Homepage/Destined To Be With The Mafia Boss/
Chapter 18.
Andria's POV.
"Handa na ba kayo?" Nakangiti kong tanong ko nang makapasok kami dito sa may underground area nang Casa De Vander. Nag hahanda na sila para sa pag punta sa mansyon na sinakop ng mga tauhan ni Natasha.
"Handa na!" Masiglang sagot ni Vriany habang isinusuksok sa gun pocket nya ang dalawa nyang hand gun. Tumango naman ako sakanya.
"Oh, it seems like, maayos na ang dalawang lovebirds, hm?" May halong pang aasar na pagpaparinig ni Kyle nang makita nya kaming magka- holding hands ni Kaleb.
Napatingin naman saamin ang iba pa naming kaibigan na naghahanda na rin para sa utos ko.
Ngumiti muna ako bago itinaas ang kamay ko para ipakita sakanila ang singsing na ibinigay saakin ni Khalil.
Nagtilian naman ang mga kaibigan ko bago tumakbo saamin at niyakap ako na ikinatawa ko.
"Omg, congrats!"
"Gaga ka, iiyak iyak ka pa. Sasagutin mo rin pala!"
"Tanginamo kaleb, wag mo na ulit papaiyakin yan ha? Congrats sainyo!"
"Sabi na e, dyan den talaga sa selosan nag simula ang lolo't lola ko."
"We're happy for the both of you, gawa na agad kayo ng inaanak namen, salamat."
Natawa na lamang kami ni Kaleb sa mga pinagsasabi nila. Mga loka loka talaga itong mga ito.
"Salamat ha? puro kalokohan na lang pinagsasabi niyo e." I said, giggling.
Napatingin ako sa phone ko nang mag ring ito at mag flash ang ID call ni Daddy kaya agad ko itong sinagot.
"Hello, Daddy?"
["Andria, anak. Ready?"]
Binalingan ko muna ang mga kaibigan ko bago sumagot. Nagsi tanguan naman sila saakin.
"Yes, dad. We're ready na."
["Alright, naka handa na rin ang mga tauhan natin na sasama sainyo."]
"Opo, thank you daddy."
["You're welcome."]
"Oh dad, one more thing pa pala."
["Ano iyon? Tell me."]
"Magpadala ka nang bodyguards sa Paris kung nasaan sila Mommy. I just want to make sure na maayos sila doon."
["Bakit?"]
"Kasama sila sa banta saakin ni Natasha. Hindi ako papayag na pati sila idamay ni Natasha."
["Alright. They're on their way."]
"Thank you."
Muli kong sinulyapan ang mga kaibigan ko bago sila sinenyasan.
"Go ahead, mag iingat kayo." Wika ko sakanila bago sila umalis. Tumingin naman ako kay Kaleb.
"Magbibihis lang ako, love." Paalam ko.
"You're going?" Tanong nito. Tumango naman ako sakanya.
"Kinakabahan kasi ako e. Feeling ko may hindi magandang mangyayari." Sagot ko. Halos hindi na ako mapakali dito dahil kanina pa ako kagat nang kagat sa kuko ko mag mula nung umalis sila.
"Maayos naman ang planong ginawa mo bago sila umalis kaya walang mangyayaring masama, okay?" Pagpapakalma saakin ni Kaleb.
Angel's POV.
Sandaling oras na lamang at nasa mansion na rin kami. Bigla kong naalala ang iba pang trabahador na naiwan doon. Napayukom ang kamay ko sa galit nang maisip ko kung anong gagawin nila sakanila.
Huwag lang silang magkakamali na saktan ang mga trabahador sa mansyon na yon at ako mismo ang mag papasabog sa ulo nila isa isa.
"Angel, wala pa tayo sa laban. Ano't nag ngingitngit ka sa galit riyan?" Tanong ni Kyle. Kalmado ko itong nilingon.
"Hindi nyo ba naalala na may mga trabahador tayo sa mansion na naiwan natin doon nung araw na sakupin nang tauhan ni Natasha ang mansyon naten?" Kalmado kong tanong pero ang totoo ay kumukulo na ang dugo ko sa galit.
"Naalala namin." Sagot naman ni Ate Sunny. "Kaya nga pupunta tayo doon para kahit papaano ay mabawi na rin natin sila kasabay nang pag bawi natin sa mansyon." Dugtong pa nito.
"We're here." Sabat ni Zavier. Nag park ito sa may hindi kalayuan sa masyon para hindi nila mapansin ang pagdating namin. Agad naman kaming nagbabaan at nag handa.
May kanya kanyang lugar ang inassign saamin si Andeng. Dahil kahit saan naman sa mansyon ay may mga tauhan si Natasha na nakabantay kaya wala kaming magagawa.
At dahil alam naman namin ang pasikot sikot sa mansyon kahit papaano ay madali na rin para saamin na pasukin ito.
Magsisialisan na sana kami nang biglang magsalita si Vriany.
"Mag-iingat kayo ha? Ayokong may mangyari sainyong masama. Alam kong magagaling kayong makipag laban, pero gusto ko pa rin kayong mag ingat." Pare parehas kaming napangiti nang marinig ang sinabi niya. Para syang si Andeng, matapang ngunit malambot ang puso pag dating saamin.
Kaya siguro ganoon na lang din ang galit ni Andeng nang muntik nang mapahamak si Vri, noong may sumugod saamin sa may garden.
"Bakit ka ba ganyan magsalita? Para namang nagpapaalam ka na e." Saad ni Zavier at bahagyang tumawa.
"Oo nga, ba't ka ganyan mag salita? Ano yan last will mo? parang sira." Usal naman ni Kyle at umiling iling.
Nginitian lang nya kami bago na unang pumunta sa lugar kung saan sya nakaasign. Nakatitig lang ako kay Vriany na naglalakad palayo.
Bigla akong nakaramdam nang kaba na hindi ko mawari. Bakit ganito? Ang sakit sa dibdib. Bakit parang may pahiwatig sya?
Zavier's POV.
Agad akong pumwesto kung saan ako inassign ni Andeng. Dumaan ako dito sa may bakod at humanap nang tutungtungan para pumwesto. Kinuha ko naman ang sniper rifle na kanina ko pa hawak.
I smirked when I saw my first fucking target. At dahil may bala naman na ito at kanina ko pa nakasa ay ipinatong ko ang aking pisnge sa adjustable cheek fiece bago sumilip at sa isang kalabit ko lang ng gatilyo ay naka handusay na ang target ko.
Hanggang sa may dalawa pang lalaki ang lumabas mula sa kinatatayuan ng lalaking nakabulagta ay agad ko rin itong pinaputukan at nakipag palitan ng bala saakin hanggang sa bumulagta na rin sila.
Nang makarinig ako nang sunod sunod na putukan nang mga baril ay agad kong hinagis sa loob ang sniper rifle ko at tumalon papasok.
Pagkalanding na pagkalanding ko ay agad akong nakaramdam ng hapdi sa may bandang pisnge ko. Napatingin ako sa likod ko at napansin na may nakatusok doon na dagger.
Tumingin ako sa gawi kung saang direksyon nag mula ang patalim.
And there, I saw a girl, smirking at me while leaning at the edge of the wall, crossing her hands together.
"You're a great sniper," She stated before pausing. "but sadly, hindi tatalab saakin iyang kakayahan mo." She added. Putcha, ayan na nga ba sinasabi ko, malalait muna ako bago atakihin pag babae ang kaharap ko e!
Bahagya akong natawa sa sinabi nya bago inilabas ang patalim na kanina pa nakatago sa likod ko.
"Siguro nga hindi tatalab sayo ang abilidad ko sa pag s-sniper," Wika ko at mabilis na pinaikot ikot sa kamay ko ang dagger hanggang sa mapansin kong nakatingin na sya sa kamay ko.
As if on cue ay mabilis kong kinuha ang isa pang dagger na nakalagay sa likod ko gamit ang isa ko pang kamay tsaka ito mabilis na pinabulusok sa kamay nyang may hawak ng patalim.
Napasigaw ito sa sakit at masamang binalingan ako nang tingin habang hawak ang kamay nyang nagdurugo.
Nagkibit balikat lang ako sakanya.
"Pero hindi mo pa rin ako matatalo kung patanga tanga ka." Pagkasabi ko non ay bumunot ako ng baril at pinaputukan sya sa noo.
Pagkabagsak nito ay agad akong umalis doon para hanapin pa ang iba kong mga kasama.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (74)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
ganda
4d
0nice book
01/05
0thank you
07/03
0View All