Homepage/A Letter for Mary/
Chapter 20
"Maaaring pagod lamang siya sa paghahanda." Sagot ko na lamang dahil wala din naman akong alam na rason kung bakit siya nagkaganoon.
"It seems like you guys didn't see how she stared at Queen Inna." Napantig ang tenga ko kay Castriel na kakalabas lang ng kabilang silid, sa likod nito ay si Fern na nakabihis na at komportableng umupo sa tabi ko.
"Totoo yon, nakita ko kung gaano kalungkot ang tingin ni Lady Iona sa Reyna. Subalit, hindi lang iyon. Maging sa hari at sa mga anak nito, ganon na lamang ang tingin niya.
Napakunot-noo naman ako.
"Mary."
I lifted up my head when Castriel mumbled my name.
"Hmm? Why?"
"Wala ka bang napansin na kakaiba kay Lady Iona? I mean, you were sitting beside her earlier."
Tumayo ako at sumandal sa pader, katabi ni Cas. Bumuntong-hininga bago nagsalita.
"Balisa siya, malungkot yung aura niya at parang nasasaktan. Hindi ko siya nakitang nakatingin sa hari o reyna, sa kawalan pwede pa. Hindi rin siya nakakain ng maayos." Saad ko dahil isang hiwa lang ng Karne ang kinain niya kanina at salad na dalawang kutsara ang dami.
"Pero malay natin baka may pinagdadaanan lang si Lady Iona kaya siya malungkot, hayaan nalang muna natin siya." Si Fern naman ngayon ang nagsalita.
"Gusto niyo bang magpahinga muna?" Tanong ni Cas. "Pwede na muna namin kayong iwan rito at bumalik sa silid.
"No way! Wala akong magawa sa silid natin! Dito lang ako!" Reklamo ni Fern.
Natawa naman ang kambal. "Ikaw talaga ang kulit kulit mo kahit kailan!" Natatawang sabi ni Lady Diana.
"Kulang na lang ampunin ka namin upang di ka na mawalay sa amin e!" Dagdag naman ni Lady Diana.
"Alam ko na! Teka lang may kukunin lang ako!" Humarurot si Fern papunta sa silid nila at pagbalik nito may dala-dala na siyang papel.
"Ano naman yan?" Tanong ko dito.
"It's the schedule, location and time pertaining to the activities." Cas said as he put both of his hands on my shoulder and guided me towards Fern.
Naupo kaming lahat sa lapag kung saan nakalatag ang schedule ng activities.
"Archery, Horse Riding, Painting and Music Festival" pagbabasa ni Lady Iona.
"Ano naman kaya ang ambag ko dito?" Tanong ni Fern sa sarili. "Ang alam ko lang naman ay mangabayo!"
"Edi mangabayo ka, ayan oh horse riding nga diba!" Sagot naman ni Castriel. Itong dalawang to ngayon nga lang nagkita naging magkaibigan na agad. I bet they already introduced themselves in their room. Knowing Castriel, he's too friendly and comfortable to be with.
"Nga pala Cas, I haven't introduced you to the twins yet–––
He cut me off and said, "I know both of them Mary, we went to the same school when we were young and father knows them too."
"Talaga ba?! Sana pinatapos mo muna ako magsalita no?" Inirapan ko siya at tinuon ang pansin sa schedule. Ano bang sasalihan ko rito?
"If you're wondering what activity you should join, just join in all of it."
Lahat ng kasama ko ay napatingin kay Castriel.
"Seryoso ka ba sa sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya, gusto niya ba akong mapahiya?
"Just to tell you guys, Mary here is so talented that I never win when we are both around in competitions like this." I see how proud he is to say that but I'm not that good, sadyang hilig ko lang siguro ang archery, musika at sining.
"THAT MEANS MAY PAMBATO NA TAYO!" Sabay-sabay na sigaw ng tatlo.
"Nako hindi! Ayoko sumali! Nakakahiya at alam kong makakalaban natin ang prinsipe at dalawang prinsesa ng Feath! It's a no for me!"
"Ano ka ba Lady Mary! This is the time to have fun! Also a way to practice your skills! Kung sasali ka, sasali rin kaming apat!" Liana bursted out.
"Oo tama–––teka! Mangangabayo lang ako ah, hindi ako sasali sa sining tapos yung sa musika, baka biglang bumagyo kung kumanta ako e!"
Humagalpak kami nang tawa dahil kay Fern. Mangiyak-ngiyak pa si Lady Diana dahil sa sinabi nito. For a moment there, I knew I found my people.
Tanghalian na at nagbihis kami agad para bumaba at kumain. Nasa labas lang ako ng silid habang hinihintay ang mga kasama ko nang mapansin ko si Caspian sa kabilang sulok ng palapag at nakatingala sa isang pader. I remember I haven't apologized to him formally pagkatapos ko siyang masukahan.
I walked closer and closer to him until I was on his side. Nilipat ko ang tingin sa pader kung saan diretso lang ang tingin niya, saka ko nakita ang isang painting.
It was a painting of the Royal Family.
There stands King Czar with his wife, Queen Inna, their twins Princess Azarina and Princess Czarina, lastly their youngest, Czairo.
"They're almost perfect." Nilingon ko si Caspian.
"Almost?"
"Yes lady, almost."
I wonder how could he say 'almost perfect' when for me, I it as a perfect family?
"I wonder how Lady Iona feels after seeing her ex lover with her sister and their children?" Caspian muttered.
E-Ex lover? S-Sister? CHILDREN?!Download Novelah App
You can read more chapters. You'll find other great stories on Novelah.
Book Comment (54)
Share
Related Chapters
Latest Chapters
good
02/11
0❤️❤️
10/10
0😍😍
03/10
0View All