It's been five years since everything was fixed. My parents migrated in UK along with Ryle's family after new year. Grabe nga eh iniwan talaga ako nila mama dito. Pero tumatawag naman sila. Kahit na ako lang mag isa rito ay nakakayanan ko naman. Natuto na nga ako magluto kahit papaano eh. Kung itatanong niyo what happened to me and Zayden? Nang magtake siya nang masteral doon sa US ay nag aaral namana ko dito. Kalahating taon nang mapunta siya doon ay may komunikasyon pa kami ang kaso ay hindi ko rin alam kung anong nangyari. We lost communication. I don't know what happened to him. For five years of being alone here i don't have any news about him. I'm hurting right now. As if my heart broke into pieces. Kinontak ko sila tita at maging sila ay hindi alam ang nangyari kay Zayden. Iniisip ko nga na siguro ay sumuko na ito sa akin. Siguro ay napagod siya. Maraming thoughts ang pumapasok sa isip ko dahil sa mga naganap. Even my parents ask how am i but i don't know what to answer. Kinakapa ko pa ang sarili ko. Mas masakit 'tong nangyari sa akin. Nawala nalang iyong taong mahal ko na kahit isang mga salita ay hindi ko man lang narinig mula sa kaniya. Maayos pa kami no'n tapos kinabukasan hindi ko na siya makontak pa. Sabi nang mga kaibigan ko baka busy lang ito pero alam kong may kakaiba. Graduating ako nang mga panahong nangyari sa akin iyon mabuti nalang at nandiyan sil Trisha upang umalalay sa akin. Hindi ko rin naman sinabi kila mama na ganoon ang nangyari sa akin dahil maayos na sila doon. Natapos ang graduation ko na hindi nakapunta sila mama dahil may emergency kay papa. Kaya naman si kuya Ice ang nakasama ko nang time na iyon. Alam kong may rason bakit nangyari sa akin ito pero masakit pa din kasi talaga. I was walking right now to my office when my phone rang. I'm currently working under my kuya Ice company. Mas okay daw kasi na dito nalang at malapit lang daw ako sa kaniya. "Ohhh?" Taray na bungad ko pagkasagot ko sa tawag. "Girl hangout tayo! Nakakatampo kana ha!" Reklamo ng nasa kabilang linya. "Busy ako alam mo 'yon." Simpleng sagot ko "Huyy lagi ka nalang busy! Bridal shower ko na mamaya." Pagpapaalala pa niya. Si Lisa nga pala ito. Ikakasal na sila ni Blue. Ginawa pa nga akong bride's maid ng dalawang 'yon. Si Trisha kasi ang nauna sa aming tatlo. Pagtapos nang graduation namin ay nagpakasal agad sila ni Brandy. Takot yata si Brandy na makawala pa si Trisha. Mabuti nalang naging successful na sila. Masaya naman ako para sa kanila eh. Pero meron pa din 'yong thought na kung sana andito siya siguro kami iyong naunang ikasal. Ni hindi na nga ako nagboyfriend dahil sa kakahintay ko sa lalaking hindi ko alam kung buhay pa ba. Kung ako pa din ba. Baka nga may pamilya na iyon eh. "Oo na pupunta na ako mamaya!" Napahiyaw pa ito sa tuwa nang marinig ang aking naging sagot. Matapos kasi nang kasal nila Brandy ay palagi nalang akong busy. Palagi nila akong ginugulo kaya madalas ko silang pagtaguan. Ayoko kasi talagang sumama sama sa kanila eh. Parang ikinukulong ko na ang sarili ko sa trabaho. Nakabili na din ako nang farm sa Butuan City manggahan ang ginawa ko doon at sa awa naman ng may kapal ay naging maganda ang resulta no'n. Minsan ay doon ako tumatambag kapag binibigayan ako ng leave sa trabaho. Masaya na din ako sa simpleng buhay na pinili ko. Kahit pa alam kung may kulang pa din. Gabi na nang makauwi ako sa bahay namin. Dito pa din ako nakatira sa bahay namin nila mama. Gusto niya nilang ibenta kaso ayoko naman kaya wala na itong nagawa. Sabi nila ay doon daw gaganapin sa bagong bukas na bar ang party kaya nag ayos na ako. Pagtapak ko palang papasok doon ay kita ko agad ang dami ng tao. Mga ingay nang mga nagwawalang mga tao, usok nang sigarilyo at kaniya kaniyang mga kadugyutan. NagpaVIP naman itong si Lisa kaya naman doon na ako dumiretso. "Shit girl! Your so hot as ever!" Tili ni Lisa sa akin na nakasuot ng white dress at may belo pa. "Mga siraulo kayo. Alam ba nang mga lalaki niyo 'to?" Pagtatanong ko pa sa kanila. Nagkatinginan naman ang dalawa at sabay pang umiling. "Aba! Mga hayup kayo. Idadamay niyo pa ako!" Reklamo ko "Ehhh ayos lang 'yan Abo, minsan lang naman." Pagngungumbinsi ni Lisa sa akin. "Oo nga saka hindi tayo nakaranas noong kasal ko eh. Dali na wag ka kj!" Pagmamakaawa naman ni Trisha. Napabuntonghininga nalang ako dahil sa mga kagagawan nila. Mamaya ay sumugod pa ang mga iyon dito at ako ang pagbintangan magkakagulo talaga rito. Ugali pa naman ng dalawang 'yon. "Wohohhhhh." Tili ni Lisa nang may mga pumasok na nakaboxer lang na mga lalaki. Matatangkad ang mga ito at may mga maskuladong katawan. Mahahalata mo talagang batak sa gym ang mga ito dahil sa piguro nang kanilang mga katawan. "Shitty so hot!" Tila nilang dalawa nang mag umpisa nang gumiling ang tatlong nakamaskarang lalaki. Malalambot naman ang mga katawan nito kaya sulit din ang nabayad nang mga ito. Saan kaya nakuha ni Trisha ang mga lalaking 'to. "Huyy Abo ano tulala ka lang diyan?" Suway ni Trisha sa akin habang kinikilig pa sa tabi ni Lisa. "Tsss magsaya nalang kayo diyan iinom ako." Sagot ko dito. "Shit! Kung wala lang talaga akong asawa kukunin ko ang isang 'to," ani Trisha. "Gaga mayari ka pa ni Brandy!" Suway naman sa kaniya ni Lisa. "Pero okay lang naman 'yon no? Ito nalang kaya gawin kong groom?" Hahikgik na dagdag ni Lisa. Mga siraulo talaga ang mga ito. Nagsimula ng lagyan ng lalaki ng asin ang leeg ni Lisa. Todo tili pa silang dalawa dahil sa kilig. Nang matapos iyon ay lumayo muna ang tatlo at nagumpisang hinubad ang mga suot na maskara at hindi mo talaga ipagkakaila na may laban ang mga pagmumukha nang mga ito. Magsasayaw pa sana silang lima nang mahinto ang musika. Kasabay noon ang paglingon namin sa pinto kung nasaan banda ang speaker. Gulat na gulat ang dalawa nang makita ang mga asawa nilang galit na galit. Sabi ko na eh. Malakas talaga dugo nang mga 'to. Tumayo na ako at inabot sa tatlo ang sobre saka iginaya palabas para hindi maabutan nang dalawa. Pinabayaan ko na din silang ayusin ang problem nila ay nagpunta na sa aking sasakyan. Hindi pa man ako nakakapasok sa loob nang sasakyan ko nang may natanaw akong pamilyar na lalaking papasok sa bar. Pero dahil baka namamalikmata lang ako ay hinayaan ko nalang ito. ~dbuiz_
Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
bagusss
13d
0Nice
14d
0cool game
25d
0View All