logo text

Her Patient Heart: 31

Nakapangalumbaba ako ngayon habang bored na nakatingin sa tv na nasa harapan ko. Sabado at walang pasok pati na rin si Mariveth pero sabi niya ay may lakad raw siya with a special someone kaya heto ako at pinipilit libangin ang sarili sa isang pelikula habang kumakain ng chichirya.
Napahinto ako ng masagi na naman sa isip ko ang sinabi ni Sorren kahapon. Nanindig ang mga balahibo ko ng dumapo sa akin ang nakakakilabot niyang mga tingin na akala mo'y lulunukin niya ako ng buhay.
*Flashback*
"Did I gave you permission na umalis kahit nasa oras ka ng trabaho?" Magkasalubong ang mga kilay na untag nito pero ipinilig ko lang ang ulo ko habang nakayuko.
"As far as I remember sinabihan kita na dumiretso sa kompanya hindi makipaglandian," wika niya at inikot ang swivel chair niya patalikod sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag.
"I'm sorry, Sir..." usal ko.
"Finish your work," walang emosyong wika nito habang nakatalikod pa rin sa akin.
"Okay sir," pagkatapos 'nun ay umalis na ako sa opisina niya at huminga ulit ng malalim.
"Sobrang nakakatakot naman," wika ko at napahawak sa diddib upang pakirandaman ang malakas na kabog ng dibdib ko na parang mga kabayo na nagsisipagunahan sa pag takbo.
*End of flashback*
*phone ringing
Agad akong napa-igtad nang biglang tumunog ang cellphone and speaking of Sorren, he is calling me. I wonder why? Ang alam ko day off ko naman ngayon, bahala na.
Sinagot ko ang tawag nito at narinig ko agad ang malalim niyang boses.
"Where are you?" Malalim na boses na saad nito.
Tumikhim naman ako at nagsalita,"N-Nasa apartment po, Sir."
"Hmm," wika nito. Magsasalita na sana ako uoang tanungin siya kung bakit pero nagsalita ulit siya. "Samahan mo akong bumili ng susuutin sa birthday ng kapatid ni Raven. You're the substitute of my fiancee there, so I need to know if your dress looks presentable. I have to save my face to the crowd," Wika pa nito. Napairap na lang ako sa hangin dahil sa sinabi niya. Mukha ba akong hindi marunong mag-ayos? Tsk!
"Okay, Sir. Mag-hahanda na ho ako," wika ko pero pinigilan niya ako at muling tumikhim.
"Nasa tapat ako ng apartment building niyo, dito na lang kita hihintayin," saad nito at pinatay na ang tawag habang ako ay napanganga na lang dahil sa gulat.
Bakit pa siya nag tanong kung nandito ako? Talagang pumunta pa siya dito at di niya man lang ako ininform?
Agad akong nag-asikaso at for God sake para na akong inasinan dahil hindi ko na alam ang uunahin ko. Natataranta na naman ako kasabay ng mabilis na tibok na naman ng puso ko.
"Kumalma ka, Diem! Kalma!" inis na wika ko sa sarili habang nakatingin sa salamin sa banyo.
Mabilis ang naligo at nakabihis habang sinusuklay ang buhok at naglalagay ng kaunting lipstick para hindi ako magmukhang zombie sa harap ni Sorren.
"You're 12 minutes late," seryosong saad nito. Nahihiya ko naman siyang nginitian at tuluyang napayuko. Pero napa-igtad ako ng bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang baba ko. Unti-unti niya itong inangat kaya nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kanya.
"S-Sir? B-Bakit!?" Hindi niya sinagot ang tanong ko pero pumunta ang hinlalaki niya sa may labi ko at dahil doon ay nakarandam ako ng paninigas ng katawan ko.
"Ang kalat ng lipstick mo. Babae ka ba talaga?" Wika nito ng pasimpleng pinunas ang daliri niya sa gilid ng labi ko pagkatapos 'nun ay tumalikod na siya sa akin at sumakay na sa kotse. Nakatulala pa rin ako at nanatiling nakatayo sa dating pwesto dala ng gulat at hiya dulot ng sinabi niya sa akin ilang segundo lamang.
"What are you standing there for? Aren't you gonna move? Aalis na tayo," saad nito na agad nakapagpapukaw sa akin kaya agad akong nataranta at mabilis na pumunta sa may passengers seat.
Walang kibo akong naka-upo habang nakatingin sa harapan ng kalsada maging siya ay ganun din. Pakiramdam ko ay matutunaw ako sa sobrang awkward ng atmosphere namin dito sa loob ng kotse niya.
Akma kong bubuksan ang radio para mawala ang hiya moment namin pero natigil ako dahil sa agad niya akong pinigilan.
"B-Bakit?" Tanong ko rito.
"Nothing. I just want to ask you something," seryosong wika nito. Nanatiling nakatingin lamang siya sa harapan.
"A-Ano 'yun, Sir?" Nagtataka kong tanong.
Hindi naman agad siya nakasalita kaya nanatiling tahimik ang loob ng kotse niya.
"What it is, Sir?" Tanong ko uli sakaling nakalimutan niya.
"Do you have number of that friend of yours? That Maverick? Margaret? What is her name again?" Nagugulumihanan niyang tanong habang ako naman ay pinipigilan ang sariling matawa.
"I-It's Mariveth, Sir," pilit kong saad habang pinipigilan kumawala ang tawa ko.
"Aw, okay," wika nito at tumikhim.
"Bakit mo po pala gustong hingin?" Tanong ko kahit na alam kong nakakahiya man.
"Nothing. I just want to contact someone in case you're not answering my call or... ignore it," saad nito pero napanguso na lamang ako at tumingin ng diretso sa bintana.
"I'll just send you via sms, Sir," saad ko at hinanap ang number ni Mariveth. Hindi naman siguro siya magagalit noh? Sabihin ko na lang sakanya mamaya.
"Thank you," matipid niyang wika nang marinig ang pagtunog ng cellphone niya.
"Take this," seryosong wika niya at inabot sa akin ang isang purple dress na may heart shaped sa bandang dibdib. Alanganin ko siyang tiningnan pero nginuso niya lang ang hawak-hawak niyang dress sa akin. "Wear it. It's a formal dress after all."
"Okay, Sir," wika ko at agad na kinuha ang dress sa kamay niya."Wala na naman akong magagawa eh," bulong ko.
"What?" Tanong niya pero dire-diretso lang akong naglakad papuntang fitting room.
"Lagi ka na lang bang substitute, Diem? Mahal ko 'yung tao eh," Wika ko pagkatapos ay pumakawala ng isang mapait na ngiti habang ilang minuto nang nakatingin sa sariling reflection sa salamin. Napa-igtad ako ng biglang may kumatok sa pinto.
"Matagal ka pa ba? Do you need my help?" Tanong ni Sorren sa labas ng pinto kaya agad nanlaki ang mata ko.
"W-wag na! A-Ayos na. La-Labas na ako," taranta kong saad. Rinig ko ang papalayo niyang yapak kaya napahinga akong ng malalim. Dahan-dahan kong pinihit ang door-knob pero sinilip ko muna kung nasaan si Sorren at nakita ko siya malapit sa may suit section na nakatalikod at may kausap sa cellphone.
Pinagpag ko ang dress na suot ko at nahihiyang lumapit sa kanya. Ngiting-ngiti naman ang saleslady sa akin kaya gumanti ako sa kanya nang isang matipid na ngiti.
"Kasama ko siya ngayon. Yes... Don't worry she'll attend. Just don't worry about it, Ezra. I'll take care of it. Yes. Okay. I'll hang up now. I'll see you later. Bye," wika niya. Agad akong natigilan ng bigla siyang tumingin sa direksyon ko.
"Kanina ka pa dyan?" Tanong niya pero umiling-iling lang ako."It's nice. You look like a person," nakangising wika niya.
"B-But i'm already a person, Sir," seryoso kong wika.
Ngumisi lang siyang ulit at kinuha ang isang white suit. White and purple naman ang theme ng debut ng kapatid ni Sir Raven at sa tingin ko ay sobrang bagay kay Sorren ang white na suit. He always wear black or blue suits and excited na ako na makita siya with a white suit naman. Dumiretso rin siya sa section kung saan nakalagay ang maraming mamahaling sapatos.
Pinasukat niya pa sa akin ang isang white high heels and kasyang kasya sa akin kaya lihim akong napangiti at tiningnan ang reflection nito sa salamin.
"Be sure to attend it's on tuesday," saad niya ng ibaba niya ako sa tapat ng building ng apartment namin.
Sa Martes na pala, sobrang bilis ng panahon. Baka hindi ko mamalayan kasal na niya.
Huminga ako ng malalim at bagsak ang mga balikat na tinungo ang apartment namin ni Mariveth.
"Oh, saan ka galing? Ano yan?" Tanong ni Mariveth nang sandaling makapasok ako.
"Just a dress and a sandal," malumanay kong wika at napa-upo sa sofa.
"What's with the face?" Kunot-noong tanong niya pero pumikit lang ako at isinandig ang ulo.
"Wow! Ang ganda!" bulalas ni Mariveth. Tumingin ako sa kanya at manghang-mangha siya sa dress na kakabili ko pa lang.
"Maganda nga ang dress substitute naman," bulong ko.
"Grabe! Ang laki pa ng presyo! Na-afford mo'to?" Wika niya pa pero hindi ko lang siya inimikan.
"Nga pala may nag text sa akin isang unknown number. Tinatanong kung ako raw ba si Mariveth? At nung nireplayan kong oo hindi na ulit ako nireplyan. Sino kaya 'yun? Pano niya kaya nakuha number ko?" Sunod sunod na wika niya. Dahil rin dun ay naalala ko na hiningi pala ni Sorren ang number niya.
"Si Sorren 'yun," walang gana kong saad.
"Sorren? Teka... Binigay mo number ko sa lalaking 'yun?" Inis na wika nito pero napapikit lang ako.
"Oo," tipid kong wika.
"Bakit?"
"Ewan."
"Anyways, Sir Pogi invited me. Debut ng kapatid niya and I know what this dress are for. Sasamahan raw ako ni Sir Pogi na bumili ng dress ko at kukunin ko yung kapareho ng suit niya para matchy matchy kami," tili nito kaya napangiti ako ng pilit dahil sa sinabi niya.
"Yah! Good for you," nakapikit ko pa ring saad."See you at the party," dugtong ko pa.

Book Comment (151)

  • avatar
    ManaliliLyda Luz

    good

    20/04

      0
  • avatar
    AdDa

    abcdefg

    08/03

      0
  • avatar
    Hazjulz Puyong

    so amazing story

    08/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters