CHAPTER 18

Finally! Nakarating din. Buti na lang hindi ako masyadong na-bored dahil dala ko naman ang laptop so nagtrabaho na lang muna ako.
Palabas na ako ng airport nang magmessage ako kay mommy. And then she send someone to get me. After a few minutes dumating na and kasama ng driver si Cass. They help me with my things and they drove to the hotel.
I talked to Cass and she tells about what she did here in Palawan.
Until we arrived at the hotel. Si mommy ang sumalubong sa ’min. “Sa wakas, Hija. We’ve been waiting for you,” she said and kiss my cheeks.
Nasa tabi lang ng beach ang hotel and it’s so beautiful here. Ang gandaaa. Sa taas yung room ko. Bale dalawang room sa taas, dalawang room sa baba.
“Hey, mom.”
“Let’s go to your room. Magpahinga ka na muna and then we’ll have our lunch later,” she said.
Magkakatabi lang ang mga room namin and super ganda ng place.
“Here’s your room. Take a nap,” sabi pa niya bago ako iwan sa labas ng room ko.
Namamanghang tinignan ko ang view sa labas. I closed my eyes and feel the air.
“Mom really knows me,” sabi ko sa sarili ko at umupo na sa kama. Tinanggal ko ang sandals ko at nahiga. Hindi na muna ako nag-ayos ng gamit ko. Gusto ko na munang humiga.
I woke up around 11. I had a nice sleep. Habang nakahiga, nagphone muna ako and then nagmessage kila Val dahil nalimutan ko kanina before ako nakatulog. Ang haba ng tulog ko. Napuyat kasi ako kagabi tapoa kulang pa tulog nung ginising ako nila Sadie.
Ilang saglit pa bumangon na ako at inayos ang mga gamit ko. Naiinitan ako, i think i need to change clothes. Kaya naman after ko mag-ayos naghiwalay ako ng isang dress and my slippers. I’ll take a walk later after i eat, with Cass.
Magsusuot na rin siguro ako ng swimsuit panloob just to be ready kung natipuhan kong magbasa sa dagat.
Pagkatapos kong magbihis kinuha ko ang phone ko para magtake ng picture ng view sa labas. Ilang sandali pa dumaying si Cass.
“Ate, hinahanap ka na nila mommy,” she asked.
“I’m coming. Just getting ready.”
“Lunch is ready. Baba ka na raw,” sabi pa nito. “Hintayin ka namin sa baba,” sabi niya at saka ko narinig ang yabag niya palayo.
Mabilis na akong nag-ayos ng sarili. I just put a light make-up then lumabas na ako ng kwarto. I’m locking my room when suddenly, yung pinto ng room sa tabi ng room ko ay bumukas. At sa hindi inaasahan, bumungad sa akin ang pagmumukha ng huling taong gusto kong makita.
Hindi kami parehas ng reaksiyon. Parang wala lang sa kaniya na nakita ako sa tabi ng room niya. While me? Duh! Wtf. I’m so shocked! I didn’t expect this. At ganyan ang magiging reaksiyon niya??
Hanggang sa matauhan ako. Hindi ko pinakitang nagulat ako ng makita siya. Mabilis kong sinara ang room ko saka ako nauna ng maglakad sa kaniya. Hindi ko na siya nilingon, diretso lang akong bumaba.
Iniisip ko pa rin ang itsura niya. Wala man lang pake? Sakit niya ha..
Pero hindi pa rin ako makapaniwala! Bakit magkatabi yung room namin? Pwede namang sa kabila na lang siya o kaya sa baba. Bakit do’n pa. Tsk
Nakarating ako sa baba. Hindi naman kalayuan ay nakita ko ang family ko na naghihintay. Until i notice, tita Mel?
“Hello, hija. How’s your sleep?” tanong nito nang makalapit ako.
“Tita Mel? You’re on vacation too?” gulat na tanong ko. Tinanguan naman niya ako bilang sagot after makipag-beso. Kata pala nandoon ang damuho.
Nakipagbatian na muna ako sa kanila pati sa family ni Tita Mel. I didn’t expect na kasama namin sila sa vacation na ’to. Wala man lang nabanggit si Mommy. Or hindi lang talaga sinabi?? Tsk
Inaya ko na sila ngunit mukhang kailangan pa naming hintayin ang damuho para kumain. Kasi nga kasama siya.
“Ayan na siya. Let’s go,” ani ni mommy nang makita si Serj na papalapit sa ’min.
Nauna na silang maglakad saka ako sumunod. Pero hindi ako masyadong nagpahuli para hindu ko makasabay si Serj. Sumabay ako kila Cass, kasama niya si Din-din.
“Hi ate,” bati niya sa ’kin.
“Hi, Geraldine. What’s up?”
“Mag-walk kami later after kumain. Gusto mo sumama?” tanong ni Cass.
“Same. That’s what i’m gonna do, balak ko ring ayain ka. Hindi ko alam na kasama natin sila Din-din, so pwede bang samahan niyo akong dalawa?” tanong ko.
“Yeah yeah. Gusto namin syempre.”
“You want me to take a picture of you, Ate?” tanong ni din-din at iniangat pa ang camerang nakasuot sa leeg niya.
“Really? Pwede?”
“Yes. I’d love to,” she said.
Nginitian ko siya. Ilang saglit pa nakarating kami kung saan kami kakain. Wow, such a pretty restaurant. Ganda ng place.
May nakareserve na pala kami, isang malaking table na kasya kaming lahat. We’re 15 in total. May kasama kasing dalawang friend si Serj. And yung cousins niya, na kilala ko naman lahat. And kasama namin si Kuya, galing siya sa work niya and sumunod lang din siya dito kahapon kasama yung wife niya.
“I’ll sit with Cass and Geraldine,” sabi ko.
Tabi-tabi kaming umupo nila Cass then sa hindi inaasahan, sa tapat ko pa nila pinaupo si Serj. Nakakainis naman ang mga tao na ito.
Habang naghihintay sa food naisipan ni Geraldine na magpicture. Tapos yung cousin nila pinicture-an kaming tatlo.
Until, the foods arrived. So many foods but i can’t eat much dahil sa katapat ko. I’m getting unvomfy dahil nararamdaman ko ang minsang pagtingin niya sa direksiyon ko.
After ko maubos yung nilagay ko sa plate ko hindi na ako umulit. Napansin naman agad iyon nila mommy.
“I’m not that hungry mom.”
Nag-phone na lang ako para hindi ako mabored habang hinihintay yung dalawa. Pero hindi rin nagtagal nagpaalam na akong mauuna sa kanila dahil hindi ko kinakaya yung vibe while Serj is near me. I don’t want to be near him right now. Naiinis ako.
Naglakad-lakad lang ako sa labas, which is beach na and it’s so pretty. I take out my phone and took a some photos of the beach and me of course. Saka ako nag-story.
As usual may nagreply nanaman sa story ko. Si Val.
@v_castañeda replied to your story: Wow and btch nagpicture ng beach
I haha react her message and replied, ‘So pretty heree. We should come some time’
@v_castañeda: next time, pero dapat libre mo
@ria_isabelle: deal
@v_castañeda: yabang, sige
Nagreact na lang ako then tinago ko na ang phone ko. Hanggang sa dumating na sila Cass, nakaready agad ang camera ni din-din.
“Pose ka, ate.”
“Are you going to swim later?” tanong ni Cass while Geraldine is taking a picture.
“I dunno. Are you?” tanong ko pabalik.
“We will, sama ka.” Tinanguan ko lang siya bilang sagot.
Around 3pm pinuntahan nila ako sa room ko kasi after kumain ng lahat pinagpahinga na muna kami bago magswimming sabi nila mom. Hindi na ako nagpahinga kundi ang ginawa ko ay nagtrabaho na lang. Alam kong papagalitan ako nila mommy kapag nakita nila ako kaya mas mabuting sa kwarto lang ako.
Mags-swimming naman kami nila Cass so pinalitan ko yung dress ko ng isang over-sized shirt. Tapos sinuot ko yung beach hat ko at dala ang phone.
“Let’s go,” aya ko na sa kanila.
Sabay-sabay kaming bumaba. At sa hindi inaasahan, mags-swimming na rin pala sila Serj, kasama nila ang mga friends niya.
“Uy uy, hi Isabelle,” bati sa ’kin ni Wes.
“Hi,” maikling bati ko. Then inaya na ako nila Cass magpicture. Nahagip pa ng tingin ko si Serj nang madaanan ko ito.
“Dito ate!! One picture with hat and then walang hat. Tapos sa tubig ate, take off your shirt,” sabi ni Cass. Siya ang taga-sabi kung ano ang gagawin tapos si Din-din and taga-picture. Ginawa nila akong model.
“Ang ganda mo ate!!” sabay pa silang sumigaw.
Mahihiya pa sana ako kaso nasa beach naman kami ang my body is really giving kaya all goods lang. Pagkatapos nila akong kuhaan ng picture, tinawag naman nila si Kuya para kaming tatlo naman. Para hindi yung ako lang. Hahahahaha pero sana ako na lang.. eme
“Let’s swim na.”
Mahigit dalawang oras din kaming nagtampisaw sa dagat at nagswimming saka kami naupo lang doon sa dalampasigan habang naghihintay ng sunset.
After mahintay ang sunset, we took pictures again then bumalik na kami sa mga room namin para magbihis at magpahinga. Tatawagin na lang daw kami nila mommy kung kakain na ng dinner.
Nahiga ako sa kama pagkatapos kong magbihis. It’s so tiring, yet so fun. Ilang saglit pa kumatok sila Cass. Glass lang kasi yung door, ang harang lang niya is yung curtain. Hindi pa nakasara yung akin so nakikita ko sino ang tao sa labas.
Pinapasok ko sila. Nagpunta sila sa ’kin para maisend na sa akin ni Din-din ang mga pictures. Tumambay lang muna sila sa room ko hanggang sa maipasa na ni din-din lahat. Pero habang nags-send nangingialam sila sa mga gamit ko. But it’s really not a big deal kasi sanay na ako kay Cass.

Book Comment (204)

  • avatar
    CabuMeah grace

    Fall in love with someone is the happiest moment ,,,just forget all the past ,,, about the boy ho hurt you,,,

    25/08/2023

      1
  • avatar
    Donesa Entico

    first chapter okay sya hehehe, sana all nalang mayaman ..she got a dream designer. she have a car..she already go in state and back her in family..it's very good family..

    23/08/2023

      1
  • avatar
    Carlo Jalique Agustin

    I am a beautiful person who is this still available for a while ago and I will be there for you to be a good day at work now and then I will be there for you to be a good day at work now and then I will be there for you to be a good day at work now and then I will be there for you to be a good day at work now and then I will be there for you to be a good day at work now and then I will be there for you to be a good day 5665 I am a beautiful person who is this the only way you want it in a relati

    23/08/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters