logo text

Her Patient Heart: 30

"You look stunning, Ma'am! Sobrang ganda! Mukha ka na pong real life princess!" nakangangang saad ng saleslady na kausap ko kanina habang nakatingin sa akin at pumapalakpak pa na dahilan para mailang ako at mapakamot sa batok.
Nagdadalawang isip ako kung lalabas ba ako o hindi dahil sa kanina pa ni Sorren nirereject 'yung mga ipinapakita ko sa kanya na kesyo, "it's okay but can you walk with that?" sabi nito doon sa suot kong mermaid-like na gown na pa closed sa may knee part at pabuka naman sa dulo.
Para sa akin maganda na iyon at pakiramdam ko ay magugustuhan naman iyon ni Ms. Ezra but he just insisted dahil he showed me the replies of Ms. Ezra when he sent the pictures of me wearing those gowns that's been rejected so I left with no choice. Marami pa siyang comments and this one I don't know kung magugustuhan pa rin nila ni Ms. Ezra.
Napagdesisyunan kong lumabas na lang kahit sobrang bigat ng wedding dress na suot-suot ko.
"Sir! Ang ganda ng bride mo," masiglang saad ni Ateng saleslady kaya pinalakihan ko siya ng mata at naitapat ang index finger sa bibig ko para patahimikin siya pero ngumiti lang ito nang malawak.
"That's..." tugon ni Sorren habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa."Wait." Wika niya at itinapat sa akin ang phone niya pagkatapos ay nakarinig ako ng click.
Nakaramdam ako ng konting pagsiko sa akin ng katabi kong saleslady at pulang-pula na ito dahil sa kilig habang ako naman ay parang matutunaw na sa hiya.
"Ezra said it's nice..." Tatango-tango nitong wika kaya nakahinga naman ako ng maluwag. Tumalikod ako ng konti para hilahin pataas ang pa heart shape na hugis sa may dibdib ko dahil off-shoulder rin ito. Halos lahat ng nasusuot ko ay off shoulders.
Para sa akin ito ang pinaka-maganda sa lahat ng naisukat ko dahil kahit mabigat ay para talagang isang real life princess ang bride nito dahil sa ball gown ang wedding dress na kulay baby pink with a ribbon pa sa baba na may manipis na tela mula braso ko hanggang kamay. Sobrang cute to be honest.
"Ah, Sir! Sayang naman ang ganda ni Ma'am kung hindi kayo magpipicture. Kuhanan ko po kayong dalawa," masiglang wika ni Ate Saleslady kaya agad akong umuling at nahihiyang tinapunan ng tingin si Sorren.
"Naku! Huwag na, Sir! Huwag na Ate! H-Hindi naman po ako ang bri-"
"It's okay, make it quick dahil may pupuntahan pa ako," wika ni Sorren kaya naman biglang napapalakpak si Ateng Saleslady.
"Cellphone mo, Ma'am?" Bulong sa akin ni Ateng Saleslady pero sinabi ko na nasa bag ko pa kaya agad siyang nagtungo doon at siya na ang kumuha ng cellphone ko sa bag ko.
Napaigtad naman ako ng marinig kong tumikhim si Sorren kaya tinapunan ko siya ng tingin, sumenyas lang siya na ilagay ko ang kamay sa may siko niya kaya agad ko naman itong sinunod kahit na nanginginig pa rin ang mga kamay ko sa sobrang kaba.
Namumula na ang pisngi ko at hindi ko maintindihan kung dahil ba sa hiya o sa kung saan. Mabilis rin ang pintig ng puso ko na akala mo ay may-nag-uunahan na sa loob ng dibdib ko.
"Okay. In 1...2...3... Say cheese!" Sigaw ng Saleslady kaya napangiti ako.
Tatlong shots ang kinuha niya at may mga nirequest siyang pose sa amin pero dahil sa hiya ko ay mga simpleng pose lamang pero ai Sorren ay nasusunod lahat gaya na lang ng paghapit niya sa bewang ko.
"We'll buy this miss, but we'll not get it now. My real bride will get it here," sabi ni Sorren.
Nilalamig na rin ako dahil sa aircon dito sa loob at dahil na rin sa suot ko na sobrang expose talaga ang shoulders ko.
"You can change," wika ni Sorren kaya napatango lang ako dito.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagbibihis ng masagi sa isipan ko ang papalapit na wedding ni Sorren.
Martyr na ba ako nito? I even wear the wedding gown of my first love's bride. Parang sinusuportahan ko pa si Sorren at ang bride niya. Ang tanong, Diem, hindi ka ba nasasaktan?
Bigla akong napatigil at sa mga sandaling iyon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib ko.
Ano bang ginagawa ko?
"Ms. Marasigan? Are you finished?" Tawag ni Sorren sa labas kaya natauhan ako at nagmamadaling nagbihis.
"I'm already done, Sir," wika ko at lumabas na.
"Let's get back to work. I'm meeting with Mr. Lee, so i'm not going to have lunch with you. Saan ka ba kakain?" Tanong nito habang nagmamaneho at nakatingin ng diretso sa kalsada.
Tumango-tango ako ng dahan-dahan para sang-ayunan siya.
"Ikaw na lang mag message kay Ezra. Sabihin mo sa kanya kung ano ang opinyon mo about 'dun sa wedding gown na sinukat mo," wika nito kaya isinagot ko naman ulit ng tango.
"Ms. Marasigan?" Wika niya pero tumango lang ako sa kanya pero hindi ko inaasahan na ihihinto niya bigla sa gilid ng kalsada ang kotse kaya napalingon ako sa kanya habang nanlalaki ang mga mata ko.
"Y-Yes Sir?" Utal kong wika habang nakatingin sa salubong niyang mga kilay at matalim niyang mga tingin.
"What's happening to you? Why you seemed so lifeless? Are you sick?" Nagtatakang wika nito at nilapit ang kamay sa noo ko na agad kong iniwas pero tiningnan niya lang ako ng may pagbananta kaya hindi na ako lumayo pa."You have no fever but you look pale. Is there something bothering you?"
Mabilis naman akong umiling dahil sa tanong niya at nagwika,"Wala Sir! Wala! Wala akong sakit. G-Gutom lang siguro ako," mabilis kong wika pero naka-kunot pa rin ang noo niya na senyales na hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.
"You sure about that? If you're feeling unwell you can tell me so, i-u-uwi kita, kesa naman mahimatay ka dyan hindi kita maasikaso dahil may pupuntahan ako," wika nito at muling humarap sa kalsada pagkatapos ay ini-start na ang kotse niya.
"Wala po talaga, Sir," wika ko at napayuko na lang.
Wala lang talaga akong gana.
Hindi na ako umimik hanggang sa ibaba niya ako sa may waiting shed kung saan papuntang Nebula at lumiko para puntahan na ang ka-meeting niya.
Napa-buntong hininga naman ako at na-upo sandali sa waiting shed at isinandal ang ulo sa pader.
"Kailan ka ba magigising sa katangahan mo, Diem!" Sigaw ko sa isip ko at napapikit ng mariin.
"Gising ka ba?" Rinig kong wika ng isang boses kaya agad akong napa-igtad.
"Ay, gising!" Bulalas ko habang nakatingin sa kanya dahil sobrang lapit na ng mukha niya sa akin.
Ngumiti lang ito sa akin dahilan para lumabas ang biloy niya sa pisngi at lumayo na sa akin.
"Why are you sleeping here?" Tanong nito pero nahihiya lang akong umiling.
"Hindi po ako natutulog, Sir. Nagpahinga lang sandali," wika ko at tumango lang ito pagkatapos ay umupo sa tabi ko.
"I saw you and Sorren go out kanina, where did you go?" Tanong nito habang nakatingin sa harapan.
"Ahm...n-nag sukat po ng wedding gown na para kay Ms. Ezra. Masyado raw po kasing busy kaya a-ako muna p-pinasukat," naiilang kong tugon dito pero tumango-tango lang ito.
"Malapit na nga pala ang kasal nila," wika nito. Hindi sinasadya ay napalakas ang buntong hininga ko kaya agad siyang napatingin sa direksyon ko.
"Kakapagod, hehe," palusot ko rito pero ngumiti lang ito.
Sandaling tumahimik ang atmospera sa pagitan namin kaya nakaramdam ako ng konting awkwardness.
"Do you like Sorren?" Tanong nito kaya agad akong napatingin sa kanya. Nahuli niya ang tingin ko kaya agad kong binawi dahil nakaramdam agad ako ng hiya sa kanya.
"Why'd you ask, Sir Raven?" Tanong ko pabalik.
Kumibit-balikat lang ito at tumingin sa gawi ko base sa nakikita ko sa peripheral vision ko.
"Nothing. I just felt it. Bilang lalaki nararamdaman ko rin, masyadong manhid lang ata si Sorren not to notice that," wika niya at itinukod sa likod niya ang dalawang kamay niya pagkatapos ay tumingin sa langit.
Masyado bang obvious ang mga kilos at tingin ko kay Sorren para mahalata ni Sir Raven?
"No, Sir," tanggi ko.
"You can tell me, Ms. Dianne. You can trust me," nakangiti nitong wika pilit akong kinukumbinsi.
Maybe it's okay to tell him about it.
Napatingin ako sa kanya pero nakatingin lang siya sa akin habang hinihintay ang sagot ko. Napayuko ako at tumingin sa mga kamay ko pagkatapos ay nagwika,"A-ah. I-I do like him, Sir. Since then, but he's now marrying another girl which he really love so who am I to stop him, right?" Pilit ngiti kong wika.
"Sabagay, you're right," sang-ayon nito kaya napabuntong-hininga na lang ako."Do you have a work now?" Baling nito sa 'kin.
"May aayusin lang na mga reports, Sir," sabi ko.
Pinagpag nito ang dalawang kamay at nakangiting tumayo pagkatapos ay inilahad ang kamay sa akin kaya napatingin ako sa kanya nang may pagtataka.
"Let's remove your stress," nakangiting wika nito. Mabilis niyang ginagap ang kamay ko.
"You don't need a car, Sir. Let's commute," wika ko pero nagsalubong lang ang kilay nito.
"I left my car in the parking lot, i'll just go get my car," Kakamot-kamot sa batok na wika nito kaya napangiti na lang ako dahil sa inosenteng mukha niya."Do you know how to ride a bus?"
Natatawa akong tumango sa kanya at pinara ang bus na papalapit sa direksyon namin.
Manghang-mangha ang mukha ni Sir Raven habang nakasakay kami sa bus. Siya ang umupo sa may bintana at patuloy na pinagmamasdan ang mga nadaraanan namin.
"Grabe. I didn't expect that riding in a bus could be so cool!" Nanlalaking matang wika nito habang parang bata na amaze na amaze sa nakikita. Nawala ang pagka-pormal niya na palaging stilo niya sa tuwing nasa  kompanya. He's so far from the Sir Raven I used to know.
"You have to practice commuting, Sir than driving your own car, it's fun," nakangiting wika ko.
"I didn't expect that there are still beautiful things existing here on earth and it includes you Ms. Dianne," sinserong wika nito.
"T-Thank you, Sir," wika ko. Pakiramdam ko biglang uminit ang mga pisngi ko dahil sa sinabi niyang iyon.
He really knows how to flatter a womans heart.
"You have to remember, Ms. Dianne that we are friends now so don't call me Sir Raven anymore. Call me Raven or Ven and i'll call you Dianne, deal?" Nakangiting wika nito at inilahad ang kamay sa akin.
Ngumiti naman ako sa kanya at tinanggap ang kamay niya.
"You can call me Diem, Sir," suhestyon ko pero umiling lang siya at sinabing okay na siya sa Dianne.
"We're here!" Sigaw nito. Bigla namang nagsitinginan ang mga tao sa bus kaya tinapat ko ang index finger sa bibig niya para patahimikin ito."Why?"
"Para!" Sigaw ko at hinila na si Raven pababa.
"Why are they looking at me?" Kunot-noong tanong nito.
"They thought you're weird," wika ko rito at tumalikod na sa kanya.
"Ah ganun ba?" Wika niya at mabilis akong hinabol.
"Saan po tayo pupunta Sir?" Tanong ko pero hindi ito umimik."Sir?"
"I told you earlier, Dianne. Don't call me Sir anymore and you have to remove that po, i'm just 1 year older than you," nakakunot-noo nitong wika.
"Ayy oo nga pala," wika ko."So... Saan nga po tayo pupunta?"
"And again," seryosong wika nito.
"I'm sorry, Si-Raven," wika ko.
Ngumiti naman ito at nag-thumbs up sa akin,"Maglilibot muna tayo dito hanggang hindi pa dumidilim. I have something to show you," wika nito na ikinakunot naman ng noo ko.
Show me? Dito sa mall?
Sobrang dating tao at marami na rin mga christmas designs dahil sa nalalapit na selebrasyon ng kapaskuhan. Marami na ring mga tao na busy sa pagpipili ng mga ipang-reregalo para sa mga mahal nila sa buhay. May mga kumakain at nagtatawanan sa food court at sa mga kainan dito tulad ng Jolibee, Mcdo, Inasal at marami pang iba. Sobrang crowded at pumapa-ilanlang ang musikang pamasko, idagdag pa ang malamig na atmosperang binibigay ng aircon dito sa loob.
Kanina pa kami libot ng libot pero hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Sir Raven.
"Si-"
"We're here. Just wait for me here," wika nito kaya napatango naman ako. Muntik ko na naman sanang masabi 'yung Sir, buti na lang at pinutol niya ang sasabihin ko.
Pumipila siya sa isang pelikula dito sa sinehan at isa iyong Romcom na palabas kaya nakaramdam ako ng tuwa.
Hindi ko alam na ngayon pala ipapalabas ito. Sobra siguro akong busy sa trabaho noong mga nakaraan kaya hindi ko napansin.
*phone ringing
Napa-igtad ako ng biglang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ng coat ko.
Kinuha ko iyon at nakita ang caller ID.
Mr. Grumpy calling...
Pangalawang tawag na pala niya iyon kaya agad kong sinagot ang tawag niya.
"Yes, Sir?" Agad kong tanong dito.
"Where are you?" seryosong wika nito sa kabilang linya.
"I'm in a mall, Sir," tugon ko.
"What are you doing there? It's just 3:00pm in the afternoon. Did you already finished your work here? Or are you in a date?" Inis na wika nito. Kahit hindi ko nakikita ang mukha nito ay alam ko na magkasalunong na naman ang mga kilay nito.
"No, Sir. I'm just with a friend," wika ko.
"Tch. Someone saw you with a man. You know, Ms. Marasigan hindi kita pagbabawalan if you're flirting or dating, just fucking finish your work before anything else. Or else...or else I will fire you!" Galit na wika nito kaya agad kong nailayo ang phone sa tenga ko.
"Sir si Sir Ra-"
"If you're not here in 10 minutes i'll definitely don't know what I can do to you," wika nito na may pagbabanta.
"Who is that?" Tanong ni Raven kaya agad ko ng pinatay ang tawag at tinago ito sa bulsa ng pantalon ko.
"Ah, R-Raven. I-uhm... I have to go. Maybe next time na lang siguro," tugon ko rito pero ngumiti lang ito.
Nakakahiya sanang sabihin 'yun sa kanya lalo pa at may hawak na siyang dalawang ticket.
"It's okay, Dianne. I'll just save it for the next time," nakangiting wika nito.
Napa-igtad muli ako ng may nag-ring na naman kaya kinuha ko agad ito nagbabakasakaling si Sir Sorren na naman ito pero iba ang nasa caller ID.
Mariveth...Mariveth! Right!
"Ahm. Mariveth? Free ka ba ngayon?"
Habol ang hininga na nakarating ako sa Nebula at mabilis na pinindot ang button.
Mabuti na lang at napaki-usapan ko na samahan si Sir Raven sa sinehan dahil sayang ang ticket at sobrang nahihiya talaga ako na iwanan doon si Sir Raven. Tuwang-tuwa naman si Mariveth at tili nang tili dahil sa sobrang saya.
"It's already 12 minutes, Marasigan."

Book Comment (151)

  • avatar
    ManaliliLyda Luz

    good

    20/04

      0
  • avatar
    AdDa

    abcdefg

    08/03

      0
  • avatar
    Hazjulz Puyong

    so amazing story

    08/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters