logo text

Her Patient Heart: 28

"Get off me! Sino kayo!?" Sigaw ko nang sandaling maramdaman ko ang mga kamay na humawak sa akin.
Kakalabas ko pa lang sa apartment ay sinalubong agad ako ng mga naka-itim na damit na ito, malalaki ang mga katawan nila at isa pa ay hindi ko sila kilala.
"Shut her up!" Sigaw ng isang malalim na boses. Hindi pa man ako nakakalingon sa kanila ay agad na nilang tinakpan ang mga mata ko. Mabilis ko ring naramdaman na ipinagdikot nila ang mga kamay ko sa likod at tinali ito.
Nakaramdam akong takot dahil wala na akong makita lalo na't may busal na rin ang bibig ko.
"Diem?" Rinig ko sa boses ni Mariveth.
Naalala ko na nasa loob pa siya dahil sabay kaming lubas ng apartment at nagpatiuna lang ako para maaga ulit akong makapasok sa trabaho.
Sumisigaw ako pero hindi ko nalalabas ng mabuti ang boses ko dahil sa nakaharang na panyo sa bibig ko. Mas lalo akong nakaramdam ng takot ng biglang mabilis na humarurot ang sinasakyan ko.
Hindi ako makagalaw ng mabuti sa kinauupuan ko ngayon dahil naiipit ang katawan ko sa kung anong bagay.
Naramdaman kong inalis nila ang busal sa bibig ko kaya agad akong nagsalita.
"Sino kayo? Bakit niyo ako kinidnap? Ano bang kailangan ninyo sa akin?" sunod-sunod kong tanong pero wala man lang umimik kaya nakaramdam ulit ako ng takot.
Nanginginig na ngayon ang mga labi ko pati na rin ang mga kamay ko dahil wala akong ideya kung saan nila ako dadalhin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin nila sa akin.
"Hindi ba sabi kong patahimikin niyo 'yan?" Matigas na saad ng isang lalaki base sa boses nito.
Muling naramdaman ko ang pagbusal nito sa bibig ko ng isang panyo kaya pumalag-palag lang ako, nag-ba-bakasakaling makawala ako pero sumuko din agad ako dahil pakiramdam ko ay sinigurado nila na wala akong takas.
Hindi matagal ang naging byahe dahil naramdaman ko na huminto na ang sinasakyan ko. Naramdaman ko na mah humawak sa kanang braso ko at hinatak ako palabas. Pagkababa ko ay may humawak rin sa kanang braso ko.
Naguguluhan pa rin ako kung bakit nila ako kinuha gayong wala naman akong alam na nagawang kasalanan. Sino? Bakit? Ano? 'Yun ang mga tanong na gumugulo sa isip ko.
Lihim rin akong sumisigaw ng tulong dahil sa sobrang bilis ng takbo ng puso ko ngayon na anytime ay para ng kakawala.
"Gusto kang kausapin ng may-ari ng Nebula," siya lang ang naririnig kong boses at patagal ng patagal ay nagiging pamilyar ang boses niya.
Nebula? May ari?
Mabilis nitong inalis ang piring ko sa mata at tumambad sa akin ang isang nakatalikod na lalaki at sa pagkakataong 'yun ay hindi na ako nagulat pa.
Nagpakawala ako ng mapaklang ngiti at tumingin ng diretso dito. Agad itong tumitig sa akin at hindi ko rin naman sinukuan ang pakikipagtitigan niya sa akin. Parang imahinaryong mga kutsilyo sa pagitan namin ang namumuo dahil sa matatalim na titig na ipinupukol namin sa isa't-isa.
Isang maliit na pribadong kwarto para sa mga mamahaling guest ang kinaroroonan ko ngayon. Batid ko'y malapit lang ang hotel na ito sa apartment namin ni Mariveth. Maliwanag rin ang paligid kaya sobrang linaw sa mata ko kung sino ang nasa harap ko.
"You're really acting brave, Ms. Marasigan. Hindi mo dininig ang babala ko sa 'yo. Do I look like i'm joking?" Seryoso at tiim bagang saad nito. Hindi naman ako umimik at nanatiling nakatuon ang seryoso kong tingin sa kanya.
"You think i'm joking, Ms. Dianne Marie Marasigan!?" Mataas na ang tono ng pananalita nito kasabay ng malakas na pagpalo nito sa mesa.
"I'm not thinking that way, Sir Ramon. I can't even take as a joke, ang mga pagbabanta mo sa akin," seryosong saad ko rito.
Malakas ang pintig ng puso ko ngayon at hinihiling ko na sana may tumulong sa akin para makatakas sa sitwasyong 'to hanggang kaya ko pang magpanggap na matapang.
"Then why didn't you even take my warning seriously!? Bakit umaaligid ka pa rin sa anak ko!?" singhal nito.
"To clear the misunderstanding, Sir, I am not the one who decided to get that position, it's Sorren, your son. Sa pagkakaalam ko rin ho ay ime-morize ko lang ang mga sasabihin ko sa script na binigay mo, sa harap ng maraming press. Hindi mo rin sinabi na kailangan kong isabuhay 'yun. You have to complete and explain it clearly, Sir, I am not as smart as you," saad ko dito.
Rinig kong malakas itong napasinghap at marahas na inihilamos ang kamay sa buong mukha nito.
"Tch! But, you're acting smart, Ms. Marasigan. You think you can fool me? You think, I didn't know that you have a feelings towards my son?" duro nito sa akin. He hits the button, I do really love him.
"Yes, Sir. I love him. I would never deny that to anyone, including him. But, i'm not selfish, i'm not going to pish myself to a man who can't love me back, especially now that he's marrying someone. So, you don't have to be afraid that I might steal your son because i'm not gonna do that," buong puso kong saad habang seryoso pa rin na nakatingin dito.
"You can't make me ride into your flowery words, Ms. Dianne, sobrang gasgas na ang mga salitang 'yan," nakangising saad nito.
"I'm done explaining, Sir. Please don't waste your precious time to me dahil hinding hindi ko aagawin ang anak mo sa mapapangasawa niya," sinsero kong saad.
Dahil isa rin sa gusto ko ay makitang masaya ang taong mahal ko.
"Papakawalan kita sa ngayon. But do remember, Ms. Marasigan, mark it in your mind that your friend Mariveth del Rosario's job in cafe, 24/7 and any job she will be applying for a part time jobs, will be rejected automatically. Makakaya mo bang gawin sa kaibigan mo 'yun gayong may pinag-aaral siyang college na kapatid at pinapadalhang ina na may sakit? You have to think twice bago ka magdesisyon dahil kaya ko lahat gawin ang mga 'yon sa isang snap ko lang ng mga daliri ko," mahabang litanya nito.
Mas lalo akong naging tensyunado dahil sa pagbabanta niyang iyon. Kahit may aircon sa kwartong ito ay ramdam ko ang pamamasa ng noo ko at pagtulo nito sa mukha ko.
"Untie her," utos nito sa dalawang butler na nasa likuran ko. Sa pagkakataong 'yun ay nakita ko ang mukha ng isa, si Butler Cosmo. Kaya pala pamilyar ang boses ng isa na nasa passenger's seat kanina base sa direksyon ng boses nito at malamang ay si Butler Olin iyon.
Gulo-gulo ang buhok ko pati na rin ang damit ko dahil sa pagpalag ko kanina. Wala rin ang sapatos at bag ko sa akin.
Nakasunod pa rin sa akin ang dalawnag butler dahil iyon ang utos ni Mr. Ramon. Sa likod ng hotel kami dumaan dahil malamang ay doon nila ako pinadaan ng kinidnap nila ako.
"Bag ko?" Tanong ko at tiningnan ang loob ng kotse.
"Wala," sagot ni Butler Olin."Ayos na ba 'yan?" Tuon niya kay Butler Cosmo.
"Ihatid na raw, Boss," tugon nito.
"Hindi na, ibigay niyo na lang sa akin ang bag at sapatos ko," walang emosyon kong saad sa mga ito.
"Wala nga eh," tugon ulit ni Butler Olin.
"Nasaan nga!?" magkasalubong na ang mga kilay ko at tumaas na rin ang tono ng boses ko.
"Bumalik ka na lang sa apartment niyo. Baka nandun lang 'yun," saad ni Butler Cosmo pero napapadyak lang ako at umalis na sa harap nila.
Naglakad ako ng naka-yapak at gulo-gulo ang buhok pati damit. Hindi na rin ako magtataka kung mapagkakamalan akong baliw dahil sa kalagayan ko ngayon.
"Ang aga-aga kidnap agad ang salubong sa akin. Balak ko pa man din mag-umagahan sa kompanya," wika ko. Kanina pa ako umiiyak habang naglalakad dito sa gilid ng kalsada. Ngayon ko lang naramdaman na ibuhos lahat ng sari-saeing emosyon ko at wala akong paki kung mag-mukha na talaga akong baliw sa kalagayan ko ngayon. Kailangan kong makapunta sa opisina.
Napatingin ako sa wristwatch ko at mag-9:30 na, for sure ay tadtad na ng mensahe at missed calls si Sir sa akin.
Marami na rin akong nakakasalubong na mga sasakyan at ang iba ay magkakasalubong lang ang tingin sa akin. Lalo na ngayon na nandito ako sa crossing, kailangan kong tumawid at nasa tapat ko ay mga tao maging sa magkabilang side ko ay mga tao rin na pare-pareho ang mga reaksyon.
"Bagong trend ba 'yan?" Rinig kong saad ng isang studyante na nakikita ko sa gilid ng mga mata ko.
"Hindi ko alam eh, baka nag-sho-shooting?" Sagot ng katabi nitong medyo chubby.
"Oo nga noh? Ang puti naman niya kung magiging taong grasa siya," saad ng naunang nagsalita kaninag studyante.
Agad kong binilisan ang paglakad ko ng pwede na tumawid sa kabilang kalsada. Walang lingon likod akong naglalakad dahil malapit lang naman ito sa apartment kung may sasakyan pero kung maglalakad ay marami pang pasikot-sikot. Wala akong dalang pera dahil nasa bag ko ang mga iyon maging ang cellphone ko.
"Diem!?" malakas na sigaw ni Mariveth ng makita akong papalapit sa kanya. May mga nakapark rin na isang kotse ng police at mga kasama namin sa apartment na nasa labas na nagtipon-tipon.
"Mariveth?" Kunot noo kong tanong habang nakatuon pa rin ang atensyon ko sa dalawang police na ngayon ay nasa harap na ng apartment namin.
"Ano bang nangyari sa 'yo? Sino ba 'yung kumuha sa 'yo? Kumpleto pa ba ang organs mo? Akala ko kinidnap ka na ng masasamang tao, mabuti na lang nakuha ko ang bag at sapatos mo na nakakalat dito," mahabang litanya niya pero sinenyasan ko lamang siya na tumahimik at tinuro ang mga police.
"Tinawagan ko sila dahil nakita kong may kotse na humarurot paalis at ito nga nakita ko ang bag at sapatos mo kaya agad na akong naghinala na kinidnap ka ng itim na kotse na 'yon," naiiyak na saad nito at agad na niyakap ako.
"Anong itsura ba Miss ng kaibigan mong nakidnap?" Tanong ni Manong police na walang buhok.
"Ah, sir kalbs nandito na po 'yung kaibigan ko," alanganing ngiti nitong tugon.
"Ayan sabi kong maghihintay muna tayo ng 24 hours bago maghanap eh," sabi ng isa pang umalis na lumapit sa amin.
"Sorry, Sir akala ko kasi may nangyari nang masama sa kaibigan ko," saad ni Mariveth flashing an apologetic face to the police officers.
"It's okay, Ma'am," sagot nito kay Maribeyh at tumingin sa akin,"Nakidnap ka po ba talaga?" Tanong nito sa akin kaya umiling na lang ako dahil masyado pang mapapahaba ang oras dahil i-interviewhin pa nila ako panigurado.
"Wala naman po silang ginawang masama sa akin, Sir. Biglaan din po iyon at wala rin akong nakilala dahil masyadong mabilis ang pangyayari," saad ko.
"Sige, Ma'am. Kapag may nambulabog po ulit sainyo report niyo ulit kaagad. Sobrang concern sa 'yo ng kaibigan mo, dahil nag-iiyak na ito sa loob ng headquarters habang yakap-yakap ang mga gamit mo," natatawang saad ni Sir Officer na walang buhok.
"Oo naman, Sir no! Love ko kaya ang bestfriend ko," saad ni Mariveth at niyakap ako.
Niyakap ko rin siya pabalik at iiling-iling na napangiti ang dalawang officer.
"Aalis na ho kami," paalam ng mga ito.
"Salamat po mga Sir. Pasensya na po talaga sa istorbo," pahabol na saad ni Mariveth.
"Salamat, Mariveth. O siya aalis na ako, may pasok pa ako," saad ko at kinuha ko sa kanya ag bag at sapatos ko. Mabilis kong kinuha ang suklay sa bag ko at mabilis na sinuklay ang buhok ko pagkatapos ay pinony tail ito. Inayos ko rin ang damit ko at nagbalik normal na ulit ang itsura ko maliban sa namumula kong mga mata dahil sa pag-iyak ko habang naglalakad sa kalsada.
"Aalis ka agad?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mariveth at napatango naman ako dito.
"Kailangan eh," saad ko at patakbo ng umalis.
Agad akong pumara ng taxi at naglagay ng pulbos sa mukha para hindi ako magmukhang haggard pagkatapos ay lipstick at pabango rin.
"Why are you late, Ms. Marasigan?" Salubong na ang kilay ni Sorren ng sandaling hatiran ko ito ng kape."Did Pony got sick again?" Tanong niya. Napatigil ako sa tanong niyang iyon at napa-angat ng tingin sa kanya.
"H-Hindi po, Sir," sagot ko dito.
"Then what? Anong reason na naman ang idadahilan mo kung bakit dalawang oras ka nalate sa trabaho," seryosing saad nito habang nakatitig pa rin sa akin.
"I've been kidnapped by your father to warn me about staying away from you, Sir." That's what I want to say to him pero baka mag-away lang sila dahil sa nangyaring 'yun.
"Nagka-LBM po ako, Sir. I'm sorry," saad ko. Pansin ko ang pagkalma ng ekspresgon niya at kinuha ang kape na nilatag ko sa mesa niya.
"How's your feeling now?" Tanong nito.
"I'm feeling better now, Sir," tugon ko.
"Did you already drink a medicine?" Tanong pa nito at dahan-dahang nilapag sa table ang tasa niya.
"I've already done it, Sir."
"Then, that's good."
"Yes, Sir. I'll take my leave now, Sir."
Tatalikod na sana ako ng bigla niya ulit akong tinawag kaya humarap ulit ako sa kanya.
Bigla kong tinago ang mga kamay ko sa likod ng tapunan niya ito ng tingin at mariing tinikom ang kanyang bibig. Hindi ko alam na mahahalata niya ang mga ito gayong pilit kong tinatakpan ito ng suot kong white silkyblouse?
"What's that red mark on your both wrists?" Seryosong saad niya at sa pagkakataon na 'yun ay nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko pati na rin ang paghinga ko.
"Does having a LBM leaves mark on both of the wrists?" Seryoso at magkasalubong na tanong nito.
What would be the best excuse for this, Diem? Paano ko malulusutan ito?

Book Comment (151)

  • avatar
    ManaliliLyda Luz

    good

    20/04

      0
  • avatar
    AdDa

    abcdefg

    08/03

      0
  • avatar
    Hazjulz Puyong

    so amazing story

    08/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters