Chapter 41

"Pwede bang kilala mama na muna ako?"
 
Kunot ang noo na lumingon si Aled sa kanya. Kasalukuyan silang nasa library at naghahanap ng libro upang maging preference sa ginagawang thesis ni Aled. Napatigil ito sa ginagawa.
 
"Why? Is something wrong?" Lumapit ito sa kanya.
 
Mabilis syang umiling iling. "N-no, hindi naman. Miss ko lang sila.. pwede ba?" She smiled.
 
Hinapit nito ang bewang nya. Hinalikan sya sa noo and caressed her hair. "Oo naman."
 
Mahina syang  huminga ng malalim. Mabuti na lang at nakasananayan nya na yata ang umarte sa harap nito na parang walang problema.
 
Pumasok sila sa eskwelahan ng sabay at umuwi ng sabay kinaumagahan mula ng nakausap nya si Renato Santillan pero nagawa nyang maitago sa asawa ang tila pagka aloof nya rito. Ayaw nya ng magkaroon pa sila ng pagtatalo. Aalamin nya na lang ang mga sagot sa tanong nya ng sya ang mismong gagawa ng paraan.. at sa tingin nya na mas mabuti na doon muna sya sa bahay ng mama nya.
 
"Come." Hinawakan na ni Aled ang kamay nya at marahan syang hinila. "Kumain na tayo. Nagpa gawa ako ng mashed potato kay manang."
 
She smiled at him.
 
Unti unti nang nagiging 'normal' na tao ang asawa nya, bagamat alam nya na malayo sa pagiging normal ang buhay at mga activities nito.
 
They ate dinner together as if she really knew nothing. Tumatango at ngumingiti sya at natural lang din ang pakikipag usap at pakikitungo nya rito. He became more possesive. Gusto nito na papalgi silang magkasama, bagamat hindi pa nauulit ang nangyari sa kanila sa New York.
 
"Bukas mo na ba gustong mag stay muna kila mama?" Bigla ay tanong ni Aled.
 
Kasalukuyan na silang nasa kwarto ng lalaki. Nag aya kasi ito na manuod daw sila ng movie o mag dvd marathon sila, which she gladly aggreed.
 
"Yeah. Didiretso na ako mula sa school." Mabilis na sagot nya.
 
                  
 
 
-----------------------------------------------------------------
 
 
 
 
 "Good Morning."
 
Hindi alam ni Dychie kung ilang minuto o gaano na sya katagal na naka titig sa marmol na sahig ng living room ng bahay ni Prince. Hindi nya na nga rin napansin na gising na pala ito.
 
"Dito ka pala nakatulog." Sabi ulit nito.
 
Linagpasan sya ng lalaki. Bagamat naka bathrobe ito ay halata na hindi pa rin naman ito naliligo. Dumiretso ito sa two door refrigirator at kumuha ng tubig.
 
Nang mapansin nito na hindi pa sya kumikibo ay lumapit ito at tumabi sa sofa na kinauupuan nya.
 
"May problema ba? Bakit ikaw naman yata ang nakatulala?" He chuckled a bit.
 
Bumuntong hininga sya. "I have a question." She looke dat him.
 
"Ahuh. What is it?"
 
"Ano ang relasyon ng daddy ko kay Aled?"
 
Unti unting nawala ang ngiti ni Prince. Tila biglang nag iba ang mood nito. He coughed. "B-bakit mo naman naitanong yan?"
 
"Prince.. i saw your year book. I saw Aled there and his name. Magkapareho sila ng surname ni Daddy. Pwede bang kahit ngayon lang, maging totoo ka sa pagsagot sa akin?" Ipinakita nya rito na nahihirapan na sya sa sitwasyon. Palaging sya ang walang alam.
 
Bumuntong hininga ito.. pero hindi pa rin nagsasalita.
 
Tumayo na sya. "I better get going." Mabilis syang naglakad palabas ng penthouse nito pero kaagad naman sya nitong nahabol.
 
"Wait, Dychie. Let me get dressed, we'll go see your dad." Nakahawak ito sa braso nya at iginiya sya upang muling umupo sa sofa, which she gladly did.
 
Masyado nang mahiwaga ang mga nangyayari. Masyadong misteryoso si Aled, ang asawa nito, si Prince at ang daddy nya. What the hell is going on?
 
Wait..may kinalaman din ba ang daddy nya sa mga underground people? Impossible na hindi nito alam na umaattend ng black market auction si Prince na ayon dito at business partner nito..
 
 
 
 
----------------------------------------------
 
 
 
"Saan ka ba galing? Kanina ka pa daw tinatawagan ng asawa mo." Bungad ng mama ni Sandy sa kanya ng makapasok na sya sa condo. Ilang buwan na rin mula ng ilipat sila doon para tumira at sa tingin nya ay tamang tama ang establishment na iyon para sa kanila.
 
Inilapag nya ang kanyang gym bag. "Sa gym lang ho sa baba." matipid na sagot nya. Alas singko ng madaling araw sya nagsimulang mag work out. Gusto nyang ilabas lahat ng inis nya sa pagpapakapagod.
 
"Bakit hindi ka man lang nagsabi sa akin o sa mga kapatid mo? Hindi mo rin daw sinasagot ang cellphone mo." Sabi pa ulit nito,
 
"Tulog pa ho kayo kanina." Dumiretso sya sa kusina at kumuha ng isa'ng bote ng tubig sa ref. "Tsaka, sa gym lang nama po yun."
 
Sinundan sya ng mama nya. "Umamin ka nga, Cassandra. May problema ba kayo ni Aled? I thought smooth sailing ang pagsasama nyo?" Concern na tanong ng mama nya.
 
"We're fine, ma." Yumuko sya. "Magbibihis lang po ako." Paalam nya bago dumiretso sa guest room kung saan sya natutulog.
 
Naligo sya at nagpalit ng damit bago pagal na humiga sa kanyang kama.
 
ANONG GAGAWIN NYA?
 
Napaka laking sakripisyo pala ng ginawa ni Prince para sa kanya. Matagal na pala syang mahal nito.. noon pa. Siguro nga hindi ganito ang buhay nya kung ito ang nagustuhan nya.. pero bakit si Aled pa?
 
Hindi sya nagsisisi but she was thinking what if it's the other way around?
 
Kinuha nya ang cellphone na nasa tabi nya ng marinig ito'ng nagriring. Si Aled.
 
"Where the hell did you go?!" Halata ang inis sa boses nito.
 
"Sa Gym." Tipid na sagot nya.
 
"Gym my ass." Bumaba na ang boses nito pero halatang hindi naniniwala sa kanya.
 
"Sa gym nga ako pumunta. Saan pa ba ako pupunta?" Nainis na rin sya.
 
Narinig nyang bumuntong hininga ito. "Sorry. Ayoko lang ng hindi ko alam kung nasan ka o kung saan ka pumunta."
 
Hindi sya nagsalita. Pinakiramdaman nya ito.
 
"H-hindi ka pa ba uuwi? Miss na kita.." Mahinang sabi nito.
 
"M-may two days pa ako, d-diba?" Sabi nya na lang. Apat na araw kasi ang paalam nya rito. Nagkikita naman sila nito sa school, pero kapag lunch time at break time lang. Hindi rin sya nagpapahatid, nag cocommute sya.
 
"Yeah. Ingat ka dyan, ha?"
 
Nang maibaba nya na ang linya ay nagpasya syang kausapin si Prince.. Hindi nya man masusuklian ang pag ibig nito ay gusto nyang malaman na alam nya na ang lahat.
 
"Ma, aalis lang po ako. Pupunta ako sa kaklase ko." Pagsisinungaling nya.
 
"Aba, teka. Tumawag ka na ba sa asawa mo? Baka tumawag na naman at hanapin ka."
 
"Tumawag na po sya, nag usap na kami." Sagot nya.
 
"O sya. Mag iingat ka. Umuwi ka agad, magluluto ako ng chicken curry mamaya."
 
Napa ngiti sya. "Sige po ma."
 
Agad syang tumawag ng taxi ng makalabas na sya ng building at ng makasakay na ay agad nyang tinawagan si Wilson.
 
"Madam! Napatawag ka?" - Wilson
 
"Wilson, i need to ask you a favor."
 
"Uhm,, sure, sure. Hanggang kaya ko."
 
"I need you to give me the address of Chiamera's office and not to tell Aled about it." Seryosong sabi nya.
 
Halatang napatigil si Wilson. "B-but.."
 
"Wilson, please.This is very important for me."
 
Tila nagdadalawang isip pa rin ang lalaki sa kabilang linya.
 
"Please, Wilson. Walang makakaalam."
 
"Eh ano po bang gagawin nyo? Baka mapahamak kayo."
 
"No, just give it to me. Hindi malalaman ni Aled na ikaw ang nagbigay ng address ng Chiamera. Please?"
 
Sa huli ay napilit nya rin ito bagamat halatang alangan pa rin ang lalaki.
 
Sinabi nya sa traxi driver ang address at agad naman syang hinatid nito doon.
 
Ibinaba sya ng taxi driver sa tapat ng isa'ng three storey building na tila complikado din ang design. Puti at pula ang kulay nito. At kagaya sa Orion ay tila napakarami ring goons sa paligid. Pulos naka itim din ang mga ito.
 
Huminga sya ng malalim bago tinanggal ang suot na sun glasses bago naglakad palapit sa gate ng building.
 
 
Nang makita sya ng dalawang tila guard ay nagkatinginan ang dalawang ito.
 
"Miss baka naliligaw ka." Tila natatawa pa na sabi ng isa.
 
"I'm here to see Prince. let me in." Matigas ang expression na sinabi nya.
 
"Miss, hindi ho pwede. May appointment ka ho ba?" Sabi naman ng isa.
 
"Alam ko naman na kilala nyo ako. At alam ko na alam nyo na importante ako kay Prince, who is the prime master of Chiamera. I'm sure hindi sya matutuwa sa ginagawa nyong pag harang sa akin para makita sya." Ah! Bahala na!
 
Nagkatinginan ulit ang dalawa.
 
"Pero miss, nasa protocol po namin na--"
 
"Papasukin mo na." Mula sa kung saan ay may lalaking sumulpot.
 
"Sir Josh." Sabi naman ng isa.
 
"It's okay. Ako ang mananagot. Open the gate." Utos ng lalaki na tinawag na Sir Josh.
 
Binuksan ng isa sa guard ang gate at pinapasok sya.
 
"Hi. I'm Joshua. Call me Josh." Inilahad nito ang kamay nito.
 
"Sandy." Matipid na sagot nya. "I need to see Prince. Is he here?"
 
Ngumiti ang lalaki. "Yes. Follow me please."
 

Book Comment (626)

  • avatar
    Gela Malit

    so very nice

    27d

      0
  • avatar
    Har Len Lampago Conserman

    ang ganda ng story!! confuse lng aku sa pamagat nya

    25/03

      0
  • avatar
    Daisy Padiernos Pario

    maganda. nkkakilig

    17/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters