Chapter 20

Tawa kami ng tawa habang nasa dagat na kami. Natanaw ko din si Zayden ay madilim ang mukhang nakatanaw dito sa amin.
Alam kong ayos lang sa kanila Blue at Brandy na ganyan ang suot ng dalawa basta kasama sila pero 'yong isa, nevermind.
Maya maya pa ay tumayo ito at naglakad papalapit. Sa aming naglalaro dito. Naghubad pa ito ng pang itaas na damit at kitang kita ang maskulado nitong pangangatawan. Naiwan naman ang kaniyang board shorts at naglalad papalapit sa akin.
"Shit! Iwan ka namin girl!" Trisha
"Magkwento ka sa'min ha." Kinikilig pang segunda ni Lisa.
Nagsi-ahon na ang mga ito at iniwan ako ritong nakatulala. Dama ko ang bilis ng tibok ng puso ko ng biglang sumuong pailal si Zayden habang papalapit sa akin.
Walanghiya!
Buti nalang at nasa gitna ako malayo na masyado sa mga tao. Maya maya pa ay nakaramdam ako nang may mga kamay na pumulupot sa aking bewang. Nanigas ang katawan ko at hindi ako makagalaw. Hayup!
"H-huy! Zayden bitawan mo nga ako." Pagpupumiglas ko sa dito habang kinakalas ang mga braso niya. Hindi pa din ito umaahon habang nakayakap ang malalakas nitong mga braso sa bewang ko.
Napatili nalang ako ng bigla ako nitong hinila papailalim. Pumikit ako at napadilat nang may malambot na dumampi sa aking mga labi. Parang sabik na sabik ito kaya naman nadadala ako dito.
Napaahon nalang kaming dalawa at napahiwalay sa sarili ng kunti. Shuta nakakaubos ng hangin 'yon ha!
"Bakit mo ginawa 'yon?" Inis kong sabi dito saka hinampas ang matigas nitong dibdib.
Naiilang ako walanghiya!
"Sorry na. Nagseselos talaga ako kanina," paglalambing pa nito saka ako niyakap ng mahigpit.
"Ide wow! Kaya pala may Allie!" Inis kong bulong ngunit alam kung narinig niya ito.
"She's just a friend. I'm sorry babe." Pagpapaliwanag pa nito.
"Ahh kaya pala kulang nalang magmukha kayong magshota kanina no?" Inis kong sambit dito. Ang manhid niya letse.
"Hindi mo kasi ako pinapansin eh." Nakangusong ani nito.
Kasalanan ko pa. Langhiya.
Tumahimik nalang ako. Alam ko talagang wala sa ugali nito ang mag intertain ng mga babae maliban nalang kung kakilala niya pero ang nakakinis din sa kaniya ay hindi niya nararamdaman kung nilalandi ba siya o hindi.
"Oo na. Lumayo ka nga at nang makabalik na tayo doon," pagtataboy ko dito.
"No! Bakit nakaganyan ka? You know that your body is for my eyes only!" Reklamo ni Zayden. Hindi ko alam kung kikiligin ako o maiinis eh. Hay
"Yaan mo na minsan lang naman." Pagpapalubag ko ng loob rito.
Dahil wala na siyang magawa ay para siyang linta kung makadikit sa akin. Parang ahas din kung makapulupot sa akin.
Hindi ito humihiwalay sa akin hanggang sa maggagabi na. Isang gabi lang naman kaming mags-stay rito dahil ayaw rin ni mama. Magkakaroon din ng handaan sa bahay ngayon meyerkules, araw ng pasko. Hindi ko din alam kung magkakasama kami ni Zayden this vacation dahil alam kung may mga inaasikaso din ito. Mas matanda kasi ito ng hindi hamak sa amin kaya busy siyang tao.
Napagpasyahan namin maglaro at hindi muna matulog para naman masulit ang pagpunta namin dito. Kung ano anong mga activities ang aming sinubukan. May pa hiking pa dito dahil may bundok na malapit dito, sinasabing maraming mga mahihiwang bagay ang makikita ng taong may espesyal na biyaya mula sa diyos. Ipinagsawalang bahala nalang namin ito dahil sa hindi naman kami kumbinsido hangga't hindi namin nakikita.
Mababait din ang mga nakatira malapit dito at kung ano anong kultura nila ang aming mga nalaman. Nakakatuwa lang na may ganito palang mga kayamanang lahi sa pilipinas na hindi pa masyadong kilala.
"Wala ka na bang naiwan?" Tanong ni Zayden mula sa pinto ng hotel room na tinutuluyan namin.
Pauwi na kasi kami at iyong mga kasama namin ay nagkanya kaniya na ding uwi dahil iyong iba ay may mga pupuntahan pa. Kaming dalawa lang ang naiwan rito. Naglibot pa kasi kami kaninang umaga kaya naman naabutan kami ng hapon.
Ayos lang din naman sa kaniya iyon dahil minsan lang daw siya magkaroon ng break sa trabaho niya. Naiisip ko nga na anh swerte ng magiging asawa ng lalaking 'to dahil bukod sa napakasipag na ay masasabi mong mapagmahal ito.
Parang feeling ko ang malas niya pagdating sa akin dahil wala pa akong napapatunayan at saka sinaktan ko lang siya.
"Ang lalim naman ng iniisip mo." Saad ni Zayden. Nagmamaneho na din ito.
"Bakit nasisid mo?" Biro ko
"Nalunod nga ako eh. Kiss moko para makaligtas ako." Biro niya pabalik sa akin kaya hinampas ko ang braso nito na ikinatawa niya pa lalo.
"Ang adik mo. Bipolar ka talaga!" Ani ko.
"Saan pala kayo magpapasko nila tita?" Tanong nito.
"Ewan. Sa bahay lang siguro, kayo ba?" Sagot ko.
"Baka sa UK. Ando'n si lola eh," malungkot niyang sabi.
Sa UK talaga nakabase ang pamilya nila ngunit dahil pilipina ang mama niya ay napili nilang dito ipagpatuloy lahat.
Mas okay din sigurong  magsaya muna siya dahil deserve naman niya iyon.
"Ide mas okay 'yon makakasama mo ang pamilya mo," nakangiti konh sambit. Tumingin naman ito sa akin saka umiwas nh tingin.
"Hindi okay 'yon malalayo ka na naman sakin!" Reklamo nito.
"Sira. Nag aaral pa ako huy!" Suway ko.
"Kahit naman hindi kana mag aral mabubuhay naman kita ah!" Segunda niya.
"Baliw. Hindi naman pwede 'yon saka baka mapatay tayo nila papa pag nagkataon no," sigurado talagang kakatayin kami no'n. Saka masyado pa akong bata para sa pagbuo ng sarili kong pamilya.
"Sabagay. Makakapaghintay naman ako. Malapit ka na rin naman gumraduate eh, papakasalan agad kita!" Masiglang sambit nito.
Natawa nalang ako sa sobrang pag iisip niya sa future namin. Hindi pa nga kami sure kung hanggang saan ang buhay namin at ang nararamdaman niya para sa akin.
Malay natin kung may magbago diba. Hindi naman iyon maiiwasan. At saka simula ngayon ipaglalaban ko na ang nararamdaman ko. Dahil ayokong magkaroon ng mga what if's pagdating ng araw kung may hindi man ako nasubukan.
Kung wala man akong masasagi o masasaktan iba sa pagmamahal kung ito hindi ko ito titigilan. Hahayaan kong malunod ito hanggang sa hindi na makaahon pa.
~dbuiz_

Book Comment (206)

  • avatar
    Salsabilaghina zalfa

    bagusss

    13d

      0
  • avatar
    Ruth Edulan

    Nice

    14d

      0
  • avatar
    Alona Bonon

    cool game

    25d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters