Homepage/Fall In Love Again/
CHAPTER 29
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, tinanong ko ang gusto kong masagot niya ng totoo. “Camia‘s with you earlier?”
“It‘s not what you think it is,” mabilis na aniya. “She just came and i don‘t know why.”
Napatango-tango ako. Atleast, he didn‘t lie. I didn‘t talk, i just sat there and think of a way to tell him i‘m pregnant. Kasi ang awkward naman ‘di ba? Nito lang kami nagkaayos tapos bigla sasabihin kong buntis ako? Ehh parang tanga naman..
“Ria, seriously, i didn‘t call her. She welcomed herself,” Hinawakan pa niya ang kamay ko.
“It‘s okay. I know,” sabi ko.
“Then, what‘s wrong?”
Napahinga naman ako nang malalim at tumingin sa mata niya. “If i tell you something i hide from you, magagalit ka ba?” tanong ko bigla.
Taka naman niya akong tinignan. “I don‘t know. What is it, babe?”
Magsasalita na sana ako ngunit nagdadalawang-isip pang sabihin sa kaniya. Ano ba naman kasi ‘to. Bakit kasi kami nakabuo? Bakit kasi hindi na lang ako lumayo? Kaya ko naman buhayin ‘to, tutulungan naman ako nila Sadie. I know them.
“Hey, what is it?”
“I uhm.. i don‘t know how to say this,” napabuntong-hininga pa ako. “I‘m.. pregnant.”
Pagkatapos na pagkatapos kong sabihin sa kaniya iyon, natigilan siya at napatitig sa mga mata ko. Matagal bago siyang nakasagot.
“You‘re.. w-what?” Natitigilang tanong niya na para bang hindi niya narinig ang kakasabi ko lang na buntis ako.
“I‘m pregnant, Serj,” sabi ko. “And it‘s been a month already.”
Hindi ko maintindihan ang reaksyon niya. Hindi ko mahulaan kung masaya ba siya para sa aming dalawa o hindi siya natutuwa dahil nga ayaw niya ng baby.
“H–huh? W–who‘s the guy?” nauutal na tanong niya na ikinagulat ko naman.
“W-what? Anong??” nanlalaki ang matang ani ko.
“Hindi ako magagalit. Basta sabihin mo sa ‘kin kung sino ang lalaki, i want to know him even if it hurts me.”
Naguguluhan akong tinignan siya. Anong sinasabi niya? Akala ba niya..?
“Serj? Do you really think i‘m that kind of woman?” Hindi makapaniwalang tanong ko.
Naguluhan din naman itong tinignan ako. Nagtataka kung bakit ko iyon natanong sa kaniya. What the.. akala ba niya may ibang lalaki ako?!
“What?”
“Ikaw ang ama,” diretsong ani ko.
Nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa akin. “What are you saying? Are you sure?”
“Of course, i‘m sure! Anong tingin mo sa ‘kin?!” inis na sigaw ko sa mukha niya.
“H–how did that h–happen?” tanong pa niya. S*x malamang.
Hindi ko napigilang mapabuntong-hininga. “Palawan? Remember?” pagpapaalala ko sa kaniya.
Mukha namang naalala niya ang nangyari dahil nanlaki ang mata niya at napatayo pa. Then he look at me. Nang makita ko ang mata niya, para bang naiiyak pa ito, may namumuong luha sa kaniyang mga mata.
“Serj, a-are you mad?” nagdadalawang-isip na tanong ko.
“What? Why would i be mad? I just found out that my girlfriend is pregnant with my child!”
“But.. you said you don‘t want a baby. You said it earlier,” nahihiyang banggit ko sa sinabi niya kanina kay Camia.
Napaisip naman siya at saka niya ako sinagot. “Babe, t-that‘s not for you. Of course i said that to her because she isn‘t my girlfriend and she will never be.” He hold my hand and look me straight in the eye.
“I told her that because she‘s not the one i want to be my child‘s mother. Gusto ko ng anak, at gusto ko ikaw ang nanay ng magiging anak ko,” sinserong aniya sa akin.
Hindi ko naman napigilang maluha sa sinabi niya. Hindi lang dahil sa hormones kaya ako emosyonal, kundi dahil na-touch ako sa sinabi niya. He‘s so sweet. Akala ko talaga‘y hindi niya tatanggapin. Akala ko,, hindi niya kami matatanggap ng anak ko.
“Sshhh.” Niyakap niya ako at inalo. Ngunit ilang saglit pa humiwalay siya upang punasan ang luha kong kumalat na sa mukha ko.
Nasa ganoon kaming sitwasyon nang biglang may kumatok sa pinto. “Serj? Ysa?” that‘s mom‘s voice. “Nagluto kami ng meryenda, bumaba na muna kayo.”
“Okay, mom,” sagot ko. Narinig naman namin ang yabag niya palayo. “Let‘s go, i‘m hungry. Hindi ako kumain,” aya ko kay Serj.
“What? Bakit hindi ka kumain?”
“Kasalanan mo,” masungit na ani ko naman kaya napakunot ang noo niya.
“Then, i‘m sorry. Let‘s go,” tumayo na siya. “By the way, you told them already?” he asked.
“Mom?” I asked and he nodded immediately. Umiling naman ako. “Not yet. I want you to know it first.”
Tumango-tango naman siya at pinagbuksan ako ng pinto. Lumabas kami ng kwarto at saka bumaba. Hindi naman namin sila nakita sa kitchen kaya sa sala na kami dumiretso pero wala rin siya doon. Naisip ko naman na nasa garden sila dahil doon mahilig tumambay si mommy kaya ganitong pahapon na.
Nang makalabas sa garden, nandoon nga sila. Si mommy, si Cass na sa tingin ko ay kauuwi lang and sila Kuya Thad.
“Come here, lovebirds. Let‘s eat,” aya ni mommy sa amin nang makita kaming papalapit sa kanila.
Inalalayan naman ako ni Serj paupo saka siya umupo sa tabi kong upuan. They started talking about anything under the sun. Hindi naman ako nagsasalita kasi gusto ko yung niluto ni mommy na carbonara. Ilang saglit pa naubos ko na ang nasa plato ko. Ano ba yan anak, bakit ngayon pa, baka makahalata sila.
“Mom, ang sarap ng luto mo,” sabi ko kay mommy habang kumukuha pa ulit.
“Really? Ham ang nilagay ko diyan hindi mushroom kasi hindi ako nakabili. I thought you don‘t like carbonara with ham.”
Natigilan naman ako nang sinabi niya iyon ngunit agad akong ngumiti para hindi halata. “Ah yeah, masarap pala ‘to mom, i just didn‘t try it kasi hindi ko trip,” sabi ko at nagsimula nanamang kumain.
Hindi ko na ulit sila pinansin kasi may pinaguusapan naman sila. And i‘m really hungry.
“Ysa, pangatlo mo na ‘yan ah. I thought you want to diet?” mommy asked.
Kumukuha nanaman kasi ako ulit at hindi ko talaga mapigilan dahil nagugutom kami ni baby. She likes it. I know it‘s a she ‘coz i want a she.
“Mom, i‘m hungry. I didn‘t eat lunch,” sabi ko.
“That explains. Mommy, hayaan na natin si Ysa gutom lang sila—i mean, siya,” sabi ni ate Mikee. Napatingin pa ako sa kaniya dahil parang may ibig sabihin ang pagkakasabi niya ng “sila”. I think she knows. Paano hindi eh buntis din siya?
“Yeah, okay.” Ngumiti sila pareho ni mommy. Yung ngiti naman ni ate Mikee feeling ko may ibang kahulugan, parang sinasabi niya sa akin na “I know and i won‘t tell them”. Kaya nang ngumiti siya ngumiti na lang din ako sa kaniya at kumain na ulit.
Pagkatapos nila magkwentuhan, at pagkatapos kong kumain nagpaalam na kami ni Serj papunta sa kwarto pero hindi rin siya nagtagal dahil babalikan pa raw niya ang kumpanya niya dahil may importanteng documents siyang iuuwi sa bahay niya.
After maybe half an hour na nasa kwarto lang ako at nagc-cellphone habang kausap sila Sadie about sa baby ko and sa amin ni Serj, may biglang kumatok sa pinto. Sinagot ko naman iyon agad na hindi iyon nakalock.
And then, pumasok si ate Mikee. Napaayos naman ako ng upo and pinaupo rin siya sa kama.
“Ate Mikee, upo ka.”
“Ang laki na ng tyan ko, ang laki na ni baby,” sabi niya habang nakangiti at hinahaplos ang tyan niya.
“Yeah, ang laki na niya. I‘m so excited,” nakangiti naman akong humawak din sa tyan niya.
“Me too. Lalo na may kalaro siya,” sabi niya bigla at makahulugang tumingin sa akin.
Hindi ako agad nakasagot. “Ate,” sambit ko.
“You can tell me.”
“You know it. I don‘t know how to tell mom but Serj already know, kanina lang,” sabi ko sa kaniya.
“Bakit kanina lang?”
“It was complicated and unexpected but we talked about it already.”
“Are you ready? Have you thought about this? Or you really didn‘t expect it?”
“Honestly, i don‘t really know. I don‘t know if i‘m ready. What if i can‘t do it?” tanong ko pa sa kaniya.
“Hey, don‘t pressure yourself. You have Serj by your side and us. Hindi ka naman namin pababayaan, nandito kami nila mommy para samahan ka,” she sincerely said.
Hindi ko alam bakit sa simpleng ‘yon na sinabi niya, naiiyak na ako agad. Siguro dahil lang buntis ako pero hindi ko talaga mapigilan.
“You can do this. Don‘t think of anything, just think about your baby.”
Nagusap pa kami nang matagal bago siya nagpaalam na lumabas dahil naririnig na namin si kuya na hinahanap siya. Pagkatapos namn niyang makalabas bumalik ako sa pagkakahiga at tinawagan si Serj ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko. Nainis ako bigla kaya hindi ko na siya ulit tinawagan, nagchat na lang ako kila Sadie pero si Val lang ang sumasagot.
Kaya after ng last message ko hindi na ako nagcellphone. Naiinis ako kasi walang gustong kumausap sa ‘kin tapos ang lalaki naman na ‘yon hindi pa sumasagot. Nakakainis.
Nagmessage pa ako sa kaniya ng “Uwi ka dito” pero binawi ko rin at sinabing ‘wag na pala dahil naalala ko ang mga documents niyang kailangang gawin.
After no‘n natulog na lang ako kahit ang agad-aga pa. Wala kasi akong magawa. 5pm pa lang.
Nagising na lang ako nang may humahawi ng buhok ko at binabanggit ang pangalan ko. Inis pa akong hinawi ang kamay niya dahil sa antok. Hanggang sa malaman ko kung sino iyon.Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (204)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
Fall in love with someone is the happiest moment ,,,just forget all the past ,,, about the boy ho hurt you,,,
25/08/2023
1first chapter okay sya hehehe, sana all nalang mayaman ..she got a dream designer. she have a car..she already go in state and back her in family..it's very good family..
23/08/2023
1I am a beautiful person who is this still available for a while ago and I will be there for you to be a good day at work now and then I will be there for you to be a good day at work now and then I will be there for you to be a good day at work now and then I will be there for you to be a good day at work now and then I will be there for you to be a good day at work now and then I will be there for you to be a good day 5665 I am a beautiful person who is this the only way you want it in a relati
23/08/2023
0View All