato ay puro kalandian ang ginagawa niya.
Napag uusupan din namin ang plano namin sa kasal. Nahanda naman na lahat. Maliban sa cake at ibang catering. Saka iyong mga damit ay hindi pa tapos tahiin. Malaki laki rin ang gastos nitong kasalan na'to lalo pa at maraming imbetado. Famous ba naman napangasawa ko eh.
~dbuiz_Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (206)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
bagusss
13d
0Nice
14d
0cool game
25d
0View All